ABRIELLE DEE... Hindi naging madali para sa kanila at kay Briggs ang pagligtas kay Tanya. Dahil sa biglang pagdating ni Donna ay medyo naiba ang kanilang plano ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi nila ituloy ang kanilang balak. Nagkagulo ang lahat at malakas na putokan ang maririnig sa buong paligid. Nahirapan din s'ya sa paghahanap kay Tanya ng iwan n'ya ito at mabuti na lang naalala n'ya na may tracker pala s'yang nilagay sa katawan nito kaya natunton n'ya ang babae. Agad n'yang inabesohan si Briggs kung nasaan ang asawa nito at dinala sila pareho sa basement ng lugar kung nasaan ang mga tangke ng gas na ginagamit sa taas. At hindi naging madali para sa kanila ang pakikipaglaban sa mga taohan ni Donna at sa babae mismo na nasundan si Tanya sa lugar na iyon. Mas lalo pang dumagdag ang kan'yang takot ng makita n'ya si Charles na naroon din at ilang beses ng muntik na mapurohan. Mabuti na lang at nandoon na si Briggs na s'yang nakabantay kay Tanya, nagkaroon s'ya ng pagkak
ABRIELLE DEE..."Hindi ka lang kagusto-gusto, Abrielle Dee kundi kamahal-mahal pa. Hmmmm! I love you amor," pakiramdam n'ya ay nabingi s'ya at parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang sinabi ni Charles."Y-You w-what?" nauutal ang labi na tanong n'ya kay Charles. Sinapo nito ang kan'yang pisngi at malamlam ang tingin na ibinigay sa kan'ya."I love you mi amor! Mahal na mahal kita, Abrielle Dee Lopez, mahal na mahal," puno ng pagmamahal ang boses ni Charles ng sabihin sa kan'ya ang mga katagang iyon. Napuno ng kakaibang emosyon ang kan'yang puso ng mga oras na iyon at hindi n'ya alam kung paano tugunan ang sinabi ng binata.Pareho sila ng nararamdaman ni Charles ngunit hindi n'ya pa rin maiwasan ang mapatulala sa rebelasyon ni Charles tungkol sa nararamdaman nito sa kan'ya."Amor!" tawag ni Charles sa kan'ya. Alanganin s'yang ngumiti dito dahil hindi n'ya pa rin alam kung ano ang isasagot sa lalaki."C-Charles! T-Totoo ba ang sinabi mo na m-mahal mo ako?" nag-init ang kan'yan
ABRIELLE DEE...Naging masaya ang kanilang pagsasama ni Charles sa beach house na pag-aari nito.Wala silang iniisip na ibang bagay kundi ang mga sarili lang nila at masasabi n'ya na napaka fulfilling ng ganitong sitwasyon.Ngayon lang s'ya nakaramdam ng totoong saya sa tanang buhay n'ya. Maliit pa lang s'ya ng makasama n'ya ang kan'yang mga magulang at hindi n'ya maalala ang ibang masasamang kaganapan sa buhay nila noon.At pagkatapos naman mamatay ng kan'yang mga magulang ay puro pait at poot na ang namuhay sa kan'yang puso.Ngunit ng makilala n'ya si Charles at makapaglagayan sila ng loob na dalawa ay doon n'ya at nararamdaman na maliban pala sa poot at galit ay may kaya n'ya ding makaramdam ng saya sa kan'yang puso na puno ng galit at paghihiganti.At malaki ang kan'yang pasasalamat kay Charles at habangbuhay n'yang hindi makakalimutan ang bagay na nagawa nito sa kan'ya.Sa ilang araw na pagsasama nilang dalawa ay ipinaramdam sa kan'ya ng lalaki kung gaano s'ya kahalaga dito ay da
CHARLES MALCOLM...Iniwan n'ya saglit si Dee sa balkonahe para kumuha ng pwede nilang kutkotin habang tumatambay.Kumuha din s'ya ng dalawang lata ng beer at inilagay sa tray kasama ang mga pagkain.Masaya s'ya habang bitbit ang tray pabalik sa balkonahe ngunit nagulat s'ya ng maabutan si Dee na nakatulala at parang gulat na gulat ang hitsura.Lumapit s'ya dito at inilapag ang tray sa mesa sa harapan nito ngunit kahit sa paglapag n'ya ng tray ay hindi natinag si Dee."Amor are you ok?" tanong n'ya kay Dee ngunit wala s'yang tugon na nakuha mula rito na mas lalong ikinasalubong ng kan'yang kilay."Hey! Amor! What's wrong? May nangyari ba?" tanong n'ya ulit rito sabay tapik ng mahina sa pisngi ni Dee.Parang doon pa ito at nataohan ng tapikin n'ya sa pisngi."Huh? Anong sabi mo? I meanā may sinabi ka ba?" tanong nito sa kan'ya."Anong nangyayari sayo? Bakit ka tulala at parang gulat na gulat? May nangyari ba?" ulit na tanong n'ya rito."Huh? Ah! Wala naman! Nagulat lang ako dahil habang
CHARLES MALCOLM... "Are you married to someone, Charles? May asawa ka na, hindi ba?" may pait sa boses na tanong sa kan'ya ni Dee na ikinatulos n'ya sa kan'yang kinauupoan. Parang bomba na sumabog sa kan'yang tainga ang tanong nito na hindi s'ya agad nakahuma at nakatulala lamang na nakatingin dito. Mahinang natawa si Dee ng makita ang kan'yang reaction. Iniwan n'ya lang ito saglit para kumuha ng pwede nilang makain ngunit pagbalik n'ya ay ganito na ang mga tanong nito. Hindi n'ya alam kung saan nakuha ni Dee ang ideya na may asawa na s'ya ngunit sa tingin n'ya ay seryoso itong may alam sa tungkol sa tanong nito. "A-Amor!" nauutal na tawag n'ya rito dahil sobrang kabado s'ya ng mga oras na iyon. Ang mga tingin ni Dee sa kan'ya ay nakakatakot na pakiramdam n'ya ay nanginginig pati ang kan'yang laman-loob. "Answer me Charles! Ang totoo at hindi ang kasinungalingan," matigas na utos sa kan'ya ni Dee. Ilang beses s'yang napalunok ng laway at nag-aalangan sa isasagot n'ya rito. Inip
CHARLES MALCOLM... "Fvck!" malutong na mura n'ya at inihilamos sa mukha ang palad. Alam n'ya na mangyayari ito sa oras na sagutin ni Dee ang tawag ng kan'yang lola ngunit dahil matigas ang ulo ng dalaga kaya nagkaroon s'ya ng malaking problema ngayon. Paano n'ya ipapaliwanag dito ang lahat? Saan s'ya magsisimula at paano n'ya sasabihin kay Dee ang totoo. "Charles Malcolm!" natigil lang s'ya sa mga iniisip ng marinig ang boses ng kan'yang abuela. Tinapunan n'ya ng tingin ang cellphone na nasa mesa at pagkatapos ay si Dee na naabutan n'ya by nakatingin din sa kan'ya ngunit walang emosyon ang mukha. "Lola can I talk to you later?" sa wakas ay nahanap n'ya ang kan'yang boses. "No! You need to talk to me now! Kailangan mo ng umuwi ngayon din at magpakita sa akin, Charles!" galit na sagot ng matanda sa kan'ya. "I can't! Nasa malayo ako at kasama ko ang girlfriend ko! Ang babaeng mahal ko!" walang gatol na sagot n'ya sa kan'yang lola. Hindi n'ya na naisip ang kalagayan nito at ang mang
CHARLES MALCOLM..."Fvck! Fvck! Fvck! Abrielle Dee.....! Bumalik ka dito amor! Huwag mo akong iwan!" malakas na sigaw n'ya ng makabawi sa pagkatulala ngunit wala na ang dalaga sa kan'yang paningin.Nang mahimasmasan ay dali-dali s'yang tumakbo para habulin si Dee ngunit wala na ito. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid at nagbabasakali na makita ang dalaga ngunit bigo s'ya. Naglakad pa s'ya hanggang sa daan ngunit walang kahit na anino ni Dee ang kan'yang nakita."Damn it! Dee! Dee!" malakas na tawag n'ya rito ngunit wala s'yang tugon na nakuha. Hanggang sa namaos na lamang s'ya sa kakatawag dito ay wala pa rin s'yang nakuhang sagot. Nanghihina na bumagsak s'ya sa lupa at napaupo. Kuyom ang isang kamao at ang isa naman ay nakasabunot sa kan'yang buhok dahil sa sobrang frustration.Hindi sana aabot sa ganito ang lahat kung una pa lang ay sinabi n'ya na kay Dee ang tungkol sa pagiging kasal n'ya sa ibang babae.Hindi n'ya intention na gawin itong kabit at wala talaga s'yang balak. Mahal n'
ABRIELLE DEE... Akala n'ya ay magiging masaya na s'ya ngunit wala pala talagang lugar ang tinatawag ng iba na saya sa isang katulad n'ya. Masama s'yang tao at iyon siguro ang dahilan kung bakit hanggang sa huli ay puro pasakit na lang ang kan'yang nararamdaman. Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatingin sa malawak na karagatan. Nasa yati s'ya na pag-aari n'ya at doon nagpapalipas ng sakit na nararamdaman. Pagkatapos n'yang lisanin ang beach house ni Charles at dumiretso s'ya ng uwi sa kan'yang bahay ngunit hindi naman s'ya mapakali dahil nasa malapit lang ang binata. Inaamin n'ya na ilang beses s'yang natukso na puntahan ito dahil sa pangungulila n'ya rito ngunit sa tuwing sumasagi sa kan'yang isip ang sinabi ng lola nito tungkol sa asawa ni Charles ay nababahag ang kan'yang buntot at nanghihina s'ya. Sino ang mag-aakala na ang kauna-unahang lalaki na minahal n'ya at pinakalooban ng kan'yang sarili ay kasal na pala sa iba. Ginawa s'yang kabit ni Charles at iyan ang hindi n'ya mat