CHARLES MALCOLM... Nakahiga ang babae sa malapad na kama at mukhang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. S'ya naman ay nakasandig sa pader habang naka krus ang mga braso sa kan'yang harapan. Hindi n'ya na mabilang kung ilang beses s'yang napabuga ng hangin habang nakatingin dito. Pati paglunok ng laway ay pakiramdam n'ya bumabara sa kan'yang lalamunan. Nakalihis ang suot nitong crop top kaya nasisilip n'ya ang ilalim ng dibdib nito. Mabuti na lang at hindi nito naisipan ang magsuot ng palda bagkus ay isang leather skinny pants na kulay itim ang suot nito. "Fvck! Damn it!" mura n'ya at nagpasyang lumabas. Iiwan n'ya na lang ang babae dito at uuwi na sa bahay n'ya. Hindi s'ya pwedeng magtagal dito dahil baka kung ano ang magawa n'ya sa babae kapag nagtagal pa s'ya sa loob ng silid kasama ang walang kamalay-malay na babae. Lumapit s'ya sa pinto at hinawakan ang seradura para pihitin iyon. Nakaramdam s'ya ng pamimigat ng kan'yang paa at parang ayaw n'yang umalis kaya natigil mun
CHARLES MALCOLM... Ilang araw ng laman ng babae ang kan'yang isip at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito maalis sa kan'yang ulo. Memoryado n'ya pa rin ang mukha nito at hugis at para s'yang pinapatay sa araw-araw sa kakaisip dito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaramdam s'ya ng ganito sa isang babae at aaminin n'ya na nababaliw s'ya sa bawat araw na dumaan. "Charles are you listening?" singhal sa kan'ya ni Brook. Napapitlag s'ya ng marinig ang malakas na boses ng kan'yang pinsan. "What?" nagtatakang tanong n'ya sa mga ito. "Anong what? Kanina ka pa tinatanong kung ano ang balak natin? We need to help Briggs finding his wife!" dagdag na singhal nito sa kan'ya. "Fvck!" malutong na mura n'ya at inihilamos ang palad sa kan'yang mukha. Nang ilibot n'ya ang kan'yang mga tingin sa mga pinsan ay napangiwi s'ya ng lihim ng makita ang matatalim na mga mata ng mga ito at sa kan'ya lahat nakatingin sa kan'ya. "Fine! I'm sorry, may iniisip lang ako!" paghingi n'ya ng paumanhin
CHARLES MALCOLM... Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at hindi maalis ang tingin sa babae ngunit ng mahimasmasan ay mabilis s'yang tumayo at nilapitan ito sa kinauupoan. Nang makalapit s'ya rito ay hinila n'ya ang isang upoan at naupo sa tabi ng babae making sure he is blocking his legs to her dahil pakiramdam n'ya ay natatakot s'ya na baka makawala ito. "Hey handsome!" matamis ang ngiti na bati nito sa kan'ya. At natulala na naman s'ya ng makita ang ngiti sa labi ng babae. Ilang beses n'yang kinastigo ang kan'yang sarili ng palihim at kinalma ang kan'yang nararamdaman. "What are you doing here?" parang tanga na tanong n'ya rito. Obvious naman siguro na nandito ito sa bar ng kan'yang pinsan para mag relax o uminom. "Just like what you are doing here!" sagot nito sa kan'ya at nasa labi pa rin ang isang matamis na ngiti. Hindi din maalis ang kan'yang mga mata dito. Pakiramdam n'ya kasi ay parang may kung ano na humihigop sa kan'yang kaluluwa kapag titigan s'ya ng babae. "Not go
CHARLES MALCOLM... Akmang lalayo sa kan'ya si Dee ngunit mabilis n'yang hinawakan ang braso nito at hinatak palapit sa kan'ya. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga pisngi. Hindi agad ito nakahuma dahil siguro sa gulat. Kahit s'ya ay nagulat din sa kan'yang ginawa ngunit huli na ang lahat para bawiin dahil magkadikit na ang kanilang mga mukha. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga babae na matatalim ang dila?" paanas na sabi n'ya rito. Wala s'yang pakialam sa paligid kahit pa nagkakagulo na ang mga tao sa tugtog at lahat ay nagsisigawan at naghihiyawan. Para silang may sariling mundo na dalawa ng babae at parang sila lang ang tao sa lugar na iyon. "You slap their mouth?" pabulong na sagot ni Dee sa tanong n'ya. Sumilay ang isang ngiti sa kan'yang labi ng marinig ang sinabi nito. "No! I just punish them like this—," sabi n'ya at agad na hinawakan ang babae sa batok at siniil ng isang mapusok na halik. Hindi ito nakahuma dahil sa sob
CHARLES MALCOLM...Bugnutin s'ya kinabukasan ng magising. Paano ba naman kasi ay halos hindi na s'ya nakatulog sa kakaisip kay Dee. Ilang beses n'ya ding tinawagan ang numero na ginamit nito para magpadala ng mensahi sa kan'ya noon ngunit mukhang hindi na nito ginagamit ang numero.Padaskol s'yang bumangon para maligo. Ngunit bago pa s'ya tumayo ay ilang beses muna s'yang bumuga ng hangin para alisin ang bigat sa kan'yang loob. Ilang beses din s'yang nagbuga ng hangin bago tumayo para maligo.Ngunit hindi pa s'ya nakahakbang ay tumunog na ang kan'yang cellphone na ikinalingon n'ya sa kinalalagyan nito. At biglang kumalabog ang kan'yang dibdib ng makita na ang numero ni Dee ang tumatawag. Mabilis pa sa ipo-ipo na dinampot n'ya ang naturang aparato para sagutin ang tawag ng babae."Hello!" agad na bungad n'ya."Hi handsome, good morning! How's your sleep?" masigla ang boses na tanong nito sa kan'ya. Para naman s'yang teenager na kinilig ng marinig ang pangungumusta nito sa kan'yang tul
CHARLES MALCOLM... Dinaig n'ya pa ang isang teenager habang nagbibihis. Kanina pa s'ya papalit-palit ng damit at ang daming mga damit ang nagkalat sa ibabaw ng kan'yang kama. Nang sa wakas ay may napili din s'ya kaya agad s'yang nagbihis dahil baka ma-late na s'ya sa usapan nila ni Dee. Sa isang restaurant nila napagkasunduan na magkita. Gusto n'ya sanang sunduin ito ngunit inayawan ng dalaga at sinabi na doon na lang daw silang dalawa magkita. At kahit na ayaw n'ya ay pumayag na lang s'ya. Mas mainam na iyon kaysa walang dinner na magaganap. Pagkatapos n'yang mag-ayos at naging parang mukhang tao na s'ya ay lumabas na s'ya ng kan'yang silid. Dinaanan n'ya ang susi ng kan'yang sasakyan at lumabas ng bahay. Dumiretso s'ya sa garahe at agad na binuksan ang sasakyan na gagamitin. Tumunog ito at nagkusang bumukas ang pinto paitaas. Pumasok s'ya sa loob at agad na pinaandar ang sasakyan. Naghintay muna s'ya ng ilang segundo para e-warm up ang sasakyan bago ito pinaharurot paalis.
CHARLES MALCOLM... "Handsome!" napaigtad s'ya ng marinig ulit ang boses ni Dee. Hindi n'ya man lang namalayan na napatulala pala s'ya sa magandang mukha nito at sa hubog ng katawan na kitang-kita sa suot na itim na dress na hapit na hapit sa balat nito. "Yeah! Shall we?" agad na tanong n'ya rito ng makabawi. "Yeah! Let's go and sit! I'm starving," nakangiti na tugon nito sa kan'ya at agad na ikinawit sa kan'yang braso ang kamay. Agad na nag react ang kan'yang katawan ng maramdaman ang init mula sa palad ni Dee ngunit hindi n'ya ito ipinahalata sa babae bagkus ay iginiya n'ya ito patungo sa mesa na nakalaan para sa kanila. Hinila n'ya ang isang upoan at inalalayan ang dalaga na makaupo. "Thank you gentleman," nakangiti na pasasalamat nito. Umikot s'ya sa kabila at naupo sa harapan nito. "Handsome and gentleman, huh!" nakataas ang kilay na sabi n'ya rito. Mahina itong natawa at para na naman s'yang nahahalina sa uri ng pagtawa nito. "Why? You don't like to be called handsome and
CHARLES MALCOLM... "Hey! Is everything ok?" tanong sa kan'ya ni Dee ng makabalik s'ya sa kanilang mesa. Nagbuga s'ya ng hangin ng makaupo at mariin na tinitigan ang dalaga. Ewan n'ya ba pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon s'ya ng magaan na pakiramdam at kapanatagan ng loob sa isang babae. "Ok but not ok!" tipid na sagot n'ya rito. Nagsalubong agad ang mga kilay nito at halata na nagtataka sa kan'yang sagot. "What do you mean? May nangyari ba? I'm sorry for asking— it's just that, you look worried. Kung may emergency sa inyo pwede naman nating ituloy ang dinner natin kapag may time ka na—," "No! I'm fine! Walang emergency sa bahay. Pinsan ako ang tumawag sa akin, nakalimutan ko lang na may usapan pala kami ngayon na magkikita para tulongan ang isa ko pang pinsan," hindi n'ya alam kung bakit nagpapaliwanag s'ya sa dalaga. Mahalaga sa kan'ya ang kan'yang pamilya ngunit parang ayaw n'ya rin na maghiwalay silang dalawa ni Dee. "Then you have to go home! Kailangan pa