TANYA CAMILLE... Madaling lumipas ang mga araw at hindi n'ya namalayan na halos magdadalawang buwan na s'yang bihag ni Donna. At sa loob ng mga panahon na iyon ay naging kaibigan n'ya si Abrielle ng pa sekreto. Tinuroan din s'ya ng babae kung paano makikipaglaban at kahit buntis s'ya ay maayos n'yang nakuha at natutunan ang lahat. Bihira s'yang binibisita ni Donna nitong nga huling araw at ayon kay Abrielle ay busy daw ito sa ibang bagay kaya mas lalo silang nagkaroon ni Abrielle ng pagkakataon para makapag ensayo. "Tanya maligo ka na at mag-ayos," utos sa kan'ya ni Abrielle. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay ng marinig ang sinabi ng babae. "Bakit? Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong n'ya rito. "Not us! Only you!" "Me? Paano? I mean bakit ako lang? Hindi ka kasama?" naguguluhan na tanong n'ya rito. Lumapit ito sa kan'ya at may ibinulong. "I don't feel good today. Nakita ko ang mga taohan ni Donna sa labas na naghahanda sila at narinig ko na parang ililipat ka ni Donna sa
TANYA CAMILLE... "Bitawan n'yo ako!" pagpupumiglas n'ya sa dalawang lalaki na humahatak sa kan'ya ngunit hindi s'ya binitawan ng mga ito bagkus ay mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kan'yang magkabilang pulso. "Drag her!" sigaw ni Donna sa mga taohan nito. Bigla s'yang kinabahan ng marinig ang sinabi ng babae kaya kinalma n'ya ang kan'yang sarili bago nagsalita. "No! Mapapahamak ang anak ko at kung gagawin mo yan Donna ay hindi mo na magagamit ang anak ko para makuha si Briggs," matapang na sabi n'ya sa babae. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap s'ya. Nakataas ang kilay ng babae na naglakad pabalik sa kan'yang kinaroroonan. Nang matapat ito sa kan'ya ay mahina nitong tinapik ang kan'yang pisngi at nginisihan s'ya. "Brilliant! Ang galing mong mag-isip, Tanya, napahanga mo ako pero kapag hindi ka pa rin sumunod sa mga taohan ko ng kusa, don't blame me kung dito pa lang ay papatayin na kita kasama ang anak mo. I can find another child para ipakilala kay Briggs n
TANYA CAMILLE... Hindi s'ya gumalaw sa pinagtataguan n'ya hangga't hindi umalis si Donna. Patuloy pa rin ang pagbabarilan sa lugar at sa tantya n'ya ay marami ang lumusob sa kota ni Donna. Alagad ng batas ang asawa n'ya at pati na rin ang mga pinsan nito kaya hindi malabo na ang lalaki ang dumating at kasama ang mga pinsan nito. Kahit kailan ay hindi talaga pumalya ang kan'yang asawa sa pagpapa-impress nito sa kan'ya. At dahil dito ay mas lalo n'ya pang minahal si Simon. Sinilip n'ya mula sa maliit na siwang ng dahon ng pinagkukublian na halaman kung may tao pa sa paligid ngunit wala na s'yang makita kaya naman ay dahan-dahan s'yang lumabas at ipinagpatuloy ang kan'yang pagtakas. Tinakbo n'ya ng may buong pag-iingat ang kabilang banda at matiwasay naman s'yang nakarating sa kabila. Walang katao-tao sa bahahing iyon at kay isang pintoan ang naroon kaya naman ay binuksan n'ya ito at mabilis na pumasok. Nakakatulong sa kan'ya ang inilagay ni Abrielle na parang cushion sa kan'yang t
TANYA CAMILLE... "S-Simon!" kinakabahan na tawag n'ya sa asawa ng makita ang makapal na usok ng gas. "Tanya! Run!" sigaw ng asawa ngunit hindi s'ya papayag na s'ya lang ang aalis sa lugar na ito. Pwede s'yang tumakbo pabalik sa pinasukan n'yang pinto kanina ngunit hindi n'ya gagawin iyon ng hindi kasama ang asawa. "No! Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama!" matigas na sagot n'ya sa lalaki. "Damn baby, don't be stubborn!" sagot nito at naririnig n'ya sa boses nito na parang hinihingal. May mga boses din s'ya ng ibang lalaki na naririnig at hinala n'ya na nagpambuno ang asawa n'ya sa mga kalaban. Nang maisip ang bagay na iyon ay dali-dali s'yang lumabas at pinigilan ang kan'yang paghinga sabay takbo sa kinaroroonan ni Simon. Sinuong n'ya ang makapal na puting usok mula sa natamaan na tangke ng gas. At ng marating ang kinaroroonan ng asawa ay ganon na lang ang kan'yang hilakbot ng makita si Simon na duguan ang mukha at pinagtutulongan ng mga taohan ni Donna. "Simon!" sigaw n'ya
TANYA CAMILLE... Nanghilakbot s'ya ng makita ang malaking apoy na bigla na lamang sumiklab. "Simon! Tumayo ka please, tulongan mo ako na ilabas ka dito," natatarantang utos n'ya sa asawa. Tinapik n'ya ang pisngi nito ng makita n'ya na ipinikit nito ang mga mata at mukhang nalawan ng ulirat. Naghanap s'ya ng pwedeng magamit para hindi sila agad-agad na masunog ng apoy ngunit wala s'yang makita kaya mas lalo s'yang nag panic. "Simon! Gumising ka! Kailangan mo kaming samahan ng anak natin palabas dito. Hindi kami aalis kung hindi ka namin kasama!" mangiyak-ngiyak na sabi n'ya rito at bahagyang niyugyog ang balikat ng lalaki. Mukhang narinig naman s'ya nito dahil agad itong nagdilat ng mga mata at nabuhayan s'ya ng loob ng makita na gumalaw ang asawa para tumayo. Agad n'ya naman itong inalalayan para mapabilis ang pagtayo nito at para hindi ito matumba. "Thank you Simon, thank you!" pasasalamat n'ya sa asawa ng makita na ginagawa din nito ang lahat para makatulong sa kan'ya na makal
TANYA CAMILLE... Nagising s'ya sa kakaibang amoy sa paligid kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at bumungad sa kan'ya ang purong puti na paligid. "N-Nasaan ako?" mahinang tanong n'ya habang salubong ang kan'yang kilay. Isang gala pa ng kan'yang mga mata sa paligid at doon n'ya lang napansin ang mga IV drip na nasa lagayan nito at ang dulo ay sa kan'yang kamay. "Nasa hospital ba ako?" tanong n'ya sa sarili at agad namang nasagot ang kan'yang mga tanong ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na doctor kasunod ang ina ni Simon. At ng maalala ang asawa ay doon na s'ya at nataranta. "Simon! Simon! Mommy nasaan ang asawa ko?" hysterical na tanong n'ya sa byenan. Dali-dali naman itong lumapit sa kan'ya at hinawakan s'ya sa balikat para pigilan ng akmang bababa s'ya sa kama. "Calm down, Tanya at baka mapaano ang anak mo," pampakalma sa kan'ya ng byenan. Natigilan naman s'ya ng maalala ang kan'yang anak sa sinapupunan. "Mommy ang anak ko? Kamusta ang
TANYA CAMILLE... Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng makaligtas sila ni Simon mula sa mga kamay ni Donna. Na confine sa ICU si Simon ng isang linggo dahil sa maraming dugo na nawala dito at nag-aagaw buhay pa ito ng dinala sa hospital. Pati na rin ang anak nila na muntik ng mawala sa kanila ngunit mukhang nagmana yata ang anak nila ni Simon sa ama nito na palaban at hindi sumusuko agad dahil katulad ng ama ay lumaban din ito sa buhay. Nang malaman n'ya ito ay hindi n'ya mapigilan ang mapahagulhol at paulit-ulit na nagpasalamat sa taas dahil sa isa pang pagkakataon na ibinigay sa kanila ni Simon na makasama ang isa't-isa pati na ang anak nila. Pagkalipas ng isang linggo ay naging maayos ang kalagayan ng asawa at inilipat agad ito sa kwarto na kinuha nila. Magkasama silang dalawa dahil s'ya ay nagpagaling din. Sa lahat ng kan'yang mga pinagdaanan ay doon n'ya napagtanto na mahal s'ya ng Dyos dahil hindi s'ya nito pinabayaan at habangbuhay n'ya itong pasasalamatan. "Baby," n
TANYA CAMILLE... Another two weeks had passed and Simon was fully recovered from the threat of death. Lumabas agad sila ng hospital at nagpasya na sa bahay na lang magpahinga. Babalik na lang sila sa hospital for follow cgeck-up. Maayos na din ang kalagayan nito at pati na s'ya at ang anak nila. Isang mainit na welcome party ang inihanda ng mga magulang ni Simon ng makauwi sila, kasama ang mga pinsan nito at ang iba pang pamilya. Masaya din sila pareho dahil sa wakas ay natapos na ang lahat. Namatay si Donna sa mismong engkwentro sa gitna ng gulo sa fortress nito ngunit ang mas nakakagulat ay nang malaman n'ya kung sino ang pumatay dito. Si Abrielle ang bumaril at tumapos sa kasamaan ni Donna. Kung paano n'ya nalaman ay iyon dahil sa nakuhang impormasyon mula sa pinsan ni Simon na si Henry na s'yang nakakita kung paano binaril ni Abrielle ng paulit-ulit si Donna. Habangbuhay n'yang hindi makakalimutan ang dalaga at ang mga ginawa nito sa kan'yang pamilya. "What are you