MELCU CHUCK... Pumasok sila sa loob at nakita nila na napakaraming mga armadong kalalakihan ang nasa loob ng abandonadong pyer. Lahat ay may mga hawak na matataas na kalibre ng armas kaya naging maingat silang lahat na hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Iniiwasan ng lahat ang makabulabog ng kahit ano dahil hindi pa dumadating ang hinihintay nila. Narating nila ang looban at wala pa ring kaalam-alam ang mga tao na naroon na may nakapasok na sa balwarte ng mga ito. "Pumpkin are you ok?" mahinang tanong n'ya sa asawa sa suot na device. Kanina n'ya pa gustong takbuhin ang kinaroroonan nito para saklolohan ang asawa sa pananakit dito ng magkapatid. Naaawa na s'ya kay Courtney ngunit alam n'ya na matapang ang kan'yang asawa at malalagpasan nito ang lahat. At sinisigurado n'ya rin dito na nasa likod lang s'ya ng babae para alalayan ito. "I-I'm fine hubby," mahina ang boses na sagot nito. Alam n'ya na hindi ito ok dahil kanina n'ya pa naririnig ang paulit-ulit na pananakit dito ni
MELCU CHUCK... Kausap n'ya ang asawa at aaminin n'ya na napanatag ang loob n'ya ng malaman na ayos lang ito kahit na sinaktan ng dalawang babae. "Let's go!" aya ni Carter sa kanila ng makita na nakapasok na sa loob ang hinihintay nila. Nagsihanda silang lahat at sunod-sunod na tinakbo ang pagitan ng kinaroroonan nila at ng bukana ng naturang pyer. Wala pa sa mga taohan ng mga ito ang nakakita sa kanila kaya wala pang putokan na maririnig sa lugar. Hindi na s'ya naghintay pa ng utos mula sa mga ito kung ano ang kan'yang kailangan na gawin. Naghanap s'ya ng pwedeng daanan para makapasok sa loob at agad naman s'yang nakakita ng maliit na lagusan. Maingat at walang ingay ang kan'yang mga galaw. Aaminin n'ya na nakaramdam s'ya ng takot at kaba ngunit kapag naiisip n'ya si Courtney na s'yang kan'yang ililigtas ay nabubuhayan s'ya ng loob at naging matapang sa pagharap sa panganib na nakaabang. Walang katao-tao sa lugar na pinasukan n'ya kaya malaya s'ya sa kan'yang mga galaw. Hinanap
COURTNEY ANNIKA... Nakaramdam na s'ya ng hapdi at pamamaga sa kan'yang mukha dahil sa paulit-ulit na pananampal sa kan'ya ng magkapatid. Hindi n'ya inaasahan ang mga natuklasan n'ya kay Niana at kay Garnett. Sino ang mag-aakala na magkapatid pala ang mga ito. Hindi n'ya alam kung paano naging magkapatid ang dalawa kahit na nabanggit na kanina ng mga ito na magkapatid sa ina ang relasyon ng dalawa ngunit hindi pa rin malinaw kung sino ang ina na tinutukoy ng mga ito. Kung ang kan'yang step-mom o may iba pang ina ang mga ito. Ang kan'yang mga iniisip ay agad na naudlot ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Niana kasunod si Garnett ngunit may isa pang kasama ang mga ito na ikinasalubong ng kan'yang kilay. Hindi n'ya kilala ang naturang tao at ngayon n'ya lang ito nakita. "Well.. well..well..! Finally we meet," natatawang sabi nito sa kan'ya habang papalapit sa kan'yang kinaroroonan. "Sino ka?" matapang na tanong n'ya rito. "Hmmmm! Hindi mo ako kilala?" "Kung kilala kita, ma
COURTNEY ANNIKA... Nanginginig na s'ya sa takot ng marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Mariin n'yang ipinikit ang kan'yang mga mata dahil hindi n'ya kayang tingnan ang nangyayari sa kan'yang harapan. Natatakot din s'ya sa kan'yang makita lalo na at naiisip n'ya ang kan'yang kapatid na s'yang kaharap ng tatlong babae kanina at dalawa sa mga ito ay may hawak na baril. Hindi n'ya inaasahan na mauuwi sa ganito kagulo ang lahat. Kung alam n'ya lang na magiging ganito ang kahihinatnan ng kanilang buhay ay sana nagpakalayo-layo na lang s'ya para wala ng madadamay sa galit ng mga ito sa kan'ya. Marami na ang nasaktan at hindi n'ya na kakayanin pa kung may susunod pang masasaktan ng dahil sa kan'ya. Tumutulo ang kan'yang luha habang mariin na nakapikit ang kan'yang mga mata. Wala man lang s'yang may nagawa para tulongan ang kan'yang kapatid. Wala s'yang silbi sa buhay na kahit ang sarili n'ya ay hindi n'ya kayang protektahan. "Courtney!" natigil s'ya sa kan'yang mga iniisip ng mar
COURTNEY ANNIKA... "Fvck you Carson! Bakit ngayon ka lang!" natigil ang kan'yang panginginig ng marinig ang pangalan ng asawa na tinawag at minura ng kan'yang kapatid. Nabuhayan s'ya ng loob ng malaman na kasama n'ya na si Chuck at ligtas ito. "I'm sorry wife! I'm sorry!" hindi magkandauga na paghingi nito ng paumanhin sa kan'ya at agad na sinugod s'ya ng mahigpit na yakap. Hindi n'ya napigilan ang mapahagulhol ng iyak at mahigpit din na niyakap ang asawa. "C-Chuck!" nanginginig ang boses na tawag n'ya sa pangalan nito. "Yeah! It's me! I'm sorry for being late, ang dami kasing mga asungot sa dinadaan ko," masuyo na paghingi nito ng tawad habang mahigpit s'yang yakap. "N-Nasugatan ka ba?" nauutal na tanong n'ya rito ng maalala na galing ito sa isang madugo na labanan. Agad din s'yang kumalas sa asawa at sinuri ang katawan nito. May mga sugat ito sa balat ngunit gasgas lang at wala namang dugo na marami sa katawan kaya nakampanti s'ya na maayos lang ang asawa. "I'm ok wife! No wo
COURTNEY ANNIKA... Natapos ang lahat at nakaalis sila sa lugar ng ligtas. Kasama n'ya at kaagapay ang kan'yang asawa. Ang kapatid naman ay naiwan sa lugar para asikasuhin ang nangyari. Kasama nito ang mga pinsan ni Chuck at kaibigan at ang mga pulis na kasabay ng mga ito ng sumugod sa lugar. Sila naman ay kasama ang mga taohan ng pinsan ni Chuck at sakay sila sa helicopter na pag-aari ng isa sa mga Carson para daw masiguro na ligtas silang makakauwi. Ipinaalam na ni Chuck sa kan'ya na dideritso sila sa bahay ng kan'yang ama para makita nila agad si Pia na naghihintay sa kanilang pagdating. "How do you feel wife? May masakit ba sayo? Dadalhin kita sa hospital!" tanong ng kan'yang asawa nang umangat na ang sinasakyan nilang helicopter. Nakaupo ito sa kan'yang harapan habang hawak-hawak ang kan'yang kamay at puno ng pag-aalala ang mga mata na nakatingin sa kan'ya. Tipid n'ya itong nginitian para iparating dito na ayos lang s'ya at wala itong dapat na ikabahala. "Ayos lang ako, Chu
MELCU CHUCK... Naging emosyonal ang pagkikita muli ng asawa at ng ama nito. Isiniwalat ng kan'yang byenan ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Courtney at Carter. Magkapatid pala talaga ang dalawa sa ama at ina. Nakaupo silang apat sa sofa na nasa loob ng library ng matandang Zobel para sa pag-uusap ng mga ito. Nakauwi na din si Carter mula sa lugar kung saan itinago ng dating asawa ng ama nito si Courtney. At pagdating na pagdating nito ay agad itong pinatawag ng ama para mag-usap ang mga ito. Ang akala n'ya ay ang mga ito lang ang mag-uusap ngunit nagulat s'ya ng sabihan s'ya ng byenan na sumunod din sa mga ito. Kaya heto s'ya ngayon, nakaupo katabi ang asawa at magkaharap naman ang byenan na lalaki at si Carter. "Courtney, iha, sana ay mapatawad mo ako kung hindi kita na protektahan laban sa babaeng iyon," madamdaming paghingi ng paumanhin ng byenan sa anak nito. Agad namang tumayo si Courtney at lumipat sa tabi ng ama. Naupo ito at hinawakan ang kamay ng matandang Zobel.
MELCU CHUCK... Sobrang saya n'ya nang sinagot s'ya ni Courtney ng isang matamis na oo ng mag propose s'ya rito. Ibinigay din ng ama nito ang blessings para sa kanilang dalawa ng asawa kaya hindi matatawarang saya ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kumpleto na ang lahat sa kan'ya at wala na s'yang mahihiling pa kundi ang kapayapaan na lang sa kanilang pagsasama at pamilya. Wala na s'yang ipinapanalangin sa itaas kundi ang maging matagumpay lang sana ang kanilang kasal sa ikalawang pagkakataon at wala ng maging aberya pa. Agad n'yang tinawagan ang kan'yang mga magulang at ipinaalam ang kan'yang plano at sa mga oras na ito ay papunta na ang kan'yang ama at ina sa London para makaharap ang pamilya ni Courtney. Kahit anong pigil n'ya sa dalawa ay hindi ang mga ito nagpaawat at ipinilit na pupunta ang mga ito sa London para personal na e meet ang pamilya Zobel. Kasama din ang kan'yang mga pinsan na hindi din nagpaawat sa pagsama para makisabay sa kanilang pamamanhikan. He