MELCU CHUCK... Kanina n'ya pa gustong pagbuhulin ang kan'yang mga pinsan dahil sa mga pinagagawa ng mga ito na kalokohan. Ngunit ng makita n'ya ang reaction ni Courtney na tuwang-tuwa sa pamamanhikan n'ya pati na ang ama nito na masusing nakikipag-usap sa kan'yang ama at ina ay hinayaan n'ya na lang ang panggugulo ng mga Carson sa bahay ng mga Zobel. At parang balewala naman ito sa mga Zobel na biglang nagulo ang tahimik na pamamahay ng mga ito dahil sa pamilya n'ya. "Finally! This house became alive again," narinig n'yang sabi ng kan'yang byenan. Mababanaag sa boses nito ang tuwa at galak habang sinasabi nito kung gaano ito kasaya. "We're glad and it's an honorable mention for us, Mr. Zobel!" malokong sagot ni Adrian sa ama ni Courtney. Mabilis naman na umigkas ang kamay ni Briggs at binatukan si Adrian na ikinaangal nito. "Hoy Chuck! Bakit mukhang byernes santo yang pagmumukha mo?" sita sa kan'ya ni Adrian ng malingunan s'ya nito. Tinaasan n'ya ito ng kilay ngunit tinawanan la
MELCU CHUCK... Ilang segundo na naghinang ang kanilang mga labi ng asawa. Mapusok at walang gustong magpaawat. Nag espadahan sila ng dila ni Courtney at ramdam n'ya sa mga halik ng asawa ang sobra-sobrang pangungulila nito sa kan'ya. Ganon din naman s'ya rito na hindi din maawat sa kan'yang ginagawa. He misses his wife so much at kasama na ang lahat-lahat dito. Habang mapusok na naghahalikan ay pinaglakbay n'ya ang kan'yang palad sa likod ng asawa. Sinadya n'ya din na ilagay dito ang palad para ma protektahan ito sa matigas na kahoy ng pinto. Kahit gaano pa s'ya katakam na maangkin ulit ito ngunit ayaw n'ya rin na masaktan ang asawa kaya ginagawa n'ya ang lahat ng pag-iingat. "Hmmmmm!" ungol ni Courtney sa gitna ng kanilang halikan. Mas lalo pa s'yang ginanahan ng marinig ang ungol ng asawa. Ipinasok n'ya ang kan'yang isang kamay sa suot nitong damit. At dahil naka dress ito ay malaya n'yang naipasok ng walang kahirap-hirap ang kan'yang kamay. Una n'yang nakapa ang makinis na hit
MELCU CHUCK... Malapad ang kan'yang ngiti na nakatingin sa asawa na mahimbing na natutulog sa kanilang kama. Sa hitsura nito ay halata ang pagod ngunit mababanaag din ang saya dahil kahit tulog si Courtney ay may ngiti pa rin ito sa labi. Hindi n'ya ito tinigilan hangga't hindi ito nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod. May bahagi din ng kan'yang puso na nagsisisi sa kan'yang ginawa ngunit nang maalala ang galak, saya at tagumpay sa mukha ni Courtney habang ginagawa nila ang bagay na iyon ay agad-agad na nawawala ang lahat ng pagsisisi n'ya na pinagod n'ya ng husto ang asawa. Masaya s'ya na sa wakas ay naging maayos na ang lahat at wala ng asungot sa kanilang buhay. Wala na din ang mga tao na nagtatangka sa buhay ni Courtney at makapamuhay na sila ng maayos, matiwasay at payapa. Ang kan'yang gawin na lang ngayon ay ang asikasuhin na ang kanilang kasal habang nandito pa ang kan'yang mga magulang at mga pinsan. At ng maisip ang bagay na iyon ay dahan-dahan s'yang bumangon at mai
COURTNEY ANNIKA... Kanina n'ya pa hindi nakikita si Chuck at hindi n'ya alam kung nasaan ito. Kanina pa s'ya hanap ng hanap sa asawa ngunit wala talaga ito sa buong bahay. Wala naman itong sinabi sa kan'ya at ngayon lang din nangyari na nawala ito o hindi n'ya nakita pagkagising n'ya. Madalas kasi ay ang gwapong mukha ni Chuck ang nabubungaran n'ya pagdilat ng kan'yang mga mata sa umaga ngunit ngayong araw ay kakaiba dahil kanina pa s'ya gising at magtatanghali na ngunit walang Chuck ang nagpakita sa kan'ya. Nagpakawala s'ya ng hangin bago tumayo sa pagkakaupo sa kama. Kung ayaw ni Chuck na magpakita sa kan'ya ay s'ya na lang ang bababa para hanapin ito. Nakakatawa man ngunit hinahanap-hanap n'ya na sa lahat ng oras ang presensya ni Chuck. At kapag hindi n'ya agad ito makita, pakiramdam n'ya ay nanghihina s'ya at hindi makagalaw ng maayos. Parang may kulang at hindi buo ang kan'yang araw kapag wala ang presensya ni Chuck. Pababa s'ya ng hagdan ng makasalubong n'ya ang kan'yang kap
COURTNEY ANNIKA... Kanina pa s'ya inaayosan at hindi pa rin sila tapos hanggang ngayon. Kanina pa s'ya nababagot dahil hindi naman talaga s'ya sanay sa ganito. Maraming kamay ang gumagalaw sa katawan n'ya mula sa mukha hanggang sa kan'yang kuko sa papa kung saan ay mayroon na naglilinis ng kan'yang kuko. Sa kamay ay mayroon din at ang isa ay nasa mukha n'ya na ngayon at hindi pa rin tapos sa paglalagay ng make up sa kan'ya. Bago kasi ang pagmi-make up nito ay marami pa itong ginawa na ritwal sa kan'yang pisngi kaya naaasiwa tuloy s'ya dahil hindi talaga s'ya sanay sa ganito. Ayos na sa kan'ya ang simpling ayos at hindi din s'ya sanay sa makapal na make-up ngunit dahil sa utos ng kan'yang ama ay wala s'yang magagawa kundi ang sumunod dito. Ayaw n'yang bigyan ito ng sama ng loob at ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na magkasama at ipinangako n'ya sa kan'yang sarili na gagawin n'ya ang lahat para mapasaya ang kan'yang daddy. Simpling bagay lang naman tong hinihingi sa kan'ya
COURTNEY ANNIKA... Tamang-tama lang na natapos ang pag-aayos sa kan'ya nina Agatha at pagbibihis ng sumilip ang kan'yang kapatid sa silid. "Is she ready?" tanong nito sa mga nag-aayos sa kan'ya. Hindi s'ya nito nakita dahil natatakpan s'ya ng tatlong babae na nasa kan'yang unahan na nagkataon na doon nakatayo ng sumilip sa silid ang kapatid. "She is, Mr. Zobel," proud na sagot ni Agatha at agad na senenyasan ang mga kasama nito na umalis sa kan'yang harapan para makita s'ya ng kan'yang kapatid. Agad namang tumalima ang mga babae at umalis sa kan'yang harapan. Nakita n'ya kung paano umawang ang labi ng kapatid ng masilayan s'ya nito. Nakaramdam tuloy s'ya ng pag-iinit ng mukha ng makita ang reaction ng kapatid. "Damn! You are a goddess, little sister," namamangha na sabi nito ng makabawi sa pagkagulat. Matamis n'yang nginitian ang kapatid ng marinig ang sinabi nito. "I am kuya dahil isa akong Zobel at mana ako sayo. Remember, magkamukha tayo," nakangiting sagot n'ya sa kapatid.
COURTNEY ANNIKA... "Ma'am this is for you," napukaw lang s'ya ng marinig ang boses ng isang babae na lumapit sa kan'ya. Hindi n'ya napansin na natulos pala s'ya sa kan'yang kinatatayuan habang nakatingin sa asawa na nasa loob ng naturang bulwagan. Hindi din inaalis ni Chuck ang tingin sa kan'ya at parang silang dalawa lang ang tao sa buong paligid ng mga oras na iyon. Nang tapunan n'ya ng tingin ang ibinigay ng babae ay mas lalo s'yang nagulat ng makita na isang napakagandang bouquet ng bulaklak sa kasal ang iniabot nito sa kan'ya. "I-Is this for me?" nagtatakang tanong n'ya sa babae. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kan'ya bago sinagot ang kan'yang tanong. "Yes ma'am! That is for you! Congratulations on your wedding," matamis ang ngiti na sagot nito sa kan'ya na mas lalong ikinaawang ng kan'yang labi. "W-Wedding?" puno ng pagtataka na tanong n'ya rito. Para s'yang binuhosan ng malamig na tubig ng oras na iyon ngunit hindi dahil sa takot o ano pa man kundi dahil sa sam
COURTNEY ANNIKA... "Melcu Chuck, do you take Courtney Annika, to be your wife and your other half? In sickness and in health till death you two part?" mangiyak-ngiyak s'ya ng marinig ang tanong ng pari sa kan'yang asawa. Mariin at puno ng pagmamahal na tumingin sa kan'ya si Chuck bago sinagot ang tanong ng pari. "I do!" wala sa sarili na naipikit n'ya ang kan'yang mga mata ng marinig ang sagot ng lalaki. Nanunuot sa kan'yang puso ang sagot nito. Kasal na sila noon ngunit kakaiba ang nararamdaman n'ya ngayon na sa harapan mismo ng panginoon at ng mga mahal nila sa buhay sila nagsumpaan na magsasama bilang mag-asawa at nangangako na mamahalin ang bawat isa hanggang sa huli. "Courtney Annika, do you take Melcu Chuck to be your husband in sickness and health?" pagkatapos ng sagot ni Chuck ay s'ya naman ang binalingan ng pari at tinanong. Sinalubong n'ya ang tingin ng asawa at binigyan ito ng isang matamis na ngiti kahit pa nanlalabo ang kan'yang paningin dahil sa tubig sa kan'yang mga