NALIE ATHALIA...Nakarating s'ya sa Germany ng matiwasay. May sumundo sa kan'ya na taohan ni Peter. Hindi lingid sa kan'ya ang connection ni Peter kahit saang bansa sila magpunta. Hindi lamang ito simpling doctor si Peter at alam n'ya kung ano at sino ito sa totoong buhay.May nakakatakot na kataohan si Peter ngunit hindi s'ya takot sa binata bagkus ay nagpapasalamat pa s'ya rito dahil kaya sila nitong protektahan ni Khairo.Kung hindi lang s'ya nakiusap noon kay Peter ay baka kung ano na ang ginawa nito kay Lincoln. Galit din ito kay Lincoln dahil sa panghahamak ng lalaki sa kan'ya ngunit wala naman itong nagawa dahil pinakiusapan n'ya ito na hayaan na lang ang dating asawa dahil kaya n'ya naman ito.Ito ang sinabi n'ya sa kaibigan ngunit ang totoo n'yan ay wala naman s'yang nagawa para protektahan at ipangtanggol ang kan'yang sa sarili laban sa dating asawa.Itinago n'ya ang lahat kay Peter dahil ayaw n'yang magalit ito at baka kung ano pa ang magawa nito kay Lincoln.Sumakay aga
NALIE ATHALIA...Madamdamin ang pagkikita nilang muli ni Khairo. Sobra n'yang na miss ang kan'yang anak. Ang mga bagay na ginagawa nila dati noong ok pa silang dalawa ng kan'yang anak.Na miss n'ya ang malambing na Khairo. Mama's boy ang kan'yang anak dati at halos hindi na ito maalis sa kan'ya kaya naman nang magpakasal s'ya kay Lincoln ay nagalit ito at doon nagsimula sa paglayo ng loob ng kan'yang anak sa kan'ya.Ngunit ngayon ay binigyan ulit sila ng pagkakataon na magkasamang muli at hindi n'ya aaksayahin ang pagkakataon na ibinigay ulit sa kanila ng maykapal.Ipinapangako n'ya sa sarili na hindi n'ya na aaksayahin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng kan'yang anak. Gagawin n'ya ang lahat na maibalik sa dati ang kanilang pagsasama ni Khairo."Kamusta ka anak? May masakit ba sayo?" masuyong tanong n'ya rito habang masuyo na hinahaplos ang ulo ng anak na wala ng buhok.Nagpaalam si Peter na iiwan muna sila para makapag-usap sila ni Khairo kaya naiwan silang dalawa ni Khairo sa
NALIE ATHALIA...Samot-saring emosyon ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Takot at kaba ang nasa dibdib n'ya ng makita n'ya si Adrian.Hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin kay Adrian ng makita n'ya ito. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan habang nanginginig ang kan'yang buong katawan. Nakita n'ya kung paano magulat ang kasintahan ng makita s'ya sa loob ng kwarto ni Alonso. Hindi matatawarang kaba ang nararamdaman n'ya ng mga oras na iyon. Ngunit ng maisip ang kan'yang anak ay pinatapang n'ya ang sarili at pilit na nilabanan ang takot na nararamdaman. Nangako na s'ya sa sarili na uunahin n'ya na si Khairo at ipaglalaban n'ya na ang anak sa kahit na sino.Lihim s'yang nagdadasal at mukhang dininig naman agad ng Dyos ang kan'yang panalangin dahil agad na tinawid ni Adrian ang kanilang pagitan at niyakap s'ya ng kasintahan ng mahigpit.Biglang nag-unahan sa paglandas ang kan'yang mga luha dahil ramdam n'ya ang init at pagmamahal ni Adrian ng mga oras na iyon.Mas lalo pa s'y
NALIE ATHALIA..."Wait for us baby. Hintayin mo kami ng anak natin, ok? Hmmmm.!" si Adrian sa kan'ya habang sapo-sapo ang kan'yang pisngi.Nasa labas sila ng operating room kung saan gaganapin ang bone marrow transplant mula kay Adrian patungo kay Khairo.Nauna ng naipasok si Khairo sa loob at pinatulog muna ito ni Peter kanina bago ipinasok sa loob}. Si Adrian na lang ang nasa labas at kausap n'ya ngayon.Parang hindi na ito maalis sa tabi n'ya pero dahil kailangan nitong pumasok sa loob para sa gagawing bone marrow transplant ay wala itong nagawa kundi ang iwan s'ya sa labas.Sobra-sobra ang pasasalamat n'ya sa Dyos at kay Adrian dahil sa wakas ay magkakaroon na ng katuparan ang matagal n'ya ng ipinagdarasal na gumaling na si Khairo.Malaki din ang utang na loob n'ya kay Peter na hindi sila sinukoan ng kan'yang anak at hanggang ngayon ay nand'yan pa rin nakaalalay at handang tumulong sa kanilang dalawa ng kan'yang anak.Ngayon n'ya lang napagtanto na napaka swerte n'ya sa mga Carson
NALIE ATHALIA...Naiwan s'yang mag-isa sa labas ng pumasok na ang dalawang doctor na kasama din sa bone marrow transplant.Naupo s'ya sa upoan habang hinihintay ang kan'yang mag-ama. Lihim s'yang napangiti ng maalala ang katagang mag-ama. Nakaramdam tuloy s'ya ng excitement na magkasama na silang tatlo kapag nakalabas na si Khairo.Ngayon pa lang ay naiimagine n'ya na ang magiging buhay nilang tatlo. Nakakagalak ng puso na may matatawag na s'yang pamilya.Si Adrian ang naging tulay para bumalik sila sa dati ni Khairo. Kung hindi dahil dito ay baka hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap ng kan'yang anak.Ang kan'yang iniisip tungkol sa pamilya nila ni Adrian ay napalitan ng mga nangyari kanina. Ang dalawang tao na nakausap n'ya kanina. Palaisipan pa rin sa kan'ya ang dalawang iyon na bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan at kinausap s'ya.Ang babae na ngayon n'ya lang nakilala ngunit parang may malalim na koneksyon sila sa isat-isa. Napabuga s'ya ng hangin dahil sa samo
NALIE ATHALIA...Pakiramdam n'ya ay namanhid ang kan'yang buong katawan at hindi n'ya alam kung bakit. Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata at inilibot n'ya ang tingin sa paligid. Puro puti ang bumungad sa kan'ya na ikinakunot ng kan'yang noo dahil nagtataka s'ya kung bakit nasa puting kwarto s'ya."Ano ang nangyari?" mahinang tanong n'ya sa sarili.Ilang minuto pa muna na nakatunganga s'ya bago naging malinaw ang lahat sa kan'ya. Agad s'yang napabalikwas ng bangon ng maalala ang lahat."You're up!" ang boses ng isang babae ang kan'yang narinig. Inilibot n'ya ang tingin at ang babaeng doctor ang bumungad sa kan'ya."Nasaan ako? Anong nangyari?" tanong n'ya rito habang nakakunot ang noo dahil sa pagtataka."Nawalan ka ng malay kaya ka pinapasok dito peanut," sagot nito at tumayo sa pagkakaupo at lumapit sa kan'ya.Narinig n'ya ang pagbuga nito ng hangin habang papalapit sa kan'ya. Tumayo ito sa kan'yang harapan habang mariin na nakatingin sa kan'yang mukha."I told you peanut, do
NALIE ATHALIA...Matapos mahimasmasan sa pagkagulat sa mga sinabi ni Peter ay nagpaalam ang kan'yang kaibigan na magpapahinga saglit. Naiwan s'yang mag-isa na magulo ang isip at hindi alam kung saan magsisimula dahil sa sobrang dami ng mga palaisipan sa kan'ya sa isang araw lamang.Ayon kay Peter ay tumagal daw ng halos anim na oras ang procedure ng pag transplant ng bone marrow kay Khairo mula kay Adrian. Nagulat pa s'ya ng malaman n'ya na ganon pala s'ya katagal na walang malay.Hindi n'ya man lang nabantayan ang kan'yang mag-ama habang nasa loob ng operating room. Ang hindi n'ya maintindihan ay kung bakit s'ya nawawalan ng malay sa tuwing may mga imahe at senaryo na bigla na lamang lumilitaw sa kan'yang balintataw.Doctor s'ya at hindi lingid sa kan'ya ang mga ganitong kaso ng isang tao ngunit natatakot lang s'ya na aminin sa kan'yang sarili na may ganon s'yang sakit.Kailangan n'ya munang alamin ang lahat ngunit hindi muna sa ngayon dahil kailangan n'ya munang unahin na alagaan a
NALIE ATHALIA...Naging maayos naman ang pagpapagaling ni Khairo sa hospital. Mabilis na gumaling ang kan'yang anak dahil na rin sa tulong ni Adrian.Nakakatuwa na pati si Adrian ay mabilis din na bumalik ang lakas. Araw-araw ay nakitaan n'ya ito ng excitement na gumaling agad ang anak nila dahil habang nagpapagaling pareho ay sandamakmak sa dami ng plano ang napag-usapan ng kan'yang mag-ama sa oras na nakalabas na ang mga ito sa hospital.Natatawa na lamang s'ya habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Sino ang mag-aakala na hindi magkadugo ang dalawa? Adrian treats Khairo like his own son and so Khairo as his own father to Adrian.Magkasundo ang dalawa at ngayon pa lang ay nakikita n'ya na magiging magkakampi ang mga ito laban sa kan'ya.Si Adrian ang kan'yang katuwang sa pag-aalaga kay Khairo kaya hindi s'ya nahirapan sa pag-aalaga sa kan'yang anak.Katulad na lang ngayon na si Adrian ang nagpapakain dito at s'ya naman ay nakaupo lang sa sofa habang nakatingin sa dalawang lalaki