NALIE ATHALIA...Araw ng linggo at napagpasyahan nilang mag picnic sa likod ng bahay ni Adrian. May malaking solar sa likod at magandang mag picnic dahil maaaliwalas ang paligid at hindi masyadong mainit.Excited na din si Khairo na naghihintay sa kanila na makapag set-up ng picnic area. Naglabas din ng barbecue pit si Adrian at s'ya naman ay nag marinate ng mga karne para ihawin nila mamaya.Gumawa din s'ya ng vegetable salad at naghiwa ng iba pang mga gulay na pwedeng ihawin. Kita n'ya ng saya at excitement sa mukha ni Khairo na matamis n'yang ikinangiti.Ito ang buhay na gusto n'ya. Walang ingay, walang gulo, tahimik at masaya lang silang tatlo. Busy s'ya sa paghahanda sa pagkain at si Adrian naman ang s'yang nag-aayos sa labas. Ang kanilang anak ay nakaupo sa wheelchair nito habang nakatingin sa ama nito.Inayos n'ya ang lahat ng mga pagkain at nagpasyang dalhin na sa labas. Naabutan n'ya si Adrian na naghahanda na ng barbecue pit para makapagsimula na sila sa pag-iihaw."Hi bab
NALIE ATHALIA...Pagkatapos ng tanong ni Adrian tungkol sa ama ni Khairo na hindi n'ya naman nasagot ay humingi ng dispensa ang binata sa kan'ya at umiwas na lamang.Inilihis nito ang usapan at iniwan na lang ang tanong nito sa kan'ya tungkol sa ama ni Khairo.Hindi na din s'ya nagsalita pa tungkol sa topic nila kanina at nagpanggap na lang na kahit s'ya ay nakalimutan n'ya na din ang ganong klaseng tanong ni Adrian sa kan'ya."Let's go and start our barbecue date na baby. Naiinip na ang anak natin," masiglang aya ni Adrian ngunit alam n'ya na sa loob nito ay disappointed ito dahil hindi n'ya nasagot ang tanong nito kanina.Ano naman kasi ang pwede n'yang masabi kay Adrian kung s'ya mismo ay walang alam kung nasaan na ang tunay na ama ni Khairo.Marahas s'yang nagbuga ng hangin para pakalmahin ang sarili. Gusto n'ya ng sabihin kay Adrian ang lahat-lahat dahil ayaw n'yang may itinatago pa kay Adrian ngunit hindi n'ya alam kung saan s'ya magsisimula at kung paano sasabihin kay Adrian an
NALIE ATHALIA...Pagkatapos nilang kumain ay dali-dali s'yang nagligpit ng mga gamit nila. Katulong n'ya din si Adrian kaya madali nilang natapos ang pagliligpit.Si Khairo naman ay nagpaalam na papasok muna sa kwarto nito dahil inaantok daw ito. Hinayaan na lamang nila ni Adrian ang kanilang anak at naiwan silang dalawa na nagliligpit sa labas."Baby are you ok? Kung pagod ka na, ako na lang dito. Mauna ka na sa loob baby at magpahinga," utos sa kan'ya ni Adrian.Hindi na s'ya nag-inarte pa dahil kanina n'ya pa gustong mapag-isa."Are you sure?" tanong n'ya rito. Lumingon ito sa kan'ya at ngumiti. Ganito talaga ang ugali ni Adrian, hindi man lang ito nakitaan ng pagtutol sa mukha nito."Yup! Ako na rito baby, alam kong pagod ka na. Magpahinga ka na at ako na lang ang magliligpit dito," si Adrian sa kan'ya sabay lapit at hinalikan s'ya sa noo.Tipid s'yang ngumiti dito at tinanguan ang kasintahan bago naunang tumalikod para pumasok sa loob.Deritso s'yang umakyat sa taas at agad na pu
NALIE ATHALIA...FLASHBACK...Lihim na nanginig ang kan'yang laman ngunit hindi n'ya pinakita rito ang takot. Kahit sobrang takot n'ya sa lalaki ngunit hindi n'ya ito bibigyan ng pagkakataon na mas lalo pa s'yang takutin. Ngising aso ito na nakatingin sa kan'yang mukha at inilabas pa ang dila at dinilaan ang labi nito.Napakamanyak ng hitsura nito at parang gusto n'yang kalmutin ang hitsura ng lalaki para magising ito sa ka demonyohan na pinagagawa sa kan'ya.Ilang beses s'yang lihim na napalunok ng laway at diring-diri sa hitsura ng lalaking anak ng kanilang amo. Namumula ang mga mata nito at parang nag-iiba ang galaw ng bibig at panay ang igting ng mga panga. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata ng lalaki na parang hindi nakatulog ng ilang araw. Mahaban ang balbas nito sa pisngi na mas lalo pang nagpadagdag sa nakakatakot na hitsura ng lalaki.Ang sabi ng kan'yang ama ay nasa bente singko pa lang ito ngunit kung titingnan mo ang hitsura ng lalaki ay parang nasa forties na. Siguro
NALIE ATHALIA...Nakalabas sila ng hospital pagkalipas ng ilang araw. Nag-aalala pa ang kan'yang mga magulang sa babayaran nila ngunit nagulat sila ng sabihin ng nurse na wala na silang babayaran dahil bayad na ang kanilang bill.Tinanong nila ang nurse kung sino ang nagbayad ngunit ang sabi nito ay wala itong alam dahil sa accounting galing ang notice na pwede na silang lumabas kapag pinayagan na sila ng doctor dahil bayad na naman ang kanilang bill.Palaisipan sa kan'ya kung sino ang nagbayad ng kanilang bills ngunit napalitan ito ng ibayong takot ng bumibyahe na sila pauwi sa kanilang bahay.Babalik na naman sila sa sakop ng mga Abuena at natatakot s'ya na baka kung ano ang gawin ng mga ito sa kanila ng kan'yang nanay at tatay.Nanginig pa lalo ang kan'yang katawan ng papalapit na sila sa kanilang bahay. Tahimik ang buong paligid at wala man lang katao-tao sa kanilang dinadaanan papasok sa lugar na pag-aari ng mga Abuena."T-Tay babalik pa ba tayo dito?" alanganing tanong n'ya sa
NALIE ATHALIA...FLASHBACK..."Nay wala pa ba si tatay?" tanong n'ya sa kan'yang ina ng maabutan n'ya ito sa kusina na nagluluto ng kanilang hapunan.Kagagaling n'ya lang sa ilog sa likod ng kanilang bahay nila para maglaba. Takipsilim na at maya-maya pa ay didilim na sa kanilang lugar. Sabado ngayon at wala s'yang pasok. Parang kailan lang ay isang buwan na ang nakalipas simula ng may hindi magandang nangyari sa kanila ng kan'yang ina sa mga kamay ng anak ng kanilang amo.Parang nawala na din sa kan'yang isip ang trauma na dinanas dahil na rin sa tulong ng kan'yang mga magulang. Pinatingnan din s'ya ng kan'yang ina sa psychiatrist at nagtataka s'ya kung saan ito kumuha ng pera para may ipambayad sa doctor.Wala silang pera at alam n'ya iyon ngunit nadala pa s'ya nito sa isang private psychiatrist para mapasuri.At sa tuwing tatanungin n'ya ito kung saan ito kumuha ng perq ay ang madalas na sagot nito sa kan'ya ay may tumulong sa kanila para sa gastusin.Hindi s'ya naniniwala dahil w
NALIE ATHALIA..."Nay!" sigaw n'ya ng makita na nawalan ng malay ang kan'yang ina. Mabuti na lang at maagap s'ya sa pagsalo dito at hindi ito tuloyan na nabuwal sa lupa. Bigla na lamang itong nawalan ng malay ng marinig ang balitang hatid ni Aling Perlita tungkol sa kan'yang ama na kanina pa nila hinihintay na umuwi."Nalie sandali lang at tutulongan kita na maipasok sa loob ng bahay n'yo ang nanay mo," boluntaryo ni Aling Perlita na agad na nilagay ang lampara na dala sa upoan at dinaluhan s'ya para tulongan na maipasok sa loob ang kan'yang ina.Kahit mahirap dahil parehong walang lakas ay ginawa nila ang lahat para maipasok sa loob ng bahay ang walang malay na nanay. Pinahiga nila ito sa kawayan na upoan sa sala ng kanilang bahay.Agad na kumuha ng pamaypay ang matandang kasama at pinaypayan ang kan'yang nanay."Nalie maghanap ka ng pwedeng maipahid sa nanay mo para madali s'yang magising mula sa pagkawala ng kan'yang malay," utos sa kan'ya ni Aling Perlita.Dali-dali naman s'yang
NALIE ATHALIA..."Nalie, anak ang tatay mo? Nasaan ang tatay mo anak? " napabalikwas s'ya ng bangon ng marinig ang nag-aalala na boses ng kan'yang ina."Nay," tawag n'ya rito."Anak ang tatay mo nasaan? Nasaan ang tatay mo?" umiiyak at balisa na tanong ng kan'yang ina. Mabilis s'yang bumangon at agad na niyakap ito ng mahigpit."Nay, kumalma ka nay. Makakauwi din si tatay dito, pangako ko yan sayo," naiiyak na din na awat n'ya sa kan'yang ina para pakalmahin ito. Masakit sa kan'ya na nakikita ito sa ganitong sitwasyon. Saksi s'ya kung gaano kamahal ng kan'yang mga magulang ang isa't-isa at napakasakit para sa kan'ya bilang anak ang makikita na nasasaktan ang mga ito dahil sa paghihiwalay ng hindi inaasahan."Nalie pauwiin mo na ang tatay mo anak, maawa ka Nalie, sunduin na natin ang tatay mo,"napahagulhol na sabi nito habang mahigpit na nakayakap sa kan'ya.Masuyo n'yang hinahagod ang likod nito habang mariin na pinipigilan ang kan'yang luha sa pagbagsak nito.Nakatulog pala s'ya ka