Sa puntong iyon, hindi alam ni Natalie kung ano ang gagawin niya. Bigla niyang naalala ang isang kasabihan. Naging paborito niya ang kasabihang, ‘Tanging ang nagkabit ng buhol ang makakalas nito’. Dahil doon, nagpasya siyang muling puntahan si Irene.Naisip niya rin kasi na mahal na mahal ni Mateo si Irene—kung may hihilingin si Irene sa kanya, sigurado si Natalie na pagbibigyan agad ito ng lalaki. Hindi siya sigurado kung gagana ang plano niya, ngunit kailangan niyang subukan. Agad siyang nagmadaling pumunta sa affiliated hospital nila at dumiretso sa VIP ward.Naitulak na ni Natalie ang pinto nang mapagtanto niyang hindi pala siya nakakatok. Ang eksenang bumungad sa kanya ay labis niyang ikinagulat—gustuhin man niyang umalis ay napako na siya sa kinatatayuan.Hindi inakala ni Natalie na naroon din si Mateo. Nagulat din ang dalawa sa pagdating niya. Pero mabilis na iniwas ni Mateo ang paningin mula sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng kama ni Irene, habang binabalatan ang isang mansana
Nang makaalis na si Mateo, nawala na din ang ngiti sa labi ni Irene. Agad itong napalitan ng malalim na kunot sa noo. Napakaraming tanong ang naglaro sa isipan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ni Mateo na makulong si Chandon. Gustuhin man niyang isipin na ginagawa ito ng lalaki para makamit ang hustisya para sa kanya—hindi niya magawa. May bahagi sa utak niya na nagsasabing may mas malalim na dahilan si Mateo. Alam na nito marahil na malapit na magkaibigan sina Natalie at Chandon. May mga pagkakataon namang mabait si Mateo kay Natalie kaya hindi niya maunawaan kung bakit wala ni katiting na konsiderasyon at awa ngayon ang lalaki. Marahil ay may nagawa itong hindi kapata-patawad. Kaya ganoon na lang ang galit ni Mateo kay Natalie. Pabor ito sa kanya. “Ha. Kapag sinuswerte ka nga naman. Mukhang ubos na ang maliligayang araw mo, Natalie.” Kinuha ni Irene ang mga nahiwang prutas na inihanda ni Mateo para sa kanya kanina. Pumili siya ng mapulang
Nawalan na ng gana si Mateo na bumalik sa opisina. Alam niyang sa kalagayan niya ngayon ay malaki ang tsansang mabubulyawan lang niya ang lahat ng makakasalamuha niya doon. Para maiwasan ito, napagpasyahan niyang umuwi na sa Antipolo. Tahimik ang bahay at dahil hapon na ay ang buong akala niya ay nasa kwarto ang lolo niya at nagpapahinga. Pagpasok na pagpasok niya sa sala, agad siyang sinalubong ng tanong ng lolo niya. “Ah. Nandito ka na pala. Si Natalie?” Hindi sumagot si Mateo at akmang aakyat na sana sa itaas. Bawat galaw niya ay kabisado ng matanda kaya agad nitong nabasa na may problema ang dalawa. Ang pag-iwas ni Mateo ay higit pa sa sagot na kailangan nitong marinig. “Nasaan siya? Mag-isa ka bang umuwi?” Tanong muli ni Antonio sa apo. Mula sa pagkakaupo nito sa paboritong silya sa sala ay tumayo ito. Maagap namang umalalay sa kanya si Manong Ben. Kahit na may tungkod itong gamit ay hindi ito naging dahilan para mabilis itong lumapit kay Mateo. Nakatitig sa kanya ang ma
Tumigil ang puso ni Natalie sa kaba dahil sa ibinalita ng katiwala ng mga Garcia sa kanya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Napuno siya ng nerbiyos, “Ano pong nangyari kay lolo?” Ikinuwento naman ni Ben ang nangyari kay Antonio. “Naiintindihan ko, Manong Ben. Maraming salamat.” Mahinang sagot ni Natalie. Matapos ang tawag, naupo si Natalie. Hindi niya mapigilang manlambot. Nag-isip siya ng mabuti. Humigit kumulang kalahating oras din siyang nanatili sa ganoong pwesto. Nang tumayo siya, may napagpasyahan na din siya. Sa kanyang pag-iisip, may mga ilang bagay na biglang naging malinaw sa kanya. Ang pagtanggi ni Mateo sa diborsyo—lahat iyon ay para kay Antonio. Mula pa noong simula, ang kasal nila ay isang kasunduan lamang, isang palabas para mapasaya ang matanda. At ngayon, sa kritikal na panahon na kailangang sumailalim si Antonio sa isang malaking operasyon, hiningi niya ang diborsyo at umalis sa kanilang bahay sa Antipolo. Natural, ng malaman ito ng matanda,
Habang palakas ng palakas ang buhos ng ulan, palakas ng palakas din ang pagtambol ng puso ni Natalie. Lumabas si Mateo! Ang hawak nitong payong ay para sa dalawang tao. Sa gitna ng ulan na iyon, wala ni isa ang gustong magsalita sa kanila. Tinititigan lang ni Mateo Natalie ng may halong kaswal na pagmamataas. Si Natalie naman ay basang-basa mula ulo hanggang paa. Pilit siyang ngumiti ng matipid. “D-dumating ka…” Sa isang tingin pa lang ni Mateo sa kanya, tila naglaho ang lahat ng galit niya sa babae. Kung hahayaan niya ang sarili niya, baka hindi na naman niya makontrol ang bibig niya at baka may masabi pa siya. Kaya inabot niya ang kamay nito at sinaksak ang payong dito.“Hawakan mo ‘to, magpayong ka!” “Ha…ah…o-okay…” Dumaan ang malakas na hangin kaya nanginig si Natalie habang mahigpit na hawak ang payong. Bago pa siya makapagsalita muli, tinanggal na ni Mateo ang kanyang jacket at ipinatong ito sa basa niyang ulo at balikat. May bahid pa din ng galit at inis sa mukha nito
Huminto na ang ulan pagdating nila sa university. Nauna na sa pagbaba si Mateo at hindi na siya hinintay pa. Nagmadali na din sa pagbaba si Natalie dahil papunta na sa dorm niya ang kasama. Wala pa rin siyang ideya kung bakit siya dinala ni Mateo doon. Ang alam lang niya, kailangan niyang sundan ito kaagad. “Bakit ang bagal mo? Bilisan mo!” Singhal nito sa kanya ng mapansing malayo pa siya. “Eto na nga, binibilisan na.” Dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito, hindi na din siya nagtangkang magpasaway pa kay Mateo. Tumigil sila sa tapat ng mismong kwartong tinutuluyan niya. Saglit na tumigil doon si Mateo. Pagkatapos ay tinanggal ang suot na jacket at inabot kay Natalie. Awtomatikong tinanggap iyon niya iyon kahit na litong-lito pa rin siya. Hindi pa rin nagsasalita, itinaas ni Mateo ang manggas niya. Tumambad ang mahaba at batak nitong mga braso. Napalunok si Natalie at iniwas ang tingin. “Puntahan mo ang dorm supervisor dito” utos nito. “Sabihin mong papa
Puno ng pag-aalangan si Natalie kung sasabihin ba niya kay Mateo ang bumabagabag sa isipan niya. Magpapalipas na naman ng isang gabi si Chandon sa loob ng kulungan at ang isiping iyon ay masakit para sa kanya dahil siya ang puno’t dulo ng lahat.“Ano kasi, Mateo…gabi na pala, ano?” Sasabihin na sana niya pero hindi na lang niya tinuloy. Tiningnan siya ni Mateo, may pilyong ngiti sa labi nito. “May sasabihin ka ba? Oo, gabi na. Nanlalagkit na nga ako. Ano, maligo na tayo? Gusto mo bang mauna, ako muna, o… sabay na lang?” “A-ako na lang muna siguro,” nauutal niyang sagot. Hindi na napigilan ni Natalie ang mamula at mag-init ang mga pisngi.“Ako na muna, ha?” Nagmadali siyang pumunta sa closet, kumuha ng mga damit, at tumakbo papunta sa banyo. Mabilis ang pagtibok ng puso niya, kasabay din nito ang gulo ng isip niya. Halo-halo na ang senaryong naglalaro sa isip niya. Sa loob ng banyo na lang niya eensayuhin kung papaano niya sisimulang sabihin ang tungkol sa kaibigan. Binuksan ni
Tumakbo na si Natalie papasok ng bahay bago pa siya mapigilan ni Mateo. Habang pinapanood ng lalaki kanyang papalayong pigura, napangiti si Mateo habang papasakay na siya ng sasakyan niya. “Hinalikan niya ako pero hindi niya man lang magawa ng maayos. Nakakainis, pwede pala yung ganon, inosente pero mapang-akit—“ nasabi na niya ang mga bagay na iyon ng may umusbong na kakaibang kirot sa kanyang dibdib. ** Alas diyes na ng umaga at nasa loob ng bago niyang study room si Natalie. Tumunog ang telepono niya at nakita niyang si Nilly ang tumatawag sa kanya. Ipinagdasal niyang magandang balita sana ang dahilan ng tawag na iyon bago sagutin ang kaibigan. “Nilly? Anong balita?” [Nat, nakalaya na si Chandon! Ayos na ang lahat!] Napabuntong-hininga si Natalie ng malalim. “Buti naman.” Batid niyang madalas ay sumpungin at mapilit si Mateo, isa siyang taong tinutupad ang kanyang mga salita. Napatunayan na niya iyon ng ilang beses. Niyaya siyang makipagkita ni Nilly subalit tinanggih
Hindi lang basta-bastang hapunan ang inihain sa kanila. Masasabing pinaghandaan ng husto ng matandang mag-asawa ang ipapakain sa kanila. Stir-fried na gulay na galing mula sa hardin nila, seared lamb chops, mga sariwang prutas at ice cream. May onion soup din na bumalot sa buong silid kainan. Parang may selebrasyon sa bahay na iyon ngayong gabi. Sa kwarto na sila kumain.Alam ni Mateo na ang ganoong klase ng pagkain ay hindi pangkaraniwang isine-serve sa isang maliit na village—ito ay ginagawa lamang para sa mahahalagang bisita o espesyal na okasyon. Kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat sa kabutihan ng matandang mag-asawa.Ngunit sa kabila ng masasarap na pagkain na nakahain sa harapan nila, halos hindi man lang galawin ni Natalie ang pinggan niya.Agad itong napansin ni Mateo. “Kung hindi mo gusto ang pagkain, huwag mong pilitin ang sarili mo, Nat.”“Ayos lang ako,” agad siyang umayos ng upo at pinilit ang sarili na magmukhang natatakam sa mga pagkain. “Ayokong sayangin ang mga p
“Ano ka ba, Mateo. Bisita namin kayo,” nag-alinlangan pa ang matandang babae.“Honey, hayaan mo na sila.” Saway ng matandang lalaki sa asawa. “Asikasuhin mo na lang ang dinner natin mamaya.”“Ay, oo nga pala.” Nakangiting tugon ng babae. “Oh, siya, paano ba ‘yan…”“Salamat po, ako na po ang bahala sa kanya,” magalang na sabi ni Mateo sa babae.Napatawa ito ng mahina, may kislap ng kasiyahan sa mga matandang babae. “Napakabuti mong asawa, Mateo. Ingatan mo at buntis ang asawa mo.”Nakaawang ang bibig ni Natalie sa palitan ng salita ng tatlo ngunit hindi siya nagsalita para itama ang maling akala ng mag-asawa. Tumango lang si Mateo ay marahang hinawakan ang kamay ni Natalie para akayin paakyat sa kahoy na hagdan. Ang bawat hakbang nila ay nagdulot ng langitngit sa kahoy.Pagdating nila sa guest room, binuksan ni Mateo ang pinto at pinapasok si Natalie sa loob. Namangha siya, simple ngunit maaliwalas ang loob ng kwarto---may nakahanda ng mga sariwang kumot, tuwalya at comforter para sa l
Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”Imbes na maging ok
Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa
“Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--
Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind
Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro
“Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai
Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa