SIMON BRIGGS...Tulad na nakaugalian nilang magpipinsan kapag may isa na ikinasal sa kanila ay nangyari din sa kan'yang sariling kasal ang kagulohan ng mga walang hiya n'yang pinsan maliban na lamang kay Brook at Henry na s'yang matino sa kanilang lahat.Pagkatapos ng kainan ay nagkan'ya-kan'ya ng labas ng mga plastic bag ang kan'yang mga pinsan at tinungo ang mahabang mesa para mag sharon daw.Habang nagbabalot ay pumailanlang pa sa buong bulwagan ang isang awitin ni Sharon Pogita na "Balutin mo ako". Lahat ng mga naroon na nakakaintindi sa mga pinagagawa ng kan'yang mga damuhong pinsan ay natatawa habang nakikisabay pa sa pagkanta."Ang saya nila," ang asawa na tuwang-tuwa habang nakatingin sa mga pinsan n'ya na nag-aagawan ng mga pagkain na animo'y mga patay gutom."No! They are not! Nakakahiya sila baby," angal n'ya sa sinabi nito."Hindi ah! Ang saya nga nila, nakakatuwa. Akalain mo yon, mga Carson ang nagbabalot ng mga pagkain sa handaan para iuwi," tugon ni Tanya at hindi napig
TANYA CAMILLE..."Congratulations attorney Carson!" ang malakas na boses at masigabong palakpakan ng pamilya nila ang bumungad sa kan'ya ng pumasok s'ya sa restaurant ni Chuck.Ang sabi ng asawa sa kan'ya ay magdi-dinner lang sila ngunit hindi n'ya inaasahan na may pakulo na naman pala ito.Years had passed at parang kailan lang ay anim na taon na silang kasal ni Simon. Dalawa pa rin ang kanilang anak dahil hindi muna nila dinagdagan ang kambal dahil tinapos n'ya ang kan'yang pag-aaral.At ngayon ay isa na s'yang ganap na abogado. Tinapos n'ya ang kan'yang pag-aaral with flying colors at ang kan'yang pamilya ang kan'yang inspirasyon para makamit ang lahat ng tagumpay na tinatamasa n'ya ngayon."What's all this husband?" nagtatakang tanong n'ya sa asawa ng lingunin ito."It's a surprise party for my lawyer wife. Congratulations baby, we are all so proud of you," malambing na sagot ni Simon sa kan'ya. Naantig ang kan'yang puso sa narinig. Kahit pa hindi naman nagkulang ang asawa n'ya sa
SIMON BRIGGS... "Baby let's go!" malakas ang boses na tawag n'ya kay Tanya. Aalis sila ngayon dahil may asikasuhin s'ya at sasama ang asawa sa kan'ya. "Coming!" narinig n'yang sigaw pabalik ng asawa. Napatingin s'ya sa kan'yang suot na relo at nakita n'ya na mali-late na silang dalawa ngunit wala naman s'yang magagawa kundi ang hintayin ito. Ilang taon na silang kasal ni Tanya at walang nagbago sa nararamdaman n'ya sa asawa bagkus ay mas lalo pa ngang tumindi ang kan'yang pagmamahal dito. Kasama ang kanilang dalawang anak na ngayon ay nasa labing limang taong gulang na. Parang kailan lang ay inihele n'ya pa ang dalawa ng sabay ngunit ngayon ay malalaki na ang mga ito at minsan ay ayaw nang sumama sa kanila ni Tanya. May sarili ng mga isip na ang mga ito at madalas ay namimiss n'ya ang mga panahon na mga baby pa ang mga ito. Matagal n'ya ng inuungot kay Tanya na gusto n'ya ng isa pang anak ngunit ang asawa ay ayaw pa dahil nag-aral pa ito at tinapos ang pag-aaral. Nang makapagtapo
CHARLES MALCOLM... "Fvck!" malutong na mura n'ya ng mabasa ang mensahi ng kan'yang abuela. Ina ito ng kan'yang mommy at sa mga hindi pa nakakaalam ay isa s'yang paboritong apo nito. "What's wrong?" narinig n'yang tanong ni Briggs sa kan'ya. Magkasama silang dalawa dahil nagkaroon sila ng meeting sa trabaho kaya pareho silang nasa kampo. "Lola's problem!" wala sa sarili na sagot n'ya rito at nagbuga ng hangin. Natigil naman sa ginagawa nito si Briggs at lumapit sa kan'ya. "Why? May nangyari ba?" usisa ng pinsan. "Nothing! Ipinaalala na naman sa akin ang pangako ko sa kan'ya. Iba talaga kapag paborito kang apo," nang-uuyam na sagot n'ya kay Briggs. "Pangako? Na ano? At isa kang malaking gago, Charles. Syempre ikaw ang paborito dahil ikaw lang naman ang nag-iisang apo ng lola mo sa side ni tita Charm," sagot ng pinsan sa kan'ya na may kasama pang mura. "Putang'ina! Huwag kang tsismoso Briggs! Damn! Bakit kasi ang hilig ni lola mambilog ng ulo ko? At ako naman ay napapasunod agad ka
CHARLES MALCOLM... Ang sarap ng kan'yang tulog ngunit binulabog iyon ng pagtunog ng kan'yang cellphone. Ayaw n'ya pa sanang pansinin dahil gusto n'ya pang humilata ngunit hindi s'ya tinantanan ng kung sinong tumatawag. Kaya naman ay wala s'yang nagawa kundi ang padaskol at nakapikit ang mga mata na kinapkap ang kan'yang cellphone para sagutin ang tumatawag. Without opening his eyes, he answered the call with his bedroom voice pero may himig pagka irita. "Hello!" bungad n'ya sa kausap. "Charles, nasaan ka? We need you here!" agad n'yang nakilala ang boses ng nasa kabilang linya. "Fvck! What do you want Adrian?" singhal n'ya sa pinsan. Sa lahat ng mga pinsan n'ya ay si Adrian ang pinakamakulit sa lahat. "Fvck you too! Come and help us, Briggs needs us," tugon nito na agad na ikinamulat ng kan'yang mga mata. "What did you say?" "I said come and get your fvcking ass move! Briggs needs us! Nawawala si Tanya," pagbabalita nito na agad n'yang ikinabalikwas ng bangon. "What the fvc
CHARLES MALCOLM... Pagdating n'ya sa bahay ni Briggs ay naabutan n'ya na parang papatay ito ng tao. Galit, pag-aalala at takot ang nakikita n'ya sa mukha ng pinsan. Napailing na lamang s'ya ng palihim at hindi na bago sa kan'ya ang ganitong eksena. Ilan na ba sa kan'yang mga pinsan ang naging ganito sa tuwing may katulad na pangyayari na ang involved ay ang mga asawa o mahal nito sa buhay. Kaya ayaw n'ya talagang mag-asawa dahil ayaw n'yang maranasan ang ganito. "Mabuti naman at nandito ka na, Charles," si Brook ng makita s'ya. Lumapit s'ya sa mga ito at pabagsak na naupo sa tabi ni Connor. "What happened?" tanong n'ya sa mga pinsan at isa-isang tinapunan ng tingin ang mga ito. Si Briggs naman ay paroo't parito habang may kausap sa cellphone. "Tanya was lost!" malamig ang boses na sagot ni Henry. Sa kanilang magpipinsan tatlo sila ni Briggs at Henry ang may malawak na connection pagdating sa batas kaya madalas ay sa kanila lumalapit ang mga pinsan kapag nagka problema ang mga i
CHARLES MALCOLM... Nang makalapit s'ya sa babae ay mabilis n'ya itong hinablot sa braso at inilayo sa lalaki. "Hey! What's wrong?" narinig n'yang angal ng babae mula sa kan'yang likuran. Nang mahablot n'ya ito ay agad n'yang itinago sa kan'yang likod para harapin ang lalaki na madilim ang mukha. "Who are you?" matigas at maangas na tanong ng lalaki sa kan'ya. "Stay away from my wife!" malamig na banta n'ya rito. Para naman itong nataohan at ng maintindihan ang kan'yang sinabi ay umatras ito habang nakataas ang dalawang palad. Nang mawala ang lalaki ay hinarap n'ya ang babae ngunit wala na ito sa kan'yang likuran. "Fvck! Where did she go?" pagkausap n'ya sa sarili at iginala ang tingin sa paligid para lang mapamura ulit ng makita ang babae sa di kalayuan na may kasayaw na namang iba. Biglang nag-aso ang kan'yang bombonan sa kan'yang nakita. Malaki ang kan'yang mgahakbang na nilapitan ito at walang paalam na binuhat ang babae na parang sako ng bigas. "Let me go, idiot!" pagwawa
CHARLES MALCOLM... He doesn't have a choice but to book a hotel para may matutulogan ang babae na iniuwi n'ya. Dahil dinala n'ya ito sa hindi malamang dahilan ay responsibilidad n'ya na dalhin ito sa isang ligtas na lugar. Ayaw n'ya din itong dalhin sa kan'yang bahay dahil para lang iyon sa kan'ya. Hindi n'ya ugali ang magdala ng babae sa bahay n'ya kahit pa sabihin na din natin na minsan ay may pagka-maloko din s'ya kung pambabae lang ang pag-uusapan. Hindi n'ya naman pwedeng iwan ang babae na dala sa daan. Hindi n'ya alam kung ano ang pumasok sa isip n'ya na kinaladkad n'ya ito palabas ng bar ni Cowell. Ang malala ay iniuwi n'ya pa kaya nagkaroon tuloy s'ya ng problema ngayon. "Hey! Wake up!" pukaw n'ya ng makarating sila sa hotel. Mahina n'yang tinapik ang pisngi nito ngunit wala s'yang sagot na nakuha. Tulog na tulog ang babae at kahit siguro yugyugin n'ya ito ay hindi ito magigising. "Fvck!" malutong na mura n'ya at inalis ang kan'yang seatbelt sabay baba ng sasakyan. U