ABRIELLE DEE... Nanatili s'ya sa hideout para doon mamalagi hanggang sa makapanganak si Tanya. Gusto n'ya mang umalis ngunit hindi n'ya mahindian si Briggs at nag-aalala din s'ya sa kaibigan dahil alam n'ya sa kan'yang sarili na dalawang bata ang dinadala nito. Hindi n'ya lang sinabi kay Tanya na hindi lang Niño ang nasa sinapupunan nito kundi may Niña din. At s'ya ang pinakaunang tao na masaya sa biyaya na natanggap ng kaibigan. Magkapareho sila ng mga pinagdaanan ni Tanya kaya agad na nakuha ng babae ang kan'yang loob ng ipakilala ito ni lady D sa kan'ya at itinalaga na s'ya para bantayan ito. Wala talaga s'yang balak na ipahamak si Tanya dahil ang kan'yang plano kung bakit s'ya pumasok sa grupo ni Donna ay ang makita ang kahuli-hulihang tao na kasama sa pagpatay sa kan'yang mga magulang. At iyon ay ang ama ni Donna na pinakahuli n'yang pinatay. Matagal n'ya na ding balak na wasakin ang grupo ni Donna dahil nasa listahan din ito ng FBI kung saan ay matagal ng hinahanap ng mga a
ABRIELLE DEE... "Ate namiss namin kayo," tuwang-tuwa na sabi ng isang batang babae na ang pangalan ay si Jessa. Napakabibo nito at napaka sweet na bata. Madalas din itong nakangiti na kahit s'ya ay nahahawa sa pagiging palangiti nito at hindi alintana ang pagiging ulila ng lubos. Jessa is only infant ng ma-rescue n'ya. Namatay ang mga magulang nito dahil sa isang aksidente at nagkataon na nasa lugar s'ya ng mangyari ang trahedyang iyon sa pamilya ng bata. Wala s'yang nakita na mga kamag-anak ng pamilya na handang kumupkop sa bata at ng malaman n'ya iyon ay hindi s'ya nagdadalawang-isip na kunin si Jessa para s'ya na ang tumayong guardian nito. Dinaan n'ya naman lahat sa legal na proseso ang pag-ampon dito kaya wala s'yang naging problema sa pagkupkop kay Jessa. Malalapit sa kan'ya ang mga bata at ganon din ang mga ito sa kan'ya ngunit kakaiba ang closeness ni Jessa sa kan'ya dahil ito lamang ang tanging napunta sa kan'ya na sanggol pa lamang. S'ya na ang nagpalaki dito at s'ya n
ABRIELLE DEE... "Ang mga mata mo anak ay iba ang sinasabi. Hindi ka ok at may dinadala ka sa dibdib mo. Kung ano man iyon ay nandito lang ako. Handa akong makinig at hindi kita huhusgahan anak," mahinahon na sabi ng madre sa kan'ya at sa bawat kataga na binibitawan nito. Pakiramdam n'ya ay nanunuot iyon sa kan'yang puso na s'yang dahilan para manikip ang kan'yang dibdib at pigil ang sarili na hindi maiyak. Nagbuga s'ya ng hangin ng ilang beses at pilit na nginitian ang madre kahit naninikip ang kan'yang dibdib. "Hindi ho sister. Ayos lang ho ako. Huwag n'yo na akong alalahanin," s'ya rito ngunit mukhang hindi ito kumbinsido. "Ikaw ang bahala iha. Basta kapag kailangan mo ng makausap ay nandito lang ako, ha! Mabuti kang tao Abrielle, palagi mong tatandaan yan," mahinanong tugon ni sister Norma sa kan'ya. "Mabuting tao sister? Hindi yata eh! Nagkamali yata kayo ng pagkakilala sa akin. Hindi ho ako mabuting tao at napakasama ko ho. Kaya nga ho ako nasasaktan ngayon dahil parusa na s
ABRIELLE DEE... Nanatili s'ya sa shelter kasama ang mga bata ng ilang linggo. At sa loob ng mga panahong iyon ay nakalimutan n'ya ang kan'yang problema sa labas. Malaki ang naging tulong ng mga bata sa kan'ya at totoong masaya s'ya kasama ang mga ito. Marami silang nagawang mga projects at tuwang-tuwa s'ya na napakagaling ng lahat ng mga bata na naroon at bihasa sa paggawa ng mga crafts. Nagpapasalamat din s'ya sa mga tao na tumatayong guro at trainor ng mga bata na s'yang maigi na nagtuturo sa mga ito. Tama nga naman si sister Norma sa sinabi nito noong nakaraan. Hindi s'ya masamang tao dahil kung masama s'ya ay sana wala itong shelter na ito. Walang mga bata ang nagkaroon ng bahay at makakain sa araw-araw. Nakapag-aral kahit papaano ang mga nandito dahil sa mga private teachers na binabayaran n'ya para magturo. Siguro kung hindi n'ya ipinatayo ang shelter na ito ay nasa kalye pa rin ang mga bata at nagugutom. Walang masisilungan at walang matutuloyan. Kahit paano pala ay may na
ABRIELLE DEE... Mabilis ang kan'yang pagmamaneho patungo sa hospital na sinasabi ni Briggs. Kilala n'ya ang may-ari nito at habang nasa daan ay tinawagan n'ya na ang may-ari para ipaalam na may pasyente s'ya sa naturang hospital na manganganak at kailangan n'ya ng special passes para makapasok sa loob. Hindi naman s'ya nabigo dahil ora-mismo ay nagbigay ng passes ang may-ari kaya wala na s'yang problema sa kan'yang pagpasok mamaya. Medyo malayo ang shelter na pinanggalingan n'ya sa syudad ngunit hindi iyon naging hadlang para ma-late s'ya ng dating. Mabilis ang kan'yang pagpapatakbo ng sasakyan at tamang-tama lang ang pagdating n'ya sa hospital. Agad s'yang pumasok at nagpakilala sa receptionist. Dahil emergency ang ipinunta n'ya ay agad naman s'yang pinapasok ng babae na nasa reception. Isinuot n'ya ang kan'yang puting gown at sa kabilang bahagi ng hospital dumaan paakyat sa delivery room. May sariling elevator ang may-ari ng hospital at ito lamang ang tanging makakagamit nito a
ABRIELLE DEE... Pagkatapos masiguro na maayos na ang mag-ina ay nagpasya na s'yang umalis. Sa kabila pa rin s'ya dumaan para hindi makita ang mga tao na naghihintay sa labas ng delivery room. Deritso lang s'ya sa paglakad hanggang sa marating ang private elevator ng may-ari ng hospital. Agad s'yang pumasok at nagpahatid sa baba. Walang lingon-lingon na dumiretso s'ya sa labas kung nasaan ang kan'yang sasakyan pagkatapos n'yang magpasalamat sa receptionist. Pumasok s'ya sa sasakyan at doon lang pinapakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Gumaan ang kan'yang pakiramdam dahil ligtas ang kan'yang kaibigan at mga anak nito. Kinuha n'ya ang cellphone at nagpadala ng mensahi kay Briggs. Ayaw n'ya ng magpakita sa lalaki dahil baka kasama nito si Charles at magpang-abot pa silang dalawa. Mabuti na rin ang pakiramdam n'ya sa halos isang buwan na pamamalagi n'ya sa shelter na hindi sila nagkita na dalawa. Pagkatapos n'yang magpadala ng mensahi kay Briggs ay binuhay n'ya na ang ma
ABRIELLE DEE... Akala n'ya ay magtatagal si Pedro sa shelter. Hindi pala at pinuntahan lang s'ya nito para personal na makausap tungkol sa isang trabaho . Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis din agad ito ng hindi pa nagigising ang mga bata dahil may mahalaga itong bagay na asikasuhin. At sa pagkakataong ito ay iniwasan nitong makita ang mga bata dahil baka hindi na naman daw ito makaalis dahil mawiwili na naman sa mga ampon nila katulad n'ya. Nagpasalamat s'ya sa kaibigan at hinatid ito sa helicopter na sinakyan nito patungo sa lugar. Kahit kailan talaga ay tamad itong magmaneho lalo pa kung mga malalayong lugar ang pupuntahan. Laki kasi ito sa karangyaan kaya ginawa lang na parang jeep na pampubliko ang helicopter na s'yang madalas na ginagamit ng lalaki para sa transportation nito. "You don't want to come with me?" tanong nito sa kan'ya bago umakyat sa helicopter. "No, thanks! Kung ikaw lang din naman ang kasama ko ay huwag na lang," pairap na sagot n'ya rito. Pinaningkitan
ABRIELLE DEE... Dalawang linggo pagkatapos n'yang manatili sa shelter kasama ang mga bata ay nagpasya na s'yang umalis. Tama na muna ang pananatili n'ya rito dahil nalaman n'ya kay Briggs na maayos na ang lagay ni Tanya at ng kambal. Mabigat ang loob na lisanin n'ya ang lugar na iyon dahil alam n'ya sa kan'yang sarili na matatagalan pa s'ya bago makabalik. Kung tutuusin ay masaya din naman s'ya kasama ang mga bata ngunit dahil malapit lang ito kay Charles at hindi malabo na mag krus ulit ang landas nila isang araw. Idagdag mo pa na ang kan'yang kaibigan ay pinsan ni Charles kaya malaki talaga ang posibilidad na magkita silang dalawa ng lalaki at iyon ang iniiwasan n'ya na mangyari. Katulad na lang ng bisitahin n'ya si Tanya para pormal na magpaalam. Nagkita sila ni Charles sa kahuli-hulihang pagkakataon ngunit hindi n'ya ito binigyan pa ng pagkakataon na makausap s'ya ng solo. Matapos makapagpaalam sa mag-asawa at sa mga anak nito ay nawala s'ya na parang bula na kahit sin