ABRIELLE DEE... Dalawang linggo pagkatapos n'yang manatili sa shelter kasama ang mga bata ay nagpasya na s'yang umalis. Tama na muna ang pananatili n'ya rito dahil nalaman n'ya kay Briggs na maayos na ang lagay ni Tanya at ng kambal. Mabigat ang loob na lisanin n'ya ang lugar na iyon dahil alam n'ya sa kan'yang sarili na matatagalan pa s'ya bago makabalik. Kung tutuusin ay masaya din naman s'ya kasama ang mga bata ngunit dahil malapit lang ito kay Charles at hindi malabo na mag krus ulit ang landas nila isang araw. Idagdag mo pa na ang kan'yang kaibigan ay pinsan ni Charles kaya malaki talaga ang posibilidad na magkita silang dalawa ng lalaki at iyon ang iniiwasan n'ya na mangyari. Katulad na lang ng bisitahin n'ya si Tanya para pormal na magpaalam. Nagkita sila ni Charles sa kahuli-hulihang pagkakataon ngunit hindi n'ya ito binigyan pa ng pagkakataon na makausap s'ya ng solo. Matapos makapagpaalam sa mag-asawa at sa mga anak nito ay nawala s'ya na parang bula na kahit sin
ABRIELLE DEE... Narating n'ya ang isla at paglapag na paglapag ng maliit na eroplano na sinakyan ay agad s'yang bumaba. Bumungad sa kan'ya ang malawak at kulay puti na dalampasigan at ang purong kulay berde na mga kakahuyan sa paligid ng isla. "Call me if you need a ride back to the city, madam," pasigaw na sabi sa kan'ya ng piloto na naghatid sa kan'ya. Nahirapan pa s'ya kanina sa airport dahil walang maghahatid sa kan'ya. Ayon sa mga tao na naroon ay takot na ang mga ito na magawi sa isla dahil nauuwi sa disgrasya ang pagpunta ng mga taga syudad sa naturang lugar. Hindi kasi pinapayagan ng mga taga tribu na may makapasok na taga labas sa lugar ng mga ito. Nagbigay s'ya ng hand gesture dito bilang tugon dahil kahit sagutin n'ya pa ang ay hindi naman s'ya nito maririnig. Nagpapasalamat din s'ya na walang nangyari na masama sa eroplano nito ng lumapag sa puting buhangin. Umalis din agad ito at naiwan s'yang mag-isa sa dalampasigan kung saan ay puno ng puti at pinong-pino na mga b
ABRIELLE DEE... "Dr. Dee," natigil s'ya sa kan'yang mga iniisip ng may tumawag sa kan'ya. Nang lingunin n'ya ang pinanggalingan ng boses ay ganon na lang ang pagliwanag ng kan'yang mukha ng makita si Kokal Garuda na malapad na nakangiti sa kan'ya. "Kokal Garuda," tuwang-tuwa na tawag n'ya sa pangalan ng matanda. Tinawid n'ya ang pagitan nilang dalawa at agad na lumuhod sa lupa at tatlong beses na yumukod sa kokal bilang pagbati at paggalang na rin. "You are back Dr. Dee? Welcome back to our paradise," masayang bati sa kan'ya ng matanda. Ibinuka pa ito ang dalawang braso sa kan'ya at yumukod. Pagkatapos ay lumapit ito sa kan'ya at may ipinahid sa gitna ng kan'yang noo. "I'm so happy to be back here Kokal Garuda. I miss this place and the people here!" tuwang-tuwa na sagot n'ya sa kokal. "You are always welcome here Dr. Dee. By the way, you look great and radiant. Are you pregnant, Dr. Dee?" nakangiti na tanong nito sa kan'ya na ikagulat n'ya. Hindi s'ya agad nakahuma at nakatingi
ABRIELLE DEE... It's confirmed and she is sure that she is pregnant. May dala s'yang pregnancy kit at kasali ito sa mga medical stuffs na bitbit n'ya para sana sa mga kababaihan na nasa tribu na walang alam kung paano gamitin ang naturang pregnancy kit. Ang balak n'ya talaga ay ang e-educate ang mga kababaihan ganon din ang mga kalalakihan sa tribu para sa ikabubuti ng mga ito. At ang kan'yang dala na pregnancy kit ay s'ya lang din ang unang gumamit. Hindi n'ya mapigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng kan'yang mga luha habang nakatingin sa dalawang guhit na kulay pula. Hindi s'ya makapaniwala na buntis s'ya sa anak nila ni Charles. Talagang nag-iwan ito ng souvenir ngunit para sa kan'ya ay ito ang pinakamagandang souvenir na natanggap n'ya sa tanang buhay n'ya. "You will be love, honey. Mommy will give you everything. I love you so much!" naluluha na sabi n'ya sa anak. Ipinapangako n'ya sa kan'yang sarili na hindi man s'ya naging mabuting tao ngunit gagawin n'ya ang lahat para ma
ABRIELLE DEE... Parang kailan lang ay halos mag limang buwan na s'ya sa isla. At kita na rin ang umbok ng kan'yang t'yan. Araw-araw s'yang natutuwa habang nakikita ang paglaki ng kan'yang t'yan. Malaki ang pasasalamat n'ya sa mga tao sa tribu na tinanggap s'ya ng buong puso. Ganon din ang mga ito sa kan'ya dahil napakalaking tulong n'ya sa mga ito. Gamit ang mga halaman na matatagpuan sa isla ay gumawa sila ng mga gamot na pwedeng magamit para sa mga karamdaman. At isa ang gamot na naimbento n'ya ang nagpagaling kay Larki, ang lalaking lumapit sa kan'ya para humingi ng tulong. Unti-unting naghilom ang mga sugat nito at bumalik sa dati ang balat. Gamit lamang ang ilang dahon ng mga puno na matatagpuan sa isla, tubig dagat at ang ginawa nilang oil na gawa sa niyog. Masaya s'ya na malaki ang naitulong n'ya sa mga tao na narito. Hindi na ito abot ng tulong ng gobyerno at kahit maabot pa ay hindi naman papayag ang kokal sa lugar na ito na may makapasok na taga labas. Naging payapa a
ABRIELLE DEE... Dahil sigurado sa kan'yang pagbubuntis kung kaya ay madali na lamang s'ya kung mapagod at palaging nakakatulog. Kaya sa buong byahe nila ay tulog lang s'ya at nagigising lang kapag ginigising s'ya ni Peter para kumain. Gusto n'ya mang singhalan ang kaibigan dahil pangdidisturbo nito sa kan'ya ngunit hindi n'ya magawa dahil alam n'ya naman na concern lang ang lalaki sa kan'yang pagbubuntis. Para na ngang ito ang tatay ng kan'yang anak kung makaasta ito. Katulad na lang ngayon na pang tatlong beses na s'yang ginising nito at may ibinigay sa kan'ya na pagkain. "Eat up juntis at baka nagugutom na ang mga pamangkin ko," utos nito sa kan'ya at iningudngod sa kan'yang mukha ang plato na may laman na pagkain. "Damn you Pedro! Kakakain ko lang kanina, lubayan mo ako at gusto kong matulog," hindi n'ya napigilan na singhal sa kaibigan. "That was thirty minutes ago, Lopez" pairap na sagot nito at hindi pa nakuntento sa pagngudngod ng plato na may laman na pagkain. Inilagay
ABRIELLE DEE... "Abrielle, I'm sorry for what happened before. Nadala lang ako sa galit ko sa ina mo dahil sinuway n'ya ang utos namin ng lolo mo sa kan'ya," paghingi nito ng tawad sa kan'ya ngunit nginisihan n'ya lang ito. "Nadala ng galit? Kung hindi n'yo itinakwil si mommy, eh di sana ay buhay pa s'ya ngayon. Eh di sana ay kasama ko pa s'ya. Napakasama n'yong ina sa anak n'yo!" hindi napigilan na sumbat n'ya sa matanda. Nakita n'ya ang panginginig ng labi nito ngunit wala s'yang pakialam. Dapat lang na malaman nito ang maling ginawa sa kan'yang mga magulang at sa kan'ya. "Abrielle, apo! Patawarin mo si angay (lola). Pinagsisihan ko na ang ginawa ko sa mommy mo. Alam ko ang ginagawa ko bilang ina sa kan'ya. Ang gusto ko lang ay mapabuti ang kalagayan n'ya at hindi ang ama mo ang makakagawa ng bagay na iyon sa kan'ya. Your father is a bastard and—," "Don't you dare say something bad to my father! Wala kang karapatan na pagsabihan s'ya ng masama. Not in front of me! Oo nga at lol
ABRIELLE DEE...Ngunit hindi pa s'ya tuloyan na nakalabas ay biglang nagsigawan ang mga katulong na naroon. Natigil s'ya sa paghakbang at nilingon ang matanda at ganon na lang ang kan'yang gulat ng makita na nakahandusay ito sa sahig at dinadaluhan ng mga katulong.Natulos s'ya sa kan'yang kinatatayuan dahil sa gulat ngunit ng mahimasmasan ay hindi n'ya rin naiwasan na balikan ang abuela para daluhan."Angay!" tawag n'ya rito at hinawi ang mga katulong na nasa paligid nito. Lumuhod s'ya sa gilid ng matanda at sinipat ang kalagayan nito."Shit! Angay!" tawag n'ya rito ngunit hindi ito sumasagot."Call the ambulance!" sigaw n'ya sa mga katulong na naroon. Hindi n'ya alam kung naintindihan s'ya ng mga ito basta na lamang s'ya nag-utos at ibinalik ang atensyon sa abuela na walang malay at nagkulay ube na ang mga labi."What happened Lopez?" ang boses ni Peter ang kasunod n'yang narinig."Help me, Pedro! Si angay inataki sa puso!" natataranta na sabi n'ya kay Pedro. Agad naman itong lumuho