Share

Chapter 3

Scarlet POV

DAHIL nga graduating na ako ay nagsisimula na ang pag-eensayo namin, dahil sa susunod sa buwan ay magtatapos na talaga kami. Isang ngiti ang sumungaw sa aking labi. Dahil alam ko makakakuha na ako ng isang trabaho na maganda at maaari ko na ring, hindi pagtrabaho-in si Papa sa bukid.

"Oh, ano pa ang ginagawa mo d'yan?" tanong sa akin ni Mayla. "Halika na nagsisimula na ang practice." Hinila ako nito tungo sa may gym.

Kaya dali-dali kaming dalawa ni Mayla na pumunta sa may gym, doon kasi ang practice ang mga kabatch namin. Nang makarating na kami sa gym ay di pa nagsisimula ang pag-ensayo.

"Halika, dito tayo." Hinila ako ni Mayla papunta sa isang upuan. Ilang oras lang ay nagsimula na kami sa pagkanta para sa graduation song namin.

Isinapuso ko ang pagkanta at di ko napigilan ang lumuha. Dahil isang buwan na lang ay magtatapos na ako. Mabibigyan ko na ng maayos na buhay ang pamilya ko. Matutulungan ko na si Papa sa pag-aaral ng mga kapatid ko.

Ilang oras lang din ay tapos na ang pag-eensayo namin, agad akong pumunta sa room namin dahil nandoon ang aking bag. Habang papunta ako sa klasroom namin ay di ko namalayan  ang pagbangga ko sa isang bagay. Dahil nakayuko ako, at di ko napansin ang nakakasalubong ko.

Oh, bagay ba talaga? At alam ko na matutumba ako, ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil alam kong babagsak ako sa semento. Pero hindi ko naramdaman ang pagbagsak ng aking katawan sa semento. Isang matigas na braso ang sumalo sa akin, sa halip na ang semento.

"Easy," bulong nito. Kay sarap sa tainga ang boses nito.

Pagdilat ko at isang napakagandang mga mata ang sumalubong sa akin, sobrang ganda ng mga mata nito. Bigla at nagslow motion  ang nasa paligid naming dalawa. Sobrang gwapo naman ng lalaking ito. Nasa langit na ba ako? Para kasi itong anghel na bumaba sa langit.

Agad ako nitong pinatayo. "Are you okay?" tanong nito. May pag-alala sa boses nito.

"Yes, thank you. And I am sorry, because of my clumsiness," nahihiya kong sabi. Kung nakatingin lang ako sa dinaraanan ko, baka di ako nakabangga sa tao na ito.

Ngumiti ito. Bigla ay bumilis ang tibok ng aking puso. Agad kong hinawakan ang dibdib ko, kung nasaan ang puso ko. Bigla kasing kumabog iyon ng di ko malamang kadahilanan.

"Okay lang iyon. Kasalanan ko din naman di ako tumitingin sa nilalakaran ko," sabi nito sabay ngiti.

Nabigla ako, dahil marunong pala itong magtagalog. Akala ko foreigner ito. Wala din kasi sa itsura nito ang pagiging Filipino. Baka may lahi ito at di pure Filipino.

Nginitian ko ito ng alanganin. "Sige, aalis na ako. May pupuntahan pa kasi ako," paalam nito sa akin.

Nilagpasan niya ako, dahil dumaan ito sa gilid ko ay naamoy ko ang bango nito. Napapikit ako, dahil ang sobrang bango nito.

"Hoy! Sj!" untag sa akin ni Mayla.

Hindi ko namalayan na nakatulala pala ako at Tsaka pa lang ako binitawan ang pinipigilan kong hininga. Kanina pa pala ako di humihinga.

"Sino iyon?" tanong nito sa akin.

"Hindi ko siya kilala," wala sa sariling sambit ko.

"Halika na nga, nanuno ka yata e!"

Wala sa sariling sumunod ako kay Mayla. Noon lang bumilis ng ganun ang puso ko. Hinawakan kong muli ang puso ko. Dahil hanggang ngayon ay maghuhumirentado pa rin.

Hanggang sa pagtulog ko ay siya pa rin ang nasa isip ko. Di mawala-wala ang lalaking iyon. Kaya late na akong nakatulog.

Nagising ako kinabukasan na kulang ang tulog. 'Kasalanan ng lalaking iyon, kung bakit di ako nakatulog agad.'

Bumangon ako, dahil practice may practice kami ngayon. Agad akong naligo at nagbihis pagkatapos kong maligo. Nasa lamesa na ang agahan ko. Wala na si Mama at Papa, lalo na ang mga kapatid ko. Nagsipasok na siguro sa paaralan ang dalawa kong kapatid. Habang sila Mama at maaga sa bukid. Kumain na ako, dahil anumang oras ay darating na si Mayla. Sabay kasi noong palagi sa pagpasok.

"Sj!" sigaw ni Mayla mula sa labas ng bahay namin, mabuti na lang at tapos na akong kumain.

"Nandyan na!" sigaw ko pabalik dito.

Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na, inilock ko muna ang pinto ng bahay. Bago ako pumunta sa gawi ni Mayla. Bago ako umalis ay nilock ko muna ang hanggang dibdib naming pinto ng gate.

Pinara ni Mayla ang isang tricyle. Agad naman kaming sumakay. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa School namin. Agad akong bumaba, sumunod naman sa akin si Mayla. Nagbayad muna ito kay Manong, bago kami pumasok.

Kahit mamaya pa ang practice namin ay inagahan na lang namin, tiyak na mababagot lang ako sa bahay. Lalo na't wala sila Mama at Papa.

"Alam n'yo ba girls. May guest daw tayo sa graduation at…" pambibitin na sabi ni Jess, ang kaklasse kong bakla. "…Baka daw may kukunin sa atin, upang maging sekretarya niya," kinikilig nitong sabi sa mga kaklasse ko.

"Sino kaya iyon no? Di kasi sinabi ni Ms. Ramirez ang name ng guest speaker," nakahalukipkip na sabi ni Lyka.

Bigla ay lumitaw sa aking isipan ang isang imahe ng isang lalaki. Iyong lalaki na nakabangga ko kahapon. Akala ko, wala na ito sa isipan ko. Nandoon pa pala. Dahil nababagot ako ay lumabas muna ako sa klasroom namin. Dahil wala namang ibang bukangbibig nang mga kaklase ko ay kundi iyong guest speaker na ni minsan ay di nila nakita ang mukha or nakilala.

Pumunta ako sa library para maghanap nang mababasa. Nag-iikot ako sa kabuoan ng library, kukunin ko na sana ang libro na nahanap ko nang may nakasabay din ako.

Tinignan ko ang nakasabay ko. Bigla at natahimik ako, di ko naman akalain na siya na naman.

"What a coincidence. Hi," ngiting sabi nito sa akin

Alanganin akong ngumiti. "Hello." nahihiya kong bati dito.

Di kasi ako sanay na makasalamuha ng mga lalaki. Masyado akong ilag sa kanila. Ewan ko ba kung bakit, ganun ang nararamdaman ko. Para bang natatakot akong hawakan nila. Kaya wala akong masyadong kaibigan na lalaki.

"Saiyo na," nakangiti sabi nito sa akin.

Agad kong binitawan ang libro. "Hindi na, saiyo na. Ikaw naman ang nakauna sa paghawak ng libro."

"Hindi, saiyo na. Para kasing mas kailangan mo."

"Sure ka?" alanganin kong tanong, kasi alam kong siya ang nakauna na hawakan ang libro na iyon. Agad kong kinuha. "Iwan muna kita," nakangiting paalam ko dito." Tango lang ang tanging naisagot nito.

Kaya agad akong pumunta sa mesa at nagbasa. Ilang minuto din ako sa library, bago ko naisipan na bumalik na ng gym. Dahil ano mang oras ay maaari nang magsimula ang practice namin.

Agad akong tumayo at dinala ko na lang ang libro sa gym, para doon magpatuloy sa pagbasa. Lakad-takbo ang ginawa ko, dahil kunting oras na lang at magsisimula na ang practice namin. Hingal na hingal ako nang makarating ako sa gym. Hawak-hawak ko ang dibdib ko nang lapitan ako ni Mayla.

"Saan ka ba galing?" madiin na tanong nito sa akin. Kahit bulong iyon ay alam kong nag-aalala ito sa akin.

"Sa library lang. Nagbasa nang libro," sabi ko sabay pakita dito sa isang libro na nakuha ko kanina sa library.

"Halika na nga, mabuti't di pa nagsisimula ang practice. Naku baka lagot ka, kung nahuli ka." Hila-hila niya ako patungo sa upuan na nakalaan para sa akin. Di kami sa iisang raw ni Mayla. A kasi sa akin, O naman ang sa kanya. Kaya panghuli talaga ito. Umupo na ako, dahil ano mang oras ay magsisimula na ang practice namin. 

Agad akong napaupo nang tuwid ng nasa harapan na namin ang guro namin. Nagsimula na kami sa pagkanta ng graduation song. Bago din kasi kami matapos sa practice ay dadalo kami mamaya sa isang party. Isang party nang pagtatapos naming lahat.

Imbitado lahat, kahit na ayaw kong pumunta ay mapilit sila Mama at Papa, kaya no choise, kundi ang pumunta. Dahil half day lang kami ngayon ay maaga kaming umuwi ni Mayla, dahil paghahandaan pa namin ang party para mamayang gabi.

Tumayo na ako at agad na isinukbit ang bag sa aking balikat. Agad akong inakbayan ni Mayla nang makarating ito sa tabi ko.

"Pupunta ka mamaya?" tanong nito sa akin.

"Oo, mapilit sila Mama at Papa e," sabi ko dito.

"Ganyan din sila Mama at Papa ko. Kahit ayaw kong pumunta ay pinipilit ako. Ayaw kong pumunta talaga sa party na iyan. Pero ayaw pumayag ni Mama ko," yukong sambit nito sa akin.

"Okay lang iyan. Total, last na natin ito," nakangiting sabi ko dito.

Nginitian lang ako nito. Napatingin ako sa malayo, naaalala ko na naman ang lalaking iyon. Makikita ko pa kaya siyang muli? Sino ba ang lalaking iyon. Di ko man lang siya nakilala.

"Hoy! Nakatulala ka d'yan?" tanong nito sa akin.

"I think I am inlove," bulong ko.

Napatawa ang kaibigan ko. "Alam mo, baka kulang ka sa tulog." Napangiti ako nang wala sa oras.

'Tama ka, Mayla, kulang nga ako siguro sa tulog. Dahil di ako pinapatulog ng lalaking iyon.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status