ABRIELLE DEE... Ilang araw na silang nakauwi at sa loob ng ilang araw na iyon ay wala s'yang ginawa kundi ang libutin ang buong mansyon ng mga grandparents n'ya. Napakalaki ng nasasakupan nito ngunit hindi iyon nagpapigil sa kan'ya na libutin ang kabuoan ng mansyon. Pati sa labas ay hindi n'ya pinalagpas at ginawa n'ya itong exercise araw-araw. Ang kan'yang lola naman ay naging maayos-ayos na ang pakiramdam ngunit hindi pa rin maipagkakaila na sa paglipas ng mga araw ay humihina na ang katawan nito. Ngunit hindi n'ya ito nakitaan ng lungkot sa mga mata sa nalalapit na pagkawala sa mundo bagkus ay maaliwalas pa ang mukha ng matanda sa pagdaan ng mga araw. Katulad na lang ngayon na nasa garden ito at nagpapahangin na may ngiti sa labi habang binabantayan ng private nurse. Nagpasya s'yang lapitan ang matanda para samahan sa pagpapahangin. "Angay," tawag n'ya rito ng makalapit. Bahagya s'ya nitong nilingon at ng makita s'ya ay agad na sumilay sa labi nito ang isang matamis na ngiti
ABRIELLE DEE... "Kahit pa na malaman mo na ipinakasal na kita sa isang lalaki pagtuntong mo ng disi-otso at hindi mo alam iyon? Hindi mo alam na kasal ka na at may asawa na?" seryoso ang mukha ng matanda na sinasabi sa kan'ya ang bagay na iyon at s'ya naman ay natulos sa kan'yang kinauupoan dahil sa bombang pinasabog ng kan'yang lola. "A-Apo..., I'm s-sorry! H-Hindi ko pinag-isipan ang ginawa kong iyon. Nadala lamang ako sa galit ko sa ina mo at sinabi ko sa sarili ko na hindi ka matutulad sa kan'ya kaya ako na ang gumawa ng paraan para magkatuloyan kayo ng lalaki na gusto ko para sayo. Pero apo kapag hindi mo gusto ay pwede ka namang mag file ng divorce. Mag-iiwan ako ng isang kasulatan at sasabihin ko doon na ako ang may gawa kung bakit ka naikasal sa lalaking iyon at hindi mo ito alam. Malakas na ground yan apo para ma grant ang divorce mo sa lalaki na pinili ko para sayo," mahabang sabi ng kan'yang abuela habang nanginginig ang labi. S'ya naman ay hindi pa rin nakahuma dahil sa
ABRIELLE DEE..."It's ok! My granddaughter doesn't have any plans to file a divorce yet. They still have time to know each other and who knows? Maybe they will decide to work their marriage out if they meet in person, what do you think?" natigilan sya ng marinig ang sinabi ng abuela. "Sino ang kausap n'ya?" wala sa sarili na tanong n'ya sa kan'yang sarili habang nakikinig sa pakikipag-usap nito sa kung sino sa cellphone.Hindi naman nagtagal ang pakikipag-usap nito sa kung sino at agad na pinatay ang tawag. Akmang lalapitan n'ya ito para sana tanungin kung sino ang kausap nito ngunit hindi n'ya naituloy ng biglang may humawak sa kan'yang braso na ikinagulat n'ya.Nang lingunin n'ya ito ay nakita n'ya ang nakangisi na hitsura ni Peter na ikinasalubong ng kan'yang kilay."What are you doing here?" sita n'ya sa lalaki."And what are you doing here too? Hiding at nakikinig sa pakikipag-usap ni lola sa kung sino? Hindi ko alam na ganito ka na pala ka tsismosa ngayon, Lopez," balik tanong
ABRIELLE DEE... "Good question! Nandito ako dahil kabilin-bilinan na ito ng lola mo sa akin noong buhay pa s'ya na kapag nawala s'ya ay pupuntahan agad kita at kausapin. Anyway ang reason ko talaga kung bakit ako narito is to discuss with you the inheritance na iniwan sayo ng lola mo kasama na ang kasulatan na nagsasaad na kung magpa- file ka ng divorce sa asawa mo ay maari mo itong gawin dahil wala kang alam na ipinakasal ka n'ya sa isang lalaki na s'ya lang ang may gusto at hindi ikaw pero may isang kondisyon na kasama sa kasulatan na ginawa ng lola mo at iyon ang gusto kong e-discuss sayo ngayon," mahabang paliwanag ng abogado sa kan'ya na agad na nakakuha ng kan'yang atensyon. "Kondisyon? Anong kondisyon?" nagtatakang tanong n'ya sa abogado. Kinuha nito ang bag na dala at inilapag sa ibabaw ng center table. Sa tingin n'ya ay nasa loob ang mga papeles na gusto nitong ipakita sa kan'ya. Nakasunod lang ang kan'yang mga mata sa lalaki hanggang sa binuksan nito ang bag at inilabas a
ABRIELLE DEE... "Hello!" bungad n'ya sa kausap. "Let's meet to discuss our divorce," nagulat s'ya at natulos sa kan'yang kinatatayuan ng marinig ang boses ng isang lalaki mula sa kabilang linya. Ilang segundo s'yang hindi nakapagsalita at pilit na pinoproseso ang sinabi ng kausap. "Hello? I know you are listening, Ms. Look— I don't know about our marriage and I don't have any plan to make this marriage work because I have someone that I want to be with for the rest of my life and it's not you. So..., please come and see me right away. I want to end this nonsense marriage and I want to get married to the love of my life," dagdag pa nito ng hindi s'ya sumagot. Mahina s'yang natawa dahil sa tono ng pananalita ng lalaki ay masasabi n'ya na wala itong hiya. At s'ya pa talaga ang inaapura nito at inuutosan na madaliin ang pagkikita nila para makapag file na sila ng divorce. "The nerve of you to order me what to do? For your information, I also don't like to have a stranger husband and
ABRIELLE DEE...Isang linggo na ang nakalipas since nalaman n'ya na may taong nakakapasok sa loob ng masyon ng mga grandparents n'ya.Hindi n'ya ito nahuli ngunit alam n'ya at sigurado s'ya na hindi ito trabahador sa mansyon at kung sino man ito at kung paano nakapasok sa loob sa kabila ng mahigpit na seguridad sa labas ay hindi n'ya alam.At hindi s'ya pinatahimik ng bagay na ito kaya gabi-gabi ay puyat na naman s'ya dahil hindi s'ya makakatulog ng mabuti. Kaunting ingay lang ay nagigising agad s'ya at hindi na makakatulog pa ulit.Hindi n'ya na rin inihiwalay ang baril sa kan'yang katawan at kahit saang sulok ng mansyon na tago ay nilagyan n'ya ng baril. Nagtanong din s'ya sa mga katulong ngunit wala itong nakita na tao at ng tanungin n'ya ang mga gwardya sa labas ay pareho din ang sagot ng mga ito sa mga kasamabahay.At sa laki ng mansyon ng mga grandparents n'ya at sa sobrang upgraded ang technology ngayon ng buong mundo ang mansyon lang yata ng mga lolo at lola n'ya ang walang c
ABRIELLE DEE... "Attorney Severino! Mabuti naman at napatawag ka! Gusto kitang makausap since last day pa," pagbibigay alam n'ya rito. "Ako din Ms. Lopez. Gusto kong ipaalam sayo na nag set ng appointment ang asawa mo para makipagkita sayo. Which day are you available?" pagbibigay alam nito sa kan'ya na ikinagulat n'ya at hindi agad nakasagot. "Ms. Lopez?" tawag sa kan'ya ng abogado ng hindi s'ya nagsalita. Tumikhim s'ya para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan bago nagsalita. "Yes, attorney Severino? Naririnig kita at naintindihan. I just can't believe na makikipagkita na sa akin ang lalaking iyon. When and what time, attorney?" seryoso ang boses na tanong n'ya sa abogado. May kakaiba s'yang nararamdaman ng marinig ang sinabi ng abogado na makikipagkita na sa kan'ya ang kan'yang hindi nakikilala na asawa. Hindi n'ya lang matukoy kung ano ang itatawag n'ya sa nararamdaman n'ya ng mga oras na iyon. "Tierra Palasade Ms. Lopez! Saturday night, alas syete ng gabi ang gusto n'yang
ABRIELLE DEE... Pagkatapos n'yang magbihis ay taas noo s'yang lumabas bitbit ang susi ng kan'yang sasakyan. Kahit malaki na ang kan'yang t'yan ngunit hindi pa rin maipagkakaila ang hubog ng kan'yang katawan sa likod. Pumasok s'ya sa kan'yang sasakyan at inadjust n'ya muna ang upoan dahil bumabangga ang kan'yang t'yan sa manibela. Kahit buntis s'ya ay hindi s'ya ang tipo ng tao na pabebe kaya mag-isa s'yang umalis at s'ya din ang nagmaneho. Wala sa sarili na napatingin s'ya sa salamin at nakita ang kan'yang repleksyon. Sumilay ang isang ngiti sa kan'yang labi ng makita ang kan'yang hitsura. Pulang-pula ang kan'yang labi at bumagay ito sa kulay ng kan'yang balat. Kung ang ibang buntis ay nag-iba ang hitsura at naging pangit sa paningin ng ibang tao, s'ya naman ay nagiging glooming at mas lalo pa yatang gumanda habang lumalaki ang kan'yang t'yan. Kaya minsan ay naisip n'ya na baka babae ang kan'yang ipinagbubuntis. Sa isiping iyong ay mahina s'yang natawa dahil kapag babae ang ka