Share

Chapter 1

Scarlet POV

NANDITO ako ngayon sa school campus namin, malapit ng graduation at sa wakas ay makapagtapos na din ako ng college. Ilang taon din aking pakikipagbuno sa pag-aaral. Sana ay palarin na makahanap ng magandang trabaho ngayon.

"Saan ka mag-apply ng trabaho, Jean?" tanong ni Mayla sa akin, ang nag-iisa kong bestfriend.

"Kahit saan, basta ba makakuha ako ng magandang trabaho." ngiting sambit ko sa kanya.

Iyon naman talaga ang goal ko, gusto kong makakuha ng magandang trabaho para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko kahit papaano.

Ilang araw na lang din ay graduate na ako ng College. Mamimiss ko ang paaralan na ito, dahil ang paaralan na ito ay naging saksi din ng pagsisikap ko.

Dahil hapon na ay kailangan ko ng umuwi. Tapos na din naman ang last subject ko, tuwing hapon kasi ay nagtatambay muna ako dito sa may ground, malapit sa may gym namin. Minsan kasi ay tinatamad akong umuwi, kaya tambay na muna ako dito.

"Halika na, Scarlet." yaya sa akin ni Mayla.

Nginitian ko ito bago ako tumayo. "Uuwi ka na Jean?" tanong ni Clyde sa akin. Asuall, kasama na naman nito ang barkada nito.

"Yes, hapon na din kasi. Baka hinahanap na ako nila Mama." sabi ko dito.

"Hatid na kita." nakangiti nitong sabi sa akin.

"Wag na Clyde. Mapapalayo ka lang." pigil ko dito.

Ayaw kong paasahin si Clyde. Mabait na tao ito, ayaw kong saktan ang damdamin nito. Ilang beses ko na din naman itong binasted.

"At tsaka, kasama ko naman si Mayla." sabi ko dito. Ayaw kong maging bastos. Kaya sinisikap kong wag makapagbitaw ng salita na maaaring makasakit sa damdamin nito.

"Gusto ko lang naman na ihatid ka." sabi nito sa akin.

Nilingon ko si Mayla. Nanghihingi ako nang saklolo sa kanya. Pero ang gaga, tumalikod lang.

"Clyde. Alam ko kung ano ang ginagawa mo. Sinabihan naman kita di ba, hindi pa ako handa." malumanay kong sabi sa binata. Kaya hangga't maari ay ayaw kong saktan ito.

"Wala ba talaga akong pag-asa Jean?" malungkot na tanong nito.

"I don't want to give you a false hope, Clyde. Ayaw kong paasahin ka. Ayaw kong saktan ka. Hindi ka na din iba sa akin Clyde. Your my childhood friend." sabi ko pa dito. "Sige, mauna na ako, bye." paalam ko dito.

Tumalikod na ako at di ko na siya nilingon . Ayaw kong makita ang lungkot na nasa mukha nito.

"Ang lungkot niya best." bulong sa akin ni Mayla.

"I know, pero di ko naman siya pwedeng paasahin, Mayla. Makakahanap din siya nang iba, na mamahalin talaga siya ng totoo." sabi ko pa dito.

"Halika na nga, ang drama mo." tumatawang sabi ni Mayla sa akin. Iling na lang ang tanging nasabi ko.

Nakarating ako sa bahay nang ligtas naman. Wala naman ding gagalaw sa akin dito, dahil nga kilala na nila ako. Dito na kami nakatira simula ng bata pa ako.

Sisigaw na sana ako nandito na ako para ipaalam sa parents ko na nandito na ako, kaso na dinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Paano iyan, Edgar, natunton na nila tayo. Baka saktan nila si Scarlet. Ayaw kong maulit ang nangyari noon." humihikbing sambit ni Mama kay Papa.

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Sino ang mananakit sa akin?

"Wag kang mag-alala Melay, hindi nila masasaktan si Scarlet." bakas sa boses ni Papa ang galit.

Kaya agad akong pumasok sa bahay, tumayo si Mama ay nakita ko ang pagpunas ng luha nito sa mga mata nito.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Wala anak, pagkagraduate mo magbabakasyon na muna tayo, sa Pitogo, doon muna tayo." sabi ni Papa sa akin.

Di na ako nagulat sa sinabi ni Papa. Noon pa man ay nagbabakasyon na talaga kami, sa lugar ng Tita Inday ko.

"Sige, `Pa. Bihis muna ako." paalam ko sa kanila.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong hinawakan ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog nang dibdib ko. Alam kong may tinatago sila sa akin at kailangan kong alamin iyon.

Kinabukasan, ay lumabas ako sa bahay namin, nandoon na naman si Aling Baby, nakikitsismis na naman.

"Alam ko Mare, ang ganda talaga nyang anak mo na si Scarlet. Saan ba iyang nagmana?" tanong nito.

"Sa side ko at sa side ng Papa niya." nakangiting sabi ni Mama. Alam ko ding naiinis na si Mama kay Aling Baby, kaya tinawag ko si Mama.

"`Ma!" tawag ko dito. Lumingon naman si Mama sa akin. Kaya nagpaalam na ito kay Aling Baby.

"Oh, bakit?" tanong nito.

"Tinawag lang kita. Alam ko kasing inis ka na doon kay Aling Baby." tumatawa kong sambit kay Mama.

"Ay naku, Scarlet. Buti nga't ginawa mo iyon. Malapit ng bumingo sa akin ang babaeng iyon. Sumisilip na naman iyon, dahil sa Papa mo." inis nitong sabi may pagdadabog din ito.

"Eh, anong magagawa natin `Ma, malakas ang karisma ni Papa." ngiti kong sambit dito.

"Iyon na nga eh, kaya naiinis ako!"

Gwapo kasi si Papa. Kahit nasa 55 na ito ay wala talagang bakas ng katandaan dito. Maganda naman din si Mama.

"Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Yes, `Ma." ngiti kong sabi dito. "Nga pala `Ma, pupunta ako kina Mayla ngayon. Baka hapon na ako umuwi." ngiti kong sabi dito.

Alam ko naman na di ako pipigilan ni Mama, dahil sabi nga nito, baka daw magrebelde ako.

Kahit na di ako pinipigilan nila Mama na gumala ay kailangan ko pa ring magpaalam. Para naman di sila mag-aalala sa akin.

"Sige, mag-ingat ka. Alam mo naman ang panahon ngayon, dilikado na." paalala nito sa akin.

"Areglado, `Ma." ngiti ko dito.

Dumating ako sa bahay nila Mayla na wala sa sarili ko. Iniisip ko pa rin kasi ang pinag-usapan nila Mama, kahapon.

Weekend ngayon, pag weekend, dito ako tumatambay kila Mayla.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong nito sa akin. "Para kang di matatae eh." tumatawa nitong sambit.

"Alam mo Mayla. May narinig akong pinag-usapan nila Mama at Papa. Na natunton na daw kami at baka daw saktan ako. Ang tanong sino? Sino ang naghahanap sa amin?" tanong ko sa kawalan.

Di ko na din kaso alam ang gagawin. Kagabi pa ako binabagabag ng usapan nila Mama, alam ko naman na di nila sasabihin sa akin.

"Try mong itanong." sabi ni Mayla sa akin.

"Ginawa ko na. Pero ayaw magsasalita ni Papa. Nililigaw lang nito ang usapan eh." sabi ko dito.

"Halika na nga. Nag-aantay na sila Gladys sa dagat. Alam mo naman na may outing tayo ngayon." yaya nito sa akin.

Bigla ay nanlaki ang mga mata ko. "Oh God, nalimutan ko ang bihisan ko." sabi ko dito.

"Isa ka ding gaga eh. Bakit mo iniwan!" nanlalaking mata nitong sambit.

"Eh, lutang ako. Ang nasa isip ko kasi ay iyong narinig ko na pinag-uusapan nila Papa.

"Hay, naku. Ewan ko sa iyo. Halika na nga, pahihiramin na lang kita." pagmamaktol nito.

Ngumiti lang ako. "Thank you friend." sabi ko dito, sabay yakap dito.

"Oo na, oo na. Nanlalambing ka na naman." nakangiti sabi nito sa akin.

Every Saturday, kasi ay may outing ang mga barkada namin. kahit na nasa iba't-ibang school na kami nag-aaral ay di pa rin kami nawawalan ng kumunikasyon. 

"Kanina pa ba sila na nandoon?" tanong ko kay Mayla.

"Hindi naman, kadarating lang din nila." nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang talaga.

Nakalimutan ko kasi ang outing namin ngayon. Pahamak kasi iyong nalaman ko kagabi eh.

Nakarating na kami sa dagat, kung saan ang outing namin. Dahil sawa na daw kami sa swimming pool ay sa dagat naman kami. Treat din namin ito para sa mga sarili namin, dahil sa limang araw na pakikibaka namin sa school.

"Oh, nandito na pala sila Mayla!" sigaw ng isa sa barkada namin.

"Ang tagal niyo naman." maktol ni Gladys.

"Hoy, FYI, pagtawag mo sa akin Kadarating nyo lang dito at paaalis na din kami sa bahay noon." sabi ni Mayla kay Gladys.

"Basta ang tagal ninyo."

"Hi, guys!" sigaw ni Maricar mula sa malayo.

Di agad ako makagalaw, dahil sa lalaking kasama nito. Nagkatinginan kami ni Mayla, sabay ngiti.

"Oyy, Maricar!" tumatawang sambit ni Gladys dito. Sabay yakap sa bagong dating.

"Ano Scarlet? Titigan mo lang ba ako?" nakangiting tanong ni Maricar sa akin.

Kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap. Habang ang tingin ko ay nasa lalaking katabi nito. Ngiti na lang ang tanging naibigay ko kay Clyde.

"Mabuti naman at nakasama ka Clyde." sabi ko sa lalaki. "Saan mo pala nakilala si Maricar?" tanong ko dito.

"Niyaya lang ako ni Maricar. Kahapon lang, naglabanggan kasi, kami!" sabi nito.

Tinignan ko si Maricar. Masaya itong nakikipagbiruan ang kaibigan ko na iyon.

"Alam mo, mabait iyang si Maricar." sabi ko kay Clyde. Di ko inaalis ang tingin ko sa kaibigan ko. "Wag mo sana siyang saktan." lingong sabi ko dito.

"Hindi naman kami." mahina nitong sambit.

"I know, pero nakikita ko sa mga mata ni Maricar na may gusto siya sa iyo." sabi ko dito. "Sige doon muna ako." paalam ko sa kanya.

Umalis na ako sa harapan ni Clyde. Para puntahan ang mga kaibigan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status