TANYA CAMILLE... Nakabusangot ang asawa ay s'ya naman ay tawa lang ng tawa dahil sa hitsura nito. Paano ba naman kasi naudlot ang binabalak nito dahil sa kanilang dalawang anak na sabay pa na nagising. "Ako dapat ang dumedede sa mama n'yo eh! Ang daya n'yo naman," pagmamaktol nito sa gilid habang nasa kandungan nito si Niño at si Niña naman ay nasa kan'ya at pinapadede n'ya. Hindi n'ya mapigilan ang sarili na matawa sa sinabi ng asawa na parang batang paslit na inagawan ng lollies. "Tumigil ka na nga d'yan, Simon. Mamaya iiyakan ka ng mga anak mo, sige ka!"pananakot n'ya rito. Kung may isang bagay man na kinatatakutan si Simon, iyan ay ang pag-iyak ng mga anak nito. Natataranta agad ito at hindi alam ang gagawin kapag may isa na umiyak sa kambal. Pakiramdam kasi nito ay nasasaktan ang dalawa at ang kinakabahala ng asawa ay dahil hindi masabi ng mga ito kung alin ang masakit kaya takot na takot ito. Bagay na madalas ay pinagtatawanan n'ya lang dahil kung praning s'ya sa kan'yang
TANYA CAMILLE... ""M-Mama!" Ewan n'ya ba pero bigla na lamang nanulas sa kan'yang labi ang katagang mama ng makita ang babae na kamukha n'ya. Nagulat din ang dalawa at hindi nakahuma agad. Nakamata lang ang mga ito sa kan'yang mukha ngunit nakitaan n'ya ng kakaibang emosyon ang parehong mga mata ng dalawang matanda. S'ya naman ay parang naparalisa ang katawan at hindi maigalaw ang mga iyon. Gusto n'yang takbuhin ang mga ito at parang gustong-gusto n'yang yakapin ng mahigpit ngunit wala s'yang lakas. Mabuti na lang at nasa tabi n'ya si Simon na todo alalay sa kan'ya habang wala pa s'ya sa kan'yang sarili. Ganito pala ang pakiramdam na makaharap mo sa unang pagkakataon ang mga totoong magulang mo. Walang pagkukulang sa kan'ya ang nakamulatan na mga magulang ngunit iba pa rin ang pakiramdam kung ang totoong nagluwa sayo ang makakaharap mo. "M-Mi prinsesa," halos pabulong na tawag ng babae na kamukhang-kamukha n'ya. Nanikip ang kan'yang dibdib ng marinig ang binanggit nitong salit
TANYA CAMILLE... Naging makahabag damdamin ang kanilang pagkikita ng mga magulang. Walang duda na tinanggap s'ya ng mga magulang. Kahit maliit na pagdududa sa kan'yang pagkatao na bigla na lamang s'yang sumulpot at nagpakilala na anak ng mga ito ay hindi n'ya nararamdaman o nakita sa mga magulang. Bagkus ay bukas palad na tinanggap s'ya ng mga ito at ang kan'yang asawa. Mas lalo pang nadagdagan ang saya ng dalawang matanda ng ipakilala n'ya sa mga ito ang kambal. "Mama, papa, mga apo n'yo po. Si Niño at si Niña po," pagpapakilala n'ya sa mga anak sa kan'yang mga magulang. Naluha na naman ulit ang kan'yang ina na lumapit sa dalawang bata ganon din ang kan'yang ama. Tig-isang kinarga ng dalawa ang kambal at tuwang-tuwa na kinausap kahit alam naman ng mga ito na hindi pa nakakaintindi ang mga bata. "Oh my cariño, look at these two. So adorable. Para akong nakatingin kay Tanya noong sanggol pa lamang s'ya," ang kan'yang mama na nagpapahid ng luha. "She's back cariño! Our mi prinsesa
SIMON BRIGGS... Everyone is busy that day. Halos wala na s'yang makakausap ng araw na iyon dahil lahat ay may ginagawa. Araw ng kasal nilang dalawa ni Tanya at dahil galing sa royal family ang kan'yang asawa ay ibinigay n'ya ang kasal na nararapat dito. Hindi katulad noong una nilang kasal na walang kaganap-ganap. Ngayon ay kakaiba at hindi din pumayag ang kan'yang mga magulang na hindi galante ang kanilang kasal. Kung mayaman ang pamilya ng asawa ay hindi naman s'ya alanganin dito dahil kaya ding tapatan ng yaman ng kan'yang pamilya Carson ang yaman ng pamilya ni Tanya. Sa Spain gaganapin ang kanilang ikalawang kasal kaya tatlong araw pa lang bago ang kasal nila ay dumating na ang kan'yang buong angkan para tumulong at dumalo na rin. Kaya ang bahay ng mga Juarez sa Spain ay biglang naging magulo dahil sa mga pinsan n'ya na wala ng ibang ginawa kundi ang maglokohan. Kapag talaga kumpleto sila ay hindi maiiwasan ang chaos sa pamilya nila. "What's wrong son?" natigil lang s'ya sa
TANYA CAMILLE... Dumating ang araw na pinakahihintay n'ya— ang kasal nilang dalawa ni Simon. Ilang araw pagkalipas ng pagkikita nila ng mga magulang ay nagpasya silang gaganapin ang ikalawang kasal nila ng asawa at sa pagkakataong ito ay hindi na simpleng kasalan ang magaganap. Isang royal family na kahit sa panaginip ay hindi sumagi sa kan'ya ngunit ngayon ay pinatunayan ni Simon na hindi impossible ang lahat. Hindi pa s'ya nakaka move on sa naganap sa kanila ni Simon noong nakaraang gabi kung saan ay sinimot nila pareho ang kanilang mga lakas para pagbigyan ang asawa. FLASHBACK... Matapos ang pagkikita nila ng mga magulang ay inaya sila mg mga ito na manatili muna sa malaking bahay. Ayaw pa sila pauwiin dahil tuwang-tuwa ang mga ito sa kanilang mga anak ni Simon at ganon din sa kan'ya na parang bumalik sa pagkabata dahil sobra kung mag-alaga ang kan'yang ina at ama. Kulang na lang na susubuan s'ya ng mga ito sa pagkain at natutuwa s'ya mga ito. Wala ding reklamo na hinayaan n
TANYA CAMILLE... Bumukas ang malaking pinto ng simbahan kung saan sila ikakasal ni Simon. At ang kan'yang unang nakita ay ang napakagwapong lalaki na nakatayo sa altar at naghihintay sa kan'ya. Kahit malayo ito ngunit malinaw n'yang nakikita ang gwapong mukha ng asawa. Nagpapahid ito ng mga luha ng makita s'ya at s'ya din ay hindi napigilan ang pagbagsak ng kan'yang mga luha dahil sa sobrang saya. Maraming bagay man ang nangyari sa kanila ni Simon at sobrang daming mapapait na karanasan sa buhay ang naranasan n'ya ngunit hindi ito naging hadlang para sumaya s'ya sa huli. Ang kan'yang mga masasakit na karanasan ay ginawa n'ya na lang na aral sa buhay at ito ang kan'yang basehan na kailangan n'yang maging matapang at malakas ang loob sa pagharap sa mga paparating pang pagsubok sa buhay nilang mag-asawa. Pumailanlang ang musika sa buong simbahan at hudyat na iyon para simulan n'ya ang paglalakad patungo sa altar. Hindi n'ya maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng kan'yang puso ng m
SIMON BRIGGS...Nang mga oras na bumukas ang pinto ng simbahan ay hindi n'ya maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng kan'yang puso.Ganito pala kasaya ang pakiramdam na makita mo ang babaeng mahal mo at s'yang lahat sayo na naglalakad sa aisle patungo sa altar kung saan ka naghihintay habang suot ang isang napakagandang damit pangkasal.Tanya's beauty is one of a kind at walang duda yan dahil nabihag nito ang kan'yang pihikan na puso. And he loves her dearly na kahit buhay n'ya ay handa n'yang ialay sa asawa."We are all gathered here today to witness the most important event in Briggs and Tanya's life," panimula ng pari na magkakasal sa kanila. Magkahawak ang kanilang mga palad ni Tanya at mahigpit n'ya itong pinisil para iparating sa asawa ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon.Parang lutang s'ya habang nagsasalita ang pari at hindi n'ya na namalayan pa mga kaganapan. Nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang sikuhin ni Tanya."Tinatanong ka ng pari," pabulong
SIMON BRIGGS... "I now pronounce you husband and wife." "You may now kiss your bride," dagdag pa ng pari sa pagtatapos nito sa kanilang kasal ni Tanya. Masaya ang puso na binuhat n'ya ang asawa in a bridal style at siniil ng halik. Ang hiyawan at malakas na palakpakan ng kanilang mga bisita ang kasunod n'yang narinig na pumuno sa buong simbahan. Napakasaya n'ya at alam n'ya na ganon din si Tanya at ramdam n'ya ito sa halik ng asawa sa kan'ya. "Briggs tama na yan, magtira ka naman para mamaya! Gutom na kami," narinig n'yang sigaw ni Adrian na senegundahan naman ng iba. "Oo nga! Tama na yan, maliit pa ang kambal," dagdag pa ni Chuck at sinundan ng tawanan ng mga ito. Ayaw n'ya mang tapusin ang kanilang paghahalikan ni Tanya at wala naman s'yang pakialam sa mga pinsan n'ya ngunit ramdam n'ya na kinakapos na ng hangin ang asawa kaya tinapos n'ya na ang matamis na paghahalikan nilang dalawa. Hindi pa nakabawi si Tanya ay nagsimula na s'yang maglakad patungo sa pinto ng simbahan na