SIMON BRIGGS... Naihilamos n'ya ang mga palad sa mukha at pabalik-balik ng lakad sa loob ng kanilang silid ni Tanya pagkatapos mailagay sa kama ang asawa. Mahimbing na itong natutulog at naghihilik pa ngunit sa tabi nito ay limang cup cake na iniakyat nito sa silid nila. Nagtatalo pa silang dalawa kanina tungkol sa cupcake na gusto nitong dalhin sa taas ngunit sa huli ay s'ya din ang talo at walang reklamo na sinunod na lamang ang gusto nito. Idagdag mo pa ang kan'yang ina na kakampi ni Tanya sa lahat ng bagay. Parang nakakalimutan ng ina n'ya na s'ya ang anak nito at hindi si Tanya. Naguguluhan s'ya sa inaasal ng asawa dahil hindi naman ito ganito pagdating sa pagkain simula ng makilala n'ya ito. At wala din itong ugali na bigla-bigla na lang naiiyak kapag may nasabi s'ya tungkol sa pagkain nito. Kanina pa s'ya nagtataka ngunit wala naman s'yang lakas ng loob na tanungin si Tanya dahil sa pag-alala na baka magalit ito sa kan'ya at iiyak na naman ulit. Tinawag pa s'ya nito na pa
SIMON BRIGGS... Hindi n'ya alam kung gaano s'ya katagal natulala ng marinig ang sinabi ng kan'yang mga magulang. Halo-halong emosyon ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Tuwa, saya at kaba na din dahil baka magalit si Tanya sa kan'ya. Nag-usap na silang dalawa na hindi muna ito magbubuntis dahil nag-aaral pa ito at nangako naman s'ya dito na kaya n'ya namang maghintay pero ngayon ay maririnig n'ya sa kan'yang mga magulang na buntis ito. "Briggs!" malakas na tawag ng kan'yang ina sa kan'yang pangalan na ikinaigtad n'ya. "Mom!" "What? Are you not happy?" sita sa kan'ya ng ina ng makita ang kan'yang reaction. "I am! Of course I am the happiest man in the universe right now," sagot n'ya rito. "Then? What's with the face?" nakataas ang kilay na tanong ng daddy n'ya. "I'm scared! I mean, nag-usap kami ni Tanya na hindi muna s'ya magbubuntis dahil nag-aaral pa s'ya at nangako ako na maghihintay ako sa kan'ya tapos ngayon a—," "Stop! Wala ka ng magagawa dahil nandito na ito
TANYA CAMILLE... "Saan tayo pupunta?" nanghihina na tanong n'ya sa asawa. Nang magising s'ya kanina ay agad s'ya nitong inaya na umalis. Tinatamad s'ya at walang gana na gumalaw ngunit wala s'yang magagawa dahil ang asawa n'ya ang nagyaya. "You will know later, wifey!" "Hmmmm! Sabihin mo na Simon! Ayaw kong lumabas pero pinilit mo ako tapos ngayon ay may pa secret-secret ka d'yan," maktol na reklamo n'ya sa asawa. Ginagap lang nito ang kan'yang palad at pinisil sabay ngiti. Kapag ganito ang lalaki sa kan'ya ay mabilis s'yang nalulusaw. Ang lakas talaga ng karisma nitong asawa n'ya na isang ngiti lang nito sa kan'ya ay bumibigay na agad s'ya. Nagpakawala s'ya ng hangin at umusod ng kaunti palapit sa asawa. Para na naman s'yang dinuduyan sa antok kaya naman ay ipinalibot n'ya ang kan'yang braso sa braso ni Simon at inihilig ang kan'yang ulo doon. Hindi naman s'ya sinaway ng asawa at hinayaan lang sa kan'yang posisyon hanggang sa mawalan ng ulirat. Nagising s'ya na parang may tu
TANYA CAMILLE... Malakas na kumakalabog ang kan'yang puso habang naghihintay ng resulta ng kan'yang test. Nang marinig n'ya kanina sa doctor na baka buntis s'ya ay bigla n'yang nakalimutan ang lahat ng kan'yang inaalala at nakaramdam ng kakaibang saya sa munting buhay sa kan'yang sinapupunan. Alam n'ya na nangako sila ni Simon na hindi muna sila mag baby habang nag-aaral pa s'ya ngunit ng marinig n'ya na buntis s'ya ay hindi n'ya mapigilan ang sarili na alisin sa kan'yang isip ang tungkol sa kan'yang pag-aaral. Napuno ang kan'yang isip ng tungkol sa pagbubuntis at aaminin n'ya na excited na s'yang makumpirma kung totoo ngang buntis s'ya. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin n'ya nga ang mga pagbabago sa kan'yang katawan at ugali ngunit hindi n'ya ito binigyan ng pansin sa pag-aakala na baka may ganitong side lang s'ya na ngayon lang lumabas. Pero ang palagi n'yang pagkagutom at pagiging antukin ay ngayon lang lahat pumasok sa kan'yang isip na baka buntis nga s'ya at nasa paglil
SIMON BRIGGS... He woke up in an unfamiliar room. Puro puti ang paligid at kakaiba ang amoy nito. Kaya naman ay agad s'yang napabalikwas ng bangon para lang magulat ng malaman na may mga IV na nakakabit sa kan'yang katawan. "Fvck! What happened? And where am I? Oh shit! Tanya! Tanya!" hindi magkandauga na tanong n'ya at sunod-sunod na tinawag ang asawa ng maalala ito. Pinagbabaklas n'ya ang lahat ng mga IV na nakakabit sa kan'yang katawan at bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa ang kan'yang mga pinsan. "Damn it! What are you doing, Briggs? Stop it!" dali-daling awat sa kan'ya ni Charles na s'yang unang tumakbo para pigilan s'ya. "Let me go Charles! I need to find my wife! Nasaan ang asawa ko?" pasigaw na pagpupumiglas n'ya sa pinsan dahil niyakap s'ya nito ng dalawang braso mula sa likod kaya hindi s'ya makagalaw. "You need to calm down first and stop what you are doing," matigas na utos ng pinsan sa kan'ya. Lumapit na din ang iba pa nilang mga pinsan at lahat ng mga ito ay
TANYA CAMILLE... Nagising na s'ya dahil sa sobrang lamig. Namalukot s'ya ngunit hindi n'ya magawa at doon n'ya lang napansin na nakakadena pala ang kamukha kamay at mga paa kaya hindi s'ya makagalaw ng maayos. "S-Simon," natatakot na tawag n'ya sa pangalan ng asawa ngunit walang tugon mula rito. Para na s'yang maiyak habang tahimik na nagdadasal na sana ay dumating si Simon para iligtas s'ya. Bumabalik sa kan'yang isip ang nangyari sa kan'ya noon ngunit pilit n'yang nilalabanan dahil alam n'ya na tinatakot n'ya lang ang kan'yang sarili kapag hinayaan s'ya na lamonin na naman s'ya ng nakaraan. Buntis s'ya at kailangan n'yang mag-ingat para sa kaligtasan ng kanilang anak ni Simon. Nasa ganon s'yang pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto at nagliwanag ang paligid. Naipikit n'ya ang kan'yang mga mata dahil sa sobrang liwanag mula sa pinto na kakabukas lang. "Hindi pa naman ako patay siguro? Hindi pa naman ito ang langit, hindi ba?" pagkausap n'ya sa kan'yang sarili. Pilit na pinapal
SIMON BRIGGS... Hindi na s'ya naghintay pa na maging fully recovered. Nang maramdaman n'ya na kaya n'ya na ang katawan ay agad s'yang lumabas ng hospital. Walang pwedeng pumigil sa kan'ya sa gusto n'ya dahil talagang mananagot sa kan'ya kapag may humadlang. Pinagalitan pa s'ya ng kan'yang mga pinsan ngunit hindi s'ya nakinig sa mga ito. Mas mahalaga sa kan'ya ang asawa n'ya at wala s'yang pakialam kung may sakit s'yang mararamdaman along the way. Kaya n'ya iyong tiisin ngunit hindi ang kagustohan na mahanap na ang asawa. Ang mahalaga sa kan'ya ay ang makita na si Tanya at malaman na ligtas ito at ang kanilang anak. Sobra-sobra ang kan'yang pag-aalala sa kan'yang mag-ina at hindi din matatawaran ang galit na nararamdaman n'ya ngayon sa mga taong kumuha sa kan'yang asawa. "Briggs magdahan-dahan ka! Putang'ina naman oh, hindi pa nga masyadong magaling ang sugat mo pero eto ka na at sasabak sa gyera," sermon sa kan'ya ni Charles na s'yang kasama n'ya ngayon. "Too bad, huli na ang la
TANYA CAMILLE... Mula sa isang madilim na silid ay inilipat s'ya ni Donna sa isang magara at komportableng kwarto. Napaka elegante nito na halos malula s'ya ng una n'ya itong makita. Hindi n'ya alam kung ano ba talaga ang trip ni Donna sa buhay pero iisa lang ang patutungohan ng lahat ng ito. Iyan ay ang saktan s'ya sa huli ay agawin si Briggs at ang anak n'ya sa kan'ya. Sa tingin n'ya sa babae ay nababaliw na ito at kung ano-ano na lang ang naiisip na gawin. Maaliwalas nga ang lugar na pinaglipatan nito sa kan'ya ngunit may isang babae na nakabantay sa kan'ya at sa tingin n'ya dito ay hindi ito basta-bastang babae lamang. Matapang ang mukha nito at parang walang kinatatakutan. At ang mas malala ay hindi n'ya ito nakita na natutulog simula ng bantayan s'ya nito. Mahigit tatlong linggo na s'ya sa poder ni Donna at sa loob ng tatlong linggo na iyon ay naging maayos ang kan'yang kalagayan. Alagang-alaga s'ya ng mga katiwala nito at alam n'ya kung bakit ganito ang trato sa kan'ya ng