Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw
Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun
"Berry, gumising ka na at ayusin mo na ang sarili mo. Malapit na tayong bumaba ng bus, narito na tayo sa Maynila," aning utos ng ginang sa kasama nitong dalaga.Naalimpungatan naman ang babaeng tinawag nitong Berry, nakuha pa nitong magpungas ng mga mata bago itinango ang ulo nito sa harap ng ginang at ginising na rin ang kaibigan na katabi n'ya sa upuan."Ikaw din Marife, ayusin mo na rin ang mga gamit mo. Pagtigil ng bus ay maaari na tayong bumaba." Pang-iistorbo ni Aling Cristy sa pagtulog ng dalawang magkaibigang narecruit niya sa probinsya ng Catanduanes.Si Berry at Marife ay matalik na magkaibigan. Mga bata pa lang sila ay palagi na silang magkasama. Magkapitbahay lang kase sila sa bayan ng San Miguel na malayo sa pinakabayan ng Catanduanes.Kung buhay pa rin ang kinalakihang ina at ama ni Berry, sigurado siyang hindi pa rin siya makakaalis sa kanilang lugar.Maglilimang buwan pa lamang ng maulila s'ya sa mga taong inakala niyang mga tunay n'yang magulang.Namatay ang nanay at
Pagpasok nila Berry sa loob ng club na pinasukan nila ni Aling Cristy ay pinaupo muna silang dalawa ni Marife sa isang sulok habang kinakausap ng ginang ang isang babae na panay ang sulyap sa pwesto nilang magkaibigan."Berry, masama ang kutob ko rito. Kinakabahan talaga ako!" kabadong saad ni Marife sa kaibigan."Hindi naman siguro tayo ibebenta ni Aling Cristy dito? wag kang ganyan Fe, kase nakakaramdam na rin ako ng takot ng dahil sa sinasabi mo. Ngayon lang ako nagtiwala sa ibang tao, sana naman ay hindi niya tayo lokohin," pabulong na wika ni Berry kay Marife."Kung sakali man na tama ang kutob ko, wag kang lalayo sa akin ha! palagi ka lang sa tabi ko, okay?" bilin ni Marife kay Berry na tumango naman."Oo, Marife. Ayokong magkahiwalay tayong dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa tabi ko. Huwag mo kong iiwan ha!" pakiusap naman ng dalaga sa kaibigan na hinawakan siya nito sa kamay ng mahigpit.Muli nilang sinulyapan ang pwesto ni Aling Cristy na nakamasid pala
Sa bahay pugad kung saan dinala nung Allan sina Marife at Berry ay sinalubong sila ng babaeng namamahala sa mga taong nakatira doon."Sila na ba ang bagong talent na sinasabi ni Madam Lorena?" tanong ng babaeng halos hindi naman nalalayo ang edad kina Berry sa lalaking umaalalay sa magkaibigan."Sila nga Jessa, ikaw na ang bahala sa dalawang yan. Mga mukhang walang muwang, turuan mo na muna bago mo isabak sa trabaho sa club para may idea sila kung ano ang gagawin nila sa club. Magpapahinga na muna ako at mamaya ihahatid ko na naman ang mga alagang kalapati mo. Ipatawag mo na lang ako mamaya kapag nakaready na kayong lahat," aning saad ng lalaki sa nagngangalang Jessa."Bahala ka, basta siguraduhin mong nakalock ang gate at ang mga kasamahan mo ay nagbabantay roon. Mahirap ng matakasan tayo ng mga ito dahil tayo ang malilintikan," biling saad ni Jessa kay Allan."Kahit hindi mo ipaalala Jessa, Alam ng mga tao ko ang trabaho nila rito. Wag mo kong manduhan ha! hindi ikaw ang boss ko," p
"Marife, anong iniisip mo?" pagpuna ni Berry sa kaibigan na biglang tumahimik."Huwag mo muna akong pansinin Berry," matamlay na turan ni Marife sa kanya."Galit ka ba sa 'kin? kanina ko pa kase napapansin ang pananahimik mo. Nararamdam kong may gumugulo sa iyong isipan, ano ba 'yon? sabihin mo naman sa akin," mahumanay na tanong ni Berry sa kaibigan ng maiwan silang dalawa sa kusina.Nagpaalam kase kanina sa kanila si Janna na may kukunin lang sa silid nito at babalikan daw sila agad, pagkatapos silang maipaghain ng makakain nila."Berry, ayoko sa ganitong lugar. Gusto kong tumakas pero ikaw ang iniisip ko, hindi kita pwedeng iwan at ayokong mapahamak ka dahil sa binabalak ko," mahinang pahayag ni Marife na ikinalaki ng mga mata ni Berry."Fe, huwag na nating subukan. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Jessa sa atin kanina?!" takot na saad ni Berry at yumuko."Patawarin mo 'ko, Marife! kase ng dahil sa akin nakasama ka rito ng dahil sa pagpupumilit kong samahan mo ako. Kung hindi kita
Samantalang ang lalaking nakakita kaninang tanghali kina Berry sa labas ng club ay nakabalik na sa loob ng opisina nito bilang CEO (Chief Executive Officer.) sa kanilang kumpanya.Pagkatapos niyang maihatid ang matalik niyang kaibigan na si Cyrus sa bahay nito ay agad siyang nagbalik sa Construction Company nila."Shlt!" murang wika ni Jayden dahil sa naiinis siya sa sarili kanina pa. Hindi siya makapagfocus sa kanyang ginagawa dahil sa paulit-ulit niyang naalala ang mukha ng babaeng nanalamin sa salamin ng kanyang kotse.Kanina pa siya sa harap ng screen ng laptop niya pero wala siyang nagagawa o natatapos. Napatayo na siya sa kanyang swivel chair upang makapag-isip ng kanyang gagawin para maalis sa isipan niya ang mukha ng babaeng probinsyana.Paroo't parito, pabalik-balik na ang lakad niya sa loob ng kanyang opisina. Ngunit walang ibang pumapasok sa isipan niya. Nag-aalala siya para sa babaeng probinsyana.Naalala niya ng pumasok ito sa loob ng club kasama ang dalawang babae at nai
"Girls, pinatatawag na kayo ni Ate Jessa," aning wika ng isang babaeng bigla na lamang pumasok sa silid nila Berry na ikinagulat nilang apat dahil hindi man lang kumatok ang babae sa pinto.Katatapos lang nila Berry at Marife na ayusin ang mga damit nila sa nakalaang cabinet para sa kanila sa loob ng silid na iyon. Habang ang dalawa nilang kasama ay busy sa kanilang mga ginagawa."Hindi ka ba marunong kumatok?"singhal ni Ginalyn sa babaeng nakatingin kina Berry at Marife."Dito pala sa kwarto ninyo inilagay ang mga bagong dating. Hi, im Teresa, Tere na lang for short. Bago lang din ako, magdadalawang linggo pa lang," aning bati sa kanila ng babaeng kumuha ng kanilang atensyon.Napakunot noo si Marife at si Berry ay napatitig sa mukha ni Teresa.Kung titignan nila kase ng mabuti si Teresa ay para itong hindi problemado na katulad nila. Samantalang sinabi nito na bago pa lang din pala ito sa lugar na iyon."Hi din, ako si Berry at siya naman si Marife. Magkaibigan kaming dalawa," balik