NALIE ATHALIA...Matapos mahimasmasan sa pagkagulat sa mga sinabi ni Peter ay nagpaalam ang kan'yang kaibigan na magpapahinga saglit. Naiwan s'yang mag-isa na magulo ang isip at hindi alam kung saan magsisimula dahil sa sobrang dami ng mga palaisipan sa kan'ya sa isang araw lamang.Ayon kay Peter ay tumagal daw ng halos anim na oras ang procedure ng pag transplant ng bone marrow kay Khairo mula kay Adrian. Nagulat pa s'ya ng malaman n'ya na ganon pala s'ya katagal na walang malay.Hindi n'ya man lang nabantayan ang kan'yang mag-ama habang nasa loob ng operating room. Ang hindi n'ya maintindihan ay kung bakit s'ya nawawalan ng malay sa tuwing may mga imahe at senaryo na bigla na lamang lumilitaw sa kan'yang balintataw.Doctor s'ya at hindi lingid sa kan'ya ang mga ganitong kaso ng isang tao ngunit natatakot lang s'ya na aminin sa kan'yang sarili na may ganon s'yang sakit.Kailangan n'ya munang alamin ang lahat ngunit hindi muna sa ngayon dahil kailangan n'ya munang unahin na alagaan a
NALIE ATHALIA...Naging maayos naman ang pagpapagaling ni Khairo sa hospital. Mabilis na gumaling ang kan'yang anak dahil na rin sa tulong ni Adrian.Nakakatuwa na pati si Adrian ay mabilis din na bumalik ang lakas. Araw-araw ay nakitaan n'ya ito ng excitement na gumaling agad ang anak nila dahil habang nagpapagaling pareho ay sandamakmak sa dami ng plano ang napag-usapan ng kan'yang mag-ama sa oras na nakalabas na ang mga ito sa hospital.Natatawa na lamang s'ya habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. Sino ang mag-aakala na hindi magkadugo ang dalawa? Adrian treats Khairo like his own son and so Khairo as his own father to Adrian.Magkasundo ang dalawa at ngayon pa lang ay nakikita n'ya na magiging magkakampi ang mga ito laban sa kan'ya.Si Adrian ang kan'yang katuwang sa pag-aalaga kay Khairo kaya hindi s'ya nahirapan sa pag-aalaga sa kan'yang anak.Katulad na lang ngayon na si Adrian ang nagpapakain dito at s'ya naman ay nakaupo lang sa sofa habang nakatingin sa dalawang lalaki
NALIE ATHALIA...Pagkalipas ng tatlong linggo ay pinalabas na sila sa hospital. May schedule naman sila sa mga follow up check up ni Khairo at ganon din kay Adrian. Kailangan pa ng dalawa na masuri sa mga susunod na mga araw, buwan o baka abutin pa ng taon lalo na si Khairo na s'yang kailangan na matutokan ng mabuti.Kahit pa sabihin na nagkaroon na ito ng bone marrow transplant at patay na ang mga cancer sa katawan nito ngunit kailangan pa rin nila na makasiguro sa kalusogan ng kan'yang anak.Traidor ang sakit na cancer at hindi ito basta-basta mawawala agad sa katawan ng tao kahit pa dumaan sa maraming treatment.May mga cases minsan na akala mo ay magaling ka na ngunit bigla na lang bumabalik ang cancer sa katawan mo at minsan mas malala pa ang pagbabalik nito kaysa noong una itong nakita sa iyong katawan.Ayaw n'ya ng maranasan ulit ni Khairo ang ganitong sakit kaya kahit s'ya ay pinasigurado kag Peter na mga magagaling na doctor ang ibigay sa kan'yang anak para magsubaybay sa kal
NALIE ATHALIA...Naghinang ang kanilang labi ni Adrian. Noong una ay mabagal pa ang galaw ng labi nila pareho ngunit maya-maya lang ay naging agresibo na ang paghalik ni Adrian sa kan'ya.Binabawi nito ang ilang linggo na wala silang intimate moment sa isat-isa dahil nasa hospital silang tatlo namalagi.Pareho sila ng nararamdaman na dalawa ng mga oras na iyon. Pangungulila sa haplos at halik ng bawat isa.Walang inhibisyon na ginantihan n'ya ang mga halik ni Adrian ng buong pagmamahal at may kaparehong intinsidad. Halos hindi na s'ya makahinga dahil sa sobrang diin ng paghalik sa kan'ya ng kasintahan ngunit hindi s'ya nagreklamo.Bagkus ay ganon din s'ya rito kaya mas lalong lumalalim ang nagaganap na halikan sa kanilang dalawa. Lunod na lunod na din s'ya sa init ng labi at dila ni Adrian.Naramdaman n'ya na lang ang pagbuhat sa kan'ya ni Adrian ngunit wala na s'yang oras para sawayin ito na baka mabinat ito dahil kahit s'ya ay nalulunod na sa halikan na nagaganap sa kanilang dalawa.
NALIE ATHALIA...Nakaramdam s'ya ng tama mula sa sinag ng araw na tumatama sa kan'yang balat kaya dahan-dahan n'yang naimulat ang kan'yang mata at tama ang kan'yang hinala.Pumapasok na ang sinag ng araw sa kwarto nila ni Adrian. Nilingon n'ya ang katabi n'ya at wala ng tao doon. Mag-isa na lang s'ya sa kwarto at si Adrian ay baka nasa baba na at kanina pa gising.Naalala n'ya ang nangyari kagabi. Ilang beses na s'yang nawawalan ng malay kapag may lumalabas na mga imahe at senaryo sa kan'yang balintataw.Hindi na ito normal at medyo nakaramdam na s'ya ng pagkabahala dahil sa nangyayari sa kan'ya. Hindi n'ya na ito pwedeng baliwalain dahil hindi na nakakatuwa ang ganito.Dahan-dahan s'yang bumangon at nanatili muna na nakaupo sa kama. Nag-unat s'ya ng mga braso at naghikab. Kinusot n'ya ang kan'yang mga mata bago inilibot ang kan'yang tingin sa buong kwarto.The whole room screams luxury. Mula sa kama hanggang sa ibang bagay na nasa loob ng naturang kwarto. May mga nakita s'yang litr
NALIE ATHALIA...Araw ng linggo at napagpasyahan nilang mag picnic sa likod ng bahay ni Adrian. May malaking solar sa likod at magandang mag picnic dahil maaaliwalas ang paligid at hindi masyadong mainit.Excited na din si Khairo na naghihintay sa kanila na makapag set-up ng picnic area. Naglabas din ng barbecue pit si Adrian at s'ya naman ay nag marinate ng mga karne para ihawin nila mamaya.Gumawa din s'ya ng vegetable salad at naghiwa ng iba pang mga gulay na pwedeng ihawin. Kita n'ya ng saya at excitement sa mukha ni Khairo na matamis n'yang ikinangiti.Ito ang buhay na gusto n'ya. Walang ingay, walang gulo, tahimik at masaya lang silang tatlo. Busy s'ya sa paghahanda sa pagkain at si Adrian naman ang s'yang nag-aayos sa labas. Ang kanilang anak ay nakaupo sa wheelchair nito habang nakatingin sa ama nito.Inayos n'ya ang lahat ng mga pagkain at nagpasyang dalhin na sa labas. Naabutan n'ya si Adrian na naghahanda na ng barbecue pit para makapagsimula na sila sa pag-iihaw."Hi bab
NALIE ATHALIA...Pagkatapos ng tanong ni Adrian tungkol sa ama ni Khairo na hindi n'ya naman nasagot ay humingi ng dispensa ang binata sa kan'ya at umiwas na lamang.Inilihis nito ang usapan at iniwan na lang ang tanong nito sa kan'ya tungkol sa ama ni Khairo.Hindi na din s'ya nagsalita pa tungkol sa topic nila kanina at nagpanggap na lang na kahit s'ya ay nakalimutan n'ya na din ang ganong klaseng tanong ni Adrian sa kan'ya."Let's go and start our barbecue date na baby. Naiinip na ang anak natin," masiglang aya ni Adrian ngunit alam n'ya na sa loob nito ay disappointed ito dahil hindi n'ya nasagot ang tanong nito kanina.Ano naman kasi ang pwede n'yang masabi kay Adrian kung s'ya mismo ay walang alam kung nasaan na ang tunay na ama ni Khairo.Marahas s'yang nagbuga ng hangin para pakalmahin ang sarili. Gusto n'ya ng sabihin kay Adrian ang lahat-lahat dahil ayaw n'yang may itinatago pa kay Adrian ngunit hindi n'ya alam kung saan s'ya magsisimula at kung paano sasabihin kay Adrian an
NALIE ATHALIA...Pagkatapos nilang kumain ay dali-dali s'yang nagligpit ng mga gamit nila. Katulong n'ya din si Adrian kaya madali nilang natapos ang pagliligpit.Si Khairo naman ay nagpaalam na papasok muna sa kwarto nito dahil inaantok daw ito. Hinayaan na lamang nila ni Adrian ang kanilang anak at naiwan silang dalawa na nagliligpit sa labas."Baby are you ok? Kung pagod ka na, ako na lang dito. Mauna ka na sa loob baby at magpahinga," utos sa kan'ya ni Adrian.Hindi na s'ya nag-inarte pa dahil kanina n'ya pa gustong mapag-isa."Are you sure?" tanong n'ya rito. Lumingon ito sa kan'ya at ngumiti. Ganito talaga ang ugali ni Adrian, hindi man lang ito nakitaan ng pagtutol sa mukha nito."Yup! Ako na rito baby, alam kong pagod ka na. Magpahinga ka na at ako na lang ang magliligpit dito," si Adrian sa kan'ya sabay lapit at hinalikan s'ya sa noo.Tipid s'yang ngumiti dito at tinanguan ang kasintahan bago naunang tumalikod para pumasok sa loob.Deritso s'yang umakyat sa taas at agad na pu