SIMON BRIGGS...Nang mga oras na bumukas ang pinto ng simbahan ay hindi n'ya maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng kan'yang puso.Ganito pala kasaya ang pakiramdam na makita mo ang babaeng mahal mo at s'yang lahat sayo na naglalakad sa aisle patungo sa altar kung saan ka naghihintay habang suot ang isang napakagandang damit pangkasal.Tanya's beauty is one of a kind at walang duda yan dahil nabihag nito ang kan'yang pihikan na puso. And he loves her dearly na kahit buhay n'ya ay handa n'yang ialay sa asawa."We are all gathered here today to witness the most important event in Briggs and Tanya's life," panimula ng pari na magkakasal sa kanila. Magkahawak ang kanilang mga palad ni Tanya at mahigpit n'ya itong pinisil para iparating sa asawa ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon.Parang lutang s'ya habang nagsasalita ang pari at hindi n'ya na namalayan pa mga kaganapan. Nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang sikuhin ni Tanya."Tinatanong ka ng pari," pabulong
SIMON BRIGGS... "I now pronounce you husband and wife." "You may now kiss your bride," dagdag pa ng pari sa pagtatapos nito sa kanilang kasal ni Tanya. Masaya ang puso na binuhat n'ya ang asawa in a bridal style at siniil ng halik. Ang hiyawan at malakas na palakpakan ng kanilang mga bisita ang kasunod n'yang narinig na pumuno sa buong simbahan. Napakasaya n'ya at alam n'ya na ganon din si Tanya at ramdam n'ya ito sa halik ng asawa sa kan'ya. "Briggs tama na yan, magtira ka naman para mamaya! Gutom na kami," narinig n'yang sigaw ni Adrian na senegundahan naman ng iba. "Oo nga! Tama na yan, maliit pa ang kambal," dagdag pa ni Chuck at sinundan ng tawanan ng mga ito. Ayaw n'ya mang tapusin ang kanilang paghahalikan ni Tanya at wala naman s'yang pakialam sa mga pinsan n'ya ngunit ramdam n'ya na kinakapos na ng hangin ang asawa kaya tinapos n'ya na ang matamis na paghahalikan nilang dalawa. Hindi pa nakabawi si Tanya ay nagsimula na s'yang maglakad patungo sa pinto ng simbahan na
SIMON BRIGGS...Tulad na nakaugalian nilang magpipinsan kapag may isa na ikinasal sa kanila ay nangyari din sa kan'yang sariling kasal ang kagulohan ng mga walang hiya n'yang pinsan maliban na lamang kay Brook at Henry na s'yang matino sa kanilang lahat.Pagkatapos ng kainan ay nagkan'ya-kan'ya ng labas ng mga plastic bag ang kan'yang mga pinsan at tinungo ang mahabang mesa para mag sharon daw.Habang nagbabalot ay pumailanlang pa sa buong bulwagan ang isang awitin ni Sharon Pogita na "Balutin mo ako". Lahat ng mga naroon na nakakaintindi sa mga pinagagawa ng kan'yang mga damuhong pinsan ay natatawa habang nakikisabay pa sa pagkanta."Ang saya nila," ang asawa na tuwang-tuwa habang nakatingin sa mga pinsan n'ya na nag-aagawan ng mga pagkain na animo'y mga patay gutom."No! They are not! Nakakahiya sila baby," angal n'ya sa sinabi nito."Hindi ah! Ang saya nga nila, nakakatuwa. Akalain mo yon, mga Carson ang nagbabalot ng mga pagkain sa handaan para iuwi," tugon ni Tanya at hindi napig
TANYA CAMILLE..."Congratulations attorney Carson!" ang malakas na boses at masigabong palakpakan ng pamilya nila ang bumungad sa kan'ya ng pumasok s'ya sa restaurant ni Chuck.Ang sabi ng asawa sa kan'ya ay magdi-dinner lang sila ngunit hindi n'ya inaasahan na may pakulo na naman pala ito.Years had passed at parang kailan lang ay anim na taon na silang kasal ni Simon. Dalawa pa rin ang kanilang anak dahil hindi muna nila dinagdagan ang kambal dahil tinapos n'ya ang kan'yang pag-aaral.At ngayon ay isa na s'yang ganap na abogado. Tinapos n'ya ang kan'yang pag-aaral with flying colors at ang kan'yang pamilya ang kan'yang inspirasyon para makamit ang lahat ng tagumpay na tinatamasa n'ya ngayon."What's all this husband?" nagtatakang tanong n'ya sa asawa ng lingunin ito."It's a surprise party for my lawyer wife. Congratulations baby, we are all so proud of you," malambing na sagot ni Simon sa kan'ya. Naantig ang kan'yang puso sa narinig. Kahit pa hindi naman nagkulang ang asawa n'ya sa
SIMON BRIGGS... "Baby let's go!" malakas ang boses na tawag n'ya kay Tanya. Aalis sila ngayon dahil may asikasuhin s'ya at sasama ang asawa sa kan'ya. "Coming!" narinig n'yang sigaw pabalik ng asawa. Napatingin s'ya sa kan'yang suot na relo at nakita n'ya na mali-late na silang dalawa ngunit wala naman s'yang magagawa kundi ang hintayin ito. Ilang taon na silang kasal ni Tanya at walang nagbago sa nararamdaman n'ya sa asawa bagkus ay mas lalo pa ngang tumindi ang kan'yang pagmamahal dito. Kasama ang kanilang dalawang anak na ngayon ay nasa labing limang taong gulang na. Parang kailan lang ay inihele n'ya pa ang dalawa ng sabay ngunit ngayon ay malalaki na ang mga ito at minsan ay ayaw nang sumama sa kanila ni Tanya. May sarili ng mga isip na ang mga ito at madalas ay namimiss n'ya ang mga panahon na mga baby pa ang mga ito. Matagal n'ya ng inuungot kay Tanya na gusto n'ya ng isa pang anak ngunit ang asawa ay ayaw pa dahil nag-aral pa ito at tinapos ang pag-aaral. Nang makapagtapo
CHARLES MALCOLM... "Fvck!" malutong na mura n'ya ng mabasa ang mensahi ng kan'yang abuela. Ina ito ng kan'yang mommy at sa mga hindi pa nakakaalam ay isa s'yang paboritong apo nito. "What's wrong?" narinig n'yang tanong ni Briggs sa kan'ya. Magkasama silang dalawa dahil nagkaroon sila ng meeting sa trabaho kaya pareho silang nasa kampo. "Lola's problem!" wala sa sarili na sagot n'ya rito at nagbuga ng hangin. Natigil naman sa ginagawa nito si Briggs at lumapit sa kan'ya. "Why? May nangyari ba?" usisa ng pinsan. "Nothing! Ipinaalala na naman sa akin ang pangako ko sa kan'ya. Iba talaga kapag paborito kang apo," nang-uuyam na sagot n'ya kay Briggs. "Pangako? Na ano? At isa kang malaking gago, Charles. Syempre ikaw ang paborito dahil ikaw lang naman ang nag-iisang apo ng lola mo sa side ni tita Charm," sagot ng pinsan sa kan'ya na may kasama pang mura. "Putang'ina! Huwag kang tsismoso Briggs! Damn! Bakit kasi ang hilig ni lola mambilog ng ulo ko? At ako naman ay napapasunod agad ka
CHARLES MALCOLM... Ang sarap ng kan'yang tulog ngunit binulabog iyon ng pagtunog ng kan'yang cellphone. Ayaw n'ya pa sanang pansinin dahil gusto n'ya pang humilata ngunit hindi s'ya tinantanan ng kung sinong tumatawag. Kaya naman ay wala s'yang nagawa kundi ang padaskol at nakapikit ang mga mata na kinapkap ang kan'yang cellphone para sagutin ang tumatawag. Without opening his eyes, he answered the call with his bedroom voice pero may himig pagka irita. "Hello!" bungad n'ya sa kausap. "Charles, nasaan ka? We need you here!" agad n'yang nakilala ang boses ng nasa kabilang linya. "Fvck! What do you want Adrian?" singhal n'ya sa pinsan. Sa lahat ng mga pinsan n'ya ay si Adrian ang pinakamakulit sa lahat. "Fvck you too! Come and help us, Briggs needs us," tugon nito na agad na ikinamulat ng kan'yang mga mata. "What did you say?" "I said come and get your fvcking ass move! Briggs needs us! Nawawala si Tanya," pagbabalita nito na agad n'yang ikinabalikwas ng bangon. "What the fvc
CHARLES MALCOLM... Pagdating n'ya sa bahay ni Briggs ay naabutan n'ya na parang papatay ito ng tao. Galit, pag-aalala at takot ang nakikita n'ya sa mukha ng pinsan. Napailing na lamang s'ya ng palihim at hindi na bago sa kan'ya ang ganitong eksena. Ilan na ba sa kan'yang mga pinsan ang naging ganito sa tuwing may katulad na pangyayari na ang involved ay ang mga asawa o mahal nito sa buhay. Kaya ayaw n'ya talagang mag-asawa dahil ayaw n'yang maranasan ang ganito. "Mabuti naman at nandito ka na, Charles," si Brook ng makita s'ya. Lumapit s'ya sa mga ito at pabagsak na naupo sa tabi ni Connor. "What happened?" tanong n'ya sa mga pinsan at isa-isang tinapunan ng tingin ang mga ito. Si Briggs naman ay paroo't parito habang may kausap sa cellphone. "Tanya was lost!" malamig ang boses na sagot ni Henry. Sa kanilang magpipinsan tatlo sila ni Briggs at Henry ang may malawak na connection pagdating sa batas kaya madalas ay sa kanila lumalapit ang mga pinsan kapag nagka problema ang mga i