NALIE ATHALIA...FLASHBACK...Totoo sa sinabi nito si mang Berto. Inihatid sila nito sa sariling bahay sa bayan. Namangha pa s'ya ng makita ang bahay ng matanda. Napakalayo nito sa nakasanayan na bahay ng mga taga lugar nila.Gawa sa semento ang bahay at maayos ang pagkakagawa. Halatang ginastosan ito ng malaking halaga. Nasa loob din ng isang subdivision ang bahay ni mang Berto at medyo tahimik dito banda at malayo ang agwat ng mga kapitbahay kaya masasabi n'ya na ligtas sila dito at hindi agad-agad na mahuhuli ng mga taohan ni senyor Romeo kapag ipinahanap sila."Nalie pagpasensyahan n'yo na itong bahay ko. Hindi pa kumpleto ang mga gamit ngunit ang mga pangunahing gamit sa araw-araw ay mayroon naman dito. Ikaw na ang bahala dito ha at mag-iingat kayo ng nanay mo. Ang mga habilin ko sayo, huwag na huwag mong kakalimutan. Dito ko kayo pinatira dahil hindi ito alam ni senyor Romeo at hindi maisip ng matandang iyon na sa isang subdivision kayo nagtatago. Kaya kahit paano ay panatag ang
NALIE ATHALIA...Nang mahimasmasan ay dali-dali s'yang tumayo. Hindi man lang s'ya tinulongan ng lalaki na nabangga n'ya. Kahit s'ya ang nakabangga dito ngunit babae pa rin s'ya at sana ay nagpaka gentleman man lang ito.Pero ano ba ang aasahan n'ya? Sa hitsura n'ya pa lang ay walang lalaki na papansin sa kan'ya. Mukha lang naman s'yang manang na bumaba mula sa bundok."Nakakainis ang lalaking iyon ah, hindi man lang ako tinulongan," maktol n'ya habang nagpapagpag ng kan'yang palda. Nagpalinga-linga s'ya ngunit hindi n'ya na nakita pa ang lalaki. Hindi n'ya na lamang pinansin pa ang nangyari, may mahalagang bagay s'ya na kailangan na unahin.Nagpatuloy s'ya sa paglalakad para maghanap ng law firm na makakatulong sa kaso ng kan'yang ama.Hindi n'ya ininda ang init na tumatama sa kan'yang balat. Ang mahalaga sa kan'ya ay ang mahanap ang kan'yang hinahanap.Inisa-isa n'ya ang lahat ng mga establishmento sa lugar na iyon. Marami-rami na din ang mga tao sa paligid dahil mag-aalas otso n
NALIE ATHALIA...FLASHBACK...Umuwi s'ya agad sa bahay ni mang Berto. Naabutan n'ya ang kan'yang ina na nasa kwarto at nakaupo sa kama. Ngunit nawindang s'ya ng makitang hilam sa luha ang mukha nito."Nay, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" agad na tanong n'ya rito at mabilis na lumapit sa ina.Lumuhod s'ya sa harapan nito at agad na hinawakan ang dalawang kamay ng ginang."Nay bakit ka umiiyak, anong nangyari? May masakit ba sayo?" puno ng pag-aalala na tanong n'ya."Umuwi ka? Hindi mo ako iniwan? Akala ko iniwan mo na din ako katulad ni Alonso. Lungkot si Narsing, iniwan na ng lahat," sagot nito habang umiiyak. Parang piniga ang kan'yang puso ng marinig ang sinabi nito.Agad n'yang niyakap sa tyan ang ina at isinubsob ang mukha doon. Ipinalibot n'ya din ang mga braso sa bewang nito para maramdaman nito na nandito lang s'ya, na magkasama pa rin sila. Na hindi n'ya ito iniwan at kahit kailan ay hindi n'ya naisip na gawin iyon.Magkamatayan na ngunit mananatili sila na magkasama ng kan
NALIE ATHALIA...Natigil s'ya sa pag-iwas ng marinig ang pagsigaw ng lalaki. Hindi s'ya humarap dito at nanatili lamang na nakatayo dahil sa sobrang takot."May nakita ka bang mag-ina dito? Isang matanda at isang dalagita na mahaba ang buhok at maputi?" narinig n'yang tanong muli ng lalaki.Hindi s'ya kumilos at nanatili lang na nakatayo sa kan'yang kinatatayuan."Wala po, wala namang nagawi dito na mag-ina na sinasabi mo. Kung mayroon mang mag-ina ay mga bata ang kasama at hindi dalagita," narinig n'yang sagot ng isang babae.Mariin n'yang naipikit ang kan'yang mga mata at dahan-dahan na nagpakawala ng hangin. Akala n'ya ay s'ya na ang tinatawag ng lalaki. Akala n'ya ay mahuhuli na s'ya ng mga ito.Nang maisip ang bagay na iyon ay agad s'yang nahimasmasan. Pa simply s'yang umalis sa lugar na iyon at hindi na lamang tumuloy sa pagbili ng tinapay para sa kan'yang ina.Nang medyo malayo na sa mga taong nag-uusap ay dahan-dahan s'yang lumingon sa mga ito at nakita n'ya na hinaharang ng
NALIE ATHALIA...Lumipas ang dalawang linggo, dumating din ang araw na sinabi sa kan'ya ni Ms. Katherine na babalik sa opisina nito.Kaya katulad ng nakagawian ay maaga s'yang nagising at nag-ayos. Nagluto para sa ina bago umalis ng bahay.Ganon pa rin ang kan'yang suot. Mas mabuti na ang ganito dahil hindi agad s'ya makikilala ng mga taohan ni senyor Romeo.Siguro ay hindi na nakaabang ang mga ito sa mga daanan ngayon. Dalawang linggo na rin noong huli n'yang punta sa sentro at iyon ang araw na nalaman n'ya at nasaksihan mismo na hinahanap sila ng mga taohan ng dating amo.Sumakay s'ya ng tricycle papunta sa sentro. Katulad noong nakaraan ay maaga pa s'ya para wala pang gaanong tao sa opisina ni Ms. Katherine. Agad s'yang dumiretso doon at pumasok.Naabutan n'ya ang babae na kakalapag lang ng bag nito. Siguro ay kakarating lang din at nauna lang ito ng ilang minuto sa kan'ya."Nalie ang aga mo ah," nakangiting bungad nito sa kan'ya. Tipid n'ya itong nginitian at binati pabalik."Mag
NALIE ATHALIA...Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Gabi na at nasa sahig pa rin s'ya nakasalampak habang nakasandig sa kama ang kan'yang likod.Sa kan'yang likuran ay ang kan'yang ina na wala ng buhay simula pa siguro kaninang madaling araw at hindi n'ya man lang napansin iyon.Siguro kung hindi s'ya umalis para pumunta sa law firm ay baka buhay pa ito. Baka nagising n'ya pa ito ng maaga at nailigtas pa. Siguro ay kasama n'ya pa rin ito ngayon.Sinisisi n'ya ang kan'yang sarili na iniwan n'ya itong mag-isa ngunit may bahagi din ng kan'yang isip na nagsasabi na wala s'yang kasalanan sa nangyari sa ina.Na ginawa n'ya lang kung ano ang tama. Hindi n'ya alam kung may sakit na ang nanay n'ya o binangungot lang ito. Wala na din s'yang luha na mailabas. Maga na ang kan'yang mga mata ng mga oras na iyon.Wala din s'yang maisip na gagawin sa ina. Ayaw tanggapin ng kan'yang isip at puso na wala na ito. Parang ayaw n'yang ipaalam sa iba na patay na ang kan'yang nanay da
NALIE ATHALIA...Limang araw na simula ng mailibing ang kan'yang ina. Umuwi na din sina mang Berto at aling Perlita at naiwan s'yang mag-isa sa bahay nito.Wala s'yang ganang kumain at palagi na lang umiiyak sa araw-araw sa tuwing naalala n'ya ang kan'yang nanay. Hindi n'ya pa rin matanggap na wala na ang pinakamamahal n'yang ina.Na mag-isa na lamang s'ya sa buhay ngayon. Limang araw na s'yang nagluluksa at nagkukulong lang sa kwarto. Wala s'yang ganang kumain at kumilos dahil kahit saan s'ya tumingin ay nakikita n'ya ang kan'yang ina sa kahit saang sulok ng bahay ni mang Berto.Nauuwi lang palagi sa paghagulhol ang lahat dahil wala naman s'yang magagawa. Kahit anong gawin n'ya ay tapos na ang lahat. Hindi n'ya na maibabalik pa ang buhay nito.Gusto n'ya mang ayusin ang buhay dahil naisip n'ya na may ama pa s'yang kailangan na tulongan ngunit hindi n'ya magawa sa ngayon.Hindi n'ya pa kaya, siguro ay bibigyan n'ya na lang muna ang kan'yang sarili ng sapat na panahon para matanggap
NALIE ATHALIA...Kinakabahan s'ya habang pabalik-balik ng lakad sa sala ng bahay ni mang Tomas. Ngayong araw ang ikalawang hearing ng kan'yang ama at hindi n'ya maintindihan ang kan'yang sarili kung bakit ganon na lang ang pagkalabog ng kan'yang puso.Mahigpit na nakasalikop ang kan'yang kamay habang nakatingin sa kisame. Lihim s'yang nagdadasal na sana ay magiging maayos lang ang hearing na gaganapin. Sana ay malinis na ang pangalan ng kan'yang ama para makalabas na ito ng kulongan. Miss na miss n'ya na ang kan'yang tatay at gustong-gusto n'ya na itong makasama.Lumipas ang buong araw na hindi s'ya mapakali kaya naman ay naghanap s'ya ng pwede n'yang gawin para malibang. Naglinis s'ya ng buong bahay buong maghapon at medyo madilim na at natapos n'ya ang paglilinis.Naligo s'ya at pagkatapos ay naisipan n'yang magluto. Habang nagluluto ay bumabalik sa kan'yang alaala ang mga araw na kasama n'ya pa ang kan'yang ina habang naghahanda ng kanilang pagkain.Hindi n'ya napigilan ang paglan