ABRIELLE DEE...Naging masaya ang kanilang pagsasama ni Charles sa beach house na pag-aari nito.Wala silang iniisip na ibang bagay kundi ang mga sarili lang nila at masasabi n'ya na napaka fulfilling ng ganitong sitwasyon.Ngayon lang s'ya nakaramdam ng totoong saya sa tanang buhay n'ya. Maliit pa lang s'ya ng makasama n'ya ang kan'yang mga magulang at hindi n'ya maalala ang ibang masasamang kaganapan sa buhay nila noon.At pagkatapos naman mamatay ng kan'yang mga magulang ay puro pait at poot na ang namuhay sa kan'yang puso.Ngunit ng makilala n'ya si Charles at makapaglagayan sila ng loob na dalawa ay doon n'ya at nararamdaman na maliban pala sa poot at galit ay may kaya n'ya ding makaramdam ng saya sa kan'yang puso na puno ng galit at paghihiganti.At malaki ang kan'yang pasasalamat kay Charles at habangbuhay n'yang hindi makakalimutan ang bagay na nagawa nito sa kan'ya.Sa ilang araw na pagsasama nilang dalawa ay ipinaramdam sa kan'ya ng lalaki kung gaano s'ya kahalaga dito ay da
CHARLES MALCOLM...Iniwan n'ya saglit si Dee sa balkonahe para kumuha ng pwede nilang kutkotin habang tumatambay.Kumuha din s'ya ng dalawang lata ng beer at inilagay sa tray kasama ang mga pagkain.Masaya s'ya habang bitbit ang tray pabalik sa balkonahe ngunit nagulat s'ya ng maabutan si Dee na nakatulala at parang gulat na gulat ang hitsura.Lumapit s'ya dito at inilapag ang tray sa mesa sa harapan nito ngunit kahit sa paglapag n'ya ng tray ay hindi natinag si Dee."Amor are you ok?" tanong n'ya kay Dee ngunit wala s'yang tugon na nakuha mula rito na mas lalong ikinasalubong ng kan'yang kilay."Hey! Amor! What's wrong? May nangyari ba?" tanong n'ya ulit rito sabay tapik ng mahina sa pisngi ni Dee.Parang doon pa ito at nataohan ng tapikin n'ya sa pisngi."Huh? Anong sabi mo? I mean— may sinabi ka ba?" tanong nito sa kan'ya."Anong nangyayari sayo? Bakit ka tulala at parang gulat na gulat? May nangyari ba?" ulit na tanong n'ya rito."Huh? Ah! Wala naman! Nagulat lang ako dahil habang
CHARLES MALCOLM... "Are you married to someone, Charles? May asawa ka na, hindi ba?" may pait sa boses na tanong sa kan'ya ni Dee na ikinatulos n'ya sa kan'yang kinauupoan. Parang bomba na sumabog sa kan'yang tainga ang tanong nito na hindi s'ya agad nakahuma at nakatulala lamang na nakatingin dito. Mahinang natawa si Dee ng makita ang kan'yang reaction. Iniwan n'ya lang ito saglit para kumuha ng pwede nilang makain ngunit pagbalik n'ya ay ganito na ang mga tanong nito. Hindi n'ya alam kung saan nakuha ni Dee ang ideya na may asawa na s'ya ngunit sa tingin n'ya ay seryoso itong may alam sa tungkol sa tanong nito. "A-Amor!" nauutal na tawag n'ya rito dahil sobrang kabado s'ya ng mga oras na iyon. Ang mga tingin ni Dee sa kan'ya ay nakakatakot na pakiramdam n'ya ay nanginginig pati ang kan'yang laman-loob. "Answer me Charles! Ang totoo at hindi ang kasinungalingan," matigas na utos sa kan'ya ni Dee. Ilang beses s'yang napalunok ng laway at nag-aalangan sa isasagot n'ya rito. Inip
CHARLES MALCOLM... "Fvck!" malutong na mura n'ya at inihilamos sa mukha ang palad. Alam n'ya na mangyayari ito sa oras na sagutin ni Dee ang tawag ng kan'yang lola ngunit dahil matigas ang ulo ng dalaga kaya nagkaroon s'ya ng malaking problema ngayon. Paano n'ya ipapaliwanag dito ang lahat? Saan s'ya magsisimula at paano n'ya sasabihin kay Dee ang totoo. "Charles Malcolm!" natigil lang s'ya sa mga iniisip ng marinig ang boses ng kan'yang abuela. Tinapunan n'ya ng tingin ang cellphone na nasa mesa at pagkatapos ay si Dee na naabutan n'ya by nakatingin din sa kan'ya ngunit walang emosyon ang mukha. "Lola can I talk to you later?" sa wakas ay nahanap n'ya ang kan'yang boses. "No! You need to talk to me now! Kailangan mo ng umuwi ngayon din at magpakita sa akin, Charles!" galit na sagot ng matanda sa kan'ya. "I can't! Nasa malayo ako at kasama ko ang girlfriend ko! Ang babaeng mahal ko!" walang gatol na sagot n'ya sa kan'yang lola. Hindi n'ya na naisip ang kalagayan nito at ang mang
CHARLES MALCOLM..."Fvck! Fvck! Fvck! Abrielle Dee.....! Bumalik ka dito amor! Huwag mo akong iwan!" malakas na sigaw n'ya ng makabawi sa pagkatulala ngunit wala na ang dalaga sa kan'yang paningin.Nang mahimasmasan ay dali-dali s'yang tumakbo para habulin si Dee ngunit wala na ito. Nagpalinga-linga s'ya sa paligid at nagbabasakali na makita ang dalaga ngunit bigo s'ya. Naglakad pa s'ya hanggang sa daan ngunit walang kahit na anino ni Dee ang kan'yang nakita."Damn it! Dee! Dee!" malakas na tawag n'ya rito ngunit wala s'yang tugon na nakuha. Hanggang sa namaos na lamang s'ya sa kakatawag dito ay wala pa rin s'yang nakuhang sagot. Nanghihina na bumagsak s'ya sa lupa at napaupo. Kuyom ang isang kamao at ang isa naman ay nakasabunot sa kan'yang buhok dahil sa sobrang frustration.Hindi sana aabot sa ganito ang lahat kung una pa lang ay sinabi n'ya na kay Dee ang tungkol sa pagiging kasal n'ya sa ibang babae.Hindi n'ya intention na gawin itong kabit at wala talaga s'yang balak. Mahal n'
ABRIELLE DEE... Akala n'ya ay magiging masaya na s'ya ngunit wala pala talagang lugar ang tinatawag ng iba na saya sa isang katulad n'ya. Masama s'yang tao at iyon siguro ang dahilan kung bakit hanggang sa huli ay puro pasakit na lang ang kan'yang nararamdaman. Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatingin sa malawak na karagatan. Nasa yati s'ya na pag-aari n'ya at doon nagpapalipas ng sakit na nararamdaman. Pagkatapos n'yang lisanin ang beach house ni Charles at dumiretso s'ya ng uwi sa kan'yang bahay ngunit hindi naman s'ya mapakali dahil nasa malapit lang ang binata. Inaamin n'ya na ilang beses s'yang natukso na puntahan ito dahil sa pangungulila n'ya rito ngunit sa tuwing sumasagi sa kan'yang isip ang sinabi ng lola nito tungkol sa asawa ni Charles ay nababahag ang kan'yang buntot at nanghihina s'ya. Sino ang mag-aakala na ang kauna-unahang lalaki na minahal n'ya at pinakalooban ng kan'yang sarili ay kasal na pala sa iba. Ginawa s'yang kabit ni Charles at iyan ang hindi n'ya mat
ABRIELLE DEE... Ilang araw s'yang nanatili sa laot at nagmuni-muni. Kung saan-saan na napunta ang kan'yang mga iniisip ngunit kahit anong gawin n'ya ay wala pa ring solusyon ang problema nila ni Charles kundi ang tigilan nila ang anomang kaugnayan nilang dalawa. Sa ilang araw na pananatili sa dagat ay nakapag desisyon s'yang ituloy ang kan'yang balak na paglayo para sa pagbabagong-buhay. Panahon na siguro na tutuparin n'ya ang kan'yang pangako sa sarili na pagkatapos mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kan'yang mga magulang ay lalayo na s'ya para magbagong buhay. Nagbuga s'ya ng hangin at inayos ang kan'yang mga gamit. Mamayang gabi ay maglalayag ulit s'ya pauwi at aalis na naman ulit. At naisip n'ya na sa huling pagkakataon ay dadalawin n'ya muna si Tanya para magpaalam dito. Ayon sa kan'yang taohan na inutosan n'ya na magbantay dito at siguraduhin na ligtas ang babae kahit patay na si lady D ay maayos na daw ang kalagayan ngayon ng kan'yang kaibigan kasama ang asawa nito. At
ABRIELLE DEE..."Talaga ba Lopez? Sino si Charles? Hindi mo kilala si Charles? Eh paano yan, eh puro Abrielle Dee Lopez ang lumalabas sa bunganga ng lalaking iyon lalo na kapag lasing! Maliban pala sayo ay may ibang Abrielle Dee Lopez pa sa mundo?" nakataas ang kilay na sabi ni Peter sa kan'ya na ikinatulos n'ya sa kinatatayuan."See? Hindi ka makapaniwala no? I knew it! Hindi naman talaga kapani-paniwala ang pinsan ko eh!" natatawa na dagdag pa ni Peter sa sinabi nito. Sinamaan n'ya ito ng tingin na agad din na ikinatikom ng bibig ng lalaki.Kahit may galit s'ya kay Charles ay hindi n'ya naman gugustohin na marinig mula sa iba na nilalait ang binata."At sa tingin mo ikaw ay kapani-paniwala? Huwag monh kalimutan Pedro na isa ka ding Carson at nasa lahi n'yo na ang hindi mapagkakatiwalaan," singhal n'ya sa lalaki. Awang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata na tumingin ito sa kan'ya."Oh ano? Natahimik ka dahil totoo?" nakataas ang kilay na dagdag n'ya na ikinaalma ng binata sa pagka