✨♥️
[Gail] Tinaasan siya ng kilay ni Nerissa. Mayamaya pa ay ngumisi ito sa kanya. “Don’t tell me iyan ang unang experience mo? Teka, kanino? Sino siya?” Sunod-sunod na tanong nito. Iniwas niya ang tingin, kinagat niya ang labi ng madiin para pigilan ang sarili na huwag umiyak at magsumbong. Hindi niya kailanman sasabihin na n*******n siya ng lalaking hindi niya kilala, at worst, baka matanda pa! Kinuha niya ang bag at sinukbit. “Gail, uuwi ka na?” “A-ah, oo… may bibilhin pa kasi ako.” Kailangan niyang makaalis dahil sigurado na uulanin niya ng tanong ni Nerissa at hindi titigilan hangga’t hindi napapaamin. Bakit ngayon lang niya narealized na ito talaga ang plano ng babaeng ‘to? Dahil siguro sa kagat ng lamok sa leeg niya kaya siya niyaya siya nito. “Gail!” Magkapanabay na tawag nila Sandy at Nerissa na hindi niya pinansin. Pagkatapos magpaalam sa ina ng kanyang kaibigan ay nagmamadali siyang umalis. Napapitlag siya sa gulat ng bigla nalang may humablot sa braso niya. “Kuya S-Sa
[Gail] "Ano? You mean, okay lang si Santi? Pero sigurado ako na..." hindi makapaniwalang tiningnan niya ang pulis na kaharap. Sigurado siya sa nakita niya, binubugbog ito! "Miss, naman! Bakit ang kulit mo? Kagagaling lang namin do'n pero ang sabi ng magulang niya ay nasa bakasyon ang anak nila. Hindi siya nasaktan o nabugbog kagaya ng sinabi mo." Hindi na niya pinilit sa pulis ang tungkol sa nakita dahil katulad no'ng una, sa tingin niya ay hindi na naman ito maniniwala. "That's good, fvcker. Huwag ninyong lumpuhin, ako ang lulumpo sa lalaking 'yan—" Mabilis na lumihis siya ng daan ng makita si Miguel na may kausap sa cellphone. This jerk! Sinabi na niya kanina na hindi siya sasakay rito kailanman. Eh ano ang ginagawa nito sa labas ng Police station? Akala niya ay umalis na ito, pero narito pa rin pala ito. Naghihintay ba ito sa kanya? Saka may lulumpuhin ito? Tama nga ang hinala niya. Isa itong bayolenteng tao sa kabila ng mala-anghel nitong mukha. Kaya hindi dapat humuh
[Gail] "Arghhh! Hindi ko matatanggap 'to! Imagine, may swerteng babaeng nakasama si Fafa Miguel kagabi!" halos maibato ni Sandy ang hawak na phone, samantalang si Nerissa naman ay sobra ang pagtitig sa pamilyar na babaeng nasa stolen photo na kuha ng isang fans na katula nito. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok habang tinitingnan ang dalawa na halos mabaliw na sa inis. 'Sinasabi na nga ba, siguradong yari siya kapag may ibang fans na makakakita sa kanila ni Miguel!' Kaya hindi na dapat pa magkrus ang landas nilang dalawa at hindi na sila mag usap pa. Paano nalang kapag nalaman ng mga ito na nakatulog pa siya sa bahay ng mayabang at hambog na lalaking 'yon? Baka maging katapusan na niya! Hindi lamang sina Nerissa at Sandy ang nababaliw, maging ang mga estudiyante sa kanilang cafeteria, mapa-baba, o man binabae ay halos magwala sa galit. Hindi matanggap ng mga ito na may tinatagong 'babae' kuno ang iniidolo nila. "Kapag nalaman ko talaga kung sino ang b
[Gail] Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang bumuga ng hangin habang nakatingin sa blankong sketchpad niya. Wala siyang maisip na design ngayong gabi dahil ang isip niya ay ukupado ng lalaking 'yon. "Ano kaya ang kailangan sa akin ng lalaking 'yon?" mabuti nalang talaga at may baon siyang jacket, kung wala ay hindi siya makakalabas ng hindi napapansin ng binata at matandang inutusan nito. Hindi kaya dahil ito sa damit at sapatos na binigay nito sa kanya? Gusto nitong singilin sa kanya ang ginastos? Mahina niyang napukpok ang ulo. "Ahh, mukhang iyon nga ang dahilan." di bale, kapag nagkita sila ay magbabayad siya. Kinabukasan ay nagpunta sila ng Z-mall nila Nerissa at Sandy. Sabay na wala silang mga pasok kaya nakaalis sila ng magkakasama. Gustuhin man niya na magkulong sa kwarto at mag aral ay kailangan naman niyang bumili ng bagong phone. Nagkatinginan sina Sandy at Nerissa ng makita ang pagyakap niya sa sarili. Bigla kasi niyang naalala ang dahilan kung bakit naw
[Gail] Tumakbo na siya dahil nakita niya na palabas na si Miguel ng entrance. Nakapagtataka ang lalaking 'yon. Sikat na sikat ito, ayon sa na-search niya sa internet kagabi ay mayro'n itong offer kahit sa ibang bansa. Eh bakit parang hindi naman 'yon totoo? Bakit may oras ito para gumala at kumain sa hindi kilalang restaurant kagaya nito? Pasakay na sana siya ng mapansin ang isang may edad na babae na patawid ng kalsada. Base sa paghawak nito sa ulo at pagpikit ay mukhang nahihilo ito. "Oh my god!" nanlaki ang kanyang mata ng makitang may parating na truck, at sakto ang tinutumbok nitong daan sa matanda. Hindi niya alam kung paano siya nakatakbo ng mabilis palapit rito; siguro dahil sa sobrang pag aalala at takot na masagasaan ito ay nabura ang takot niya na baka mapahamak din siya katulad nito. DALAWANG oras na siyang naghihintay na magising ang matandang hinila niya sa kalsada para hindi masagasaan kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Wala naman itong galos
[Gail] Hindi na naging normal ang mga sumunod na araw niya dahil kay Miguel. Pakiramdam niya ay nasa paligid lang ito at sinusundan siya. Mas lalong umingay ang usap-usapan na may nobya na ang binata at ang pinag iinitan ng fans ay ang babaeng nakita umano na kasama nito malapit sa Police Station— na walang iba kundi siya. “Nakakaasar si Kuya! Bigla nalang niyang sinabi sa akin na nawawala ‘yung kuha ng CCTV footage that day. Hindi tuloy natin malaman kung sino ang babaeng kasama ni Fafa Miguel! Nakakainis! Pakiramdam ko hindi lang niya gustong ibigay sa akin, e!” maktol ni Sandy. Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. “Mabuti naman kung gano’n.” Umirap si Nerissa. “Anong mabuti ro’n? Hello, dahil do’n hindi natin makikilala ang babaeng ‘yon. Sayang! Akala ko pa naman ay makikila na natin siya.” “G-Ganyan ba kayo ka obsess na malaman kung sino ang babaeng ‘yon? Saka paano kung nagkataon lang na magkasama sila? E, di nagbintang kayo sa maling tao. Saka wag ninyo akong idamay
[Gail] Nang makita siya ng mga kasambahay ay napanganga ang mga ito. Namumulang hinila niya ang maikling silver cocktail dress na suot. Nakakahiya! Sa sobrang ikli ay ramdam niya ang pagsigid ng hangin sa singit niya! “Kita mo na? Kahit sila gandang-ganda sa’yo! Tara, magpaalam na tayo kay Ate Zera bago umalis.” “Naku, ma’am, Nerissa, hindi pwedeng istorbohin si Ma’am Zera dahil iyon ang bilin niya sa lahat. Mainit ang ulo niya kaya hindi kami pwedeng kumatok sa kwarto niya.” napapakamot na paliwanag nito. “Mabuti pa ay lumakad na kayo, ako na ang magsasabi sa kanya mamaya kapag bumaba na siya sa kanyang kwarto. Siya nga pala,” baling nito sa kanya. “Nagpaalam ka na ba sa daddy mo, ma’am Gail?” Tumango siya. “Opo, nagpaalam na po ako,” Habang sakay ng kotse ni Sandy ay panay ang kanta ng dalawa ng “Lost In Touch” kanta daw ni Miguel. Singer din pala ang lalaking ‘yon. Hindi halata na magaling pala itong kumanta at sumayaw. Sabagay, wala nga pala siyang hilig sa ibang bagay
[Gail] ‘Liligawan kita.’ Kanina pa siya hindi mapakali habang hawak-hawak ang labi. That jerk! After he kissed her, bigla na lamang sasabihin ‘yon! Nababaliw na ba ito? She is only seventeen years old! Is he a pedophile? Gawain ba nito ang pumatol sa batang katulad niya? He is twenty-five years old for heaven sake! Hindi ba ito kinikilabutan sa ginagawa? Naluluha na humiga siya. Naghahalo ang galit at takot niya sa lalaki. Pero wala siyang magawa para ireklamo ito. Kung gagawin niya ‘yon ay sigurado na maaabala ang daddy niya. Saka sigurado siya na siya pa ang masisisi ng mga fans ng lalaki. Sigurado na lalabas na inakit, o nilandi niya ito. Knowing them, they’re a bunch of crazy women! Siya pa at ang pamilya nila ang magiging usap-usapan. “What should I do?” Hindi lamang ang first kiss niya ang kinuha nito, maging ang second kiss niya. What if he will do something stupid and worse next time? Niyakap niya ang katawan. Bigla siyang kinilabutan sa naisip. Hindi mal
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak
“NARITO ANG MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA AMA NI GAIL.” Inabot ni Zandro ang folder na hawak sa kaibigan na si Miguel. “This is beyond my expectations, fvcker. Tiyak kong magugulat ka sa nilalaman ng mga ito.” Napatiimbagang si Miguel ng makita ang nilalaman ng folder. “Fvck!” Napasabunot siya sa buhok. Malayo ito sa inaasahan niya na malalaman. “Hindi basta paninisi lang ang dahilan ni Coby Peralta para pagtangkaan ang buhay ni Gail. Ang nakakagulat, hindi lamang si Gail ang involved sa mga ito kundi mayron pang mas malalim na dahilan.” Pabagsak na umupo si Zandro sa couch at dumekwatro ng upo. Dinampot nito ang baso ng alak at nilagok ito. Kagagaling lamang nito sa misyon. Dumiretso ito sa restaurant ni Nick upang sabihin at dalhin ang impormasyon na kailangan malaman ng kaibigan. Dumating si Nickolas na may dalang panibagong bote ng alak. Pagkatapos lagyan ang baso nito ay tumingin ito sa kanya. “Kung iniisip mo ang mararamdaman ng babae mo, kay Tres mo siya ipatumba. Halang nama
UMILING-ILING siya. Galit ang mga mata na sinalubong niya ang tingin nito. May kinalaman sa pamilya niya? Anong klaseng biro ito? No, hindi ito biro, isa itong bintang na walang katuturan. “Gail, saan ka pupunta?” Tanong nu Joana ng buksan niya ang pinto. “Uuwi na ako.” Masama niyang tiningnan si Coby. “Sa tingin ko kasi ay masyadong napasama ang tama sa ulo ng lalaking iyan kaya kung ano-ano ang sinasabi niya.” “Nasa date kami ni Zera noon sa Zambales, Gail. Nakita namin ang daddy mo kasama ang isang babae. Nagtago kami kasi natakot kami na baka makita niya kami.” Napahinto siya sa pagtangkang pag alis. Umiwas ito ng tingin. “Alam naman namin pareho na bawal siya makipagrelasyon… pero mahal namin ang isa’t isa kaya pinili namin na sumuway. Nang gabi na ‘yon ay nagtaka si Zera. Ang sinabi daw kasi ng daddy niyo ay nasa ibang bansa siya for business.” Sumilay ang ngiti ni Coby bigla sa labi ng maalala ang nobya. “Tuwang-tuwa si Zera ng time na ‘yon kasi mukhang nakita na daw
“Sandali, Gail.” Pigil ni Junli sa kanya. Nginuso nito ang mga bodyguards niya. “Ang sabi ni Coby ay hindi siya makikipag usap kapag may ibang tao tayong isinama. Kaya mas maganda sana kung wag kang magpapasama ng bodyguards.” “Pero kasi- “Tama ang asawa ko, Gail. Mas mabuti kung wala tayong ibang kasama kapag kinausap natin siya. Sa palagay ko kasi ay may trust issue si Coby, Gail.” Naalala niya ang sinabi ng mga nurse kanina. Mukhang tama si Joana. Dahil kung hindi, bakit ito tatakas diba? Nahirapan siyang takasan ang mga tauhan ni Miguel. Inabot pa siya ng dalawang oras bago tuluyan na matakasan ang mga ito. ‘I’m sorry, guys. Pero ngayon lang naman ito.’ pagdating sa restaurant kung saan nasaan ang mag asawa ay sumama siya sa mga ito. Sa isang maliit na village nakatira ang mag asawa. Hindi kalakihan ang bahay ng mag asawa pero malinis naman ang loob at labas. Dahil may kaliitan ay halos mapuno ito ng mga gamit. “Pasensya ka na sa bahay namin ha. Maliit lang ito kumpara s