ABRIELLE DEE... "You are right! I am married to the woman I love the most!" diretsahang sagot sa kan'ya ni Charles na ikinaawang ng kan'yang labi. Para s'yang sinampal ng katotohanan ng mga oras na iyon. Hindi agad s'ya nakagalaw at awang ang mga labi na nakatingin lamang kay Charles. Kahit ng maglakad ito palapit sa kan'ya at hinawakan ang kan'yang magkabilang pisngi ay hindi pa rin s'ya nakahuma. Ang sakit! Iyon ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Masakit ang katotohanan na isinampal sa kan'ya ni Charles. Harap-harapan nitong sinabi sa kan'ya na mahal nito ang asawa samantalang s'ya ay umaasa pa rin na may happy ending sa kanilang dalawa dahil sa di inaasahan na pagkikita nila ngayon. Akala n'ya ay sign na ito ni Lord na madudugtongan ang mga masasayang sandali sa pagitan nilang dalawa. Ngunit mali pala s'ya dahil mas lalo lamb s'yang nasaktan sa sinabi ni Charles. Kung mahal nito ang asawa, bakit nandito pa ito ngayon? Bakit pa s'ya nito dinala sa hotel n ito para ka
ABRIELLE DEE... "Umalis ka d'yan, Charles! Paalisin mo na ako!" may diin na pakiusap n'ya sa lalaki ngunit hindi ito natinag at nanatili pa rin na nakaharang sa pinto. "No! We need to talk Dee!" matigas na sagot nito sa kan'ya. "Wala na nga tayong dapat na pag-usapan pa, Charles! We're done and nothing to talk, so let me go!" sigaw n'ya rito. Nagtagis ang mga bagang nito at frustrated na napabuga ng hangin. Naihilamos din nito ang palad sa mukha ay namumula ang mukha na hinarap s'ya. "I can't! Hear me out Dee! I don't want a divorce, okay? I don't want a divorce!" "Eh gago ka pala eh! Ayaw mo pala ng divorce sa asawa mo, eh bakit mo pa ako pipigilan? Bakit ka paharang-harang d'yan? Umalis ka d'yan at paalisin mo na ako. Doon ka sa asawa mong hayop ka!" naiiyak na sigaw n'ya rito. Kanina pa talaga s'ya nito wina-walanghiya. Akalain mo yon! Eh ayaw pala nito ng divorce pero kung makaasta ito sa kan'ya ngayon ay parang pag-aari s'ya nito. "Can you at least listen to me Dee! I don'
ABRIELLE DEE... "Because you and I are legally married!" sagot ng lalaki na ikinatulos n'ya sa kan'yang kinatatayuan. Kahit ang huminga ay parang hindi n'ya na nagawa dahil sa rebelasyon na pinasabog ni Charles. "We are married, Dee and it's legal kaya kung may asawa man ako ay walang iba kundi ikaw yon!" dagdag pa ng lalaki ng hindi s'ya nagsalita. Hindi pa ito nakuntento. Nilapitan pa s'ya nito at hinawakan sa magkabilang balikat habang s'ya ay tulala. "We are married Dee! You are my wife and I am your husband and no one can take you away from me!" puno ng emosyon na sabi ni Charles sa kan'ya. Hindi n'ya alam kung paano nag sink in ang lahat sa kan'yang isip. Wala s'yang maisagot dito dahil gulong-gulo ang kan'yang isip ng mga oras na iyon. Nakatingin lang s'ya rito habang awang ang mga labi. "Dee!" tawag ulit ni Charles sa kan'yang pangalan sabay yugyog sa kan'ya. At sa ginawa ng lalaki ay nataohan s'ya at nagbalik sa kan'yang sarili. Mabilis na kumilos ang kan'yang kamay a
ABRIELLE DEE... Kahit buntis s'ya ay hindi iyon nagpapigil sa malalaking hakbang na ginawa n'ya para pang makalayo kay Charles. Deritso s'yang pumasok sa elevator at pinindot iyon pababa. Wala s'yang sasakyan na dala dahil naiwan sa restaurant na pinanggalingan n'ya kanina. Dahil sa ginawa ni Charles kaya nagkaroon pa s'ya ng problema ngayon kung paano bumalik sa restaurant. Ngunit hindi n'ya na muna iisipin iyon. Marami naman sigurong taxi sa baba ng hotel. Ang mahalaga sa kan'ya ngayon ay ang makalayo kay Charles. Narating n'ya ang baba at agad na bumukas ang pinto ng elevator. Deritso s'yang lumabas at naglakad patungo sa main entrance ng naturang hotel. Hindi n'ya na pinansin pa ang mga tingin ng mga staffs ng hotel na nakakita sa kan'ya. Baka iniisip ng mga ito na ang bilis naman nilang natapos ni Charles. Wala pang isang oras ng umakyat sila sa taas ay aalis na agad s'ya. At dahil sa naisip ay mas lalong sumidhi ang inis n'ya sa lalaki. Mabuti na lang at paglabas n'ya ng h
ABRIELLE DEE... "Fvck!" isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ng lalaki ng makita s'ya nito ng harap-harapan. "Ikaw?" gulat na sabi n'ya ng lubosan ng makilala ang lalaki na ipinakasal sa kan'ya ng kan'yang abuela. "Fvck! So..., all this time ay ikaw ang ipinakasal sa akin ni lola?" gulat na tanong sa kan'ya ng lalaki na walang iba kundi si Javier Montero. Ang isang batikan at nakakatakot na abogado ng mga mayayaman at elite businessman in the world. "Fvck you too Montero! Sa dinami-dami ng lalaki ay ikaw pa talaga?" balik mura n'ya sa lalaki. Javier Juancho Montero is an arrogant and cold hearted bachelor. Ilang beses n'ya na itong nakatrabaho ng patago dahil lingid sa kaalaman ng iba, si Javier ay katulad din nila ni Peter. Nagtatago sa imahe ng isang professional na nilalang ngunit sa likod nito ay may kakaibang personalidad at pagkatao. At ang nakakatawa pa ay matalik na kaibigan ni Peter si Javier at hindi lingid sa kan'ya ang bagay na ito. Ilang beses na silang nagsa
ABRIELLE DEE... "Stay still and don't move, Montero. Pretend that we are in love with each other at masaya tayo sa isat-isa!" pabulong na sabi n'ya sa tainga ni Javier. Tamang-tama naman na bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan nila at iniluwa si Charles na madilim na madilim ang mukha lalo pa ng makita ang posisyon nilang dalawa ni Javier. "Montero!" dumadagundong ang boses na sigaw ni Charles kay Javier na ikinagulat n'ya dahil kilala nito ang lalaki. "Carson! Man!" balewala at kalmadong tugon ni Javier kay Charles at kinawayan pa ito. Nangangalaiti sa galit at namumula ang mukha na sinugod ni Charles si Javier at dahil nasa likod s'ya ng binata ay mabilis s'yang tumayo at iniharang ang kan'yang katawan kay Javier para protektahan laban kay Charles. "Umalis ka d'yan, Dee at lulumpohin ko ang gago na yan for touching you!" singhal nito sa kan'ya. "Enough Charles! Bakit ka pa ba sumunod dito, ha? At wala kang karapatan na saktan si Javier. He is my husband at wala kang kara
ABRIELLE DEE..."Are you ok? Mukhang stress ka sa love life mo ah!" tanong sa kan'ya ni Javier ng nasa sasakyan na silang dalawa. Nagbuga s'ya ng hangin at pilit na pinapakalma ang kan'yang sarili.Hindi n'ya alam na magagawa ni Charles ang mga ganitong bagay. Siguro kung wala lang itong asawa at hindi kasal sa iba ay baka maglupasay na s'ya sa tuwa at kilig dahil sa ginawa ng lalaki.Ngunit hindi eh, dahil mas lalong naging magulo ang sitwasyon nila dahil sa ginawa ni Charles. Nakuha pa nitong ipakasal silang dalawa ng hindi n'ya alam.At sa naisip ay mahina s'yang natawa. Mukhang nakatadhana talaga sa kan'ya ang ganitong pangyayari. Mula pa sa kan'yang lola na ipinakasal s'ya sa lalaking hindi n'ya kilala hanggang kay Charles na gumawa talaga ng paraan para hindi s'ya makaalis sa relasyon nila.Ngunit ang masaklap ay hindi naman magiging valid ang kasal nilang dalawa dahil nauna na itong ikinasal sa iba."I have nothing to say Montero kundi maraming salamat sa pagtulong mo sa akin k
ADRIAN KYLE..."We the jury, in the case of Ms. Glaze Roxas versus Dr. Rey Ocampo find the defendant NOT GUILTY of the charges of rape and abuse," pagbasa nito na s'yang ikinasimula ng ingay sa buong court room. Nakita n'ya kung paano humagolhol ang mga magulang ng biktima and it pain him big-time pero wala s'yang magagawa dahil sa kakulangan ng mga ebedensya na e prinesenta ng abogado ng mga ito na magdidiin sa akusado sa kaso."Thank you for your service today. Court is adjourned!" pagtatapos n'ya sa kaso at agad na tumayo at tumalikod. Sa bawat kaso na napag desisyonan n'ya ay iba't-ibang kwento ang nasa likod nito. He is a judge, he always fair to everyone pero hindi n'ya rin pwedeng baliktarin ang kan'yang hatol lalo na kung walang sapat na ebedensya ang mga complainant.Pumasok s'ya sa loob at sinalubong agad s'ya ng kan'yang dalawang bodyguard."Sir," panabay na bati ng dalawa sa kan'ya na tinanguan n'ya lamang. Hindi mawala sa kan'yang isip ang iyak ng mga magulang ng biktima