ABRIELLE DEE... Akala n'ya ay magiging masaya na s'ya ngunit wala pala talagang lugar ang tinatawag ng iba na saya sa isang katulad n'ya. Masama s'yang tao at iyon siguro ang dahilan kung bakit hanggang sa huli ay puro pasakit na lang ang kan'yang nararamdaman. Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatingin sa malawak na karagatan. Nasa yati s'ya na pag-aari n'ya at doon nagpapalipas ng sakit na nararamdaman. Pagkatapos n'yang lisanin ang beach house ni Charles at dumiretso s'ya ng uwi sa kan'yang bahay ngunit hindi naman s'ya mapakali dahil nasa malapit lang ang binata. Inaamin n'ya na ilang beses s'yang natukso na puntahan ito dahil sa pangungulila n'ya rito ngunit sa tuwing sumasagi sa kan'yang isip ang sinabi ng lola nito tungkol sa asawa ni Charles ay nababahag ang kan'yang buntot at nanghihina s'ya. Sino ang mag-aakala na ang kauna-unahang lalaki na minahal n'ya at pinakalooban ng kan'yang sarili ay kasal na pala sa iba. Ginawa s'yang kabit ni Charles at iyan ang hindi n'ya mat
ABRIELLE DEE... Ilang araw s'yang nanatili sa laot at nagmuni-muni. Kung saan-saan na napunta ang kan'yang mga iniisip ngunit kahit anong gawin n'ya ay wala pa ring solusyon ang problema nila ni Charles kundi ang tigilan nila ang anomang kaugnayan nilang dalawa. Sa ilang araw na pananatili sa dagat ay nakapag desisyon s'yang ituloy ang kan'yang balak na paglayo para sa pagbabagong-buhay. Panahon na siguro na tutuparin n'ya ang kan'yang pangako sa sarili na pagkatapos mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kan'yang mga magulang ay lalayo na s'ya para magbagong buhay. Nagbuga s'ya ng hangin at inayos ang kan'yang mga gamit. Mamayang gabi ay maglalayag ulit s'ya pauwi at aalis na naman ulit. At naisip n'ya na sa huling pagkakataon ay dadalawin n'ya muna si Tanya para magpaalam dito. Ayon sa kan'yang taohan na inutosan n'ya na magbantay dito at siguraduhin na ligtas ang babae kahit patay na si lady D ay maayos na daw ang kalagayan ngayon ng kan'yang kaibigan kasama ang asawa nito. At
ABRIELLE DEE..."Talaga ba Lopez? Sino si Charles? Hindi mo kilala si Charles? Eh paano yan, eh puro Abrielle Dee Lopez ang lumalabas sa bunganga ng lalaking iyon lalo na kapag lasing! Maliban pala sayo ay may ibang Abrielle Dee Lopez pa sa mundo?" nakataas ang kilay na sabi ni Peter sa kan'ya na ikinatulos n'ya sa kinatatayuan."See? Hindi ka makapaniwala no? I knew it! Hindi naman talaga kapani-paniwala ang pinsan ko eh!" natatawa na dagdag pa ni Peter sa sinabi nito. Sinamaan n'ya ito ng tingin na agad din na ikinatikom ng bibig ng lalaki.Kahit may galit s'ya kay Charles ay hindi n'ya naman gugustohin na marinig mula sa iba na nilalait ang binata."At sa tingin mo ikaw ay kapani-paniwala? Huwag monh kalimutan Pedro na isa ka ding Carson at nasa lahi n'yo na ang hindi mapagkakatiwalaan," singhal n'ya sa lalaki. Awang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata na tumingin ito sa kan'ya."Oh ano? Natahimik ka dahil totoo?" nakataas ang kilay na dagdag n'ya na ikinaalma ng binata sa pagka
ABRIELLE DEE... "Aray ko! Kahit kailan talaga ay hindi ka grateful na babae ka!" singhal nito sa kan'ya na sinabayan pa ng masamang tingin ngunit tinaasan n'ya lang ito ng kilay bilang tugon. "Kasi hindi ka din maayos na kausap!" singhal n'ya rito at umalis sa harapan ng lalaki at tinungo ang coffee maker para magtimpla ng kape. "Ikaw na nga ang dinadamayan, ikaw oa tong galit!" kunwari ay nagtatampo na sabi sa kan'ya ng lalaki. Napairap na lamang s'ya habang nagtitimpla ng kape dahil sa kadramahan ni Pedro ngunit sa loob-loob n'ya ay masaya s'ya na nandito ang binata. Kahit papaano ay nakakalimutan n'ya saglit ang sakit sa kan'yang dibdib at bigat sa kan'yang puso. Nakadagdag din ang pagiging krung-krung ni Peter para pagaainin ang kan'yang loob. "Pagkatapos mong kumain ay lumayas ka na Pedro, pwede ba? Gusto kong mapag-isa, ok?" taboy n'ya sa kaibigan. "Depende kung gusto ko ng umuwi! We'll see later," tugon nito na ikinatalim ng kan'yang tingin sa kaibigan na kampanti lamang
ABRIELLE DEE... Ang balak n'yang pagbabalik sa kan'yang bahay ay naantala ng tatlong araw dahil sa kaibigan n'yang asungot at bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan. Tinotoo nito ang sinabi na sasamahan s'ya sa laot para may makausap s'ya. Parang wala itong obligasyon sa buhay na kung makapag relax ay wagas. Gusto pa sana nitong mag extend ngunit itinaboy n'ya na ito at ipinaalam na aalis na din s'ya at uuwi. Pinigilan s'ya ni Peter ngunit hindi s'ya pumayag. Gusto n'ya na rin kasi na makaalis ng Pilipinas at itutuloy ang balak na paglayo para sa kan'yang pagbabagong buhay. At ng makita s'ya ng kaibigan na seryoso s'ya sa kan'yang pagtataboy dito ay wala na din itong nagawa kundi ang hayaan s'ya at bumalik sa yati nito. Pagkaalis ni Peter ay nagsimula na s'yang maglayag pabalik sa lupa. Buo na ang kan'yang desisyon na umalis at magpakalayo-layo. Kailangan n'ya lang na bisitahin muna si Tanya para magpaalam dito. Kahit papaano ay naging magkaibigan silang dalawa at mahalaga
ABRIELLE DEE... Kinabukasan ay late na s'ya ng magising dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos noong nakaraang gabi. Bumaba s'ya at nagluto ng pagkain. Hindi na s'ya nakakain kagabi kaya ngayon ay ramdam n'ya na ang gutom dahil magtanghali na ng magising s'ya. Simpling pagkain lamang ang kan'yang niluto at agad din na kinain iyon. Nagtimpla din s'ya ng kape at dinala ang mug sa kan'yang kwarto. Balak n'yang makipagkita kay Tanya mamayang gabi para magpaalam dito. Pagkapasok n'ya sa kan'yang silid ay inilapag n'ya ang mug na hawak sa mesa at tinungo ang kan'yang walk-in closet para kunin ang kan'yang maleta. Inilabas n'ya ito at bumalik sa kama. I ibinagsak n'ya ang naturang maleta sa kama at nagsimula ng mag-empake ng kan'yang mga gamit. Marahas ang kan'yang mga kilos na hablot dito hablot doon ng mga gamit sabay lagay sa nakabukas na maleta hanggang sa mapuno ito. Para s'yang sinasakal sa habang nag-eempake ngunit pinipigilan n'ya ang kan'yang emosyon. Hindi s'ya dapat magpada
ABRIELLE DEE..."What the fvck!" malutong na mura n'ya ng biglang bumaliktad ang kan'yang paningin dahil pasan s'ya ni Charles aa balikat nito na parang isang sako ng bigas at ang kan'yang ulo at nasa puwetan nito banda."Get her car inside Briggs house!" narinig n'ya pang utos nito sa isang taohan ni Briggs ng mapadaan sa mga ito."Put me down, bastard!" singhal n'ya rito ngunit parang wala itong narinig na deritso lang sa paglakad. At natagpuan n'ya lang ang kan'yang sarili na nakaupo na sa loob ng sasakyan ng lalaki at dali-dali itong umikot sa kabila para magmaneho.Binuksan n'ya ang pintoan para lumabas ngunit ni-lock iyon ng lalaki kaya nakapasok na ito sa loob ay hindi n'ya pa nabuksan ang pintoan sa kan'yang side."Damn you!" singhal n'ya rito ng harapin ito ngunit natigilan s'ya ng makita ang nangungusap na mga mata ng lalaki."Amor! Please let's talk!" pakiusap sa kan'ya ni Charles ngunit umiling s'ya bilang tugon."Let me go Charles! Please!" sa pagkakataong ito ay s'ya nam
ABRIELLE DEE..."I can file a divorce pero hindi muna sa ngayon. I need to prioritize my lola's health. She's too old at ayokong sumama ang loob n'ya sa akin. Can you promise me na hihintayin mo ako hanggang dumating ang araw na iyon? Please Dee, promise me. Sa ngayon ay ganito lang muna tayo pero ipinapangako ko sayo na ikaw ang mahal ko. Pagdating ng araw ay magiging malaya din tayo na ipagsigawan sa lahat at ipakita sa buong mundo ang pagmamahalan natin at tayo ang para sa isat-isa," mahabang sabi ni Charles sa kan'ya ngunit isa lang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon.Sakit! Sakit na sa kabila ng pagmamahal nito sa kan'ya ay kaya s'ya nitong gawing kabit. Itatali dito at paghintayin ng hindi n'ya alam kung gaano katagal. It pains her na kahit s'ya ang mahal nito ngunit hindi n'ya mapagbigyan ang kan'yang sarili na matawag itong sa kan'ya dahil sinasampal s'ya ng katotohanan na may nagmamay-ari na rito at hindi s'ya yon.Mahina s'yang natawa at pinahid ang tubig sa gilid ng
CHARLES MALCOLM... "Fvck! Champ, Charlie, tulongan n'yo ako sa mga kapatid n'yo," hindi magkandauga na paghingi n'ya ng tulong sa kan'yang mga panganay. Naiwan silang walo sa bahay dahil may pinuntahan si Dee. At rules na sa bahay nila na kapag may pupuntahan ang isa sa kanila ng asawa ay kailangan na may maiiwan na isa kahit pa may tig-isang yaya ang kan'yang mga anak. Pito na lahat ang kanilang mga anak at dalawang taon na ang bunso nila ni Dee na kambal ulit. Halos dalawang taon lang ang pagitan ng triplets at ng bunso nila ng kan'yang asawa. Hindi naman problema sa kanila ang maraming anak dahil kaya naman nilang buhayin ngunit kapag may ganitong pagkakataon na s'ya ang nakatoka na magbabantay sa pito ay pakiramdam n'ya ay malalagas ang kan'yang mga bolbol. "Papa, you can do it. Busy ako sa paghuhugas ng mga feeding bottle nila," sagot ni Charlie sa kan'ya na ngayon ay mag- wawalong taong gulang na. Parang kailan lang ay katulad din ito ng mga kapatid ngunit ngayon ay katuwan
ABRIELLE DEE... "Ahhhhhh! Ang sakit ng t'yan ko! Charles! Charles!" namimilipit sa sakit na sigaw n'ya sa asawa. Nasa loob s'ya ng isang private room sa hospital na pinagdalhan sa kan'ya. Dalawang linggo na s'yang naka confine dahil sa OA n'yang asawa. May dalawang linggo pa bago s'ya manganak ngunit hindi na ito magkandauga sa pagpunta sa hospital at dito na sila nanatili simula pa noong nakaraang dalawang linggo. Nang malaman n'ya na tatlo ang nasa loob ng kan'yang sinapupunan ay agad n'yang ipinaalam ito kay Charles dahil aaminin n'ya na kahit anong tapang n'ya ngunit may takot s'yang nararamdaman na baka kung may mangyari sa kanilang mga anak kung itatago n'ya ito sa asawa. Mas mabuti ng alam nito para matulongan s'ya nitong alagaan ang kan'yang pagbubuntis. At hindi naman s'ya nabigo dahil trumiple pa ang pag-aalaga at pag-iingat ni Charles sa kan'ya. Very hands-on ito sa lahat ng bagay pati na sa kanilang dalawang anak. Halos hindi na s'ya nito pagalawin sa bahay nila dahil
ABRIELLE DEE... "Charles aalis na ako, ikaw na muna ang bahala sa dalawang bata, ha!" paalam n'ya sa asawa. Tatlong taon na silang kasal ni Charles at mag-aapat na taon na din ang kambal. Hindi pa nila ito nasundan sa hindi malamang dahilan. Active naman ang kanilang sex life na dalawa at halos walang pahinga na nga sila. Nag resign si Charles sa pagiging sundalo ngunit hindi ito pinayagan ng presidente bagkus ay binigyan ito ng posisyon sa opisina ng militar. Kaya isang mataas na opisyal na ngayon ang kan'yang asawa at mataas ang posisyon nito. S'ya naman ay hindi pinigilan ni Charles sa kan'yang gustong gawin sa kan'yang buhay kahit kasal na sila at may mga anak bagkus ay sinuportahan pa s'ya nito. Ngunit ang kan'yang focus sa ngayon ay ang kan'yang pamilya kaya hindi na muna s'ya gaanong nagtatrabaho. May mga misyon s'ya pero hindi na ganon ka dilikado katulad ng dati. Ang kan'yang routine ngayon ay pamilya, ang kanilang negosyo ni Charles at ang kan'yang shelter na mas luma
ABRIELLE DEE... The ceremony went well and fast at hindi n'ya man lang namalayan na tapos na pala ang lahat. She can't even remember kung ano ang mga sinabi n'ya sa kan'yang vows para kay Charles at ganon din ang mga sinabi nito para sa kan'ya dahil ang kan'yang isip ay kung saan-saan nakarating. Ang daming bagay ang kan'yang na-imagine na magkasama silang apat ni Charles at ang kanilang mga anak habang patuloy ang seremonyas ng kanilang kasal. At nagbalik na lang s'ya sa kan'yang sarili ng halikan s'ya sa labi ng asawa. Patunay na tapos na pala ang kanilang kasal and she is now officially Mrs. Charles Malcolm Carson. "You're spacing out, mi amore," pabulong na sabi ng asawa sa kan'ya ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I imagined too much but don't worry dahil kasama naman kita at ang mga anak natin sa imagination ko," sagot n'ya rito at sinundan ng hagikhik. Mahinang natawa si Charles at pinanggigilan na pinisil ang kan'yang ilong. "Silly mama," sabi nito at hinalikan s'ya
CHARLES MALCOLM... The day he was dreaming of came at wala ng pinakamasayang lalaki sa buong mundo kundi s'ya. Standing in front of the man-made altar sa gitna ng kanilang ubasan sa Italy habang hinihintay ang pinakamaganda at pinakamamahal n'yang babae ay isa sa pinakamasayang sandali ng kan'yang buhay. Pagkalipas ng isang linggo, matapos ang kan'yang proposal kay Dee ay idinaos ang kanilang kasal na dalawa. Parehong masaya ang lahat lalo na ang kan'yang pamilya. Bailey is Dee's maid of honor at magkasundo ang dalawa sa lahat ng bagay. Natatawa pa s'ya kapag naiisip n'ya na naging matalik na magkaibigan ang kan'yang dating asawa at ang present wife n'ya. Kung sabagay ay wala namang involve na pagmamahal ang sa kanilang dalawa ni Bailey at nangyari lamang iyon dahil sa kanilang mga pamilya. At malaki din ang pasasalamat n'ya sa babae na hindi na s'ya pinahirapan pa nito. Hiling n'ya na sana ay makita at matagpuan na rin ni Bailey ang totoong pag-ibig nito. Hindi n'ya napansin na
ABRIELLE DEE... "Warm up lang to Charles! We have more on this sa honeymoon natin and yes— I will marry you," pilyang sagot n'ya sa lalaki na pareho nilang ikinatawa na dalawa. "And speaking of the proposal, this is not the plan pero dahil nandito na din tayo. Let me do it in a romantic and sensual way," sagot ng lalaki at agad na bumangon. Walang kahit na suot na naglakad ito at pinulot sa sahig ang pantalon na hinubad nito kanina. Nakagat n'ya pa ang kan'yang pang-ibabang labi ng makita ang maumbok at maputi na puwetan ni Charles. Nahuli pa s'ya nito ng humarap ito sa kan'ya at agad na sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki ng maglakad pabalik sa kama. Mas lalong nag-init ang kan'yang mukha ng tumayo ito sa gilid ng kama at tumapat mismo sa kan'yang mukha ang nakatayo at parang galit na galit pa rin na pagkalalaki nito. "Enough of that kind of look, mi amore dahil simula sa araw na ito ay araw-araw mo ng makikita ang galit na galit na sandata ko d'yan sa baba at kasalanan mo
ABRIELLE DEE... "Huwag ka ng magselos kay Bailey, mi amore dahil ikaw ang asawa ko at ikaw ang pakakasalan ko ulit. Hmmmm! Let's build our family together at sa pagkakataong ito ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan natin, Mrs. Abrielle Dee Lopez— Carson," puno ng lambing na sabi ng lalaki sa kan'ya ngunit parang bomba na sumabog sa kan'yang pandinig ang lahat ng binitawan nitong salita na s'yang dahilan ng ilang segundo n'yang pagkatulala sa kawalan. "Mi amore?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng mahina s'yang tinapik ni Charles sa mukha. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang kan'yang sarili. "Stop playing with me, Charles," matapang na sabi n'ya rito. Nagsalubong ang mga kilay nito at puno ng pagtataka na nagsalita. "Playing with you? Who says na pinaglalaruan kita, Dee? I'm telling you the truth. Bago pa ako pumunta dito ay inayos ko na ang lahat sa amin ni Bailey. We are no longer married. Tinupad n'ya ang pangako n'ya sa akin na kapag naibalik ko sa kan'ya ang
ABRIELLE DEE... Binuksan n'ya iyon at agad na pumasok ngunit ng akmang isasarado n'ya na ito ay may malaking kamay ang pumigil sa pinto at mabilis ang mga kilos na pumasok sa loob at ito na mismo ang nagsarado ng pinto. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad s'ya nakahuma at awang lamang ang mga labi na nakatingin sa mukha ni Charles na walang emosyon na nakatingin sa kan'ya. "Charles, anong ginagawa mo dito? Baka makita ka nila at kung ano pa ang sasabihin nila tungkol sa akin. Ayoko ng gulo Charles kaya pakiusap, lumabas ka na," taboy n'ya sa lalaki ng makabawi sa pagkagulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla na lamang itong sumulpot sa kan'yang silid. Ngunit imbes na umalis ito at sundin ang kan'yang sinabi ay hindi ito ginawa ni Charles bagkus ay lumapit pa ito sa kan'ya hanggang sa ikinulong s'ya sa dalawang mga braso nito. Mas lalo s'yang hindi nakahuma ng ilapit ni Charles ang mukha sa kan'yang mukha. "Bakit ka umalis sa hapag-kainan? Hmmmmm!" paanas ang boses
ABRIELLE DEE... Kanina pa s'ya nakaupo sa kama habang tulala. Hindi n'ya inaasahan na magkita-kita silang tatlo ni Charles at Bailey sa bahay ng abuela nito. Kung tutuusin ay s'ya ang sampid sa pamamahay ng mga ito dahil hindi naman s'ya kamag-anak ng mga Carson. Inanakan lang s'ya ni Charles ngunit hindi ibig sabihin na bahagi na s'ya ng pamilya nito. Mapait s'yang napangiti at pinahid ang luha na naglandas sa kan'yang pisngi. Ngayong gabi ay magkakaroon ng dinner to formally welcome Bailey as part of the family. At kanina pa lang ay inabesohan na s'ya ni Nana na sumabay sa dinner. Ayaw n'ya namang magmukhang better kaya kahit masakit para sa kan'ya ay sasabay s'ya sa mga ito. Aalis na lang s'ya rito pagkatapos ng kasal ng dalawa dahil nangako na s'ya sa abuela ni Charles na tutulong sa paghahanda at hindi n'ya na mababawi pa iyon. Matapos ang kan'yang pag-eemote sa kan'yang silid ay tumayo s'ya at inayos ang suot na damit. Naglagay s'ya ng powder sa mukha at kaunting lipstick