COURTNEY ANNIKA... "Fvck you Carson! Bakit ngayon ka lang!" natigil ang kan'yang panginginig ng marinig ang pangalan ng asawa na tinawag at minura ng kan'yang kapatid. Nabuhayan s'ya ng loob ng malaman na kasama n'ya na si Chuck at ligtas ito. "I'm sorry wife! I'm sorry!" hindi magkandauga na paghingi nito ng paumanhin sa kan'ya at agad na sinugod s'ya ng mahigpit na yakap. Hindi n'ya napigilan ang mapahagulhol ng iyak at mahigpit din na niyakap ang asawa. "C-Chuck!" nanginginig ang boses na tawag n'ya sa pangalan nito. "Yeah! It's me! I'm sorry for being late, ang dami kasing mga asungot sa dinadaan ko," masuyo na paghingi nito ng tawad habang mahigpit s'yang yakap. "N-Nasugatan ka ba?" nauutal na tanong n'ya rito ng maalala na galing ito sa isang madugo na labanan. Agad din s'yang kumalas sa asawa at sinuri ang katawan nito. May mga sugat ito sa balat ngunit gasgas lang at wala namang dugo na marami sa katawan kaya nakampanti s'ya na maayos lang ang asawa. "I'm ok wife! No wo
COURTNEY ANNIKA... Natapos ang lahat at nakaalis sila sa lugar ng ligtas. Kasama n'ya at kaagapay ang kan'yang asawa. Ang kapatid naman ay naiwan sa lugar para asikasuhin ang nangyari. Kasama nito ang mga pinsan ni Chuck at kaibigan at ang mga pulis na kasabay ng mga ito ng sumugod sa lugar. Sila naman ay kasama ang mga taohan ng pinsan ni Chuck at sakay sila sa helicopter na pag-aari ng isa sa mga Carson para daw masiguro na ligtas silang makakauwi. Ipinaalam na ni Chuck sa kan'ya na dideritso sila sa bahay ng kan'yang ama para makita nila agad si Pia na naghihintay sa kanilang pagdating. "How do you feel wife? May masakit ba sayo? Dadalhin kita sa hospital!" tanong ng kan'yang asawa nang umangat na ang sinasakyan nilang helicopter. Nakaupo ito sa kan'yang harapan habang hawak-hawak ang kan'yang kamay at puno ng pag-aalala ang mga mata na nakatingin sa kan'ya. Tipid n'ya itong nginitian para iparating dito na ayos lang s'ya at wala itong dapat na ikabahala. "Ayos lang ako, Chu
MELCU CHUCK... Naging emosyonal ang pagkikita muli ng asawa at ng ama nito. Isiniwalat ng kan'yang byenan ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Courtney at Carter. Magkapatid pala talaga ang dalawa sa ama at ina. Nakaupo silang apat sa sofa na nasa loob ng library ng matandang Zobel para sa pag-uusap ng mga ito. Nakauwi na din si Carter mula sa lugar kung saan itinago ng dating asawa ng ama nito si Courtney. At pagdating na pagdating nito ay agad itong pinatawag ng ama para mag-usap ang mga ito. Ang akala n'ya ay ang mga ito lang ang mag-uusap ngunit nagulat s'ya ng sabihan s'ya ng byenan na sumunod din sa mga ito. Kaya heto s'ya ngayon, nakaupo katabi ang asawa at magkaharap naman ang byenan na lalaki at si Carter. "Courtney, iha, sana ay mapatawad mo ako kung hindi kita na protektahan laban sa babaeng iyon," madamdaming paghingi ng paumanhin ng byenan sa anak nito. Agad namang tumayo si Courtney at lumipat sa tabi ng ama. Naupo ito at hinawakan ang kamay ng matandang Zobel.
MELCU CHUCK... Sobrang saya n'ya nang sinagot s'ya ni Courtney ng isang matamis na oo ng mag propose s'ya rito. Ibinigay din ng ama nito ang blessings para sa kanilang dalawa ng asawa kaya hindi matatawarang saya ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kumpleto na ang lahat sa kan'ya at wala na s'yang mahihiling pa kundi ang kapayapaan na lang sa kanilang pagsasama at pamilya. Wala na s'yang ipinapanalangin sa itaas kundi ang maging matagumpay lang sana ang kanilang kasal sa ikalawang pagkakataon at wala ng maging aberya pa. Agad n'yang tinawagan ang kan'yang mga magulang at ipinaalam ang kan'yang plano at sa mga oras na ito ay papunta na ang kan'yang ama at ina sa London para makaharap ang pamilya ni Courtney. Kahit anong pigil n'ya sa dalawa ay hindi ang mga ito nagpaawat at ipinilit na pupunta ang mga ito sa London para personal na e meet ang pamilya Zobel. Kasama din ang kan'yang mga pinsan na hindi din nagpaawat sa pagsama para makisabay sa kanilang pamamanhikan. He
MELCU CHUCK... Kanina n'ya pa gustong pagbuhulin ang kan'yang mga pinsan dahil sa mga pinagagawa ng mga ito na kalokohan. Ngunit ng makita n'ya ang reaction ni Courtney na tuwang-tuwa sa pamamanhikan n'ya pati na ang ama nito na masusing nakikipag-usap sa kan'yang ama at ina ay hinayaan n'ya na lang ang panggugulo ng mga Carson sa bahay ng mga Zobel. At parang balewala naman ito sa mga Zobel na biglang nagulo ang tahimik na pamamahay ng mga ito dahil sa pamilya n'ya. "Finally! This house became alive again," narinig n'yang sabi ng kan'yang byenan. Mababanaag sa boses nito ang tuwa at galak habang sinasabi nito kung gaano ito kasaya. "We're glad and it's an honorable mention for us, Mr. Zobel!" malokong sagot ni Adrian sa ama ni Courtney. Mabilis naman na umigkas ang kamay ni Briggs at binatukan si Adrian na ikinaangal nito. "Hoy Chuck! Bakit mukhang byernes santo yang pagmumukha mo?" sita sa kan'ya ni Adrian ng malingunan s'ya nito. Tinaasan n'ya ito ng kilay ngunit tinawanan la
MELCU CHUCK... Ilang segundo na naghinang ang kanilang mga labi ng asawa. Mapusok at walang gustong magpaawat. Nag espadahan sila ng dila ni Courtney at ramdam n'ya sa mga halik ng asawa ang sobra-sobrang pangungulila nito sa kan'ya. Ganon din naman s'ya rito na hindi din maawat sa kan'yang ginagawa. He misses his wife so much at kasama na ang lahat-lahat dito. Habang mapusok na naghahalikan ay pinaglakbay n'ya ang kan'yang palad sa likod ng asawa. Sinadya n'ya din na ilagay dito ang palad para ma protektahan ito sa matigas na kahoy ng pinto. Kahit gaano pa s'ya katakam na maangkin ulit ito ngunit ayaw n'ya rin na masaktan ang asawa kaya ginagawa n'ya ang lahat ng pag-iingat. "Hmmmmm!" ungol ni Courtney sa gitna ng kanilang halikan. Mas lalo pa s'yang ginanahan ng marinig ang ungol ng asawa. Ipinasok n'ya ang kan'yang isang kamay sa suot nitong damit. At dahil naka dress ito ay malaya n'yang naipasok ng walang kahirap-hirap ang kan'yang kamay. Una n'yang nakapa ang makinis na hit
MELCU CHUCK... Malapad ang kan'yang ngiti na nakatingin sa asawa na mahimbing na natutulog sa kanilang kama. Sa hitsura nito ay halata ang pagod ngunit mababanaag din ang saya dahil kahit tulog si Courtney ay may ngiti pa rin ito sa labi. Hindi n'ya ito tinigilan hangga't hindi ito nawalan ng malay dahil sa sobrang pagod. May bahagi din ng kan'yang puso na nagsisisi sa kan'yang ginawa ngunit nang maalala ang galak, saya at tagumpay sa mukha ni Courtney habang ginagawa nila ang bagay na iyon ay agad-agad na nawawala ang lahat ng pagsisisi n'ya na pinagod n'ya ng husto ang asawa. Masaya s'ya na sa wakas ay naging maayos na ang lahat at wala ng asungot sa kanilang buhay. Wala na din ang mga tao na nagtatangka sa buhay ni Courtney at makapamuhay na sila ng maayos, matiwasay at payapa. Ang kan'yang gawin na lang ngayon ay ang asikasuhin na ang kanilang kasal habang nandito pa ang kan'yang mga magulang at mga pinsan. At ng maisip ang bagay na iyon ay dahan-dahan s'yang bumangon at mai
COURTNEY ANNIKA... Kanina n'ya pa hindi nakikita si Chuck at hindi n'ya alam kung nasaan ito. Kanina pa s'ya hanap ng hanap sa asawa ngunit wala talaga ito sa buong bahay. Wala naman itong sinabi sa kan'ya at ngayon lang din nangyari na nawala ito o hindi n'ya nakita pagkagising n'ya. Madalas kasi ay ang gwapong mukha ni Chuck ang nabubungaran n'ya pagdilat ng kan'yang mga mata sa umaga ngunit ngayong araw ay kakaiba dahil kanina pa s'ya gising at magtatanghali na ngunit walang Chuck ang nagpakita sa kan'ya. Nagpakawala s'ya ng hangin bago tumayo sa pagkakaupo sa kama. Kung ayaw ni Chuck na magpakita sa kan'ya ay s'ya na lang ang bababa para hanapin ito. Nakakatawa man ngunit hinahanap-hanap n'ya na sa lahat ng oras ang presensya ni Chuck. At kapag hindi n'ya agad ito makita, pakiramdam n'ya ay nanghihina s'ya at hindi makagalaw ng maayos. Parang may kulang at hindi buo ang kan'yang araw kapag wala ang presensya ni Chuck. Pababa s'ya ng hagdan ng makasalubong n'ya ang kan'yang kap