TANYA CAMILLE... Nagising s'ya sa kakaibang amoy sa paligid kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at bumungad sa kan'ya ang purong puti na paligid. "N-Nasaan ako?" mahinang tanong n'ya habang salubong ang kan'yang kilay. Isang gala pa ng kan'yang mga mata sa paligid at doon n'ya lang napansin ang mga IV drip na nasa lagayan nito at ang dulo ay sa kan'yang kamay. "Nasa hospital ba ako?" tanong n'ya sa sarili at agad namang nasagot ang kan'yang mga tanong ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na doctor kasunod ang ina ni Simon. At ng maalala ang asawa ay doon na s'ya at nataranta. "Simon! Simon! Mommy nasaan ang asawa ko?" hysterical na tanong n'ya sa byenan. Dali-dali naman itong lumapit sa kan'ya at hinawakan s'ya sa balikat para pigilan ng akmang bababa s'ya sa kama. "Calm down, Tanya at baka mapaano ang anak mo," pampakalma sa kan'ya ng byenan. Natigilan naman s'ya ng maalala ang kan'yang anak sa sinapupunan. "Mommy ang anak ko? Kamusta ang
TANYA CAMILLE... Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng makaligtas sila ni Simon mula sa mga kamay ni Donna. Na confine sa ICU si Simon ng isang linggo dahil sa maraming dugo na nawala dito at nag-aagaw buhay pa ito ng dinala sa hospital. Pati na rin ang anak nila na muntik ng mawala sa kanila ngunit mukhang nagmana yata ang anak nila ni Simon sa ama nito na palaban at hindi sumusuko agad dahil katulad ng ama ay lumaban din ito sa buhay. Nang malaman n'ya ito ay hindi n'ya mapigilan ang mapahagulhol at paulit-ulit na nagpasalamat sa taas dahil sa isa pang pagkakataon na ibinigay sa kanila ni Simon na makasama ang isa't-isa pati na ang anak nila. Pagkalipas ng isang linggo ay naging maayos ang kalagayan ng asawa at inilipat agad ito sa kwarto na kinuha nila. Magkasama silang dalawa dahil s'ya ay nagpagaling din. Sa lahat ng kan'yang mga pinagdaanan ay doon n'ya napagtanto na mahal s'ya ng Dyos dahil hindi s'ya nito pinabayaan at habangbuhay n'ya itong pasasalamatan. "Baby," n
TANYA CAMILLE... Another two weeks had passed and Simon was fully recovered from the threat of death. Lumabas agad sila ng hospital at nagpasya na sa bahay na lang magpahinga. Babalik na lang sila sa hospital for follow cgeck-up. Maayos na din ang kalagayan nito at pati na s'ya at ang anak nila. Isang mainit na welcome party ang inihanda ng mga magulang ni Simon ng makauwi sila, kasama ang mga pinsan nito at ang iba pang pamilya. Masaya din sila pareho dahil sa wakas ay natapos na ang lahat. Namatay si Donna sa mismong engkwentro sa gitna ng gulo sa fortress nito ngunit ang mas nakakagulat ay nang malaman n'ya kung sino ang pumatay dito. Si Abrielle ang bumaril at tumapos sa kasamaan ni Donna. Kung paano n'ya nalaman ay iyon dahil sa nakuhang impormasyon mula sa pinsan ni Simon na si Henry na s'yang nakakita kung paano binaril ni Abrielle ng paulit-ulit si Donna. Habangbuhay n'yang hindi makakalimutan ang dalaga at ang mga ginawa nito sa kan'yang pamilya. "What are you
TANYA CAMILLE... "Get ready everything!" natigil s'ya sa kan'yang pagngiwi dahil sa sakit ng marinig ang pamilyar na boses na kapapasok lang sa delivery room. "Everything is ready Dr. Harper," sagot ng isang nurse at napag-alaman n'ya na doctor ang may-ari ng pamilyar na boses na narinig n'ya. "A-Abrielle," tawag n'ya sa pangalan ng babae. Hindi s'ya pwedeng magkamali, boses ni Abrielle ang kan'yang narinig na nagsalita. Hindi s'ya nagdedeliryo lang, sigurado s'ya na si Abrielle ang kan'yang narinig. "Sino ho si Abrielle, Mrs. Carson?" tanong ng nurse na umasikaso sa kan'ya ng marinig ang kan'yang pagtawag sa pangalan ng babae. "Ang babae na kakapasok lang, hindi ba si Abrielle yon?" "Ang babaeng kapapasok lang ma'am ay si Dr. Lopez ho," nakangiti na sagot ng nurse sa kan'ya. Gusto n'ya pa sanang sumagot ngunit sumigid ang sakit sa kan'yang t'yan kaya nawala na lang sa kan'yang isip ang tungkol kay Abrielle. "Ma'am ready na po ba kayo?" tanong ng nurse sa kan'ya. Pakiramdam n'
TANYA CAMILLE... "Hmmmmm!" ungol n'ya. May nauulinigan s'yang mga boses na nagkakagulo ngunit hindi n'ya makita ang mga ito. "Nasaan ako?" lihim na tanong n'ya sa sarili. May mainit na palad ang humaplos sa kan'yang pisngi at sobrang sarap ng kan'yang pakiramdam dahil sa haplos na iyon. "Baby? Gising ka na please! Miss na kita, wife," pamilyar na boses ng isang lalaki ang kasunod n'yang narinig. "Hoy! Briggs, papahingahin mo muna ang asawa mo!" boses naman ng isang babae ang kan'yang narinig. At doon n'ya napagtanto na kaya pala hindi n'ya makikita ang mga ito dahil nakapikit ang kan'yang mga mata. Kaya naman ay dahan-dahan n'yang iminulat ito para lang mapapikit ulit bg masilaw sa liwanag na sumalubong sa kan'ya. "Tanya! You're awake wife? Damn! Thank you Lord! Thank you!" masayang turan ng pamilyar na boses. Nagmulat s'ya ulit ng kan'yang mga mata at nagsalubong ang kan'yang kilay ng makita ang napakaraming tao. "S-Simon!" tawag n'ya sa pangalan ng asawa ng makita ito. "Yes
TANYA CAMILLE... Matapos ang kahulogan sa loob ng kan'yang silid ay nagpaalam na ang mga pinsan ni Simon at naiwan silang dalawa ng asawa at ang mga anak nila. "Ohhhh! They're so lovely, wife! Look at Niña, she looks like you and Niño looks like me. Para akong nanunuod sa sarili nating dalawa," natatawa na sabi ng asawa sa kan'ya. S'ya din ay natawa at sobrang saya ng kan'yang puso habang nakatingin sa kan'yang mga anak. "Thank you Simon! Thank you for giving me them," pasasalamat n'ya rito. "Ako ang dapat na magpasalamat sayo, ok? Ikaw ang nagbigay sa kanila sa akin. Ikaw ang nagdala sa kanila and you are very brave, baby. Sa lahat ng mga pinagdaanan mo ay nailuwa mo ng ligtas ang mga anak natin. I am so proud of you, Tanya," puno ng pagmamahal na sabi ng asawa sa kan'ya. Inabot n'ya ang kamay nito at hinawakan. Pinisil din ito ng asawa habang pinakatitigan s'ya. Napagitnaan nilang dalawa ang kanilang mga anak na mahimbing na natutulog. Kumpleto na ang kan'yang buhay at masaya
TANYA CAMILLE... Months had passed at parang kailan lang s'ya nanganak. Ngayon ay magaling ng tumawa ang kambal at tuwang-tuwa s'ya dahil napakaingay ng dalawa palagi lalo na ang lalaki. Habang pinagmamasdan n'ya ang kan'yang mga anak ay naalala n'ya si Abrielle. Bago ito umalis at nawala ay may isiniwalat ito sa kan'ya tungkol sa kan'yang pagkatao na hindi n'ya inaasahan na magkatotoo ang kan'yang agam-agam noon. Matagal na s'yang may hinala tungkol sa pagkatao n'ya lalo at kakaiba ang kan'yang hitsura sa kan'yang kinalakhan na ama at ina at pati na sa kan'yang kapatid. Pero dahil pinuno naman s'ya ng pagmamahal ng mga kinilalang magulang ay nawala na lang sa kan'yang isip na hindi s'ya anak ng mga ito. Hindi n'ya man lang nakitaan ang mag-asawa na nagpalaki sa kan'ya ng hindi pantay na pagtrato sa kanilang magkapatid. Pantay at pare-pareho sila sa lahat ng bagay ng kan'yang kapatid na s'yang totoong anak ng mga ito kaya kahit minsan ay hindi n'ya napaghalataan basi sa trato ng
SIMON BRIGGS... Kanina pa s'ya natatakam sa asawa at nanggigigil. Sa sasakyan pa lang kanina ay tinutukso na s'ya nito kaya magpahanggang ngayon ay naninigas pa rin ang kan'yang gitna. Ilang buwan na din s'yang tigang dahil iniisip n'ya na baka mabinat si Tanya kapag ipinilit n'ya ang kan'yang gusto. Pagkapasok nila sa eroplano at ng masiguro na maayos na ang kanilang kalagayan ay agad na umalis si Charles. Ito ang piloto nila papuntang Spain at hindi n'ya alam kung bakit ito nag boluntaryo na sumama. Mukhang may iba pa itong balak maliban sa pagsama sa kanila ngunit kung ano man iyon ay hindi n'ya na ito poproblemahin pa. Matanda na ang kan'yang pinsan at alam na nito ang tama sa mali. May dalawa silang kasama na yaya dahil ayaw n'yang mapagod ng husto si Tanya sa pag-aalaga sa mga anak nila. Kakapanganak pa lang nito at kahit nand'yan s'ya para tumulong ay hindi pa rin iyon sapat para makapagpahinga si Tanya. May private room ang eroplano ni Henry at silang apat ang naroon at a