Share

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge
Author: LauVeaRMD

Prologue

Scarlet POV

NANDITO ako ngayon sa isang abandonadong gusali, dito ko balak na makipagkita kay Lance, ang lalaking mahal ko na siyang pumatay sa aking magulang at kapatid. Akala ko wala ng sasakit pa sa pagkamatay ng pamilya ko. Mas masakit pala ito. I felt betrayal.

Dahil nakamaskara ako ay di niya agad ako makikilala. Umakyat ako sa itaas nang makakita ako isang hagdan. Pumasok ako ako sa isang kwarto at doon ko nakita ang nakatalikod na isang lalaki.

"Nauna ka pa pala sa akin. How thoughtful you are. Excited ka na yata sa kamatayan mo." nanguuyam na sambit ko dito.

"Hindi naman!" humarap ito sa akin at nakangisi ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito. Hindi si Lance ang kaharap ko, kundi ang kakambal nito. Ano ang ginagawa ni France dito? Naguguluhan man pinagwalangbahala niya iyon.

"Why are you here? Si Lance ang gusto kong makausap." galit kong sambit.

"You know what? Isa ka pa lang tanga eh." ngising sambit nito.

"Ano ang sinasabi mo!" nagngingitngit na utas ko dito. Parang nagpanting ang mga tainga ko sa sinabi nito.

"Sabi ko, tanga ka." sigaw nito. "Isa kang malaking tanga at gaga. Paano pupunta si Lance, dito eh. Di naman siya ang pumatay sa magulang mo." nakangising ito.

Nanlaki ang mga mata ko, agad kong tinanggal ang aking maskara, dahil wala naman ding saysay ang maskara ko na ito. Kilala naman din niya ako.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Gusto ko siyang sugurin o di kaya ay barilin. Para matapos na ito.

"Hindi pa ba obvious, ako ang nandito, kaya ako ang pumatay sa magulang at sa mga kapatid mo." tumatawang sabi nito. " May sa pusa ka din ano? akala ko talaga patay ka na nang gabing iyon, hindi pa pala? Well, nandito ka na din naman, dito ka na din mamatay, right love!" nakangisi nitong sabi sa akin. Lumabas ang isang babae mula sa isang sulok.

"Right,"

Agad itong lumapit kay France, yumakap ito sa lalaki at naghalikan ang dalawa na para bang wala ako sa harap nang mga ito.

Humiwalay si Rose, kay France at humarap sa akin.

"Long time no see, Scarlet!" nakangisi nitong bati sa akin.

"Ano ang ibig sabihin nito Rose?" tanong ko. Naikuyom ko na lang ang aking kamao dahil sa nalaman ko ngayon. Sana di ito totoo. Sana panaginip lang ito.

"Di pa ba obvious, Scarlet? I plan everything." ngising sambit nito sa akin. Nakadipa din ang dalawang braso nito.

"So, all along, plano mo na talaga ang mga iyon?" tumatawang sabi ko kay Rose. Tapos ay pumalakpak ako.

"Bravo Rose Bravo!" natatawang sambit ko dito. "Napabilib mo talaga ako. Alam mo bang napaniwala mo ako!" nanguuyam kong sabi kay Rose. "Bakit ginagawa mo ito sa akin Rose?" tanong ko dito.

"Simple lang. Gusto ko mapasakin ang kayamanan ng angkan mo!" galit nitong sabi sa akin. Puno ng galit ng mga mata nito.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko dito. Dahil di ko siya maintindihan. Anong yaman ng angkan ko?

"Let me tell you, a secret darling. You are a heiress of Family Roque. Nag-iisang tagapagmana sa lahat ng kayamanan ng angkan ninyo. Pero ako ang naghirap, na palaguin ang hacienda, tapos mapupunta lang sa iyo? Para malagay sa pangalan ko ang lahat ng kayamanan ninyo ay kailangan kitang patayin. May sa pusa ka yata eh, akalain mo, nabuhay ka pa." tumatawang sambit nito sa akin. "Kaya katapusan mo na." sigaw nito. Di agad ako nakagalaw ng itinutok nito sa akin ang baril at ipinutok.

Pumikit ako, dahil kahit anong iwas ko ay tiyak na maaabutan ako ng bala. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Pero walang bala ang tumama sa katawan ko. Kaya napamulat ako at laking gulat ko nang nasa aking harapan si Lance at nakahandusay na.

Di agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lamang ako kay Lance na nasa semento ngayon at nakahiga namimilipit sa sakit. Akala ko ay katapusan ko na. Kaya nang bumalik ako sa ulirat ko ay agad kong dinaluhan si Lance.

"Lance, oh God." sabi ko dito. "Please, don't die. I need you, Lance. Please don't die." lumuluhang sabi ko sa dito.

"Don't worry, hindi pa ako mamatay mamahalin pa kita at pakakasalan." mahinang boses na sambit nito. Ngumiti ito sa akin. "Bayad na ba ako sa kasalanan ko?" biro nito sa akin.

Umiling-iling ako. "Bakit ka magbabayad sa kasalanan na di mo naman ginawa." umiiyak kong sambit dito. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon, dahil sa akin ay nasugatan ang lalaking mahal ko.

"I read your letter." mahina nitong sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiwas ng tingin dito, dahil di ko kayang tignan si Lance. Alam kong nagkamali ako. Kaya laking pagsisisi ko.

"I am sorry, akala ko. Ikaw ang pumatay sa pamilya ko." sabi ko dito.

"It's okay, naiintindihan ko naman!" bumangon ito at hinawakan nito ang aking mukha. Tinignan ko ito.

"Sabay nating labanan sila. Lalaban tayong dalawa." sabi nito sa akin. Pinagdikit nito ang aming mga noo at hinalikan ang aking mga labi na agad ko namang ginantihan.

Naghalikan kaming dalawa na para bang wala piligro ang aming buhay. Hingal na hingal kaming dalawa ng maghiwalay ang aming mga labi.

Una akong tumayo at inalalayan ko ito.

 Agad kong iginala sa paligid ang aking paningin, ngunit di ko na makita sila France at Rose. Bawat sulok ng abandonadong gusali ay may putok nang mga baril.

"Halika na, baka makatakas pa sila France at Rose." sambit nito.

Pero di ako sumanod sa kanya, dahil di ako makagalaw sa sinabi nito. "Kilala mo si Rose?" tanong ko dito.

Di agad ito nagsalita. "Answer me, Lance. Kilala mo si Rose?" tanong kong muli dito.

Humarap ito sa akin at tinignan niya ako sa mga mata. Ayon sa bakas ng mukha nito ay kilala nito si Rose.

"Alam mo din kung sino ako?" tanong ko dito. Natawa na lang ako nang wala sa oras. "At alam mong si Rose at France ang pumatay sa Pamilya ko?" tanong kong muli dito.

"Iyon ang di ko alam. Kung di ko pa nabasa ang isang sulat na may pangalan ko, di ko malalaman ang lahat. About sa identity mo nagimbestiga ako, nalaman ko ang lahat!" sabi pa nito sa akin.

Agad na nanlaki ng mga mata ko. "Nagpaimbestiga ka? Hindi ka galit?" tanong ko dito.

Lumamlam ang mga mata nito. Hinarap ako ng tuluyan. "Bakit ako magagalit? Wala ka namang kasalanan sa akin." sagot nito.

"Naglihim ako sa iyo, Lance." giit ko dito. "Inilihim ko sa iyo ang totoo kong pagkatao."

"Kahit na naglihim ka, tanggapin pa rin kita. Dahil ganyan kita kamahal." malumanay nitong sabi sa akin.

Agad ko siyang niyakap, ginantihan naman niya ang aking yakap.

"I am sorry. Muntik pa kitang mapatay." lumuluha kong sambit dito.

"It's okay, ang importante ay ligtas ka." sabi nito sabay ngiwi, alam kong may sugat ito. "Kaya halika na, tapusin na natin ang dapat tapusin!" sabi nito sabay kasa sa baril nito.

Hawak kamay kaming naglalakad-takbo, para hanapin sila France at Rose. Marami na rin kaming nadaanan na mga nakahandusay at wala ng buhay.

"Dito ako, Lance." sabi ko dito. Kailangan naming maghiwalay, para mahanap sila Rose. Bago ako makalayo dito ay hinila niya ako papunta sa kanya at hinalikan ng aking labi.

Agad kong ginantihan ang masarap nitong halik. Ayaw ko pa sana na bumitaw, kaso nasa labanan kami, kaya ako na ang kusang bumitaw sa aming halikan.

"Mag-ingat ka." paalala nito sa akin.

"Oo naman. Mag-iingat ako, para sa iyo. Mag-ingat ka din." sambit ko dito.

Naghiwalay kami ng daanan ni Lance, para mapabilis ang aming paghahanap kani Rose. Agad akong tumakbo papunta sa kaliwang bahagi ng gusali. Akala ko matatagalan pa ang paghahanap ko kay Rose. Ngunit ito na ang nagpakita sa akin.

"Kita mo nga naman ang pagkakataon, ang palay na ang lumalapit sa manok." nanguuyam na sambit nito.

"Siguro nga, palay na ang lumalapit sa manok. Pero tandaan mo, ang palay na ito ang siyang lalason sa iyo." nakangisi kong sambit.

Muntik na akong tamaan ng kalabitin nito ang gatilyo nang kanyang baril. Alam kong bihasa si Rose sa pakikipaglaban. Dahil siya ang nagturo sa akin.

"Lumabas ka na, SJ alam kong nandyan ka lang. Don't worry. Di ko papatagalin ang paghihirap mo." sigaw nitong sambit.

Akala ko ay makapagtago pa ako nang maigi. Pero di pala, dahil nakita niya akong nagkukubli sa isang pader. Hinayaan ko siyang tutokan ako ng baril.

Hanggang sa makikita ako ng pagkakataon, sinipa ko ang kamay nito na may hawak na baril. Lumipad ang hawak nitong baril.

Bawat suntok ko ay nasasalo nito, lumayo ako ng konti sa kanya. Dahil hinihingal na ako. Nang makapagpahinga na ako ay agad akong sumugod dito.

Naglabanan kaming dalawa, suntok, sipa ang binibitawan naming pareho. Hanggang sa makakita ako ng pagkakataon sinikmuraan ko dito at inutog sa pader ang ulo nito. Nakahandusay ito sa sahig at wala ng malay. Hingal na hingal ako, dahil sa wakas ay natalo ko din siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status