ABRIELLE DEE... "Ang mga mata mo anak ay iba ang sinasabi. Hindi ka ok at may dinadala ka sa dibdib mo. Kung ano man iyon ay nandito lang ako. Handa akong makinig at hindi kita huhusgahan anak," mahinahon na sabi ng madre sa kan'ya at sa bawat kataga na binibitawan nito. Pakiramdam n'ya ay nanunuot iyon sa kan'yang puso na s'yang dahilan para manikip ang kan'yang dibdib at pigil ang sarili na hindi maiyak. Nagbuga s'ya ng hangin ng ilang beses at pilit na nginitian ang madre kahit naninikip ang kan'yang dibdib. "Hindi ho sister. Ayos lang ho ako. Huwag n'yo na akong alalahanin," s'ya rito ngunit mukhang hindi ito kumbinsido. "Ikaw ang bahala iha. Basta kapag kailangan mo ng makausap ay nandito lang ako, ha! Mabuti kang tao Abrielle, palagi mong tatandaan yan," mahinanong tugon ni sister Norma sa kan'ya. "Mabuting tao sister? Hindi yata eh! Nagkamali yata kayo ng pagkakilala sa akin. Hindi ho ako mabuting tao at napakasama ko ho. Kaya nga ho ako nasasaktan ngayon dahil parusa na s
ABRIELLE DEE... Nanatili s'ya sa shelter kasama ang mga bata ng ilang linggo. At sa loob ng mga panahong iyon ay nakalimutan n'ya ang kan'yang problema sa labas. Malaki ang naging tulong ng mga bata sa kan'ya at totoong masaya s'ya kasama ang mga ito. Marami silang nagawang mga projects at tuwang-tuwa s'ya na napakagaling ng lahat ng mga bata na naroon at bihasa sa paggawa ng mga crafts. Nagpapasalamat din s'ya sa mga tao na tumatayong guro at trainor ng mga bata na s'yang maigi na nagtuturo sa mga ito. Tama nga naman si sister Norma sa sinabi nito noong nakaraan. Hindi s'ya masamang tao dahil kung masama s'ya ay sana wala itong shelter na ito. Walang mga bata ang nagkaroon ng bahay at makakain sa araw-araw. Nakapag-aral kahit papaano ang mga nandito dahil sa mga private teachers na binabayaran n'ya para magturo. Siguro kung hindi n'ya ipinatayo ang shelter na ito ay nasa kalye pa rin ang mga bata at nagugutom. Walang masisilungan at walang matutuloyan. Kahit paano pala ay may na
ABRIELLE DEE... Mabilis ang kan'yang pagmamaneho patungo sa hospital na sinasabi ni Briggs. Kilala n'ya ang may-ari nito at habang nasa daan ay tinawagan n'ya na ang may-ari para ipaalam na may pasyente s'ya sa naturang hospital na manganganak at kailangan n'ya ng special passes para makapasok sa loob. Hindi naman s'ya nabigo dahil ora-mismo ay nagbigay ng passes ang may-ari kaya wala na s'yang problema sa kan'yang pagpasok mamaya. Medyo malayo ang shelter na pinanggalingan n'ya sa syudad ngunit hindi iyon naging hadlang para ma-late s'ya ng dating. Mabilis ang kan'yang pagpapatakbo ng sasakyan at tamang-tama lang ang pagdating n'ya sa hospital. Agad s'yang pumasok at nagpakilala sa receptionist. Dahil emergency ang ipinunta n'ya ay agad naman s'yang pinapasok ng babae na nasa reception. Isinuot n'ya ang kan'yang puting gown at sa kabilang bahagi ng hospital dumaan paakyat sa delivery room. May sariling elevator ang may-ari ng hospital at ito lamang ang tanging makakagamit nito a
ABRIELLE DEE... Pagkatapos masiguro na maayos na ang mag-ina ay nagpasya na s'yang umalis. Sa kabila pa rin s'ya dumaan para hindi makita ang mga tao na naghihintay sa labas ng delivery room. Deritso lang s'ya sa paglakad hanggang sa marating ang private elevator ng may-ari ng hospital. Agad s'yang pumasok at nagpahatid sa baba. Walang lingon-lingon na dumiretso s'ya sa labas kung nasaan ang kan'yang sasakyan pagkatapos n'yang magpasalamat sa receptionist. Pumasok s'ya sa sasakyan at doon lang pinapakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Gumaan ang kan'yang pakiramdam dahil ligtas ang kan'yang kaibigan at mga anak nito. Kinuha n'ya ang cellphone at nagpadala ng mensahi kay Briggs. Ayaw n'ya ng magpakita sa lalaki dahil baka kasama nito si Charles at magpang-abot pa silang dalawa. Mabuti na rin ang pakiramdam n'ya sa halos isang buwan na pamamalagi n'ya sa shelter na hindi sila nagkita na dalawa. Pagkatapos n'yang magpadala ng mensahi kay Briggs ay binuhay n'ya na ang ma
ABRIELLE DEE... Akala n'ya ay magtatagal si Pedro sa shelter. Hindi pala at pinuntahan lang s'ya nito para personal na makausap tungkol sa isang trabaho . Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis din agad ito ng hindi pa nagigising ang mga bata dahil may mahalaga itong bagay na asikasuhin. At sa pagkakataong ito ay iniwasan nitong makita ang mga bata dahil baka hindi na naman daw ito makaalis dahil mawiwili na naman sa mga ampon nila katulad n'ya. Nagpasalamat s'ya sa kaibigan at hinatid ito sa helicopter na sinakyan nito patungo sa lugar. Kahit kailan talaga ay tamad itong magmaneho lalo pa kung mga malalayong lugar ang pupuntahan. Laki kasi ito sa karangyaan kaya ginawa lang na parang jeep na pampubliko ang helicopter na s'yang madalas na ginagamit ng lalaki para sa transportation nito. "You don't want to come with me?" tanong nito sa kan'ya bago umakyat sa helicopter. "No, thanks! Kung ikaw lang din naman ang kasama ko ay huwag na lang," pairap na sagot n'ya rito. Pinaningkitan
ABRIELLE DEE... Dalawang linggo pagkatapos n'yang manatili sa shelter kasama ang mga bata ay nagpasya na s'yang umalis. Tama na muna ang pananatili n'ya rito dahil nalaman n'ya kay Briggs na maayos na ang lagay ni Tanya at ng kambal. Mabigat ang loob na lisanin n'ya ang lugar na iyon dahil alam n'ya sa kan'yang sarili na matatagalan pa s'ya bago makabalik. Kung tutuusin ay masaya din naman s'ya kasama ang mga bata ngunit dahil malapit lang ito kay Charles at hindi malabo na mag krus ulit ang landas nila isang araw. Idagdag mo pa na ang kan'yang kaibigan ay pinsan ni Charles kaya malaki talaga ang posibilidad na magkita silang dalawa ng lalaki at iyon ang iniiwasan n'ya na mangyari. Katulad na lang ng bisitahin n'ya si Tanya para pormal na magpaalam. Nagkita sila ni Charles sa kahuli-hulihang pagkakataon ngunit hindi n'ya ito binigyan pa ng pagkakataon na makausap s'ya ng solo. Matapos makapagpaalam sa mag-asawa at sa mga anak nito ay nawala s'ya na parang bula na kahit sin
ABRIELLE DEE... Narating n'ya ang isla at paglapag na paglapag ng maliit na eroplano na sinakyan ay agad s'yang bumaba. Bumungad sa kan'ya ang malawak at kulay puti na dalampasigan at ang purong kulay berde na mga kakahuyan sa paligid ng isla. "Call me if you need a ride back to the city, madam," pasigaw na sabi sa kan'ya ng piloto na naghatid sa kan'ya. Nahirapan pa s'ya kanina sa airport dahil walang maghahatid sa kan'ya. Ayon sa mga tao na naroon ay takot na ang mga ito na magawi sa isla dahil nauuwi sa disgrasya ang pagpunta ng mga taga syudad sa naturang lugar. Hindi kasi pinapayagan ng mga taga tribu na may makapasok na taga labas sa lugar ng mga ito. Nagbigay s'ya ng hand gesture dito bilang tugon dahil kahit sagutin n'ya pa ang ay hindi naman s'ya nito maririnig. Nagpapasalamat din s'ya na walang nangyari na masama sa eroplano nito ng lumapag sa puting buhangin. Umalis din agad ito at naiwan s'yang mag-isa sa dalampasigan kung saan ay puno ng puti at pinong-pino na mga b
ABRIELLE DEE... "Dr. Dee," natigil s'ya sa kan'yang mga iniisip ng may tumawag sa kan'ya. Nang lingunin n'ya ang pinanggalingan ng boses ay ganon na lang ang pagliwanag ng kan'yang mukha ng makita si Kokal Garuda na malapad na nakangiti sa kan'ya. "Kokal Garuda," tuwang-tuwa na tawag n'ya sa pangalan ng matanda. Tinawid n'ya ang pagitan nilang dalawa at agad na lumuhod sa lupa at tatlong beses na yumukod sa kokal bilang pagbati at paggalang na rin. "You are back Dr. Dee? Welcome back to our paradise," masayang bati sa kan'ya ng matanda. Ibinuka pa ito ang dalawang braso sa kan'ya at yumukod. Pagkatapos ay lumapit ito sa kan'ya at may ipinahid sa gitna ng kan'yang noo. "I'm so happy to be back here Kokal Garuda. I miss this place and the people here!" tuwang-tuwa na sagot n'ya sa kokal. "You are always welcome here Dr. Dee. By the way, you look great and radiant. Are you pregnant, Dr. Dee?" nakangiti na tanong nito sa kan'ya na ikagulat n'ya. Hindi s'ya agad nakahuma at nakatingi