Share

Chapter 2

 Scarlet POV

MASAYA kami nang araw na iyon. Walang pagsidlan ng kasiyahan namin, dahil sa wakas ay kumpleto na kaming magbabarkada.

"Ang tagal mong nawala, Maricar. Ahh!" high pitch na sambit ni Jonas. Ang bakla sa aming magbabarkada.

"Oo nga eh. Namiss ka namin!" sabi naman ni Jake sabay yakap sana kay Maricar. Pero agad ding pinigilan nila Kent ang lalaki.

"Yayakap ka pa,"

"Oo nga. How about you Scarlet? Kumusta ka naman?" nakangiting tanong  nito sa akin.

"Okay naman ako," alanganing sagot ko dito. Kaya binigyan ko na lang siya nang isang ngiti.

Di din lingid sa barkada namin ang pinagdaanan naming dalawa ni Maricar. Isa iyon sa pinakamasalimot na nangyari sa buhay naming dalawa.

Muntik nang mauwi sa wala ang pagkakaibigan namin, dahil ang sa isang lalaki. Pero wala naman akong kasalanan, ang boyfriend nito ang lapit nang lapit sa akin. Kahit panay ang iwas ko. Alam ng barkada iyan.

Pero sarado ang isip ni Maricar nang araw na iyon. Nagkasagutan kami at nagkasakitan. Dahil lang sa isang lalaki ay muntik nannng masira ang pagkakaibigan namin. Pero nagkapatawaran din naman kami, bago kami grumaduate ng high school.

"Wala ka bang boyfriend ngayon?" tanong nito.

Ngumiti ako. "Wala pa iyan sa isip ko. Ang priority ko ngayon ay ang pamilya ko," sagot ko dito.

"How about benedict?" tanong nito. Nagkasalubong ang dalawang kilay ko.

"What do you mean?" takang tanong ko. Bakit napasok sa usapan namin si Benedict. Ang ex nitong gago.

"Come on, Scarlet. I know you want Benedict too. Kaya nagparaya ako di ba," nakangiting sabi nito.

"Maricar. Lasing ka na yata," awat ni Gladys dito.

"Hindi ako lasing Glad. Sinasabi ko lang ang totoo. Right, dear!"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," sabi ko dito. Ayaw kong maungkat ang nangyari noon. Akala ko tatahimik na ang buhay ko nang mawala si Maricar sa lugar namin. Tumahimik nga ang buhay ko. Kaso panandalian lamang iyon.

"Wag ka nang magmamaang-maangan pa, Scarlet. Alam kung gusto mo si Benedict, tapos ngayon si Clyde naman ang aagawin mo!" sigaw nito.

Sumeryoso ang mukha ko, dahil sa sinabi nito. "Clyde is all yours. Wala akong paki sa kanya," malamig kong sambit dito.

"Iyan din naman ang sinabi mo noong magtalo tayo, tungkol kay Benedict. I believe in you. Pero kalaunan ay nakita ko ang totoo mong kulay. Isa kang malandi!" sigaw nito.

Lumagapak ang kamay ko sa mukha nito. "Ito ba ang dahilan kung bakit ka umuwi? Sa iyo na si Clyde. Tapos na ako sa kanya. Binasted ko na siya. Dahil mas priority ko ang pag-aaral ko at ang pamilya ko," sabi ko dito. Di ko mapigilan ang lumuha.

Ang sakit lang nang ginawa nito sa akin.

"What do you mean?" ngayon ay siya na ang nagtatanong.

"Dati kong suitor si Clyde at alam iyo ng barkada. Hindi ko siya pinayagan na manligaw sa akin, dahil priority ko ang pag-aaral ko at ang pamilya ko," sabi ko pa sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nito. "I didn't know," mahina nitong sabi sa akin.

"Sana sa susunod ay wag ka agad manghusga. Lalo na't di mo alam ang dahilan. Ayaw ko ng maulit ang nangyari noon Maricar," sabi ko kay Maricar.

"I am sorry." hinging paumanhin nito.

"The damage has been done, Maricar at di mo na maibabalik ang nangyari. Next time control your temper at di din magandang dulot sa iyo ang pagseselos," sabi ko sabay tayo at alis sa harapan nilang lahat.

"Oh, saan ka pupunta." May pag-aalala sa boses na pigil sa akin ni Mayla.

"Magpapahangin lang, dahil alam ko maya-maya ay uuwi na tayo," malumanay na sabi ko kay Mayla.

Agad kong niyakap ang aking sarili, dahil sa lamig ng hangin, di ko namalayan na hapon din pala. Bukas ay panibagong pakikibaka na naman sa buhay.

Lagi kong iniisip ang mga nangyari dati sa pagitan naming dalawa ni Maricar. Alam kong masakit din iyon sa kanya, pero mas masakit iyon sa parte ko. Dahil pinaratangan ako, kahit na di ko ginawa.

"I am sorry for what she did, to you. Dahil sa akin ay nag-away pa kayo," sambit ng isang tinig sa aking likuran. Di ko siya nilingon.

"It's okay, wala na sa akin iyon," sabi ko.

"You know what. Tama ka, hindi dapat sa `yo umiikot ang mundo ko. Alam mo rin, I fell in love again," sabi nito sa akin.

Kunot-noo ko siyang nilingon. Nakatingin lang ito sa may karagatan.

"Alam kong hindi mo ako mahal. Siguro, na cha-challenge ka lang sa akin," sabi ko dito.

"Hindi, nagkagusto talaga ako sa iyo, Scarlet. I love you, pero hindi gaya ng pagmamahal ko para kay Maricar." Nginitian ko siya.

"I am happy for you," sabi ko dito. Nginitian ko ito.

"Scarlet, halika na!" sigaw ni Mayla mula sa malayo. "Uuwi na tayo!" sigaw nitong muli.

"Sige, Clyde. Uuwi na kami," paalam kong wika sa kanya.

"Sige, mag-ingat ka," sambit nito sa akin.

Di ko na siya nilingon, dahil alam kong nandoon na si Maricar. I am happy for them. Sana ay sila na talaga ang para sa isa't-isa.

Agad kaming umalis sa may baybayin, dahil pagabi na din, kailangan na naming magsimulang maglakad. Medyo malayo-layo rin ang highway sa baybayin.

Di nagtagal ay nakarating din ako sa amin. Di naman kasi kami lumayo, nandito lang din naman kami sa lugar namin naligo.

Itutulak ko na sana ang pinto ng marinig ko silang Mama na nag-uusap.

"Kailangan na natin talagang umalis dito, Melay," wika ni Papa kay Mama.

"Paano ang pag-aaral ni Scarlet. Ilang buwan na lang ay graduation na!" sabi ni Mama kay Papa.

"Alam ko, hintayin na muna natin na makapagtapos si Scarlet, bago tayo umalis dito," sambit ni Papa.

Inihilig ko ang sarili ko sa may pinto. Ano ba talaga ang nangyayari? Basi, sa boses ni Papa ay may pangamba doon. Sino ba ang naghahanap sa amin? May pinagtataguan ba sila Mama?

Marami ang katanungan na pumapasok sa aking isipan. Ayaw kong pagdudahan sila Mama at Papa, pero base sa kinikilos nila ay parang di talaga maganda ang mangyayari.

"Nandito na ako!" sigaw ko. Nagsitakbuhan naman ang mga kapatid ko.

Ibinigay ko sa kanila ang mga natirang pagkain namin. Pagkatapos ay agad akong lumapit kay Mama at Papa, para magmano.

"Mano po, `Ma, `Pa," sabi ko sabay kuha ng kanya-kanya nilang kamay para mag mano ako.

"Kaawaan ka diyos, anak," wika ni Mama.

"Saan mo ba nakuha iyang mga pagkain na dalawa mo?" tanong ni Papa sa akin.

Nilingon ko ang mga kapatid ko na kumakain sa dala kong pagkain.

"Nag-outing kasi kami, `Pa. Hiningi ko na lang, para may makain sila Jr," nakangiti kong sambit kay Papa.

"Ganun ba." 

Tango lang ang tanging naisagot ko kay Papa.

"Pasok na muna ako sa kwarto, `Pa." Paalam ko kina Mama at Papa.

Agad ko silang tinalikuran at pumasok sa kwarto ko. Nang maisara ko na ang pinto ng aking kwarto ay di ko mapigilan ang lumuha.

"Ano ba ang inililihim n'yo sa akin `Ma, `Pa?" tanong ko sa aking isipan.

Humiga ako sa aking higaan, dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako.

3rd Person POV

SAMANTALA, nang makatulog na si Scarlet ay pumasok ang Ama at Ina nito sa kwarto nito.

Agad na umupo ang Ama ni Scarlet sa kama nito at hinawakan ang kamay nito.

"Patawad, anak," sambit ng ama ni Scarlet. "Kung may nililihim man kami sa iyo. Para din ito sa iyo. Hindi ka namin ibibigay sa mga tao na iyon. Ayaw kong mapahamak," sabi ng ama nito sa natutulog na si Scarlet.

Tumayo na ang ama nito at nilisan ang silid ng anak.

"Paano iyan Edgar," kinakabahan na sambit ni Aling Melay.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Melay,"  sabi nito sa asawa.

Di mapigilan na umiyak ng Ginang, dahil alam niya. Ano mang oras ay pwedeng mawala sa kanila ng kanilang Pamilya, lalo na si Scarlet, mahal na mahal ng Ginang ang anak. Kahit na di sa kanya ang dalaga ay minahal niya ito ng tunay.

"Halika na, Melay. Maaga pa ako bukas," yaya ni Mang Edgar sa asawa.

Scarlet POV

Kinabukasan, ay maaga akong nagising, dahil siguro sa pagod ko kahapon ay di ko namalayan na nakatulog pala ako ng di man lang magkabihis.

Lunes, ngayon, kaya may klase. Ako. Ilang months na lang ay matatapos na ako sa wakas ng kolehiyo. Matutulungan ko na ang Pamilya ko.

Bumangon ako sa higaan ko at agad na pumunta nang banyo, alam kong wala na ang magulang ko, dahil ganitong oras ay nasa bukid na sila. Kaya nang matapos akong maligo ay agad akong nagtimpla ng kape, para naman di ako antukin mamaya sa klase.

Kumain na ako, pagkatapos ay nagbihis. Para pumasok na ng paaralan.

Naglakad ako papuntang highway, dahil may kalayuan iyon sa trisikad. Nang makarating ako sa may sakayan ay agad akong sumakay.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa school.

"Scarlet!" sigaw ni Mayla. Palagi kasi niya akong hinihintay sa may Gate.

"Kanina ka pa?" tanong ko dito.

"Di naman. Kakarating ko lang din," Ngiting saa nito sa akin. "Kaya halika na." hinila na niya ako.

"Bukas na pala ang practise natin para sa graduation ano."

"Oo nga, excited na ako," nakangiting sambit nito.

Ako din naman, excited na sino ba ang di magiging excited kung malapit na ang pagtatapos.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status