ADRIAN KYLE..."Ano pa ang hinihintay mo d'yan Adrian? Nasa sayo ang bone marrow pero parang gusto mo na lang dumikit ng dumikit d'yan kay Nalie," sita sa kan'ya ni Peter. Nakita n'ya kung paano ito pandilatan ni Nalie ngunit katulad kanina ay inirapan lamang nito ang kaibigan. Napailing na lamang s'ya dahil sa ugali ni Peter ngayon. May pagka bugnutin din ito minsan at parang si Henry din ang ugali na sala sa lamig, sala sa init.Hindi n'ya pa naitanong kay Nalie kung gaano ka close o katagal na ang pagkakaibigan ng dalawa ngunit sa nakikita n'ya sa mga ito ay mukhang matagal ng magkakilala ang kasintahan at ang kan'yang pinsan.At dahil doon ay nakaramdam s'ya ng kaunting selos dahil sa matagal na pinagsamahan ng mga ito."Adrian, hello? Nagbibingi-bingihan?" si Peter sa kan'ya. Matalim n'ya itong tinapunan ng tingin ngunit binalewala lamang ng binata at ginantihan din s'ya ng isang matalim na tingin.Hindi n'ya na lamang pinatulan ang loko-lokong pinsan at hinarap na lamang si Nal
ADRIAN KYLE...Pumasok s'ya sa operating room kung nasaan ay naroon din si Alonso. Gagawin na ngayon ang bone marrow transplant para sa kan'yang anak.Bone marrow donation is a surgical procedure na ginagawa sa operating room ng hospital. May dalawang proseso ang bone marrow transplant para sa pagkolekta ng mga blood forming cells para sa naturang bone marrow transplant.Gumagamit ng mga karayom ang mga doctor to withdraw liquid marrow kung saan ang mga blood forming cells are made— sa parehong parti at the back of your pelvic bone.Masakit ang naturang proseso kaya naman ay nagbibigay ng anesthesia ang doctor sa bone marrow donor para hindi nito maramdaman ang sakit.After the donation, your liquid marrow is transported to the patient's location for transplant.Naaawa s'ya sa kan'yang anak at hindi n'ya alintana kung masakit man ang gagawing bone marrow transplant procedure. Ang mahalaga sa kan'ya ay ang gumaling si Alonso."Are you ready Adrian?" pukaw ni Peter sa kan'yang pananahim
NALIE ATHALIA...Wala si Adrian ng mga oras na iyon. Buong araw na itong walang imik at hindi n'ya alam kung nasaan ito. Hindi n'ya mahagilap ang binata at hindi n'ya alam kung saan ito nagpunta. Nakaramdam s'ya ng kakaibang kaba at kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa isip n'ya.Napaisip pa s'ya na ok naman sila kahapon ng binata. Wala naman silang problema at hindi naman sila nag-away na dalawa.Kanina n'ya pa hinihintay ang tawag ni Adrian ngunit wala s'yang narinig mula sa binata kaya naman ay nagpasya s'yang puntahan ito sa bahay nito.Mabilis s'yang nagmaneho patungo sa condo ni Adrian ngunit nadismaya s'ya ng pagdating n'ya ay hindi n'ya mahagilap ang kasintahan.Nakaramdam s'ya ng kaunting kaba na baka iniwan na s'ya ni Adrian. Na baka nalaman na nito ang kan'yang sekreto kaya nagpasya itong iwan s'ya."Adrian! Kyle!" sunod-sunod na tawag n'ya sa lalaki habang pabalik-balik sa loob ng kwarto ng binata at sa sala. Hinalughog n'ya ang buong bahay ngunit wala s'yang nakita na
NALIE ATHALIA...Nilabanan n'ya ang mga senaryo at mga boses na naririnig n'ya sa kan'yang isip. Hindi na s'ya magpapadaig pa rito. Kailangan s'ya ni Khairo ngayon at kailangan n'yang makaalis agad para puntahan ang kan'yang anak sa Germany.Pinulot n'ya ulit ang kan'yang cellphone na nabitawan at narinig n'ya ang boses ni Peter sa kabilang linya na tinatawag ang kan'yang pangalan. Hindi pa pala nito pinatay ang tawag at nanatili pa sa kabilang linya at hinihintay s'ya na makausap ulit.Kinalma n'ya muna ang sarili bago kinausap ang kaibigan.Nagpasya din s'ya na mag book agad ng ticket patungo sa naturang bansa. Sobra-sobra ang kan'yang pasasalamat dahil may taong handang tumulong sa kanila ni Khairo.Hindi sila pinabayaan ng nasa taas. Ibinigay nito ang kanilang hiling at hindi sila iniwan ni Peter.Habang iniisip ang mga bagay na iyon ay naalala n'ya ang apelyedo ni Peter at doon n'ya lang napansin na isa din palang Carson ang kan'yang kaibigan.At naalala n'ya noong sinundan s'y
NALIE ATHALIA...Nakarating s'ya sa Germany ng matiwasay. May sumundo sa kan'ya na taohan ni Peter. Hindi lingid sa kan'ya ang connection ni Peter kahit saang bansa sila magpunta. Hindi lamang ito simpling doctor si Peter at alam n'ya kung ano at sino ito sa totoong buhay.May nakakatakot na kataohan si Peter ngunit hindi s'ya takot sa binata bagkus ay nagpapasalamat pa s'ya rito dahil kaya sila nitong protektahan ni Khairo.Kung hindi lang s'ya nakiusap noon kay Peter ay baka kung ano na ang ginawa nito kay Lincoln. Galit din ito kay Lincoln dahil sa panghahamak ng lalaki sa kan'ya ngunit wala naman itong nagawa dahil pinakiusapan n'ya ito na hayaan na lang ang dating asawa dahil kaya n'ya naman ito.Ito ang sinabi n'ya sa kaibigan ngunit ang totoo n'yan ay wala naman s'yang nagawa para protektahan at ipangtanggol ang kan'yang sa sarili laban sa dating asawa.Itinago n'ya ang lahat kay Peter dahil ayaw n'yang magalit ito at baka kung ano pa ang magawa nito kay Lincoln.Sumakay aga
NALIE ATHALIA...Madamdamin ang pagkikita nilang muli ni Khairo. Sobra n'yang na miss ang kan'yang anak. Ang mga bagay na ginagawa nila dati noong ok pa silang dalawa ng kan'yang anak.Na miss n'ya ang malambing na Khairo. Mama's boy ang kan'yang anak dati at halos hindi na ito maalis sa kan'ya kaya naman nang magpakasal s'ya kay Lincoln ay nagalit ito at doon nagsimula sa paglayo ng loob ng kan'yang anak sa kan'ya.Ngunit ngayon ay binigyan ulit sila ng pagkakataon na magkasamang muli at hindi n'ya aaksayahin ang pagkakataon na ibinigay ulit sa kanila ng maykapal.Ipinapangako n'ya sa sarili na hindi n'ya na aaksayahin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng kan'yang anak. Gagawin n'ya ang lahat na maibalik sa dati ang kanilang pagsasama ni Khairo."Kamusta ka anak? May masakit ba sayo?" masuyong tanong n'ya rito habang masuyo na hinahaplos ang ulo ng anak na wala ng buhok.Nagpaalam si Peter na iiwan muna sila para makapag-usap sila ni Khairo kaya naiwan silang dalawa ni Khairo sa
NALIE ATHALIA...Samot-saring emosyon ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Takot at kaba ang nasa dibdib n'ya ng makita n'ya si Adrian.Hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin kay Adrian ng makita n'ya ito. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan habang nanginginig ang kan'yang buong katawan. Nakita n'ya kung paano magulat ang kasintahan ng makita s'ya sa loob ng kwarto ni Alonso. Hindi matatawarang kaba ang nararamdaman n'ya ng mga oras na iyon. Ngunit ng maisip ang kan'yang anak ay pinatapang n'ya ang sarili at pilit na nilabanan ang takot na nararamdaman. Nangako na s'ya sa sarili na uunahin n'ya na si Khairo at ipaglalaban n'ya na ang anak sa kahit na sino.Lihim s'yang nagdadasal at mukhang dininig naman agad ng Dyos ang kan'yang panalangin dahil agad na tinawid ni Adrian ang kanilang pagitan at niyakap s'ya ng kasintahan ng mahigpit.Biglang nag-unahan sa paglandas ang kan'yang mga luha dahil ramdam n'ya ang init at pagmamahal ni Adrian ng mga oras na iyon.Mas lalo pa s'y
NALIE ATHALIA..."Wait for us baby. Hintayin mo kami ng anak natin, ok? Hmmmm.!" si Adrian sa kan'ya habang sapo-sapo ang kan'yang pisngi.Nasa labas sila ng operating room kung saan gaganapin ang bone marrow transplant mula kay Adrian patungo kay Khairo.Nauna ng naipasok si Khairo sa loob at pinatulog muna ito ni Peter kanina bago ipinasok sa loob}. Si Adrian na lang ang nasa labas at kausap n'ya ngayon.Parang hindi na ito maalis sa tabi n'ya pero dahil kailangan nitong pumasok sa loob para sa gagawing bone marrow transplant ay wala itong nagawa kundi ang iwan s'ya sa labas.Sobra-sobra ang pasasalamat n'ya sa Dyos at kay Adrian dahil sa wakas ay magkakaroon na ng katuparan ang matagal n'ya ng ipinagdarasal na gumaling na si Khairo.Malaki din ang utang na loob n'ya kay Peter na hindi sila sinukoan ng kan'yang anak at hanggang ngayon ay nand'yan pa rin nakaalalay at handang tumulong sa kanilang dalawa ng kan'yang anak.Ngayon n'ya lang napagtanto na napaka swerte n'ya sa mga Carson