ABRIELLE DEE... If you love someone, ay madalas nakakalimutan mo na ang mga bagay na nagpapagulo sa iyong buhay. At isa s'ya sa mga halimbawa ng kasabihan na ito. Nakalimutan n'ya ang sitwasyon nila ni Charles ng magsimulang halikan s'ya nito. Without any hesitation, she responded and opened her door for Charles without even thinking that the man she's with right now is legally married to someone else. Na may masasaktan s'yang katulad n'yang babae or worst is may masisira s'yang pagsasama dahil sa kan'yang karupokan. She can stop the bullet from hitting him pero ang kapusokan ni Charles ay hindi n'ya kayang pigilan. At malaking patunay ang kan'yang pagpapaubaya sa ginagawa ni Charles ngayon sa kan'yang katawan. She lost all her sanity at namalayan na lang na nakahiga na s'ya sa sofa habang si Charles ay nasa ibabaw n'ya. Wala na rin s'yang suot na damit sa taas at ang kan'yang short na pinanggigilan nito ay nahubad na rin ng binata. Tanging maliit na saplot na lamang ang natira
ABRIELLE DEE... It was magical! Iyan ang kan'yang nararamdaman pagkatapos nila parehong narating ang langit. Hindi na sila na pumasok pa sa kwarto. Nasa living room lang sila at saksi ang sofa sa mainit na sandali na pinagsaluhan nilang dalawa ni Charles. Habol nila pareho ang kanilang mga hininga. Nakaupo si Charles sa sofa at s'ya naman ay nasa ibabaw nito nakapatong. Parehong pawisan ang kanilang mga hubad na katawan na dalawa. Sa muling pagkakataon ay napatunayan n'ya na naman sa kan'yang sarili kung gaano s'ya karupok pagdating sa lalaki. Nasira agad ang pader na inilagay n'ya sa gitna nilang dalawa. Simpling halik at haplos lang ni Charles ay nawawala na s'ya sa kan'yang sarili at nakalimutan na ang lahat kasama na ang kan'yang galit at sakit na nararamdaman sa nalaman na kasal na ito sa iba. "I love your smell and I miss this. Hmmmm!" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang pagbulong ni Charles sa kan'yang tainga. Nakasobsob ang kan'yang mukha sa didbib n
ABRIELLE DEE... Akala n'ya ay kaya n'ya ng tanggapin sa kan'yang sarili na isa s'yang kabit dahil kahit anong gawin n'ya ay mahal n'ya pa rin si Charles ngunit hindi pala dahil kinabukasan matapos ng may nangyari ulit sa kanila ay narinig n'yang may kausap si Charles sa cellphone sa balkonahe. "I can't figure out things right now but I will discard her soon. Kailangan ko lang na magbait-baitan sa kan'ya para makuha ko ang gusto ko. I love my grandma at hindi ko ipagpapalit ang lola ko sa kahit na sino," narinig n'yang sabi ni Charles sa kausap. Natulos s'ya sa kan'yang kinatatayuan at pilit na inaanalisa ang narinig mula kay Charles at isa lang ang lumalabas na ibig sabihin nito. S'ya ang tinutukoy ng binata na gustong idispatsa nito dahil ayon dito ay mahal nito ang lola at hindi nito ipagpapalit sa kahit na sino. At para magawa iyon ay kailangan nitong sundin ang lahat ng iniutos ng abuela at kasama na d'yan ang manatili ito sa tabi ng asawa. Wala sa sarili na nailagay n'ya ang
ABRIELLE DEE... Kinabukasan ay agad s'yang umalis ng hindi nagpapaalam kay Charles. She can't stay too long pretending she is fine. Kahit masama s'ya ay hindi n'ya pa rin maatim sa kan'yang sarili ang pagiging kabit ng lalaki kaya hangga't kaya n'ya pang umiwas dito ay gagawin n'ya para pangalagaan ang kan'yang dignidad. Babae din s'ya at hindi maganda sa pakiramdam para sa asawa ni Charles kapag nalaman nito na may kabit ang asawa nito at s'ya iyon. Kahit sa pagtulog ay binabangungot s'ya at hindi n'ya na makayanan pa ang lahat kaya madaling araw pa lang ay nagpasya na s'yang umalis. Kahit mabigat ang kan'yang pakiramdam ng mga oras na iyon ngunit ginawa n'ya ang lahat para labanan ang nararamdaman at hindi nagpatalo dito. Kapag hindi n'ya ginawa ang bagay na ito ngayon ay hindi n'ya na alam kung magagawa n'ya pa rin ito sa mga susunod na araw. Marupok s'ya pagdating kay Charles and she is aware of that kaya sigurado s'ya sa kan'yang sarili na bibigay na naman s'ya ulit sa kaunti
ABRIELLE DEE... Nanatili s'ya sa hideout para doon mamalagi hanggang sa makapanganak si Tanya. Gusto n'ya mang umalis ngunit hindi n'ya mahindian si Briggs at nag-aalala din s'ya sa kaibigan dahil alam n'ya sa kan'yang sarili na dalawang bata ang dinadala nito. Hindi n'ya lang sinabi kay Tanya na hindi lang Niño ang nasa sinapupunan nito kundi may Niña din. At s'ya ang pinakaunang tao na masaya sa biyaya na natanggap ng kaibigan. Magkapareho sila ng mga pinagdaanan ni Tanya kaya agad na nakuha ng babae ang kan'yang loob ng ipakilala ito ni lady D sa kan'ya at itinalaga na s'ya para bantayan ito. Wala talaga s'yang balak na ipahamak si Tanya dahil ang kan'yang plano kung bakit s'ya pumasok sa grupo ni Donna ay ang makita ang kahuli-hulihang tao na kasama sa pagpatay sa kan'yang mga magulang. At iyon ay ang ama ni Donna na pinakahuli n'yang pinatay. Matagal n'ya na ding balak na wasakin ang grupo ni Donna dahil nasa listahan din ito ng FBI kung saan ay matagal ng hinahanap ng mga a
ABRIELLE DEE... "Ate namiss namin kayo," tuwang-tuwa na sabi ng isang batang babae na ang pangalan ay si Jessa. Napakabibo nito at napaka sweet na bata. Madalas din itong nakangiti na kahit s'ya ay nahahawa sa pagiging palangiti nito at hindi alintana ang pagiging ulila ng lubos. Jessa is only infant ng ma-rescue n'ya. Namatay ang mga magulang nito dahil sa isang aksidente at nagkataon na nasa lugar s'ya ng mangyari ang trahedyang iyon sa pamilya ng bata. Wala s'yang nakita na mga kamag-anak ng pamilya na handang kumupkop sa bata at ng malaman n'ya iyon ay hindi s'ya nagdadalawang-isip na kunin si Jessa para s'ya na ang tumayong guardian nito. Dinaan n'ya naman lahat sa legal na proseso ang pag-ampon dito kaya wala s'yang naging problema sa pagkupkop kay Jessa. Malalapit sa kan'ya ang mga bata at ganon din ang mga ito sa kan'ya ngunit kakaiba ang closeness ni Jessa sa kan'ya dahil ito lamang ang tanging napunta sa kan'ya na sanggol pa lamang. S'ya na ang nagpalaki dito at s'ya n
ABRIELLE DEE... "Ang mga mata mo anak ay iba ang sinasabi. Hindi ka ok at may dinadala ka sa dibdib mo. Kung ano man iyon ay nandito lang ako. Handa akong makinig at hindi kita huhusgahan anak," mahinahon na sabi ng madre sa kan'ya at sa bawat kataga na binibitawan nito. Pakiramdam n'ya ay nanunuot iyon sa kan'yang puso na s'yang dahilan para manikip ang kan'yang dibdib at pigil ang sarili na hindi maiyak. Nagbuga s'ya ng hangin ng ilang beses at pilit na nginitian ang madre kahit naninikip ang kan'yang dibdib. "Hindi ho sister. Ayos lang ho ako. Huwag n'yo na akong alalahanin," s'ya rito ngunit mukhang hindi ito kumbinsido. "Ikaw ang bahala iha. Basta kapag kailangan mo ng makausap ay nandito lang ako, ha! Mabuti kang tao Abrielle, palagi mong tatandaan yan," mahinanong tugon ni sister Norma sa kan'ya. "Mabuting tao sister? Hindi yata eh! Nagkamali yata kayo ng pagkakilala sa akin. Hindi ho ako mabuting tao at napakasama ko ho. Kaya nga ho ako nasasaktan ngayon dahil parusa na s
ABRIELLE DEE... Nanatili s'ya sa shelter kasama ang mga bata ng ilang linggo. At sa loob ng mga panahong iyon ay nakalimutan n'ya ang kan'yang problema sa labas. Malaki ang naging tulong ng mga bata sa kan'ya at totoong masaya s'ya kasama ang mga ito. Marami silang nagawang mga projects at tuwang-tuwa s'ya na napakagaling ng lahat ng mga bata na naroon at bihasa sa paggawa ng mga crafts. Nagpapasalamat din s'ya sa mga tao na tumatayong guro at trainor ng mga bata na s'yang maigi na nagtuturo sa mga ito. Tama nga naman si sister Norma sa sinabi nito noong nakaraan. Hindi s'ya masamang tao dahil kung masama s'ya ay sana wala itong shelter na ito. Walang mga bata ang nagkaroon ng bahay at makakain sa araw-araw. Nakapag-aral kahit papaano ang mga nandito dahil sa mga private teachers na binabayaran n'ya para magturo. Siguro kung hindi n'ya ipinatayo ang shelter na ito ay nasa kalye pa rin ang mga bata at nagugutom. Walang masisilungan at walang matutuloyan. Kahit paano pala ay may na