(This story is TRAPPED SERIES#5)
Pwede ninyong basahin ang iba kong TRAPPED SERIES, punta lang kayo sa profile ko at hanapin ito. 1. TRAPPED WITH HIM 2. HIS INTENTION 3. THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID 4. TRAPPED IN HIS WRATH RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ ***** "I TOLD YOU TO BREAK UP WITH THAT MAN, MARIAN! Masyado ka pang bata para makipagrelasyon! Besides, wala akong tiwala sa lalaking iyan, sisirain lamang ng lalaking iyan ang buhay mo. Mabuti pa ay tutukan mo na lang ang pag-aaral mo, alam mo naman na balang araw ikaw ang magmamana ng lahat!" Nagkatinginan sina Gail at Zera, nakasandal sila ngayon at nakadikit ang tenga sa pintuan ng kwarto ng kanilang nakatatandang kapatid para makiusyuso. Pareho silang napalunok ni Zera. Mukhang galit na galit talaga ang kanilang ama. Nalaman kasi nila na hindi na pumapasok si Marian sa unibersidad, pinili nitong sumama sa nobyo, napapabayaan na nito ang pag-aaral. "Nagkulang ba ako sa paalala sa'yo anak? Binigay ko naman ang lahat sa inyo magkakapatid, hindi ba? Sabihin mo sa akin, anak! Ganon ba kahirap sundin ang utos ko!" Puno ng hinanakit ang boses ng kanilang ama, naroon din ang pagkadismaya sa ginawa ng kanilang kapatid. "I love Junli, dad! Hindi ko siya hihiwalayan, handa akong iwan ang marangyang buhay na ito para makasama lang siya. Kahit ilang beses ninyong sabihin sa akin na iwan siya, hindi ko magagawa, paulit-ulit na siya ang pipiliin ko—" Mahina silang napa-oh ni Zera nang marinig ang malakas na sampal ng kanilang ama. "You are just eighteen years old! Kaya mo bang pakainin ng pag-ibig na iyan balang araw!" Muli silang nagkatinginan ni Zera, pumikit sila at mahina na bumilang ng tatlong segundo bago nagmadaling tumakbo palayo. Natatakot sila ngayon sa kanilang ama. Sa loob ng sampung taon na kasama nila ito, ngayon lang ito nagalit ng husto. "Manang, I want fresh juice and cookies please! Pakidala sa kwarto ko!" Malakas na utos ni Zera na hinihingal pa. Pagdating sa kwarto, agad itong sinara ni Zera. Nanggagalaiti nitong binato ang unan sa dingding ng kwarto. "Kainis talaga si Ate! Wala ba siyang utang na loob? Ang gusto lang naman ni Daddy ay hiwalayan niya si Junli na 'yon para makapag-focus siya sa pag-aaral. Pwede naman siyang lumandi pagkatapos niyang grumaduate ng kolehiyo. Hindi ba pwedeng unahin at piliin niya ang kinabukasan niya?!" Bumaling si Zera sa kanya. "Ikaw, magtapos ka muna bago ka lumandi! Tandaan mo, ito lang ang maigaganti natin sa lahat ng kabutihan na ginawa ni Dad sa atin!" Hindi siya kumibo. "Are you listening to me, Gail!" Sikmat nito, nagsimula na naman itong mainis nang mapansin na parang balewala lang sa kanya ang mga sinasabi nito. "You're just fourteen, Gail. You should listen to me, dahil hindi lang naman 'to para sa akin. Wag kang gagaya kay Ate Marian na inuuna ang sarili. May utang na loob tayo na kailangan bayaran, at mababayaran lang natin 'yon kung magiging mabuting anak tayo kay Dad!" Sa pagkakataong ito, tumango na siya. "Tandaan mo ito, Gail! Lahat ng gusto ni Dad ay kailangan natin sundin, iyon lang ang paraan para mabayaran natin ang ginawa niyang pag-alis sa atin sa ampunan!" 'Utang na loob' It ingrained in her young mind; to finish her studies and help their father to repay a debt of gratitude. Ito ang pangako nila sa sarili ng kanyang Ate Zera. Iyon lang naman ang gusto ng daddy nila, ang makapagtapos sila para balang araw ay makatulong sila sa pamamalakad ng mga businesses nito. Hindi lang 'yon para sa kumpanya, o sa ama nila, para rin kasi iyon sa kanila. Oo, mga ampon silang tatlo, hindi sila magkadudo. Walong taon si Marian, anim na taon si Zera, at siya naman ay apat na taon nang ampunin sila ni Hector Floresca at nang asawa nitong si Geda, mag asawang negosyante. Napakaswerte nilang tatlo dahil hindi lamang sila binusog sa materyal na bagay ng taong umampon sa kanila, binusog din sila ng mag asawa sa pagmamahal. Napahinto si Gail sa paghakbang nang makita nito ang ama na nakatingala sa malaking picture sa dingding, kung nasaan nakasabit ang wedding picture nilang mag asawa. "G-Geda, kung narito ka lang sana ay natutulungan mo akong gabayan ang mga anak natin... b-bakit mo kami iniwan? B-bakit mas pinili mong umalis? B-bakit hindi ang pamilyang ito ang pinili mo? Geda, b-bakit?" Humigpit ang pagkakahawak ni Gail sa strap ng sling bag niya nang marinig ang hagulhol nang ama, mukhang lasing na naman ito. 'Bakit nga ba, mommy?' Masaya naman sila pero mas pinili nito ang lalaki nito kaysa sa kanila. "P-Pati si Marian ay pinili ang lalaking 'yon kaysa ang sundin ang gusto ko... w-wala naman akong hinangad kundi ang mapabuti ang mga anak natin! N-naging masama ba akong ama?!" Tuluyan nang pumatak ang luha sa mata niya nang banggitin ng daddy niya ang tungkol sa Ate Marian niya. Kasalanan niya ito! Nagpatulong ito sa kanya na mag alibi sa daddy nila. Tinulungan niya ito at sinamahan pa sa mall dahil kunwari ay may kailangan siyang bilhin. Pero palusot lang pala iyon nang Ate Marian niya. Nang mismong araw na 'yon ay iniwan siya nito at nakipagtanan sa nobyo nitong si Junli. "This is all your fault!" Paninisi ni Zera. "Kung hindi mo tinulungan na tumakas si Ate Marian ay hindi na malulungkot at masasaktan ng ganyan si daddy! Hindi na nga siya sumaya simula nang mawala si mommy, lumayas pa si Ate Marian! Peste talaga ang babaeng 'yon! Walang utang na loob!!!" Simula nang araw na 'yon ay tinatak niya sa isip na hindi na siya magkakamali pa. Hindi siya gagawa nang bagay na ikakakasama, o ikalulungkot nang daddy nila. Magtatapos siya nang pag aaral at tutulong sa kanilang family business. Hindi siya gagaya sa Mommy at Ate Marian niya. Hindi niya iiwan ang pamilya nila. "Abigail!!!!" Ang malakas na boses ni Nerissa ang umalingawngaw sa buong hallway ng kanilang university. "Oh my god!!! Si Miguel magmamall tour this week!!!" Her design is perfect! All she has to do is prepare the material she needs. Madali na lang tapusin ang pagbuo nito sa oras na— "Gail, are you listening to me?! I said Miguel will be having a mall tour this week! Akin na nga iyan, hindi ka nakikinig sa akin dahil dito eh!" Inagaw nito ang sketch pad na palagi niyang dala. "So?" Nakataas ang kilay niyang tanong, na ikinasimangot ng cute nitong mukha. "Nakakainis ka naman, Gail! Akala ko ba susuportahan mo ako sa lahat ng gusto kong gawin?" Kumibot-kibot ang labi nito, sinimulan din nitong papungayin ang mata. Ganito ang kaibigan niya kapag gustong magpaawa o humingi ng pabor sa kanya. "Hindi mo ako madadala sa ganyan mo, Nerissa. Hindi ko nga kilala ang mukha ni Miguel na iyan. Saka ikaw lang naman ang fan sa ating dalawa, 'di ba? Kung hihiling ka na may kinalaman sa lalaki, huwag mo nang ituloy dahil alam mo na ang sagot di'yan." May pinalidad sa boses na wika niya. Tinutulungan niya si Nerissa na magpalusot sa magulang nito kapag gusto nitong gumala. Pero kapag may kinalaman sa lalaki o date, hindi niya ito tinutulungan. Abala at sayang lang sa oras. "Kaya wala kang boyfriend, eh! Ang sungit mo kasi!"[Gail] “Excuse me. Wala akong boyfriend kasi wala pa sa isip ko ‘yan. Saka seventeen palang ako. Masyado pang bata para makipagrelasyon. Mas mabuti pa na pagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral, matutuwa pa si dad.” "Sige na, tulungan mo akong magpaalam kay mommy at daddy." Umupo ito at umakbay pa sa kanya. "Sige na, bff, please. Hindi nila ako papayagan kapag hindi kita kasama, maawa ka sa maganda mong kaibigan.” Pangongosensya nito sa kanya. Hindi pa ito nakuntento, nilabas pa nito ang picture ni Miguel kuno na hindi niya makita ang mukha dahil tadtad ito ng kiss mark lipstick. "Pagbigyan mo na ako na makita si Miguel, Gail. Sige na, please!" "No... and that is my final answer." Aniya. Pagdating sa bahay, agad siyang humalik sa pisngi ng daddy nila. "Good evening, dad. Ang aga mo naman pong dumating ngayon." Pabagsak siyang naupo sa sofa. Pakiramdam niya ay naubusan siya ng energy dahil sa walang tigil na pangungulit ni Nerissa. Hindi talaga siya nito tinigilan. "Good even
[Gail] "Are you okay, Gail?" May pag aalalang tanong ni Nerissa. "Huh?" Wala sa sariling sambit niya. Narito sila ngayon ng kaibigan sa isang coffe sho habang hinihintay pa ang ibang kasama ni Nerissa sa fans club. "Alam mo no'ng isang araw ko pang napapansin na wala ka sa sarili. Tell me, may problema ba sa bahay ninyo? Napagalitan ka ba ng daddy mo? O nag away kayo ng ate Zera mo?" Umiling siya sa kaibigan. "Yung tungkol lang sa design ko ang iniisip ko, wala ng iba." Pagsisinungaling niya. Dalawang araw na niyang napapanaginipan ang lalaking nakita niya sa mall. Sa panaginip niya ay sinasakal siya nito. Kaya heto, hindi siya makatulog ng maayos dahil sa takot. "Ano 'to?" Kunot-noo niyang tanong kay Nerissa ng ihagis nito sa kanya ang may kalakihang paper bag. "Sa sabado ang mga iyan ang isuot ng lahat ng dadalo sa mall tour ni Miguel." Nagsimula na naman itong magtatalon dahil sa kilig. "Oh my god! Hindi na ako makapaghintay na makita uli siya!" Napangiwi nalang siy
[Gail] Imbis mataranta ito sa kanyang pagsigaw ay narinig niya ang mahina nitong pagtawa, parang natutuwa pa sa kanyang pagkataranta at takot. Dahil sa panginginig ng kanyang katawan sa takot ay hindi niya magawang habulin ito at humingi agad ng tulong... naiwan siyang tulala at shock sa nangyari. Hindi pa nangyari na hindi siya nakinig sa mga lessons sa buong buhay niya. Pero ngayon, heto siya at lutang... naiiyak sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay dama niya ang mainit nitong kamay na dumampi sa gilid ng balakang niya. 'Walang hiyang lalaki 'yon!' "Bakit ba hindi kayo naniniwala sa akin, Sir? I swear, may lalaking pumasok sa ladies restroom at... at tinulungan niya akong magsuot ng underwear ko!" Namumula ang pisngi na ulit niya. Kanina pa siya narito sa istasyon ng pulisya, nagsusumbong, at binibigay lahat ng detalye na kanyang natandaan. Pero imbis na tulungan ay ginigiit ng mga ito na walang pumasok sa restroom na iyon. "Miss, baka nobyo mo lang ang kasama mo do'n
[Gail] HINDI pa niya mapigilan ang mapanganga habang nakatingin sa laman ng paper bag na binigay sa kanya ni Nerissa noong nakaraan. "What the..." nanlalaki ang butas nang ilong na lumabas siya ng cubicle, pero agad din siyang itinulak ni Nerissa pabalik, na para bang alam nito na lalabas siya at magpo-protesta. "Nerissa, hindi ko kayang magsuot ng ganito!" Maisip palang niya ang sarili na suot ang tube green na ito at maikling short-shorts ay napapangiwi na siya. "Gail, naman. Look at me, at us," iminuwestra nito ang suot at ng iba pa na nakabihis na rin. "We looked so beautiful and sexy. Ito ang tamang outfit para i-cheer si Fafa Miguel!" Ani nito sabay tili, na sinundan ng tilian ng lahat na nakapagpabingi sa kanya. "N-no way..." pati headband banner isusuot niya?! Di bale nalang— "Please, Gail... I'm begging you... minsan lang naman ako humingi sayo ng pabor kagaya nito. Gusto lang naman kitang makasama dahil palagi ka nalang busy sa pagdedesign. You have no time for m
[Gail] Panay ang iyak niya habang hawak ang labi, nanginginig pa ang katawan niya sa sobrang takot. Mabuti nalang at hindi na siya sinundan pa ng lalaki. Yakap niya ang sarili habang nakatanaw sa Z-mall. Narito siya ngayon sa labas at wala sa sariling nakatanaw sa gusali. Ayaw niyang pumasok. Natatakot siya na baka naro'n pa ang lalaki at binabantayan siya. Gusto na niyang umuwi. Pero nasa kaibigan niya ang bag, wala siyang pera pamasahe. Tumingala siya ng biglang bumuhos ang ulan. "Shit naman talaga!" Nagmamadali siyang tumakbo para humanap ng masisilungan. Pero sadyanh malas niya ngayong araw dahil wala siyang nahanap. Sobrang lakas ng ulan, sinabayan pa iyon ng malakas na kulog. Dahil kakarampot na tela lang ang kanyang suot ay mabilis na nanuot ang lamig sa kanyang katawan. Ito ba ang tinatawag nilang kamalasan? My god! Simula nang magpunta siya sa Z-mall na ito ay minalas na siya ng husto. Nabastos na siya sa public restroom, pati ba naman rito? Napapitlag siya ng bum
[Gail] "Mabuti pa kumain na muna tayong dalawa bago mag usap." Kumain? Nagagawa pa nitong kumain sa bahay na pinagnanakawan? My god! Gaano kakapal ba ang mukha ng lalaking ito? Kung hindi niya nakita ang pagnanakaw nito sa Z-mall ay iisipin niya na ito ang may ari ng bahay na 'to. Napahinto ito ng mapansin ang hindi niya pagsunod. "G-Gusto ko nang umuwi." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. "L-Look, I p-promise, hindi ako magsusumbong sa pulis. J-Just do your business here, I don't care," Natigilan siya bigla ng maalala ang tatlong gay na kumausap sa kanya kagabi. Bigla siyang nakadama ng konsensya. "T-Tungkol do'n sa tatlong lalaki... h-hindi mo naman siguro sila p-pinatay, h-hindi ba?" Baka kaya tahimik sa paligid dahil pinatay na nito ang mga nakatira rito?! N-no! Sana mali ang hinala niya! Napamaang siya ng malakas itong humalakhak— na para bang may nakakatawa sa sinabi niya. Bigla ay natakot siya para sa sarili niya. Kapag hindi
[Gail] "Abigail!" Humawak siya sa ulo. Pakiramdam niya mas lalo itong sumakit dahil sa matinis na boses ni Nerissa. "Paano mo nagawa sa akin 'to, Gail? Iniwan mo na nga ako kagabi, hindi ka pa nagreply at sumagot sa mga text messages ko. Alam mo ba kung gaano ako nag alala?" Naiiyak na yumakap ito sa kanya. Pero agad din napahiwalay ng may maalala. "Siya nga pala, ang sabi ni Ate Zera hindi ka umuwi. Alam mo ba na sinabi ko nalang na kasama kita kagabi para pagtakpan ka at hindi siya mag alala," Nagdududa siya nitong tiningnan. "Don't tell me... nakipagkita ka sa boyfriend mo ng hindi ko alam?" Nanlalaki ang matang tanong nito. Inikutan niya ito ng mata. "You know I don't have one, Nerissa." Mabuti nalang pala at nakapag alibi ito sa kapatid niya, kung hindi ay baka malagot siya sa ate niya, tiyak din na mapapagalitan siya ng daddy nila. "Alam ko, pero paano kung mayro'n pala." May ngiting tumingin ito sa bandang leeg niya. "Aminin mo nga, sino siya? Ikaw ha, magbestfrie
[Gail] Tinaasan siya ng kilay ni Nerissa. Mayamaya pa ay ngumisi ito sa kanya. “Don’t tell me iyan ang unang experience mo? Teka, kanino? Sino siya?” Sunod-sunod na tanong nito. Iniwas niya ang tingin, kinagat niya ang labi ng madiin para pigilan ang sarili na huwag umiyak at magsumbong. Hindi niya kailanman sasabihin na n*******n siya ng lalaking hindi niya kilala, at worst, baka matanda pa! Kinuha niya ang bag at sinukbit. “Gail, uuwi ka na?” “A-ah, oo… may bibilhin pa kasi ako.” Kailangan niyang makaalis dahil sigurado na uulanin niya ng tanong ni Nerissa at hindi titigilan hangga’t hindi napapaamin. Bakit ngayon lang niya narealized na ito talaga ang plano ng babaeng ‘to? Dahil siguro sa kagat ng lamok sa leeg niya kaya siya niyaya siya nito. “Gail!” Magkapanabay na tawag nila Sandy at Nerissa na hindi niya pinansin. Pagkatapos magpaalam sa ina ng kanyang kaibigan ay nagmamadali siyang umalis. Napapitlag siya sa gulat ng bigla nalang may humablot sa braso niya. “Kuya S-Sa
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s