TANYA CAMILLE... Mula sa isang madilim na silid ay inilipat s'ya ni Donna sa isang magara at komportableng kwarto. Napaka elegante nito na halos malula s'ya ng una n'ya itong makita. Hindi n'ya alam kung ano ba talaga ang trip ni Donna sa buhay pero iisa lang ang patutungohan ng lahat ng ito. Iyan ay ang saktan s'ya sa huli ay agawin si Briggs at ang anak n'ya sa kan'ya. Sa tingin n'ya sa babae ay nababaliw na ito at kung ano-ano na lang ang naiisip na gawin. Maaliwalas nga ang lugar na pinaglipatan nito sa kan'ya ngunit may isang babae na nakabantay sa kan'ya at sa tingin n'ya dito ay hindi ito basta-bastang babae lamang. Matapang ang mukha nito at parang walang kinatatakutan. At ang mas malala ay hindi n'ya ito nakita na natutulog simula ng bantayan s'ya nito. Mahigit tatlong linggo na s'ya sa poder ni Donna at sa loob ng tatlong linggo na iyon ay naging maayos ang kan'yang kalagayan. Alagang-alaga s'ya ng mga katiwala nito at alam n'ya kung bakit ganito ang trato sa kan'ya ng
TANYA CAMILLE... "Abrielle gusto kong matuto ng basic self defense. Pwede mo ba akong turuan?" walang pag-alinlangan na tanong n'ya sa babae. Kahit alam n'ya na hindi s'ya nito papansinin sa kan'yang pakiusap ngunit gusto n'ya pa ring subukan. Kung nagawa ni Abrielle ang maging matapang at palaban sa kabila ng lahat ng nangyari dito kaya n'ya ding gawin iyon. Ang kailangan n'ya lang ay lakas ng loob at determinasyon. Mahinang natawa ang babae na ikinabalik ng atensyon n'ya rito. Lumapit ito sa kan'ya at sa ganon na lang ang kan'yang pagkagulat ng mabilis na kumilos ang kamay nito at nagising na lang s'ya na sakal-sakal s'ya ni Abrielle habang nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kan'ya. Hinawakan n'ya ang kamay nito na nasa leeg n'ya at pilit na binabaklas. Nahihirapan na s'yang huminga ng mga oras na iyon ngunit pilit n'ya pa rin na binabaklas ang kamay ni Abrielle. Akala n'ya ay mamamatay na s'ya ngunit maya-maya lang ay inalis ni Abrielle ang kamay nito sa kan'yang le
TANYA CAMILLE... Madaling lumipas ang mga araw at hindi n'ya namalayan na halos magdadalawang buwan na s'yang bihag ni Donna. At sa loob ng mga panahon na iyon ay naging kaibigan n'ya si Abrielle ng pa sekreto. Tinuroan din s'ya ng babae kung paano makikipaglaban at kahit buntis s'ya ay maayos n'yang nakuha at natutunan ang lahat. Bihira s'yang binibisita ni Donna nitong nga huling araw at ayon kay Abrielle ay busy daw ito sa ibang bagay kaya mas lalo silang nagkaroon ni Abrielle ng pagkakataon para makapag ensayo. "Tanya maligo ka na at mag-ayos," utos sa kan'ya ni Abrielle. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay ng marinig ang sinabi ng babae. "Bakit? Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong n'ya rito. "Not us! Only you!" "Me? Paano? I mean bakit ako lang? Hindi ka kasama?" naguguluhan na tanong n'ya rito. Lumapit ito sa kan'ya at may ibinulong. "I don't feel good today. Nakita ko ang mga taohan ni Donna sa labas na naghahanda sila at narinig ko na parang ililipat ka ni Donna sa
TANYA CAMILLE... "Bitawan n'yo ako!" pagpupumiglas n'ya sa dalawang lalaki na humahatak sa kan'ya ngunit hindi s'ya binitawan ng mga ito bagkus ay mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kan'yang magkabilang pulso. "Drag her!" sigaw ni Donna sa mga taohan nito. Bigla s'yang kinabahan ng marinig ang sinabi ng babae kaya kinalma n'ya ang kan'yang sarili bago nagsalita. "No! Mapapahamak ang anak ko at kung gagawin mo yan Donna ay hindi mo na magagamit ang anak ko para makuha si Briggs," matapang na sabi n'ya sa babae. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap s'ya. Nakataas ang kilay ng babae na naglakad pabalik sa kan'yang kinaroroonan. Nang matapat ito sa kan'ya ay mahina nitong tinapik ang kan'yang pisngi at nginisihan s'ya. "Brilliant! Ang galing mong mag-isip, Tanya, napahanga mo ako pero kapag hindi ka pa rin sumunod sa mga taohan ko ng kusa, don't blame me kung dito pa lang ay papatayin na kita kasama ang anak mo. I can find another child para ipakilala kay Briggs n
TANYA CAMILLE... Hindi s'ya gumalaw sa pinagtataguan n'ya hangga't hindi umalis si Donna. Patuloy pa rin ang pagbabarilan sa lugar at sa tantya n'ya ay marami ang lumusob sa kota ni Donna. Alagad ng batas ang asawa n'ya at pati na rin ang mga pinsan nito kaya hindi malabo na ang lalaki ang dumating at kasama ang mga pinsan nito. Kahit kailan ay hindi talaga pumalya ang kan'yang asawa sa pagpapa-impress nito sa kan'ya. At dahil dito ay mas lalo n'ya pang minahal si Simon. Sinilip n'ya mula sa maliit na siwang ng dahon ng pinagkukublian na halaman kung may tao pa sa paligid ngunit wala na s'yang makita kaya naman ay dahan-dahan s'yang lumabas at ipinagpatuloy ang kan'yang pagtakas. Tinakbo n'ya ng may buong pag-iingat ang kabilang banda at matiwasay naman s'yang nakarating sa kabila. Walang katao-tao sa bahahing iyon at kay isang pintoan ang naroon kaya naman ay binuksan n'ya ito at mabilis na pumasok. Nakakatulong sa kan'ya ang inilagay ni Abrielle na parang cushion sa kan'yang t
TANYA CAMILLE... "S-Simon!" kinakabahan na tawag n'ya sa asawa ng makita ang makapal na usok ng gas. "Tanya! Run!" sigaw ng asawa ngunit hindi s'ya papayag na s'ya lang ang aalis sa lugar na ito. Pwede s'yang tumakbo pabalik sa pinasukan n'yang pinto kanina ngunit hindi n'ya gagawin iyon ng hindi kasama ang asawa. "No! Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama!" matigas na sagot n'ya sa lalaki. "Damn baby, don't be stubborn!" sagot nito at naririnig n'ya sa boses nito na parang hinihingal. May mga boses din s'ya ng ibang lalaki na naririnig at hinala n'ya na nagpambuno ang asawa n'ya sa mga kalaban. Nang maisip ang bagay na iyon ay dali-dali s'yang lumabas at pinigilan ang kan'yang paghinga sabay takbo sa kinaroroonan ni Simon. Sinuong n'ya ang makapal na puting usok mula sa natamaan na tangke ng gas. At ng marating ang kinaroroonan ng asawa ay ganon na lang ang kan'yang hilakbot ng makita si Simon na duguan ang mukha at pinagtutulongan ng mga taohan ni Donna. "Simon!" sigaw n'ya
TANYA CAMILLE... Nanghilakbot s'ya ng makita ang malaking apoy na bigla na lamang sumiklab. "Simon! Tumayo ka please, tulongan mo ako na ilabas ka dito," natatarantang utos n'ya sa asawa. Tinapik n'ya ang pisngi nito ng makita n'ya na ipinikit nito ang mga mata at mukhang nalawan ng ulirat. Naghanap s'ya ng pwedeng magamit para hindi sila agad-agad na masunog ng apoy ngunit wala s'yang makita kaya mas lalo s'yang nag panic. "Simon! Gumising ka! Kailangan mo kaming samahan ng anak natin palabas dito. Hindi kami aalis kung hindi ka namin kasama!" mangiyak-ngiyak na sabi n'ya rito at bahagyang niyugyog ang balikat ng lalaki. Mukhang narinig naman s'ya nito dahil agad itong nagdilat ng mga mata at nabuhayan s'ya ng loob ng makita na gumalaw ang asawa para tumayo. Agad n'ya naman itong inalalayan para mapabilis ang pagtayo nito at para hindi ito matumba. "Thank you Simon, thank you!" pasasalamat n'ya sa asawa ng makita na ginagawa din nito ang lahat para makatulong sa kan'ya na makal
TANYA CAMILLE... Nagising s'ya sa kakaibang amoy sa paligid kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at bumungad sa kan'ya ang purong puti na paligid. "N-Nasaan ako?" mahinang tanong n'ya habang salubong ang kan'yang kilay. Isang gala pa ng kan'yang mga mata sa paligid at doon n'ya lang napansin ang mga IV drip na nasa lagayan nito at ang dulo ay sa kan'yang kamay. "Nasa hospital ba ako?" tanong n'ya sa sarili at agad namang nasagot ang kan'yang mga tanong ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na doctor kasunod ang ina ni Simon. At ng maalala ang asawa ay doon na s'ya at nataranta. "Simon! Simon! Mommy nasaan ang asawa ko?" hysterical na tanong n'ya sa byenan. Dali-dali naman itong lumapit sa kan'ya at hinawakan s'ya sa balikat para pigilan ng akmang bababa s'ya sa kama. "Calm down, Tanya at baka mapaano ang anak mo," pampakalma sa kan'ya ng byenan. Natigilan naman s'ya ng maalala ang kan'yang anak sa sinapupunan. "Mommy ang anak ko? Kamusta ang