ADRIAN KYLE...Matapos mahimasmasan sa nangyari sa gitna ng daan ay mabilis n'yang pinaharurot ang kan'yang sasakyan kahit na sobrang gulo ng kan'yang.Sa susunod n'ya na iisipin ang mga bagay na iyon. Mas importanti para sa kan'ya si Alonso at ang kaligtasan nito. Dahil sa sobrang bilis ng kan'yang pagmamaneho ay hindi n'ya na namalayan pa na nakarating na pala s'ya sa hospital. Mabilis s'yang bumaba at dumiretso ng pasok sa loob. Hindi alintana ang mga tingin sa kan'ya ng mga tao sa paligid na nadadaanan n'ya. Umakyat s'ya sa taas kung nasaan ang opisina ni Peter.Hindi na s'ya kumatok pa, deritso n'ya ng binuksan ang pinto at naabutan si Peter na kabababa lang ng telepono at mukhang may kausap kamakailan lang."Your timing is just nice Adrian. Tatawagan na sana kita," ang pinsan sa kan'ya."Let's do the test now Peter," seryosong sabi n'ya sa pinsan. Sinipat s'ya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at napailing habang mariin na nakatingin sa kan'ya."Let's go then," sagot ng pin
ADRIAN KYLE...Pagkatapos n'yang makausap si Alonso ay nagpasya na s'yang lisanin ang hospital ngunit parang ayaw gumalaw ng kan'yang mga paa.Kanina pa gustong umalis ayon sa kan'yang isip ngunit ang kan'yang katawan lalo na ang kan'yang paa ay hindi nakikibagay."Are you not going home?" nakataas ang kilay na tanong ni Alonso sa kan'ya. Sinalubong n'ya ang tingin nito at may nakita s'ya na kung ano sa mga mata ng bata ngunit hindi n'ya mapangalanan na emosyon.Magaling magtago si Alonso ng nararamdaman nito at katulad n'ya ay kaya din nitong magkunwari na maayos lang ito."Can I stay here?" walang gatol na sabi n'ya sa bata. Tumaas ang sulok ng labi nito at parang gustong matawa."Stay here? For what? Hindi ka ba hinahanap ng asawa or girlfriend mo?" usisa ni Alonso sa kan'ya. Ngumiti s'ya rito ng sumagi sa isip n'ya ang magandang mukha ni Nalie."She can understand, she's the best girlfriend and she's gorgeous inside and out," puno ng pagmamalaki na pagbibida n'ya rito. Mas lalong
ADRIAN KYLE..."I'm not gonna leave you Alonso, I'm not! Hindi ba sinabi ko na sayo na magkasama tayong harapin ang sakit mong ito? Gagaling ka son, gagaling ka, pangako ni dad yan sayo," puno ng pangako na sabi n'ya sa bata. Umaliwalas ang mukha nito at nakita n'ya kung paano kumislap ang mga mata ng bata. Nang makita n'ya ito ay nagbigay din ito ng kakaibang saya sa kan'yang puso."Talagang-talaga?" dagdag na tanong pa nito."Yes! Talagang-talaga," natatawang sagot n'ya rito sabay tapik sa balikat nito. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Alonso sa kan'ya. This time ay hindi ngiti ng pang-uuyam o pambubwesit sa kan'ya ang ngiti na nakikita sa mukha ng bata.Isa itong ngiti ng totoong saya. Ngiting tagumpay kumbaga na tawag nila. At sa nakikita n'yang saya sa mga mata ni Alonso ay masaya na din s'ya para rito.Kahit papaano ay nagpapasalamat s'ya na napapangiti n'ya ito. Akmang magsasalita pa ang bata ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Peter na may hawak na papel at nagsalita n
ADRIAN KYLE...Nakaupo s'ya sa loob ng chapel habang nakatingin ng mariin sa altar kung saan may imahe ng holy family kung saan si Joseph, Mary at baby Jesus ang naroon.Ngayon ang araw ng operasyon ni Alonso at bago gagawin ang operasyon ng bata ay naisipan n'yang pumasok sa chapel ng naturang hospital.Hindi s'ya madasaling tao ngunit sa oras na ito ay hindi n'ya napigilan ang dumaan sa chapel para magdasal. Hiniling n'ya sa taas na sana ay magiging successful lang ang gagawing bone marrow transplant kay Alonso.Mahigit na s'ya isang oras sa chapel habang hinihiling n'ya ang kaligtasan ng kan'yang anak. Yes! Anak n'ya na si Alonso at ang pakiramdam ng isang ama ay nararamdaman n'ya na simula ng una nilang pagkikita ni Alonso.May ngiti na unti-unting sumilay sa kan'yang labi habang nakatingin sa larawan ng holy family sa harap.Naiimagine n'ya ang pamilya nilang tatlo ni Nalie. Excited na s'yang ipaalam kay Nalie ang tungkol kay Alonso. Alam n'ya na maintindihan s'ya ni Nalie sa kan
ADRIAN KYLE..."Ano pa ang hinihintay mo d'yan Adrian? Nasa sayo ang bone marrow pero parang gusto mo na lang dumikit ng dumikit d'yan kay Nalie," sita sa kan'ya ni Peter. Nakita n'ya kung paano ito pandilatan ni Nalie ngunit katulad kanina ay inirapan lamang nito ang kaibigan. Napailing na lamang s'ya dahil sa ugali ni Peter ngayon. May pagka bugnutin din ito minsan at parang si Henry din ang ugali na sala sa lamig, sala sa init.Hindi n'ya pa naitanong kay Nalie kung gaano ka close o katagal na ang pagkakaibigan ng dalawa ngunit sa nakikita n'ya sa mga ito ay mukhang matagal ng magkakilala ang kasintahan at ang kan'yang pinsan.At dahil doon ay nakaramdam s'ya ng kaunting selos dahil sa matagal na pinagsamahan ng mga ito."Adrian, hello? Nagbibingi-bingihan?" si Peter sa kan'ya. Matalim n'ya itong tinapunan ng tingin ngunit binalewala lamang ng binata at ginantihan din s'ya ng isang matalim na tingin.Hindi n'ya na lamang pinatulan ang loko-lokong pinsan at hinarap na lamang si Nal
ADRIAN KYLE...Pumasok s'ya sa operating room kung nasaan ay naroon din si Alonso. Gagawin na ngayon ang bone marrow transplant para sa kan'yang anak.Bone marrow donation is a surgical procedure na ginagawa sa operating room ng hospital. May dalawang proseso ang bone marrow transplant para sa pagkolekta ng mga blood forming cells para sa naturang bone marrow transplant.Gumagamit ng mga karayom ang mga doctor to withdraw liquid marrow kung saan ang mga blood forming cells are made— sa parehong parti at the back of your pelvic bone.Masakit ang naturang proseso kaya naman ay nagbibigay ng anesthesia ang doctor sa bone marrow donor para hindi nito maramdaman ang sakit.After the donation, your liquid marrow is transported to the patient's location for transplant.Naaawa s'ya sa kan'yang anak at hindi n'ya alintana kung masakit man ang gagawing bone marrow transplant procedure. Ang mahalaga sa kan'ya ay ang gumaling si Alonso."Are you ready Adrian?" pukaw ni Peter sa kan'yang pananahim
NALIE ATHALIA...Wala si Adrian ng mga oras na iyon. Buong araw na itong walang imik at hindi n'ya alam kung nasaan ito. Hindi n'ya mahagilap ang binata at hindi n'ya alam kung saan ito nagpunta. Nakaramdam s'ya ng kakaibang kaba at kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa isip n'ya.Napaisip pa s'ya na ok naman sila kahapon ng binata. Wala naman silang problema at hindi naman sila nag-away na dalawa.Kanina n'ya pa hinihintay ang tawag ni Adrian ngunit wala s'yang narinig mula sa binata kaya naman ay nagpasya s'yang puntahan ito sa bahay nito.Mabilis s'yang nagmaneho patungo sa condo ni Adrian ngunit nadismaya s'ya ng pagdating n'ya ay hindi n'ya mahagilap ang kasintahan.Nakaramdam s'ya ng kaunting kaba na baka iniwan na s'ya ni Adrian. Na baka nalaman na nito ang kan'yang sekreto kaya nagpasya itong iwan s'ya."Adrian! Kyle!" sunod-sunod na tawag n'ya sa lalaki habang pabalik-balik sa loob ng kwarto ng binata at sa sala. Hinalughog n'ya ang buong bahay ngunit wala s'yang nakita na
NALIE ATHALIA...Nilabanan n'ya ang mga senaryo at mga boses na naririnig n'ya sa kan'yang isip. Hindi na s'ya magpapadaig pa rito. Kailangan s'ya ni Khairo ngayon at kailangan n'yang makaalis agad para puntahan ang kan'yang anak sa Germany.Pinulot n'ya ulit ang kan'yang cellphone na nabitawan at narinig n'ya ang boses ni Peter sa kabilang linya na tinatawag ang kan'yang pangalan. Hindi pa pala nito pinatay ang tawag at nanatili pa sa kabilang linya at hinihintay s'ya na makausap ulit.Kinalma n'ya muna ang sarili bago kinausap ang kaibigan.Nagpasya din s'ya na mag book agad ng ticket patungo sa naturang bansa. Sobra-sobra ang kan'yang pasasalamat dahil may taong handang tumulong sa kanila ni Khairo.Hindi sila pinabayaan ng nasa taas. Ibinigay nito ang kanilang hiling at hindi sila iniwan ni Peter.Habang iniisip ang mga bagay na iyon ay naalala n'ya ang apelyedo ni Peter at doon n'ya lang napansin na isa din palang Carson ang kan'yang kaibigan.At naalala n'ya noong sinundan s'y