CHARLES MALCOLM... "Fvck!" malutong na mura n'ya at inihilamos sa mukha ang palad. Alam n'ya na mangyayari ito sa oras na sagutin ni Dee ang tawag ng kan'yang lola ngunit dahil matigas ang ulo ng dalaga kaya nagkaroon s'ya ng malaking problema ngayon. Paano n'ya ipapaliwanag dito ang lahat? Saan s'ya magsisimula at paano n'ya sasabihin kay Dee ang totoo. "Charles Malcolm!" natigil lang s'ya sa mga iniisip ng marinig ang boses ng kan'yang abuela. Tinapunan n'ya ng tingin ang cellphone na nasa mesa at pagkatapos ay si Dee na naabutan n'ya by nakatingin din sa kan'ya ngunit walang emosyon ang mukha. "Lola can I talk to you later?" sa wakas ay nahanap n'ya ang kan'yang boses. "No! You need to talk to me now! Kailangan mo ng umuwi ngayon din at magpakita sa akin, Charles!" galit na sagot ng matanda sa kan'ya. "I can't! Nasa malayo ako at kasama ko ang girlfriend ko! Ang babaeng mahal ko!" walang gatol na sagot n'ya sa kan'yang lola. Hindi n'ya na naisip ang kalagayan nito at ang mang
CHARLES MALCOLM..."Fvck! Fvck! Fvck! Abrielle Dee.....! Bumalik ka dito amor! Huwag mo akong iwan!" malakas na sigaw n'ya ng makabawi sa pagkatulala ngunit wala na ang dalaga sa kan'yang paningin.Nang mahimasmasan ay dali-dali s'yang tumakbo para habulin si Dee ngunit wala na ito. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid at nagbabasakali na makita ang dalaga ngunit bigo s'ya. Naglakad pa s'ya hanggang sa daan ngunit walang kahit na anino ni Dee ang kan'yang nakita."Damn it! Dee! Dee!" malakas na tawag n'ya rito ngunit wala s'yang tugon na nakuha. Hanggang sa namaos na lamang s'ya sa kakatawag dito ay wala pa rin s'yang nakuhang sagot. Nanghihina na bumagsak s'ya sa lupa at napaupo. Kuyom ang isang kamao at ang isa naman ay nakasabunot sa kan'yang buhok dahil sa sobrang frustration.Hindi sana aabot sa ganito ang lahat kung una pa lang ay sinabi n'ya na kay Dee ang tungkol sa pagiging kasal n'ya sa ibang babae.Hindi n'ya intention na gawin itong kabit at wala talaga s'yang balak. Mahal n'
ABRIELLE DEE... Akala n'ya ay magiging masaya na s'ya ngunit wala pala talagang lugar ang tinatawag ng iba na saya sa isang katulad n'ya. Masama s'yang tao at iyon siguro ang dahilan kung bakit hanggang sa huli ay puro pasakit na lang ang kan'yang nararamdaman. Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatingin sa malawak na karagatan. Nasa yati s'ya na pag-aari n'ya at doon nagpapalipas ng sakit na nararamdaman. Pagkatapos n'yang lisanin ang beach house ni Charles at dumiretso s'ya ng uwi sa kan'yang bahay ngunit hindi naman s'ya mapakali dahil nasa malapit lang ang binata. Inaamin n'ya na ilang beses s'yang natukso na puntahan ito dahil sa pangungulila n'ya rito ngunit sa tuwing sumasagi sa kan'yang isip ang sinabi ng lola nito tungkol sa asawa ni Charles ay nababahag ang kan'yang buntot at nanghihina s'ya. Sino ang mag-aakala na ang kauna-unahang lalaki na minahal n'ya at pinakalooban ng kan'yang sarili ay kasal na pala sa iba. Ginawa s'yang kabit ni Charles at iyan ang hindi n'ya mat
ABRIELLE DEE... Ilang araw s'yang nanatili sa laot at nagmuni-muni. Kung saan-saan na napunta ang kan'yang mga iniisip ngunit kahit anong gawin n'ya ay wala pa ring solusyon ang problema nila ni Charles kundi ang tigilan nila ang anomang kaugnayan nilang dalawa. Sa ilang araw na pananatili sa dagat ay nakapag desisyon s'yang ituloy ang kan'yang balak na paglayo para sa pagbabagong-buhay. Panahon na siguro na tutuparin n'ya ang kan'yang pangako sa sarili na pagkatapos mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kan'yang mga magulang ay lalayo na s'ya para magbagong buhay. Nagbuga s'ya ng hangin at inayos ang kan'yang mga gamit. Mamayang gabi ay maglalayag ulit s'ya pauwi at aalis na naman ulit. At naisip n'ya na sa huling pagkakataon ay dadalawin n'ya muna si Tanya para magpaalam dito. Ayon sa kan'yang taohan na inutosan n'ya na magbantay dito at siguraduhin na ligtas ang babae kahit patay na si lady D ay maayos na daw ang kalagayan ngayon ng kan'yang kaibigan kasama ang asawa nito. At
ABRIELLE DEE..."Talaga ba Lopez? Sino si Charles? Hindi mo kilala si Charles? Eh paano yan, eh puro Abrielle Dee Lopez ang lumalabas sa bunganga ng lalaking iyon lalo na kapag lasing! Maliban pala sayo ay may ibang Abrielle Dee Lopez pa sa mundo?" nakataas ang kilay na sabi ni Peter sa kan'ya na ikinatulos n'ya sa kinatatayuan."See? Hindi ka makapaniwala no? I knew it! Hindi naman talaga kapani-paniwala ang pinsan ko eh!" natatawa na dagdag pa ni Peter sa sinabi nito. Sinamaan n'ya ito ng tingin na agad din na ikinatikom ng bibig ng lalaki.Kahit may galit s'ya kay Charles ay hindi n'ya naman gugustohin na marinig mula sa iba na nilalait ang binata."At sa tingin mo ikaw ay kapani-paniwala? Huwag monh kalimutan Pedro na isa ka ding Carson at nasa lahi n'yo na ang hindi mapagkakatiwalaan," singhal n'ya sa lalaki. Awang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata na tumingin ito sa kan'ya."Oh ano? Natahimik ka dahil totoo?" nakataas ang kilay na dagdag n'ya na ikinaalma ng binata sa pagka
ABRIELLE DEE... "Aray ko! Kahit kailan talaga ay hindi ka grateful na babae ka!" singhal nito sa kan'ya na sinabayan pa ng masamang tingin ngunit tinaasan n'ya lang ito ng kilay bilang tugon. "Kasi hindi ka din maayos na kausap!" singhal n'ya rito at umalis sa harapan ng lalaki at tinungo ang coffee maker para magtimpla ng kape. "Ikaw na nga ang dinadamayan, ikaw oa tong galit!" kunwari ay nagtatampo na sabi sa kan'ya ng lalaki. Napairap na lamang s'ya habang nagtitimpla ng kape dahil sa kadramahan ni Pedro ngunit sa loob-loob n'ya ay masaya s'ya na nandito ang binata. Kahit papaano ay nakakalimutan n'ya saglit ang sakit sa kan'yang dibdib at bigat sa kan'yang puso. Nakadagdag din ang pagiging krung-krung ni Peter para pagaainin ang kan'yang loob. "Pagkatapos mong kumain ay lumayas ka na Pedro, pwede ba? Gusto kong mapag-isa, ok?" taboy n'ya sa kaibigan. "Depende kung gusto ko ng umuwi! We'll see later," tugon nito na ikinatalim ng kan'yang tingin sa kaibigan na kampanti lamang
ABRIELLE DEE... Ang balak n'yang pagbabalik sa kan'yang bahay ay naantala ng tatlong araw dahil sa kaibigan n'yang asungot at bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan. Tinotoo nito ang sinabi na sasamahan s'ya sa laot para may makausap s'ya. Parang wala itong obligasyon sa buhay na kung makapag relax ay wagas. Gusto pa sana nitong mag extend ngunit itinaboy n'ya na ito at ipinaalam na aalis na din s'ya at uuwi. Pinigilan s'ya ni Peter ngunit hindi s'ya pumayag. Gusto n'ya na rin kasi na makaalis ng Pilipinas at itutuloy ang balak na paglayo para sa kan'yang pagbabagong buhay. At ng makita s'ya ng kaibigan na seryoso s'ya sa kan'yang pagtataboy dito ay wala na din itong nagawa kundi ang hayaan s'ya at bumalik sa yati nito. Pagkaalis ni Peter ay nagsimula na s'yang maglayag pabalik sa lupa. Buo na ang kan'yang desisyon na umalis at magpakalayo-layo. Kailangan n'ya lang na bisitahin muna si Tanya para magpaalam dito. Kahit papaano ay naging magkaibigan silang dalawa at mahalaga
ABRIELLE DEE... Kinabukasan ay late na s'ya ng magising dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos noong nakaraang gabi. Bumaba s'ya at nagluto ng pagkain. Hindi na s'ya nakakain kagabi kaya ngayon ay ramdam n'ya na ang gutom dahil magtanghali na ng magising s'ya. Simpling pagkain lamang ang kan'yang niluto at agad din na kinain iyon. Nagtimpla din s'ya ng kape at dinala ang mug sa kan'yang kwarto. Balak n'yang makipagkita kay Tanya mamayang gabi para magpaalam dito. Pagkapasok n'ya sa kan'yang silid ay inilapag n'ya ang mug na hawak sa mesa at tinungo ang kan'yang walk-in closet para kunin ang kan'yang maleta. Inilabas n'ya ito at bumalik sa kama. I ibinagsak n'ya ang naturang maleta sa kama at nagsimula ng mag-empake ng kan'yang mga gamit. Marahas ang kan'yang mga kilos na hablot dito hablot doon ng mga gamit sabay lagay sa nakabukas na maleta hanggang sa mapuno ito. Para s'yang sinasakal sa habang nag-eempake ngunit pinipigilan n'ya ang kan'yang emosyon. Hindi s'ya dapat magpada