AYEISHA “WALA po bang iniwan si Mommy?” tanong ko sa kasambahay nang mababaan ko. Hindi man lang nagsabi si Mommy na aalis kasama si Daddy. Hindi pa niya naibigay ang susi ng silid na gusto kong buksan. “Wala po, ma’am. Sa susunod pa naman na araw pa ang balik nila ng Daddy mo.” “Sh*t!” ani ko. “Paano ko kaya mabubuksan ang silid na ‘yon?” tanong ko sa kasambahay namin, as if naman may alam siya kung paano. “Kung mahalaga po ang kukunin niyo doon, siraan niyo na lang po ang door knob,” suhestiyon niya. “May pamapaayos naman po kayo,” ani ng kasambahay namin sabay ngiti. Napaisip ako bigla. “Kapag ba sinira ko, maibabalik kaagad?” “Tanong ko muna kila Neil, ma’am, kung kaya nila. Pero may nabibili naman po kung sakaling papalitan. Ang problema lang, baka magalit ang Mommy mo.” “Tatawagan ko po siya ngayon. Pakitanong na lang muna sila Neil.” “Sige, ma’am.” Tumalikod siya sa akin mayamaya. Narinig ko rin ang pagtawag niya sa isa naming tauhan sa bahay. Pumasok ako sa silid k
AYEISHA PAPUNGAS-PUNGAS na tinungo ko ang pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Bahagyang nagising si Halina, pero alam kong babalik pa ‘yon sa tulog dahil maaga pa. Late din na nakatulog ‘yon kakalaro sa kan’yang tablet na regalo sa kan’ya nila Mommy. Sapo ko pa ang mata ko nang magbukas ng pintuan. Kaagad kong ibinaba ang kamay ko nang mapagsino ang nasa harap ng aming pintuan. “K-King,” anas ko nang bigla niyang hapitin ang aking beywang sabay yakap nang mahigpit sa akin. “I missed you, labs.” “A-ang aga mo naman yatang bumalik.” “Actually, right after kitang tawagan nagpahatid kaagad ako dito.” “Ano? Eh, si Kalei, inistorbo mo para lang makauwi kaagad dito?” “‘Yan ka na naman, labs. Si Kalei na naman iniisip mo. Eh, ako ba?” Akmang hahalikan niya ako nang iiwas ko ang aking mukha. Bumitaw ako sa ako sa kan’ya dahil baka may makakita sa amin. “Ang tanda mo na para alalahanin. Nasaan nga si Kalei?” “Ouch. Nasasaktan ako, labs.” “OA mo na, King.” Tumawa lang siya
KING KAKABABA ko lang ng telepono ko nang marinig ang katok sa pintuan ng aking opisina. Alam kong si Asha na iyon. Sinadya kong magpahatid dito sa kan’ya ng pagkain para mabantayan ko siya. Ayaw niyang magpadala sa ospital kaya mas mabuting dito ko na lang siya i-monitor. Kinabahan kasi nang makita ko siyang gano’n kagabi. Hindi ko na nga siya pinapasok pero siya lang itong makulit. Kaya heto, i-corner ko siya sa opisina para hindi na siya maka-kontra. Naibilin ko na ang mga bata kanina kila Nenita. Saka may chopper dito incase na may mangyari sa kan’ya. Nasabi sa akin ni Nenita na minsan, nahuhuli niyang nakatingin sa kawalan ang dalaga. Mukhang may bumabagabag sa kan’ya pero ayaw niyang sabihin. “Hi, labs.” Mabilis kong pinadapo ang labi ko sa kan’ya na ikinabigla niya. Muntik na din niyang mabitawan ang pagkaing dala niya. “Lagi mo na lang akong binibigla, King.” Tinampal pa niya ang aking braso na ikinangiti ko lang. “Sorry na agad. Lagi kasing nag-aanyaya ang labi mo kaya ga
AYEISHA “A-anong ibig mong sabihin, Asha?” “Malaking parte ng alaala ko ang nawawala. Anim na taon na akong ganito. Tanging magulang ko lang ang nakikilala ko.” “K-kaya ba sumasakit ang ulo mo kagabi?” “Oo, King. Sa totoo lang, napapadalas siya.” Tumitig siya kapagkuwan. “So, hindi ka sigurado kung single ka?” Hindi maalis ang kunot sa noo niya kaya napalunok ako. “Sabi naman ng magulang ko, nabigo daw ako. Pero hindi ko alam kung kami pa bago ang aksidente. Iniisip ko rin na baka kasal ako. Pero parang hindi din, ang apelyido ko ay ‘yon pa rin.” “A-Alcaraz?” tanong niya na ikinatango ko. Hindi ko p’wedeng sabihin ang totoong pangalan ko. Hindi pa nga kami nag-uusap ni Bem. Tikom rin si Benrick nang tanungin ko kung sino ang lalaking nanakit sa akin. Malamang, ayaw niya akong masaktan kaya tikom siya. Tinampal ko ang sarili ko. Pero malakas ang kutob ko na si King na nga ang lalaking iyon. Pero magkakaiba ng bersyon. Si Ayeisha lang talaga ang makakapagsabi nang totoo. “Sino
AYEISHA NAGTAAS ako nang tingin kay Bembem. “Ano bang meron kay King at baliw na baliw ako sa kan’ya?” ani ko sabay sapo ng mukha gamit ang dalawang kamay.“Hindi ko alam kung anong nakita mo sa kan’ya maliban sa guwapong mukha, girl. Kahit ako, ‘yon din una ko nakita sa kan’ya. Pero isa lang ang alam ko, puso natin ang nagdidikta sa ‘tin kung sino ang mamahalin. At hindi kayang gawin ng isip ang pumili, mas lalong hindi kayang pigilan. Masasaktan tayo lalo, doble pa sa nararamdaman natin kung susuwayin natin ang puso natin. At sa ‘yo? Sinunod mo lang ang nais ng puso mo.”Tumayo ako at nagpabalik-balik sa harap niya pagkuwa’y tumingin ulit ako sa kan’ya.“Alam mo ba kung sino ang nobyo ko ngayon?” Natawa pa ako nang pagak.Napaayos nang upo si Bembem pero bahagyang kumunot ang noo niya. “May nobyo ka ngayon?”“Meron.” Napabuga pa ako ng hangin sabay hilot ng sintido. “Sino?”“King Hernandez.”Literal na nanlaki ang mata ni Bembem sa sinabi ko. “Oh my G! Nagbibiro ka lang, girl. Ri
AYEISHA NAG-ANGAT ako nang tingin kay King nang mapansing hindi na siya nagsalita. Kakatapos lang niya akong angkinin. Mas lalo tuloy akong nakaramdam nang pagod. Pati antok ay kumakaway na rin. “King, si Halina at Kalein, hindi ko na mapuntahan sa sobrang pagod,” anas ko. “Okay. Matulog ka na.” Hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti ako bago pumikit. Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay at nagmula iyon sa labas ng silid ni King. “Daddy! Open the door!” “Tito King! Wala po ba kaming school?” Napabalikwas ako nang bangon at tumingin kay King na tulog. “King! Ang mga bata… H-hindi nakapasok,” ani ko. “Oh, God, labs. Okay lang umabsent kahit isang beses lang. Matulog muna tayo.” Kinabig niya ako pahiga pero nagpumilit ako bumangon. “Ano ka ba! Nasa labas sila kumakatok.” “Oh, fvck!” Napailitan siyang naupo. Tumitig siya sa akin kapagkuwan. “Morning, labs. Hindi ka ba magbibihis? Makikita ka nila dito.” Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko. “Oo nga pala. Wait, sa banyo mu
AYEISHA “THAT’S a good sign, Ay.” “Good sign? Kailan pa naging good sign ang ma-broken, Ben?” singhal ko sa kapatid ko nang tawagan ko. Wow, huh? Alam niyang hindi ito biro sa akin, pero sasabihin niya pa ‘yon? Tumawag ako para mangumusta sa kompanya. Balak kong tutukan iyon sa mga susunod na gabi, tutal maaga naman akong nakakauwi, e. Hindi ko p’wedeng pabayaan ang sarili ko ngayon, kailangan kong libangin ang aking sarili. Kailangang labanan ko rin ito. Tatlong araw na mula nang tumira si Jena sa bahay nila King. At kagaya nang sabi ni Jena, sa kusina nga lang talaga ako, kahit na kumukontra si King. Ayokong magkaroon nang gulo kaya si Jena ang sinusunod ko. Iniisip ko ang sasabihin sa akin ni Kalei. Siyempre, ina niya si Jena at siya lang ang papakinggan nito kung sakali. Actually, nakausap ko na si Owen, ipapasok niya ako sa pinapasukan niyang restaurant. Okay lang naman na naka-scarf daw ako, basta ang nakaharap nga ‘yong makinis kong mukha. Magarang kainan kaya kailangan, p
AYEISHA “NASAAN ka?” bungad ni King sa akin nang tumawag siya. “N-nasa taxi, pauwi ng bahay. Ihahatid ko lang si Halina. Tapos balik–” “Damn! Sumama ka kay Jena, ano?” “O-oo. Nasaan ka ba?” “Wala akong sinabing sumama ka sa kan’ya, Asha! Ako ang nagpapasahod sa ‘yo, hindi si Jena! Bakit ba kasi siya ang sinusunod mo?” Napabuntonghininga ako sa sinabi ni King. Alam kog naiinis pa rin siya sa ginawa ko sa kan’ya nitong nakaraan. Kaya nga hindi na niya ako kinibo. “A-alam ko. Pero ginagawa ko ito dahil kay Kalei, King. Ako ang may gusto na sumama dito. Gusto niya akong sumama para may magbantay sa kan’ya. Alam mo ba ang sinabi niya sa akin? Ayaw niya sa ina niya, King. Wala kang ginawa kung hindi ang pabayaan siya sa asawa mong mukhang walang concern sa anak mo. Ni hindi mo inaalam sa kan’ya ang trato ng asawa mo sa kan’ya.” Hindi nakaimik sa kabilang linya si King. “Hindi ko siya anak. Pero nasasaktan ako kapag nasasaktan siya, King. Kung nakita mo lang kung paano niya iniyakan
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth