THREE YEARS AGO
“Zia, hindi ka ba talaga sasama sa amin ng daddy mo?” muling tanong ng kaniyang ina na si Mommy Carol. Nang pumasok ito sa kaniyang kuwarto para muling ayain na sumama sa mga ito.
Buhat ng pagdating niya galing sa eskwelahan ay hindi na natapos-tapos ang pag-aaya nito sa kaniya. At kanina pa rin niya sinasabing hindi siya sasama dahil marami siyang gagawin.
Tiningnan niya ito at muling umiling bago itinuon ang atensyon sa laptop.
Gumagawa siya ng research para sa isa niyang assignment. Hindi naman ‘yon gaanong importante. Pero dahil wala siyang maisip na alibi sa Mommy Carol niya ay nagkunwa-kunwarian siya na maraming ginagawa. Ikinalat niya pa ang mga libro at notebook sa ibabaw ng kama niya para magmukhang marami siyang gagawin.
“Zia, naman! Ayaw mo bang makita ang Kuya Antoine mo? Baka hanapin ka ng Tito Antonio mo. Ano na naman ang idadahilan ko ngayon?"
Muli ay napatingin siya sa ina dahil hindi na nito alam kung papaano siya pilitin para lang sumama.
Si Antonio Savic ay matalik na kaibigan ng magulang niya at business partner. Ang kaisa-isang anak nitong si Antoine Savic ay nagpasya ng manatili for good sa Pilipinas matapos ang ilang taon pananatili nito sa America. Kaya naman tuwang-tuwa rin ang magulang niya nang malaman ang balita dahil parang anak na rin ng mga ito sa Antoine.
“Mom, may exam at assignment ako na kailangang tapusin. Kapag sumama ako sa inyo, ano na lang ang ipapasa ko? Gusto mo bang bumagsak ako?” alibi pa niya para hindi na siya kulitin ng ina.
Mataman siyang tiningnan ng mommy niya at umupo sa gilid ng kama niya.
“May hindi ka ba sinasabi sa ‘kin, Zia?” seryosong tanong ng Mommy Carol niya.
“Mom, wala! Ano naman ang ililihim ko sa’yo? ‘Pag hindi lang sumama may hindi agad sinasabi. Busy lang po talaga ako.” Mahinang tawa ang pinakawalan niya at muling itinuon ang tingin sa laptop.
“Kasi napapansin ko… Parang palagi kang may excuse sa tuwing nandito ang Kuya Antoine mo? Ayaw mong harapin, kahit kausapin ‘di mo rin ginagawa. Hindi ka naman ganiyan dati, ah? Ano ba ang ginawang kasalanan ni Antoine, sa’yo?”
Napakunot-noo siya sa sinabi ng mommy niya. Ganoon ba siya ka-obvious na ayaw niyang makita si Antoine?
Her first crush and her first heartbreak. Antoine hurt her without his knowledge. Nasasaktan siya dahil palaging pinamumukha nito na bata pa siya at hindi ito interesado sa katulad niya. Hindi man nito sinasabi sa kaniya pero dahil alam nito na crush niya ito. Wala itong pakundangan kung magdala ng babae para pasakitan siya.
Antoine is ten years older than her. She was fifteen years old at the time. Young and impulsive. Sanay siyang makuha ang lahat ng atensyon ng mga kalalakihan kahit na dalagita pa siya no’n. She was confident enough. Na mapapansin siya ni Antoine hindi bilang nakababatang kapatid kung hindi isang nagdadalaga. Pero palagi lang siya nitong pinagtatawanan at sinasabihan na bata pa siya para sa mga gano’ng bagay. Ang dapat ‘daw’ pagtuunan niya ng pansin ay ang pag-aaral niya.
Hanggang isang gabi inaya siya ng magulang niya na magpunta sa bahay nina Antoine dahil birthday ng ama nito na si Don Antonio. Dahil alam niyang naroon si Antoine ay sumama siya sa magulang niya. Pumili pa siya ng magandang dress na magmumukha siyang fine woman. Para kapag nakita siya ni Antoine na sa ganoong ayos baka sakaling pasok na siya sa standard nito.
Antoine dated a random woman, model, actress, may mga anak pa ng business partner ng mga ito at ang iba naman ay anak ng politiko.
Pagkarating na pagkarating pa lang nila sa mansyon ng mga Savic ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata si Antoine. Nakita niya itong nagmamadaling lumabas, kaya naisipan niyang sundan ito.
Nakita niya ito sa may gate na may sinalubong na babae na kinulang sa tela dahil sa suot na tube and skirt. Agad hinawakan ni Antoine ang kamay ng babae.
Ewan ba niya, kung ano ang sumapi sa katawan niya at sumunod siya sa mga ito na dumaan sa likod para walang makapansin na ibang bisita. Nakita niyang umakyat ang mga ito patungo sa ikalawang palapag ng mansyon na may pagmamadali sa mga kilos.
Nakita niyang pumasok ang mga ito sa mismong kuwarto ng binata, kaya dahan-dahan din siyang lumapit sa pinto na sakto naman na hindi masyadong nakasara. Kaya kitang-kita niya pa rin ang mga ito.
Gano’n na lang ang pagkabigla niya ng makita ang mga ito na naghalikan habang nakatayo. Gusto niyang umalis sa harap ng pinto pero hindi siya makakilos dahil sa pagkabigla. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Parang may libo-libong karayom na nag-uunahan sa pagtusok sa puso niya.
Kahit na ilang beses niyang pinaaalalahanan ang puso niya na dapat ‘wag masaktan pero tila bingi ito dahil nasasaktan pa rin siya. Kaya simula no’n ay ipinangako na niya sa sarili na hindi na siya maghahabol sa lalaki o kahit makita ito ay hindi na niya gagawin.
Hanggang sa hindi na nga sila nagkita nito nang tuluyan dahil sa America ito kumuha ng Masteral Degree in Aircraft Maintenance Engineering.
Lahat ng nararamdaman niya no’n ay pilit na n’yang kinalimutan. Kung umuuwi man ito sa Pilipinas ay hindi siya sumasama sa magulang niya para makita ito. Lahat ng okasyon umiiwas siya basta alam niyang naroon si Antoine.
She was eighteen ng malaman niyang engage na ito sa long-time girlfriend nito na isang model. Kaya mas lalong hindi na siya nagpakita rito kahit kailan. At ngayon dumating na ito para mag-stay for good sa Pilipinas at i-managed ang Savic Avionics Corporation. At siguro para na rin magpakasal.
“Mom, hindi nga po ako sasama. Marami akong gagawin, sa ibang araw na lang. Pakisabi, na lang kay Tito Antonio dadalaw na lang ako sa kanila kapag ‘di na po ako busy sa school.”
Napabuntong-hininga na lang ang mommy niya at marahan na tumango.
"Sure, ka ba?"
"Opo."
Nang magpaalam na ang kaniyang mommy ay saka lang nakahinga nang maluwag si Zarina at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Engross na engross siya sa ginagawa niya ng mag-ring ang kaniyang cellphone. Tiningnan niya ‘yon para malaman kung sino ang tumatawag.
It was LC, her best friend.
"Hello?" bungad na tanong niya.
"P-please... Come to South Ville, Z-Zia. I need you."
Hindi pa man nakakasagot si Zarina ay biglang nawala ang kausap sa kabilang linya. Bigla siyang kinabahan at dali-daling kinuha ang jacket na nakasampay sa upuan niya. Hindi na niya naisip na magpalit ng damit dahil malapit lang naman ang South Ville sa bahay nila.
Hindi niya alam kung bakit at ano ang problema ng kaibigan niya, dahil hindi naman nito sinabi sa kaniya sa telepono. Basta ang alam lang niya kailangan siya nito at hindi n’ya puwedeng hayaan itong mag-isa. Dahil hindi iilang beses nagtangka itong magpakamatay.
Si LC or Lady Charlene Imperial ay anak ng mayor ng Alabang sa ibang babae. Pero dahil may iniingatan na pangalan ang Mayor ipinalabas na bunsong anak ito sa asawa para hindi lang masira ang magandang imahe nito sa lipunan.
Nang makalabas ay lakad-takbo ang ginawa niya para makarating sa South Ville Country Club na nasa loob ng Village nila. Hindi naman kalayuan ‘yon sa bahay nila. Gusto man niyang mag-scooter paalis ay hindi niya magawa. Dahil alam niyang itatawag ng mga katulong nila sa magulang niya ang pag-alis niya ngayong gabi.
Tumakas lang siya at nagbakod palabas sa kanilang bakuran.
Nang makarating si Zarina sa South Ville Country Club ay agad siyang nagtataka dahil sobrang dilim ng buong kapaligiran.
“Hi! I'm looking for LC, she called me earlier and told me she was here." tanong niya sa guwardiyang naka-duty ng gabing ‘yon.
Ang South Ville Country Club ay pag-aari ng pamilya nila LC kaya anytime p’wedeng pumunta roon ang kaibigan niya.
"Ma'am LC?"
“Yes, si LC.” Nakakunot-noo niyang sagot dito na tila nagtataka pa ito sa tinatanong niya.
“Eh, Ma’am.” Nakapkamot pa ito ng batok at alanganing ngumiti sa kaniya na ikinainis niya nang husto. Dahil sasagot lang naman sa kaniya na ‘nandito o wala’ hindi pa masabi.
“Kuya, sasabihin mo ba sa akin o tatawagan ko si Tito Alex para matanggal ka sa trabaho? Mabilis lang akong kausap,” pananakot niya sa guwardiya.
“Ma’am, ‘wag naman po! Nagtatrabaho lang po ako rito. At isa pa, si Ma’am LC po ang nagbilin sa akin, na kahit sino po ang magtanong at maghanap sa kaniya. ‘Wag na ‘wag ko raw siyang ituturo,” pangangatwiran nito sa kaniya.
"So, ano nga?"
“Nasa loob po, pero ‘wag niyo pong sasabihin na ako ang nagsabi. Buntis po ang asawa ko, at ayoko pong mawalan ng trabaho.”
“Okay, hindi ko sasabihin na ikaw nagsabi,” pagbibigay niya ng assurance sa guwardiya. Kahit papaano naman ay may awa pa rin siya lalo na kung may pamilya nang nadadamay.
Sinamahan pa siya ng guwardiya hanggang sa mismong tapat ng pinto ng pavilion hall.
“Bakit patay ang mga ilaw?” nagtataka niyang tanong sa guwardiya.
“’Di ko po alam, Ma’am. Sabi lang ni Ma’am LC patayin ko ang lahat ng ilaw. Ayaw niyang makakita ng kahit anong ilaw sa paligid.”
Napakunot-noo si Zarina sa sinabi ng guwardiya sa kaniya. Gusto man niyang umalis baka mapahamak siya ay hindi naman niya magawa dahil pinihit na nito ang pinto.
“Pasok na po kayo, Ma’am.”
Alanganin na napatingin si Zarina sa guard bago ibinalik muli ang tingin sa loob ng pavilion na sobrang dilim.
“Kuya, sure ka ba na nandito si LC?” tanong niyang muli sa guard.
Kung siya ang tatanungin. Ayaw na niyang tumuloy sa loob pero dahil pinihit na nito pabukas ang pinto. No choice siya kung ‘di ang pumasok sa loob at hanapin si LC.
“Yes, Ma’am. Nasa loob po siya,” sabi nito at lumayo na sa pinto.
Huminga muna nang malalim si Zarina at pilit na inaalis ang kaba sa dibdib niya. Ang iniisip niya na kailangan siya ng kaibigan niya.
“LC! Charlene!!” sigaw niya nang makapasok sa loob.
“LC, isa... hindi maganda itong ginagawa mo, ah!”
Dahan-dahan pa siyang pumasok sa loob at kinapa ang kanang bulsa ng jacket niya kung saan isinuksok ang cellphone kanina.
“Ayy!” tili niya nang malakas ng biglang pabagsak sumara ang pinto. Ang cellphone na hawak niya ay tumilapon kung saan.
“Chhaarlennee!” muling tawag niya na may halong kaba.
Natigilan si Zarina ng biglang nagliwanag ang buong pavilion kasabay ng pagkanta ng mga taong naroon.
"Happy birthday to you, happy birthday to you."
The shock was an understatement to her face. She can’t believe of what her see. Halos lahat ng mga kaklase at kaibigan niya ay naroon. Sa ayos ng pavilion natitiyak ni Zarina na babaha ng alak at walang tigil na sayawan. Dahil kahit saan ata niya ilingon ang ulo niya may mga alak na nakalagay sa bawat lamesa.
"To my best friend, Zia. Happy twenty-one birthday, cheers!" masayang wika ni LC habang itinataas ang kamay na may hawak na wine glass.
Napailing na lang ng ulo si Zarina sa ginawang panonorpresa sa kaniya ng kaibigan. Buong akala pa naman niya kaya siya nito pinapunta sa South Ville Country Club ay may mabigat itong problema.
‘Yon pala may pa-surprise party pala ito sa kaniya.
"Salamat, best."
Lumapit siya sa kaibigan at yumakap nang mahigpit rito.
Hindi pa naman talaga niya birthday ngayon. Pero dahil isang formal ball party ang naka-set sa birthday niya. At lahat ng imbitado ay mga malalapit na kaibigan, kamag-anak at mga business partner ng magulang niya. Kaya malamang, walang alak na babaha roon. Kung mayroon man? Baka madaling araw na nila ma-enjoy ‘yon kapag nagsiuwian na ang mga bisita ng magulang niya.
Ang pamilya nila ay kilala sa buong business world society dahil sa uri ng kanilang business. Ang mga Montes ay may-ari ng malaking sugar cane sa buong Asya.
“You’re always welcome, best.” Yumakap nang mahigpit si LC sa kan’ya.
Nang maghiwalay sila saka sila nagkatawanan. Tinginan pa lang nila ni LC ay alam na nila ang gusto nilang sabihin sa isa’t isa.
“Best, thank you for this.” Nakangiting pasasalamat ni Zarina sa kaibigan n’yang si LC na naging punong-abala sa pag-organize ng surprise party para sa kaniya. Kung tutuusin advance party itong ginawa sa kaniya dahil next two weeks pa talaga siya mag-bi-birthday. “Tsk, puwede ka naman magpasalamat. Bakit kailangan may pagyakap at paghalik pa sa pisngi?” pagrereklamo nito at saka lumayo nang kaunti sa kaniya. Natatawang lumayo si Zarina sa kaibigan na pinupunasan ng tissue ang pisngi kung saan niya ito hinalikan. Napailing na lang siya sa ginawa ng kaibigan. Kung hindi niya talaga kilala si LC iisipin niya maarte ito at mayabang gaya ng pinapakita nito sa karamihan. “Arte! Ganda ka, girl?” pang-iinis niya habang nakapamaywang. "Are you lesbian?" balik na tanong nito na ikinatawa niya nang malakas. "Duh! I’m not. Okay? Nag-kiss lang sa pisngi lesbian na? Baka ikaw?" ganting tanong niya. “Me?” Exaggerated na itinuro ni LC ang sarili at pinasadahan ng tingin ang suot na black midi
Tila natuod si Zarina sa kinatatayuan niya, ang akma niyang paghakbang ay nabitin sa ere. Hindi niya rin magawang lumingon dahil natatakot siya sa makikita niya. ‘Yong baritonong boses pa nga lang naririnig n’ya, iba na ang epekto no’n sa buong katawan niya. Halos lahat ata ng balahibo sa katawan niya ay nagsitaasan. Ang puso niya tila may sinalihan na car racing dahil sobrang bilis ng tibok no’n, para siyang aatakihin sa puso ng wala sa oras. "I'm impatiently waiting for your answer, young lady! Where have you been? Why have you returned home late? You've lied to your mother, saying you were too busy studying to attend my welcome party." Napalunok si Zarina at dahan-dahan ibinaba ang paa para makatayo nang maayos. Ramdam niya ang inis sa boses nito. Gusto man niyang salubungin ng tingin ito ay hindi niya magawa dahil hindi niya alam kung papaano ito haharapin, at sasagutin. Bigla para siyang natataranta dahil naramdaman niyang kumilos ito mula sa likuran niya at naglakad palapit. G
Nagising si Zarina ng marinig niya ang alarm clock na nasa gawing kanan ng kama niya. Kinuha niya lang ‘yon at idinilat ang isang mata para tingnan kung anong oras na ng mga sandaling ‘yon. It’s ten o'clock in the morning. Masyado pang maaga para gumayak papuntang eskwelahan, dahil alas dos pa naman ng hapon ang pasok niya ngayon. Maingat niyang ibinalik ang alarm clock na hawak at ipinikit ang mata. Gusto pa niyang matulog kahit isa o isa’t kalahating oras pa. Pakiramdam niya naubos ang lahat ng lakas niya at sinabayan pa ng hang-over. Hinila niya ang isang mahabang unan at iniyakap ang mga braso roon. Ang ganda ng panaginip niya na gusto pa niyang balikan dahil nakausap niya raw si Antoine kagabi at niyakap siya nito. Niyakap siya ni Antoine? Biglang napabalikwas ng bangon si Zarina ng maalala si Antoine. Agad niyang napansin na wala siyang ano mang saplot sa katawan. Napalunok siya at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. Nasa tamang silid naman siya at nakita niya pa ang
Mahigpit na nakakipkip sa kili-kili ni Zarina ang comforter nang tumayo s’ya sa kama, dahil sa takot na baka biglang pumasok na naman si Antoine sa kuwarto niya. Hindi pa naman marunong magpaalam ‘yon sa kaniya at basta na lang papasok na akala mo’y may-ari ng bahay. Mabilis ang ginawa niyang paghakbang pahayon sa bathroom na nasa loob ng kuwarto niya. Bago niya isinira ang pinto ng banyo ay inihagis niya papalayo ang comforter para hindi ‘yon mabasa. Gustong-gusto pa sana ni Zarina na magbabad sa bathtub at mag-relax dahil maaga pa naman para pumasok sa eskwelahan. Pero dahil hinihintay s’ya ng binata kaya napagpasyahan na lang niyang maligo gamit ang shower. She felt better after taking a cold shower. Ang dating isang oras mahigit niyang paliligo ay ginawa lang niyang kalahating oras. Kahit pa sabihin na masyadong maaga pa para pumasok pero dahil ihahatid siya ng binata ay ayos lang sa kan’ya. She is in her third year of college and pursuing a business administration major in fin
Simula pagpasok pa lang ni Zarina sa kotse ay kating-kati na siyang magtanong kay Antoine kung ano ang ginawa nito sa loob ng anim na taon na hindi sila nagkikita. Dahil kung pagbabasihan lang niya ang physical appearance nito ay masasabi niyang maraming nagbago rito. Given naman na guwapo talaga si Antoine mula pagkabata baka nga hanggang sa pagtanda nito ay guwapo pa rin. Pero ang gusto niyang malaman kung bakit ito nag-stay sa pang matagalan na relasyon? Dahil tandang-tanda niya pa no’n kung papaano ito naging babaero at nag-girlfriend nang sabay-sabay. Kaya nga siya nasaktan noong fifteen years old siya dahil sinundan niya ito hanggang kuwarto na may kasamang babae. Tapos, the next day ibang babae na naman ang kasama nito. Kaya ang pinagtataka niya nang ibinalita ng ina niya noong disi otso anyos siya, na engage na ito sa long-time girlfriend nito na isang model. Hindi naman siya nagtataka na magkaroon ito ng girlfriend na model dahil marami naman talaga ang nagkakagusto sa la
Tila natulala siya sa nangyari at hindi makagalaw sa kinatatayuan, nakatanaw lang siya na papalayong sasakyan. Kung hindi niya pa narinig ang mahinang pagmumura ni Marlon ay hindi pa babalik ang diwa niya. Bakit ba nakalimutan niya ang kaibigan? Dagli siyang napalingon sa likuran niya. Nakita niyang nakatayo na ang kaibigan habang nakaalalay pa rin ang nobyo nitong si Gio. Saka lang niya napansin ang dugo sa gilid ng labi nito. Gano’n ba kalakas ang suntok ni Antoine? Agad siyang lumapit sa kaibigan para humingi ng paumanhin sa inasal ni Antoine. Buong akala niya ay umalis na si Antoine nang makababa siya ng sasakyan nito. Hindi niya alam na sumunod pala ito sa kaniya. Kung bakit ‘yon ginawa ng lalaki ay wala siyang idea. Clueless siya sa buong pangyayari. Masyadong mabilis, ni hindi nga niya magawang makapag-react. Kahit nga ang subukan na harangan ito ay hindi na niya nagawa. “I’m so sorry, Babe. Hindi ko alam kung bakit—” “Is that your boyfriend?” inis na tanong ni Marlon ha
Kanina pa kinakabahan si Zarina sa hindi niya malaman na dahilan. Pakiramdam niya kailangan na niyang umuwi kahit pa na wala naman naghihintay sa kaniya roon.“Huy! Para kang tanga diyan! Kanina pa ako salita nang salita pero ikaw kanina pa lingon nang lingon sa likuran mo. May nakikita ka ba na hindi namin nakikita, Zia?” naguguluhan na tanong ni LC.“Kinakabahan kasi ako,” pag-amin niya na nagpakawala nang malakas na tawa ni LC.“Ano ka ba naman, Zia! Okay, lang ang kabahan, ‘wag ka lang nerbiyusin.” Patawa-tawa pa nitong sagot.Napakunot-noong inismiran lang ni Zarina ang kaibigan at hindi niya na ito sinagot.“Babe, okay ka lang ba? Kanina ka pa hindi mapakali, gusto mo na bang umuwi na tayo?” mahinang bulong ni Marlon sa tainga niya.“Hmmmm… Okay lang ba? Kanina pa kasi may tumatawag sa cellphone ko, eh! Naka-silent na nga para hindi ko marinig.”“Baka si Mommy mo na ‘yang tumatawag sa’yo.”"Ewan! 'Di—"“Huy! Kayo bang dalawa! Magbubulungan na lang ba kayo, d’yan? Aba’y kanina pa
KINABUKASAN masakit ang ulo ni Zarina nang magmulat siya ng mata. Agad sumalubong sa kaniya ang madilim niyang kuwarto dahil natatabingan nang makapal na kurtina ang bahagi ng bintana at pinto niya sa balkonahe. Tumagilid pa siya sa pagkakahiga at kinapa ang cellphone sa gilid ng kaniyang kama. Binuksan niya ‘yon para tiningnan kung anong oras na ng mga sandaling ‘yon. Pasado alas dos na ng hapon pero pakiramdam niya ay kulang pa rin siya sa tulog. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog kanina basta alam niya ay mag-uumaga na ‘yon. Dahil sa sama ng loob niya nahirapan siyang makatulog agad. Hindi na rin niya nagawang pumasok sa school dahil hindi siya nagising sa alarm na naka-set sa phone niya. Ang pinagdadasal na lang niya na sana si LC naman ang pumasok ngayon para makopya niya ang notes nito. Umupo siya sa kama at hinilot-hilot ang sentido. Dinaig pa niya ang nag-exam kagabi dahil sumasakit ang ulo niya sa walang katapusan na sermon ng Mommy Carol niya tungkol sa nangyari
Tahimik lang na umiiyak si Zarina habang nakadungaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Marlon, pero sinabi na niya na huwag siyang ihatid sa bahay o kahit sa Savic Mansion.Gusto muna niyang mapag-isa. At isa pa, ayaw niyang makita siya ni Antoine na namumugto ang mga mata. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para lumakas lalo ang loob nito na saktan uli siya. Ayaw rin niya na magpaliwanag siya kay Uncle Anton bukas ng umaga kung sakaling makita siya.Huminga siya nang malalim para habulin ang hininga. Nanginginig pa rin siya sa inis at galit kay Antoine.Kinuha niya ang cellphone sa bag na nasa six percent na lang ang battery.Kahit alam niya na baka natutulog na ang mommy niya nagpadala pa rin siya ng message rito para ipaalam na hindi siya makakauwi sa bahay ni Uncle Antonio.Mom, nandito pa po ako sa bahay ni Giselle, may tinatapos kami na report regarding the credit and collection subject namin. Baka kasi, mag-chat or mag-text si Uncle na hindi ako naka
Saktong alas siyete ng gabi nang makarating si Antoine sa school ni Zarina. Hindi siya lumalabas ng kotse at mataman na nakatingin lang siya sa mga estudyante na tumatawid sa kalsada para pumunta sa MK coffee shop na nasa tapat lang din ng eskwelahan. Patingin-tingin lang siya habang naghihintay sa loob ng kotse niya.Eksaktong kinse minuto nang mapansin niya ang isang pamilyar na babae na tila nagmamadali sa paglalakad. Zarina managed to move quickly despite her high heels. Marahil, nagmamadali ito dahil alam nito na nasa labas na siya. Hindi siya tumawag sa dalaga para ma-surprise ito sa dala niya.Napangiti siya at napatingin sa upuan.Tinanggal niya ang pagkakakabit ng seatbelt niya bago niya dinampot ang isang bungkos na pulang rosas. Dumaan muna siya sa isang flower shop para ibili si Zarina ng bulaklak. It sound cliché. Pero, gusto niyang bumawi sa mga sinabi niya kagabi sa dalaga. Kahit na alam naman niya ang totoong nararamdaman ni Zarina para sa kaniya, hindi niya dapat si
Nanlaki ang mga mata ni Zarina nang yakapin siya ni Marlon sa hindi niya malaman na dahilan. Gusto man niyang palayuin ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila. Nasa gitna sila halos ng quadrangle at labasan na rin ng iba pang estudyante. Kaya kung itutulak niya ang kaibigan baka mapahiya lang ito.Ano ba kasi ang nangyayari? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.Huminga siya nang malalim."M-Marlon....""Shhh... Give me a second, please," mahinang bulong nito sa tainga niya.“B-bakit? Ano trip mo?” sagot niya rin na pabulong. Kahit na naiinis siya kanina sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. Hindi naman niya makakayang magalit nang matagal.“Basta. Ngumiti ka at yumakap ka naman na pabalik sa akin na parang nami-miss mo ‘ko.”“Demanding ka!” Nakangiti siya bago niya iniangat ang dalawang kamay para yumakap sa katawan nito. Pinagbigyan niya ito para lang matigil lang ‘to. May ilang minuto rin na magkayakap sila bago kumalas si Marlon sa
Halos hilahin na ni Zarina ang oras para mag-alas siyete na ng gabi. Alas sais pa lang ay panay na ang tingin niya sa relo na suot at sa compact mirror na gamit niya na nakapatong sa lamesa. Sinisugurado niya na maayos ang kaniyang mukha. Kailangan fresh na fresh pa rin ang itsura niya kapag sinundo siya ni Antoine.“Hindi pumasok ang kaibigan mo?” narinig niyang tanong ni Giselle sa tabi niya.Napakunot-noo siya na napalingon sa bagong kaibigan at pumaling sa gawing likuran kung saan na umuupo si LC matapos itong magtampo sa kaniya.“Baka masama ang pakiramdam.”“Masama? Parang nakita ko siya kanina na sumakay sa kotse na nakahinto sa labas ng university.”Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Giselle. Hindi naman siguro ang kotse ni Antoine ang tinutukoy nito?Huminga siya nang malalim at ipinilig ang ulo.Impossible!Impossible na magkita sina LC at Antoine kanina. Dahil kung nagkita sila, e ‘di sana nakita niya rin iyon kanina noong nilingon niya an
Mula sa gate ng Sullers University kung saan siya ibinaba ni Antoine ay malayo-layo pa ang lalakarin niya papunta sa Business Administration Bldg. Literal na tiis-ganda ang ginawa niyang paglalakad dahil sa three-inch na taas ng suot niyang black stiletto habang tirik na tirik ang araw. Hindi niya magawang lumingon sa likuran dahil pakiramdam ni Zarina ang mata ni Antoine nakatuon sa kaniya. Sinadya niya rin na ekendeng ang balakang para mas makuha niya ang atensyon nito.Kailangan panindigan niya ang suot niyang heels at kailangan poise na poise pa rin ang lakad niya kahit parang matatapilok pa siya dahil sa maliliit na bato na natatapakan ng sapatos niya. Taas-noo pa rin siya kahit parang pipikit na ang mga mata niya sa init ng araw. Open ang area na dinadaanan niyang quadrangle kaya wala man lang siyang masisilungan. Wala siyang suot na shades para man lang may proteksyon ang mga mata niya sa init. Wala naman siyang dalang payong kaya wala rin siyang pagpipilian kung hindi ang magp
Nakahawak pa rin ang mga kamay ni Antoine sa manibela at nakayuko ang ulo. Nakatingin siya sa harapan ng patalon na suot niya na tila nag-umbrella dahil sa ginawa ni Zarina. Patigas nang patigas na iyon na parang ibig ng kumawala sa loob dahil sa pabitin-bitin na ginawa nito sa kaniya kanina. Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging epekto sa kaniya ng ginawa ng dalaga. Marahil, sa kawalan na rin ng mapaglalabasan kaya kahit simpleng hawak lang sa hita niya ay malaking impact ‘yon sa pagkalalaki niya. Kailan ba siya huling nakipag-sex? Napailing siya ng ulo ng hindi niya maalala kung kailan. Kaya siguro ganoon ang epekto sa kaniya dahil kulang na siya sa ganoong bagay. Alam niyang ikasasakit ng puson niya ang ginawa ng dalaga sa kaniya kanina. But, damn! Anong gagawin niya? Hindi naman puwedeng makipagsabayan siya sa laro na gusto ni Zarina. Kumbaga sa larong chess, si Zarina ang may control ng board at ang didikta ng laro. Kung magtuloy-tuloy iyon paniguradong checkmate iyon at
Habang nagmamaneho ng kotse si Antoine panay naman ang sulyap niya sa dalaga na tila hindi mababali ang leeg. Pirming nakatingin lang ito sa harapan o hindi kaya ay sa cellphone nitong hawak.Napakunot ang noo niya ng marinig na humagikgik ito habang may binabasa sa cellphone nito. Animo’y may ka-chat at tila nakikipagbolahan. Dahil sa tuwing nagtitipa ito ng message ay may pagkagat-kagat pa ito sa labi na parang kinikilig na hindi malaman. Kung tatawa ba o hindi.Huminga siya nang malalim.May palagay siya na baka kausap nito ang sinasabi nitong boyfriend nito. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito ay wala siyang ideya. Pero kung aayain si Zarina ng boyfriend nito sa kung saan mamayang pag-out nito sa eskwelahan ay hindi niya hahayaan. Hindi siya papayag na pumunta sa kung saan-saan si Zarina at gagabihin umuwi."Do you get what I'm saying?" tanong niya para makuha ang atensyon nito. Lumingon ito sa kaniya na may matamis na ngiti. Siya naman ay pinanatili niyang nakakunot ang mg
Pakendeng ang ginawa niyang paglakad pahayon sa may balkonahe kung saan naroon pa rin si Antoine at ang pagkain na marahil ipinahanda nito para sa kanila. Ang isang tasa na nakalapag doon ay wala ng laman. Nakaupo ito sa may pandalawahan na upuan at nakayuko habang hawak ang cellphone. Hindi niya alam kung umuwi ba ito kagabi o natulog sa isa sa mga guestroom nila na nasa ikalawang palapag din. Gusto man niya tanungin ito ay hindi na lang niya gagawin baka kasi magtunog na interesado pa siya kapag nagtanong siya. “Nandito ka pa rin?” kunwaring inis niyang sita sa lalaki para makuha niya ang pansin nito. Nang makuha niya ang atensyon nito ay halos maningkit ang mga mata nito sa ayos niya. Taas-baba ang ginawa nitong pagsuri sa kaniya at tila sa cellphone nito ibinunton dahil pabagsak nito ibinaba sa lamesa. “Ano ‘yang suot mo?” may inis na sita nito sa kaniya habang nakatingin pa rin sa uniform na suot niya. Ang blazer na ipinatong niya sa balikat kanina ay inalis niya rin kanina b
Pulang-pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya. Mabilis na hinayon niya ang hagdanan at sinadya niyang idabog ang mga para maramdaman ni Antoine ang inis niya. Hangga't hindi pa siya nakakarating sa kuwarto niya ay pigil na pigil siya sa emosyon niya na huwag kumawala sa mga mata niya ang luha na hindi naman nangyari. Dahil pagkatalikod pa lang niya kay Antoine ay kusang tumulo ang luha niya. Pagkapasok niya ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Inis na inihagis niya ang bag sa sofa. Kasabay ng pag-upo niya, ang pagbagsak nang tuluyan ng luha niya. Tuloy-tuloy iyon na kumawala sa mga mata niya. Kung hindi lang siya nag-aalala na baka magising ang mga kasambahay nila at magsumbong sa magulang niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang ihagis at basagin ang mga gamit na nakikita niya sa loob ng kuwarto niya hanggang sa kumalma ang sistema niya. Sana may hawak siyang lampara para hilingin niya na sana magkaroon siya ng amnesia at hindi na niya maalala ang nararamdaman niya kay Antoine.