ABRIELLE DEE... Pagkatapos n'yang magbihis ay taas noo s'yang lumabas bitbit ang susi ng kan'yang sasakyan. Kahit malaki na ang kan'yang t'yan ngunit hindi pa rin maipagkakaila ang hubog ng kan'yang katawan sa likod. Pumasok s'ya sa kan'yang sasakyan at inadjust n'ya muna ang upoan dahil bumabangga ang kan'yang t'yan sa manibela. Kahit buntis s'ya ay hindi s'ya ang tipo ng tao na pabebe kaya mag-isa s'yang umalis at s'ya din ang nagmaneho. Wala sa sarili na napatingin s'ya sa salamin at nakita ang kan'yang repleksyon. Sumilay ang isang ngiti sa kan'yang labi ng makita ang kan'yang hitsura. Pulang-pula ang kan'yang labi at bumagay ito sa kulay ng kan'yang balat. Kung ang ibang buntis ay nag-iba ang hitsura at naging pangit sa paningin ng ibang tao, s'ya naman ay nagiging glooming at mas lalo pa yatang gumanda habang lumalaki ang kan'yang t'yan. Kaya minsan ay naisip n'ya na baka babae ang kan'yang ipinagbubuntis. Sa isiping iyong ay mahina s'yang natawa dahil kapag babae ang ka
ABRIELLE DEE... "Can you tell him to hurry up? I don't want to wait for him," utos n'ya sa babae. Tumango ito at dali-daling lumabas. S'ya naman ay nanatili na nakatayo sa gitna ng silid na iyon habang nakikiramdam sa paligid. Hindi naman nagtagal ang kan'yang paghihintay sa hindi nakikilalang asawa dahil pagkalipas ng isang minuto ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Umawang ang kan'yang labi sa pagkagulat ng makita ang hitsura nito. Hindi s'ya agad nakagalaw at nanatili lamang na nakatayo habang hindi maalis ang tingin sa lalaki. At ng mapatingin ito sa kan'ya ay ganon din ang gulat nito ng makita ang kan'yang mukha. Pareho silang natulos sa kinatatayuan at hindi nakahuma. Hindi n'ya alam kung gaano sila katagal na nanatili sa ganong posisyon at nahimasmasan lamang ng pumasok ulit ang isang staff sa private room na kinaroroonan nila. "Are you ready for your order ma'am, sir?" tanong ng babae. Walang naging tugon mula sa kanilang dalawa bagkus ay lumapit sa kan'ya
ABRIELLE DEE... "Hayop ka talaga! Bakit mo ba ako dinala dito? Pasalamat ka talaga at buntis ako dahil kung hindi ay baka kanina ka pa bumulagta sa sahig!" nanggigil na singhal n'ya sa lalaki ng ibaba s'ya nito sa kama. Lumuhod ito sa kan'yang harapan at hinawakan s'ya sa hita. Agad ba umawang ang kan'yang labi ng maramdaman ang palad ni Charles na pumasok sa loob ng kan'yang suot na dress. Pakiramdam n'ya ay umakyat hanggang sa kan'yang bumbonan ang init mula sa palad ni Charles. At ng handa na s'yang sipain ito dahil sa kapangahasan ay s'ya namang paglabas ng kamay nito mula sa pagpasok sa kan'yang hita at bitbit na nito ang baril na inilagay n'ya sa kan'yang hita. "This is dangerous, Dee! Paano kung maputokan ka nito, huh? Buntis ka at inilalagay mo sa kapahamakan ang sarili mo at ang anak natin!" sermon nito sa kan'ya. At ngayon n'ya lang naisip ang bagay na ito. Oo nga at tama ito, delikado ang kan'yang ginawang paglagay ng baril sa kan'yang hita. Ang naisip n'ya lang kanina
ABRIELLE DEE... "This is not funny Charles! Lumayas ka sa buhay ko dahil hindi kita kailangan!" galit na singhal n'ya at mabilis na tumayo para tungohin ang pinto. Ngunit hindi pa s'ya tuloyan na nakakalapit sa pintoan ay nahablot na ni Charles ang kan'yang braso para pigilan. Hindi lang iyon ang ginawa ng lalaki. Pinaharap pa s'ya nito at agad na hinawakan sa batok at siniil ng halik sa labi. Nanlaki ang kan'yang mga mata dahil sa pagkagulat. Hindi n'ya alam kung gaano na katagal na naghinang ang kanilang mga labi na dalawa ni Charles. Basta n'ya na lang natagpuan ang kan'yang sarili na nakapikit at ninanamnam ang halik ni Charles. At hindi nagtagal ang kan'yang pagtitimpi. Maya-maya pa ay nagsisimula na rin s'yang igalaw ang kan'yang labi para gantihan ang halik ni Charles. Naibuhos n'ya ang lahat ng kan'yang pangungulila sa lalaki ng mga oras na iyon na kusang umakyat sa batok nito ang kan'yang dalawang braso para doon kumuha ng suporta. Mas lalo pang pinailalim ni Char
ABRIELLE DEE... "You are right! I am married to the woman I love the most!" diretsahang sagot sa kan'ya ni Charles na ikinaawang ng kan'yang labi. Para s'yang sinampal ng katotohanan ng mga oras na iyon. Hindi agad s'ya nakagalaw at awang ang mga labi na nakatingin lamang kay Charles. Kahit ng maglakad ito palapit sa kan'ya at hinawakan ang kan'yang magkabilang pisngi ay hindi pa rin s'ya nakahuma. Ang sakit! Iyon ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Masakit ang katotohanan na isinampal sa kan'ya ni Charles. Harap-harapan nitong sinabi sa kan'ya na mahal nito ang asawa samantalang s'ya ay umaasa pa rin na may happy ending sa kanilang dalawa dahil sa di inaasahan na pagkikita nila ngayon. Akala n'ya ay sign na ito ni Lord na madudugtongan ang mga masasayang sandali sa pagitan nilang dalawa. Ngunit mali pala s'ya dahil mas lalo lamb s'yang nasaktan sa sinabi ni Charles. Kung mahal nito ang asawa, bakit nandito pa ito ngayon? Bakit pa s'ya nito dinala sa hotel n ito para ka
ABRIELLE DEE... "Umalis ka d'yan, Charles! Paalisin mo na ako!" may diin na pakiusap n'ya sa lalaki ngunit hindi ito natinag at nanatili pa rin na nakaharang sa pinto. "No! We need to talk Dee!" matigas na sagot nito sa kan'ya. "Wala na nga tayong dapat na pag-usapan pa, Charles! We're done and nothing to talk, so let me go!" sigaw n'ya rito. Nagtagis ang mga bagang nito at frustrated na napabuga ng hangin. Naihilamos din nito ang palad sa mukha ay namumula ang mukha na hinarap s'ya. "I can't! Hear me out Dee! I don't want a divorce, okay? I don't want a divorce!" "Eh gago ka pala eh! Ayaw mo pala ng divorce sa asawa mo, eh bakit mo pa ako pipigilan? Bakit ka paharang-harang d'yan? Umalis ka d'yan at paalisin mo na ako. Doon ka sa asawa mong hayop ka!" naiiyak na sigaw n'ya rito. Kanina pa talaga s'ya nito wina-walanghiya. Akalain mo yon! Eh ayaw pala nito ng divorce pero kung makaasta ito sa kan'ya ngayon ay parang pag-aari s'ya nito. "Can you at least listen to me Dee! I don'
ABRIELLE DEE... "Because you and I are legally married!" sagot ng lalaki na ikinatulos n'ya sa kan'yang kinatatayuan. Kahit ang huminga ay parang hindi n'ya na nagawa dahil sa rebelasyon na pinasabog ni Charles. "We are married, Dee and it's legal kaya kung may asawa man ako ay walang iba kundi ikaw yon!" dagdag pa ng lalaki ng hindi s'ya nagsalita. Hindi pa ito nakuntento. Nilapitan pa s'ya nito at hinawakan sa magkabilang balikat habang s'ya ay tulala. "We are married Dee! You are my wife and I am your husband and no one can take you away from me!" puno ng emosyon na sabi ni Charles sa kan'ya. Hindi n'ya alam kung paano nag sink in ang lahat sa kan'yang isip. Wala s'yang maisagot dito dahil gulong-gulo ang kan'yang isip ng mga oras na iyon. Nakatingin lang s'ya rito habang awang ang mga labi. "Dee!" tawag ulit ni Charles sa kan'yang pangalan sabay yugyog sa kan'ya. At sa ginawa ng lalaki ay nataohan s'ya at nagbalik sa kan'yang sarili. Mabilis na kumilos ang kan'yang kamay a
ABRIELLE DEE... Kahit buntis s'ya ay hindi iyon nagpapigil sa malalaking hakbang na ginawa n'ya para pang makalayo kay Charles. Deritso s'yang pumasok sa elevator at pinindot iyon pababa. Wala s'yang sasakyan na dala dahil naiwan sa restaurant na pinanggalingan n'ya kanina. Dahil sa ginawa ni Charles kaya nagkaroon pa s'ya ng problema ngayon kung paano bumalik sa restaurant. Ngunit hindi n'ya na muna iisipin iyon. Marami naman sigurong taxi sa baba ng hotel. Ang mahalaga sa kan'ya ngayon ay ang makalayo kay Charles. Narating n'ya ang baba at agad na bumukas ang pinto ng elevator. Deritso s'yang lumabas at naglakad patungo sa main entrance ng naturang hotel. Hindi n'ya na pinansin pa ang mga tingin ng mga staffs ng hotel na nakakita sa kan'ya. Baka iniisip ng mga ito na ang bilis naman nilang natapos ni Charles. Wala pang isang oras ng umakyat sila sa taas ay aalis na agad s'ya. At dahil sa naisip ay mas lalong sumidhi ang inis n'ya sa lalaki. Mabuti na lang at paglabas n'ya ng h