CHARLES MALCOLM... Akmang lalayo sa kan'ya si Dee ngunit mabilis n'yang hinawakan ang braso nito at hinatak palapit sa kan'ya. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga pisngi. Hindi agad ito nakahuma dahil siguro sa gulat. Kahit s'ya ay nagulat din sa kan'yang ginawa ngunit huli na ang lahat para bawiin dahil magkadikit na ang kanilang mga mukha. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga babae na matatalim ang dila?" paanas na sabi n'ya rito. Wala s'yang pakialam sa paligid kahit pa nagkakagulo na ang mga tao sa tugtog at lahat ay nagsisigawan at naghihiyawan. Para silang may sariling mundo na dalawa ng babae at parang sila lang ang tao sa lugar na iyon. "You slap their mouth?" pabulong na sagot ni Dee sa tanong n'ya. Sumilay ang isang ngiti sa kan'yang labi ng marinig ang sinabi nito. "No! I just punish them like this—," sabi n'ya at agad na hinawakan ang babae sa batok at siniil ng isang mapusok na halik. Hindi ito nakahuma dahil sa sob
CHARLES MALCOLM...Bugnutin s'ya kinabukasan ng magising. Paano ba naman kasi ay halos hindi na s'ya nakatulog sa kakaisip kay Dee. Ilang beses n'ya ding tinawagan ang numero na ginamit nito para magpadala ng mensahi sa kan'ya noon ngunit mukhang hindi na nito ginagamit ang numero.Padaskol s'yang bumangon para maligo. Ngunit bago pa s'ya tumayo ay ilang beses muna s'yang bumuga ng hangin para alisin ang bigat sa kan'yang loob. Ilang beses din s'yang nagbuga ng hangin bago tumayo para maligo.Ngunit hindi pa s'ya nakahakbang ay tumunog na ang kan'yang cellphone na ikinalingon n'ya sa kinalalagyan nito. At biglang kumalabog ang kan'yang dibdib ng makita na ang numero ni Dee ang tumatawag. Mabilis pa sa ipo-ipo na dinampot n'ya ang naturang aparato para sagutin ang tawag ng babae."Hello!" agad na bungad n'ya."Hi handsome, good morning! How's your sleep?" masigla ang boses na tanong nito sa kan'ya. Para naman s'yang teenager na kinilig ng marinig ang pangungumusta nito sa kan'yang tul
CHARLES MALCOLM... Dinaig n'ya pa ang isang teenager habang nagbibihis. Kanina pa s'ya papalit-palit ng damit at ang daming mga damit ang nagkalat sa ibabaw ng kan'yang kama. Nang sa wakas ay may napili din s'ya kaya agad s'yang nagbihis dahil baka ma-late na s'ya sa usapan nila ni Dee. Sa isang restaurant nila napagkasunduan na magkita. Gusto n'ya sanang sunduin ito ngunit inayawan ng dalaga at sinabi na doon na lang daw silang dalawa magkita. At kahit na ayaw n'ya ay pumayag na lang s'ya. Mas mainam na iyon kaysa walang dinner na magaganap. Pagkatapos n'yang mag-ayos at naging parang mukhang tao na s'ya ay lumabas na s'ya ng kan'yang silid. Dinaanan n'ya ang susi ng kan'yang sasakyan at lumabas ng bahay. Dumiretso s'ya sa garahe at agad na binuksan ang sasakyan na gagamitin. Tumunog ito at nagkusang bumukas ang pinto paitaas. Pumasok s'ya sa loob at agad na pinaandar ang sasakyan. Naghintay muna s'ya ng ilang segundo para e-warm up ang sasakyan bago ito pinaharurot paalis.
CHARLES MALCOLM... "Handsome!" napaigtad s'ya ng marinig ulit ang boses ni Dee. Hindi n'ya man lang namalayan na napatulala pala s'ya sa magandang mukha nito at sa hubog ng katawan na kitang-kita sa suot na itim na dress na hapit na hapit sa balat nito. "Yeah! Shall we?" agad na tanong n'ya rito ng makabawi. "Yeah! Let's go and sit! I'm starving," nakangiti na tugon nito sa kan'ya at agad na ikinawit sa kan'yang braso ang kamay. Agad na nag react ang kan'yang katawan ng maramdaman ang init mula sa palad ni Dee ngunit hindi n'ya ito ipinahalata sa babae bagkus ay iginiya n'ya ito patungo sa mesa na nakalaan para sa kanila. Hinila n'ya ang isang upoan at inalalayan ang dalaga na makaupo. "Thank you gentleman," nakangiti na pasasalamat nito. Umikot s'ya sa kabila at naupo sa harapan nito. "Handsome and gentleman, huh!" nakataas ang kilay na sabi n'ya rito. Mahina itong natawa at para na naman s'yang nahahalina sa uri ng pagtawa nito. "Why? You don't like to be called handsome and
CHARLES MALCOLM... "Hey! Is everything ok?" tanong sa kan'ya ni Dee ng makabalik s'ya sa kanilang mesa. Nagbuga s'ya ng hangin ng makaupo at mariin na tinitigan ang dalaga. Ewan n'ya ba pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon s'ya ng magaan na pakiramdam at kapanatagan ng loob sa isang babae. "Ok but not ok!" tipid na sagot n'ya rito. Nagsalubong agad ang mga kilay nito at halata na nagtataka sa kan'yang sagot. "What do you mean? May nangyari ba? I'm sorry for asking— it's just that, you look worried. Kung may emergency sa inyo pwede naman nating ituloy ang dinner natin kapag may time ka na—," "No! I'm fine! Walang emergency sa bahay. Pinsan ako ang tumawag sa akin, nakalimutan ko lang na may usapan pala kami ngayon na magkikita para tulongan ang isa ko pang pinsan," hindi n'ya alam kung bakit nagpapaliwanag s'ya sa dalaga. Mahalaga sa kan'ya ang kan'yang pamilya ngunit parang ayaw n'ya rin na maghiwalay silang dalawa ni Dee. "Then you have to go home! Kailangan pa
CHARLES MALCOLM...Masayang ipinagpatuloy nila ang pagkain na dalawa ni Dee. Panaka-naka silang nagkwentohan at madalas ay pareho silang may mga tanong sa isat-isa at nasasagot naman pareho at tama.Iniiwasan n'ya muna ang magtanong tungkol sa personal na buhay nito dahil baka mahalata ng babae na gusto n'yang malaman ang tungkol dito.Hindi n'ya rin maintindihan ang kan'yang sarili ngunit may pakiramdam s'ya na ganon na lang ang kan'yang paghahangad na malaman ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ni Dee.Kahit makulit ito at palaging nakangiti ngunit may bahagi sa pagkatao nito na parang kay hirap basahin at iyan ang gusto n'yang malaman."So after natin dito pupunta ka sa pinsan mo?" tanong nito pagkatapos sumipsip ng wine. "Yup! Dadaanan ko lang sila saglit," tugon n'ya."That's good! Remember, family always comes first.""Yeah! Nataon lang kasi na kailangan ng isang pinsan namin ng tulong mula sa amin. His wife got kidnapped at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita," hindi
CHARLES MALCOLM... "Can I kiss you now, hmmmm?" dagdag n'ya pa at sinadyang palandiin ang kan'yang boses na animoy inaakit ang babae. Mas lalo n'ya pang inilapit ang kan'yang mukha kay Dee hanggang sa magkiskisan na ang kanilang mga labi na dalawa. At sa simpling pagdikit ng kanilang mga labi ay hindi n'ya napigilan ang kan'yang sarili na biglang makaramdam ng init. "C-Charles!" nauutal na sambit nito sa kan'yang pangalan. Mas lalong nadagdagan ang kan'yang nararamdaman na init sa katawan dahil pakiramdam n'ya isang musika sa kan'yang pandinig ang pagtawag sa kan'ya ni Dee sa kan'yang pangalan. Dahil sa samot-saring nararamdaman ay hindi na s'ya nag-aksaya pa ng oras. Hinawakan n'ya si Dee sa batok at siniil ng isang mapusok na halik. Noong una ay hindi pa nakahuma ang dalaga dahil siguro sa gulat ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay nararamdaman n'ya na ang paggalaw ng labi nito para gantihan ang kan'yang halik. At dahil sa ginawang iyon ni Dee ay mas lalong tumindi ang kan'ya
CHARLES MALCOLM... Tahimik si Dee habang naglalakad sila palabas ng restaurant. Pagkatapos nilang makapagbayad ay lumabas na sila. Nasa parking lot sila ng naturang lugar at parehong tahimik. Nang hindi na s'ya makatiis ay mabilis ang kan'yang mga kilos na hinawakan si Dee sa braso at isinandig sa isang kotse na nadaanan nila sa parking lot. "What the fvck are you doing Carles?" sita nito sa kan'ya habang nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil sa bilis ng pangyayari. "Are you mad at me? Why are you not talking to me?" paos ang boses na tanong n'ya sa babae. Hindi kasi s'ya mapakali na hindi s'ya nito kinikibo. Alam n'ya na medyo sumobra s'ya dito kanina ngunit s'ya iyon eh. Kung ano ang gusto n'ya ay sasabihin n'ya at hindi s'ya sanay na nagtatago ng nararamdaman sa kahit na sino. Nagbuga ito ng hangin at parang nauubosan ng pasensya na sinalubong ang kan'yang tingin. "Hindi ako galit na ikaw ang nagbayad sa kinain natin. Galit ako dahil sa pagiging bossy mo. You can't order me k