ABRIELLE DEE... Parang kailan lang ay halos mag limang buwan na s'ya sa isla. At kita na rin ang umbok ng kan'yang t'yan. Araw-araw s'yang natutuwa habang nakikita ang paglaki ng kan'yang t'yan. Malaki ang pasasalamat n'ya sa mga tao sa tribu na tinanggap s'ya ng buong puso. Ganon din ang mga ito sa kan'ya dahil napakalaking tulong n'ya sa mga ito. Gamit ang mga halaman na matatagpuan sa isla ay gumawa sila ng mga gamot na pwedeng magamit para sa mga karamdaman. At isa ang gamot na naimbento n'ya ang nagpagaling kay Larki, ang lalaking lumapit sa kan'ya para humingi ng tulong. Unti-unting naghilom ang mga sugat nito at bumalik sa dati ang balat. Gamit lamang ang ilang dahon ng mga puno na matatagpuan sa isla, tubig dagat at ang ginawa nilang oil na gawa sa niyog. Masaya s'ya na malaki ang naitulong n'ya sa mga tao na narito. Hindi na ito abot ng tulong ng gobyerno at kahit maabot pa ay hindi naman papayag ang kokal sa lugar na ito na may makapasok na taga labas. Naging payapa a
ABRIELLE DEE... Dahil sigurado sa kan'yang pagbubuntis kung kaya ay madali na lamang s'ya kung mapagod at palaging nakakatulog. Kaya sa buong byahe nila ay tulog lang s'ya at nagigising lang kapag ginigising s'ya ni Peter para kumain. Gusto n'ya mang singhalan ang kaibigan dahil pangdidisturbo nito sa kan'ya ngunit hindi n'ya magawa dahil alam n'ya naman na concern lang ang lalaki sa kan'yang pagbubuntis. Para na ngang ito ang tatay ng kan'yang anak kung makaasta ito. Katulad na lang ngayon na pang tatlong beses na s'yang ginising nito at may ibinigay sa kan'ya na pagkain. "Eat up juntis at baka nagugutom na ang mga pamangkin ko," utos nito sa kan'ya at iningudngod sa kan'yang mukha ang plato na may laman na pagkain. "Damn you Pedro! Kakakain ko lang kanina, lubayan mo ako at gusto kong matulog," hindi n'ya napigilan na singhal sa kaibigan. "That was thirty minutes ago, Lopez" pairap na sagot nito at hindi pa nakuntento sa pagngudngod ng plato na may laman na pagkain. Inilagay
ABRIELLE DEE... "Abrielle, I'm sorry for what happened before. Nadala lang ako sa galit ko sa ina mo dahil sinuway n'ya ang utos namin ng lolo mo sa kan'ya," paghingi nito ng tawad sa kan'ya ngunit nginisihan n'ya lang ito. "Nadala ng galit? Kung hindi n'yo itinakwil si mommy, eh di sana ay buhay pa s'ya ngayon. Eh di sana ay kasama ko pa s'ya. Napakasama n'yong ina sa anak n'yo!" hindi napigilan na sumbat n'ya sa matanda. Nakita n'ya ang panginginig ng labi nito ngunit wala s'yang pakialam. Dapat lang na malaman nito ang maling ginawa sa kan'yang mga magulang at sa kan'ya. "Abrielle, apo! Patawarin mo si angay (lola). Pinagsisihan ko na ang ginawa ko sa mommy mo. Alam ko ang ginagawa ko bilang ina sa kan'ya. Ang gusto ko lang ay mapabuti ang kalagayan n'ya at hindi ang ama mo ang makakagawa ng bagay na iyon sa kan'ya. Your father is a bastard and—," "Don't you dare say something bad to my father! Wala kang karapatan na pagsabihan s'ya ng masama. Not in front of me! Oo nga at lol
ABRIELLE DEE...Ngunit hindi pa s'ya tuloyan na nakalabas ay biglang nagsigawan ang mga katulong na naroon. Natigil s'ya sa paghakbang at nilingon ang matanda at ganon na lang ang kan'yang gulat ng makita na nakahandusay ito sa sahig at dinadaluhan ng mga katulong.Natulos s'ya sa kan'yang kinatatayuan dahil sa gulat ngunit ng mahimasmasan ay hindi n'ya rin naiwasan na balikan ang abuela para daluhan."Angay!" tawag n'ya rito at hinawi ang mga katulong na nasa paligid nito. Lumuhod s'ya sa gilid ng matanda at sinipat ang kalagayan nito."Shit! Angay!" tawag n'ya rito ngunit hindi ito sumasagot."Call the ambulance!" sigaw n'ya sa mga katulong na naroon. Hindi n'ya alam kung naintindihan s'ya ng mga ito basta na lamang s'ya nag-utos at ibinalik ang atensyon sa abuela na walang malay at nagkulay ube na ang mga labi."What happened Lopez?" ang boses ni Peter ang kasunod n'yang narinig."Help me, Pedro! Si angay inataki sa puso!" natataranta na sabi n'ya kay Pedro. Agad naman itong lumuho
ABRIELLE DEE... Isang linggo na sila sa hospital at wala pa ring malay ang kan'yang lola. Nalipat na ito sa private room ng maging stable ang kalagayan nito pagkatapos ipasok sa ICU after the surgery. At sa loob ng mga araw na iyon ay nasa loob din s'ya ng pribadong silid nito at kasama na nagbabantay. Ewan n'ya ba pero kahit pa kilala s'ya na masamang tao ngunit pagdating sa mga ganitong sitwasyon ay ang dali n'yang bumigay at lumambot. At sa ilang araw na walang malay at nakaratay ang kan'yang lola sa hospital bed ay napag isip-isip n'ya na pagbibigyan ito sa huling kahilingan. Ayaw n'ya ding mamuhay na puno ng galit ang kan'yang puso. Kailangan n'yang alisin ang galit n'ya bago n'ya pa iluwal ang anak. Hindi naman kasi maganda na ang ituturo n'ya sa anak n'ya ay puro galit at sama ng loob. Kaya hihintayin n'ya na magising ang kan'yang lola para makapag patawaran na sila. Naisip n'ya rin na kung ang Dyos ay nakakapag patawad bakit s'ya hindi? Kung anoman ang nagawang mali
ABRIELLE DEE... "New chapter! New beginning," nakangiti ngunit may luha ng saya na sabi n'ya sa abuela. "Salamat apo! Maraming salamat sa pagpapatawad mo at sa pagkakataon na makasama kita. Kahit mawala man ako sa mundo ngayon ay masaya na akong aalis dahil nagawa ko ng humingi ng kapatawaran sayo at naibigay mo na rin ang tanging hiling ko na kapatawaran mula sayo!" Masaya s'ya na nagkaayos na sila ng kan'yang lola. Hindi naman pala mahirap ang magpatawad ng tao. Hindi n'ya ito natutunan noon dahil ang namahay sa kan'yang puso ay puro galit at poot. At ngayon n'ya lang nalaman na magaan pala sa pakiramdam ang makapagpatawad ng tao. Nanatili pa sila sa hospital ng ilang linggo bago sila pinayagan ng doctor na lumabas. Si Peter ay todo alalay sa kan'ya sa loob ng mga panahong iyon at ayaw pa sana nitong manatili s'ya sa hospital dahil buntis s'ya ngunit iginiit n'ya sa kaibigan ang manatili sa tabi ng kan'yang lola. At sa loob ng ilang linggo ay nakikita n'ya ang tuwa sa mga ma
ABRIELLE DEE... Ilang araw na silang nakauwi at sa loob ng ilang araw na iyon ay wala s'yang ginawa kundi ang libutin ang buong mansyon ng mga grandparents n'ya. Napakalaki ng nasasakupan nito ngunit hindi iyon nagpapigil sa kan'ya na libutin ang kabuoan ng mansyon. Pati sa labas ay hindi n'ya pinalagpas at ginawa n'ya itong exercise araw-araw. Ang kan'yang lola naman ay naging maayos-ayos na ang pakiramdam ngunit hindi pa rin maipagkakaila na sa paglipas ng mga araw ay humihina na ang katawan nito. Ngunit hindi n'ya ito nakitaan ng lungkot sa mga mata sa nalalapit na pagkawala sa mundo bagkus ay maaliwalas pa ang mukha ng matanda sa pagdaan ng mga araw. Katulad na lang ngayon na nasa garden ito at nagpapahangin na may ngiti sa labi habang binabantayan ng private nurse. Nagpasya s'yang lapitan ang matanda para samahan sa pagpapahangin. "Angay," tawag n'ya rito ng makalapit. Bahagya s'ya nitong nilingon at ng makita s'ya ay agad na sumilay sa labi nito ang isang matamis na ngiti
ABRIELLE DEE... "Kahit pa na malaman mo na ipinakasal na kita sa isang lalaki pagtuntong mo ng disi-otso at hindi mo alam iyon? Hindi mo alam na kasal ka na at may asawa na?" seryoso ang mukha ng matanda na sinasabi sa kan'ya ang bagay na iyon at s'ya naman ay natulos sa kan'yang kinauupoan dahil sa bombang pinasabog ng kan'yang lola. "A-Apo..., I'm s-sorry! H-Hindi ko pinag-isipan ang ginawa kong iyon. Nadala lamang ako sa galit ko sa ina mo at sinabi ko sa sarili ko na hindi ka matutulad sa kan'ya kaya ako na ang gumawa ng paraan para magkatuloyan kayo ng lalaki na gusto ko para sayo. Pero apo kapag hindi mo gusto ay pwede ka namang mag file ng divorce. Mag-iiwan ako ng isang kasulatan at sasabihin ko doon na ako ang may gawa kung bakit ka naikasal sa lalaking iyon at hindi mo ito alam. Malakas na ground yan apo para ma grant ang divorce mo sa lalaki na pinili ko para sayo," mahabang sabi ng kan'yang abuela habang nanginginig ang labi. S'ya naman ay hindi pa rin nakahuma dahil sa