Marami siyang bakanteng araw para sa buwan na iyon kaya minabuti na lang ni Natalie na ayusin na ang schedule ng operasyon ni Antonio. Sa tulong ni Doc Norman, pumayag itong ang pasyente mismo ang mamili ng araw ng operasyon. “Thank you talaga, Poc.” Pakiramdam ni Natalie ay natapos na ang isang mahirap na bahagi kaya bumalik na siya ng Antipolo para ibahagi ang magandang balita sa matanda. Naabutan niya si Mateo sa bahay na nakikipaglaro ng chess sa lolo nito. Naroon ito ngayon dahil nakiusap ang matanda na umuwi siya ng mas maaga. Sinabi na ni Natalie ang balitang dala niya at natuwa ang dalawa. Kaya nagsalita na si Mateo. “Lolo, naayos na pal ani Natalie ang lahat, bakit hindi ka pa pumili ng petsa?” “Hmm, huwag kang magmadali, apo.” “Sir,” pumasok si Mang Ben at may mga bitbit na mga malalapad na libro. “Narito na po yung mga pinapakuha niyo. Para sa inyong dalawa ni Miss Natalie ang mga ito, sir.” Nagpalitan ng mga naguguluhang tingin sina Mateo at Natalie. “Para sa am
Maagang pumasok si Mateo. Hindi pa man nagsisimula ang araw niya ay nakatanggap na siya ng tawag mula kay Irene. Matagal bago niya sinagot ito. “Hello?” [Mateo,] malambing ang pagkakasabi ni Irene sa pangalan niya. [May dinner dito mamaya sa bahay. Gusto sana ni mama na imbitahan ka. Makakapunta ka ba? Sige na, birthday ni mama. Kung pupunta ka, magiging espesyal ang gabing ito. Please?] “Sige, pupunta ako.” —Pagsapit ng gabi, nakaramdam na ng kaba si Irene. “Ma, okay na ba ‘to?” “Pwede ba, huwag ka ngang mag-alala dyan. Kung hindi mo kayang kumalma ngayon, paano pa kapag naging Mrs. Garcia ka na?” “Sabagay, kinakabahan lang ako. Sa tingin mo ba gagana ang ginawa natin?” Itinuro nito ang essential oils na nilagay nila sa aromatherapy burner. “Anak, huwag kang mag-alala. Proven and tested yan. Maniwala ka sa akin. Okay? Buksan mo na, para handa na sa pagdating ni Mateo. Pinaalis ko ang lahat ng katulong. Bukas pa sila babalik kaya solo niyo ang bahay. Wala nang kawala si Mat
Gumagana na ang insenso! Nagkunwari si Irene. “Naiinitan ka ba, Mateo?” Tumango si Mateo. “Mm.” “Bakit hindi mo tanggalin ang jacket mo?” Suhestyon ni Irene. Hindi pa nasiyahan, tumayo siya para alalayan ito sa pagtanggal ng jacket. Ngunit bago pa niya tuluyang maalis ang suot nito, nahila ni Mateo ang kamau niya. Galit ito, halos mag-apoy ang mga mata nito. “Anong ginagawa mo?” Imbes na matakot, lalong lumapit si Irene. Ang boses niya ang mas matamis, mas mapang-aakit. “Mateo…tinutulungan lang naman kitang tanggalin ang jacket mo. Naiinitan ka, diba?” Nakahanap ng buwelo si Irene. Nagpatumba siya sa kandungan ni Mateo. Sinamantala na niya ang pagkakataon at pinulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito para tuluyan ng dumampi ang katawan niya dito. Nag-init ang buong katawan ni Mateo. Parang nasusunog ang kanyang lalamunan. Nauuhaw siya. Pero ibang klaseng uhaw iyon. Alam niyang hindi iyon mahuhupa ng pag-inom ng tubig lang. “
Wala nang ibang pagpipilian pa si Mateo kundi ang gumamit ng lakas. Bigla siyang tumayo sa kinuupuan. Si Irene naman ay naupo at humagulgol ng iyakNatulak siya ni Mateo at bumagsak siya sa sahig. Hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ng lalaki. Galit na galit pa rin ito. “Hindi ko gustong saktan ka, Irene pero sa lahat ng ayaw ko ay ang mga taong gustong manipulahin ako!” Mabilis na umalis si Mateo kahit na tinatawag siya ni Irene ng paulit-ulit. “Mateo! Sandali!” Sinubukan pa nyang habulin sana ang lalaki pero natapilok siya at muling natumba sa sahig. Kahit na nasaktan ay patuloy pa rin siya sa pagtawag kay Mateo. Naiinis si Irene dahil konti na lang sana at magtatagumpay na sana siya! Samantala… Nasa labas ng isang sikat na hotel si Natalie. Hawak niya ang cellphone niya ng mahigpit. Masama ang kutob niya. “Bakit dito mo gustong magkita?” Sa kabilang linya ay si Janet. [Ang dami mo namang tanong, Natalie. Ano na? Gusto mo bang makuha ang mga gamit ng nanay mo o hindi?]
Kumulo ang dugo ni Mateo, at mas lalong sumeryoso at naging kontrolado ang kanyang kilos. Mahina siyang natawa, pero halata ang inis sa kanyang boses. “Isaac, bilisan mo ang pagmamaneho.” “Opo, Sir.” Pinadyak ni Isaac ang gas pedal ng sasakyan, mabilis na pinatakbo ang kotse. Bigla niyang nakita si Natalie na inaakay papasok sa sasakyan ni Mr. Chen. Anong ginagawa niya? Wala na ba siyang tirahan? Bakit siya naroon at tila umaasa sa ibang lalaki? Kailangan ba niya ng pera? Kung oo, bakit hindi siya lumapit sa kanya? Iniisip pa kaya niya ang dinadala niyang bata? Napailing si Mateo. Kung hindi siya nakialam, matagal na sana niyang pinaalis ito. Ano kaya ang mangyayari? Kumawala ang galit sa puso ni Mateo nang maisip ang posibleng gawin ni Mr. Chen kay Natalie. Palihim na sinulyapan ni Isaac ang mukha ng kanyang amo at napansin ang madilim nitong ekspresyon. “Sir, parang may kakaiba po.” “Oh?” Ngumisi si Mateo. Bakas ang sarkasmo sa kanyang boses. “Ipinagtatang
Dahan-dahang inilapit ni Mr. Chen ang mukha niya sa leeg ni Natalie, at naamoy niya ang pabango nito na mas lalong nagpainit sa kanya. “Mmm, ang bango mo. Nakakaakit ka…” Nagningning ang kanyang mga mata na para bang nakakita ng isang kayamanan. Hinagod niya ng marahan ang pisnge ni Natalie gamit ang kanyang diliri, at nakakapanindig balahibo ang kanyang mga malisyosong ngiti. “Huwag kang mag-alala, magiging mahaba ang gabi natin. Sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka. Pag natikman mo, babalik at babalik ka pa. Hahaha!” Ang kabastusan ng mga salita niya ay nagdulot ng matinding pandidiri na dumaloy sa katawan ni Natalie. Wala na bang paraan para makatakas sa bangungot na ito?Habang papalapit ang pangit na mukha ni Mr. Chen sa kanya, napasigaw si Natalie at pilit na nagpupumiglas. “Tulong! May tao ba diyan? Tulungan niyo ako! Wag kang lumapit! Ahh!” Ang mga sigaw niya ay umalingawngaw sa silid habang patuloy siyang nagpupumiglas, ngunit agad na tinakpan ni Mr. Chen ang b
Nagpalitan ng tingin sina Isaac at ang iba pang mga kasama, at tahimik nilang napagkasunduan ang isang bagay. Sabay-sabay silang kumilos upang pigilan si Mateo. “Sir! Mapapatay mo siya kung itutuloy mo ito!” Ang dating kalmado na pigura ng lalaki ay naglabas ngayon ng isang awra ng karahasan, at ang kanyang imahe ay tila nabalot ng kadiliman. Nakakatakot itong pagmasdan. “Tama, Sir! Hindi siya karapat-dapat!” Kahit pa ang kanilang mga pakiusap, nanatiling malamig at hindi gumagalaw ang ekspresyon ni Mateo. Biglang may naisip si Alex. “Sir, mukhang hindi na mabuti ang lagay ni Miss Natalie—parang may sinasabi siya.” Ang pagbanggit kay Natalie ay nagpatigil kay Mateo sa kanyang galit. Nag-atubili siya bago ituloy ang isang malupit na huling sipa. “Ahh!” Ang sigaw ni Mr. Chen ay umabot sa buong kwarto, at nakahinga ng maluwag ang tatlong lalaki. Mukhang si Natalie lang ang makakapagpatigil sa kanya. ---Bumalik si Mateo at nagmadali patungo sa kama kung saan nak
Umupo si Mateo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang bahagyang panginginig ng mga mahahabang pilikmata ni Natalie, na pilit pinipigilan ang pagngiti. “Nat, gising na.” “Mm...” Nagkunwari si Natalie na nagising, unti-unting binuksan ang mga mata, ngunit hindi ito tumingin sa kanya. Pinigil niya ang labi ng ilang saglit, ngunit hindi pa rin nagsalita. “Dahil gising ka na, bumangon ka na at maghanda. Naghihintay na si Grandpa para mag-agahan tayo.” “Opo.” Tumango si Natalie, tinitigan siya ng may pag-asa. Nang hindi siya gumalaw, nagmadali siya. “Kailangan ko pang magbihis, baka pwede ka nang umalis.” Ang dalawang pangungusap na iyon ay sapat na para mag-init ang kanyang mga pisngi. Natawa si Mateo. Nag-aalala pa rin ba siya na makita siya? Matapos ang lahat ng nangyari kagabi, may natira pa ba sa kanya na hindi niya nakita? Hindi lang nakita... Hmm, at nahalikan pa. At marami pang iba... Ngunit sumunod siya, tumayo. “Sige, aalis ako.” Habang isin
Napatingin ang salesperson kay Mateo at halatang naiilang sa malamig at tila mapang-usig nitong titig. Nagsimula ding manginig ang kamay nito at natatarantang binawi ang telepono mula sa kamay ni Natalie. “H-hindi nga po bagay, sir.”“Mateo!” Singhal ni Natalie. Namumula ang pisngi nito sa inis. “Wala ka bang ibang magawa?”Napangiti si Mateo ng mapang-asar. “Meron. Sinasamahan kitang bumili ng telepono. Ako din ang magbabayad kaya may karapatan akong makialam kung anong telepono ang paggagastusan ko.” Naglakbay ang mga mata niya sa estante ng mga naka-display na telepono hanggang sa tumigil ito. “Ayan, pakikuha.”“Sige po. Sandali lang po.” Agad na tumalima ang salesperson. Natataranta ito, marahil ay nakilala na si Mateo.Nakita ni Natalie ang presyo ng teleponong tinuro ni Mateo---tumataginting na 57,000 pesos iyon. Halos malaglag ang kanyang panga. Ang halagang iyon ay sapat na para sa ilang buwan niyang gastusin para sa simple niyang pamumuhay.Agad niyang pinigilan si Mateo sa p
Sa dilim na bumabalot sa espasyo ng elevator, naging mas malinaw ang pakiramdam ni Natalie. Hindi niya makita si Mateo ngunit ang bigat ng ulo nito na nakasandandal sa kanyang balikat at ang bigat ng paghinga nito ay may sinasabing kakaiba sa kanya. Kilala niya ang lalaki at hindi ito aamin kung may masakit sa kanya. Tulad din ito ng maraming kalalakihan na iniisip na ang pag-amin na nasasaktan ay nakakabawas sa kanilang pagkalalaki.Ngunit sigurado si Natalie na may mali.Parang may mali.“Mateo,” tanong niya muli. “Nasaktan ka ba?”Isang mahinang ungol ang narinig niya mula sa lalaki---isang kumpirmasyon ng kanyang hinala. Nasaktan nga ito at hindi lang siya gustong mag-alala.“Saan? Saan ka nasaktan?” Naging mas matindi ang kanyang pagkabahala sa puntong iyon. Pumiglas siya mula sa pagkakarga nito sa kanya ngunit matigas ang pagkakahawak nito. Hindi natitinag. “Ibaba mo ako. Titingnan ko kung anong problema. Kung malala, kailangan nating kumilos kaagad at baka maimpeksyon ‘yan.”Sa
Ang muling pagkalabog ng elevator bago ang tuluyang pagtahimik nito ay nagdulot ng kilabot kay Mateo, ngunit gaya ng dati, pinili niyang itago ang pangamba sa ilalim ng walang emosyong mukha. Mas gusto niya ng ganoon dahil hindi makakabuti para sa kalagayan ni Natalie ang takot. Mabilis siyang nag-isip at sinuri ang sitwasyon habang unti-unti silang nilamon ng dilim dahil nalaglag sa sahig ang telepono niya at wala siyang makita.“Aaaaah! Mateo?!” Tawag ni Natalie sa kanya. Natataranta ito at kahit hindi niya nakikita, alam niyang kasabay ng pagtawag ng pangalan niya ay ang pagtulo ng luha nito. “Ayoko pang mamatay! Kawawa ang kapatid ko!”“Nat! Nandito ako! Hindi, huwag mong isipin ang bagay na ‘yan! Hindi ‘yan mangyayari.” Sigurado siya dahil hindi niya hahayaan iyon.Awtomatiko niyang inabot ang braso ni Natalie at hinila ito ng marahan palapit sa kanya. Ang mahigpit na yakap na binigay niya kay Natalie ay puno ng proteksyon at ang kanyang katawan ay nagsilbing kalasag para sa baba
Malalim na huminga si Mateo, pilit niyang pinaalalahanan ang sarili na magpigil lalo na at nasa ospital sila kasama ang kanyang lolo. Ilang ulit niyang sinabi sa sarili na magpigil. Nasira niya ang telepono ni Natalie. Alam din niyang hindi tamang gumawa siya doon ng eksena.Tinawagan niya si Isaac. Ilang segundo lang ay konektado na ang linya. “Isaac, gusto kong silipin mo ang records ng Immigration Office. Gusto kong malaman ang lahat ng detalye tungkol sa application ni Natalie---alamin mo lahat, kung saan siya pupunta, bakit, kailan at kung sino ang kasama niya. Gawin mo ng mabilis. Unahin mo ‘yan.”“Sige, aasikasuhin ko kaagad.” Pangako ni Isaac sa isang propesyonal na paraan.Binaba na ni Mateo ang tawag at dahan-dahang nagbuga ng hangin, iyon lang ang paraang alam niya para maitago ang kumukulong inis. Sunod niyang tinawag ang isang nurse at itinuro ang mga basag na piraso ng telepono sa sahig.“Pakilinis ng kwarto ni lolo,” malamig niyang utos. “At isa pa, huwag mong ikukwento
“Magpakatatag ka, Natalie.” Paalala niya sa sarili habang pinipigilan ang panginginig. “Hindi ito ang oras para maging mahina, tandaan mo ‘yan. May layunin ka---ang mabawi ang nararapat na para sa inyo ni Justin. Paisa-isa lang, ang mahalaga ay gumagalaw ka. Hindi mo pwedeng hayaan na manaig ang emosyon mo. Gamitin mo parati ang utak mo!”Muli niyang iginala ang kanyang mga mata sa apartment. Ang mapuputing pader ay nakikitaan na niya ng potensyal.Para sa mga Natividad, ito ay isang ordinaryong apartment lamang, isang ordinaryong ari-arian. Hindi ito ang pinaka-kabuhayan nila. Kaya marahil ay hindi nila mararamdaman kung sakaling mapunta sa kanya ang titulo nito. Ibang usapan para sa kanya ang biglaang pagmamalasakit ni Rigor---ito ay kailangan niyang harapin ng may tiyaga at maayos na estratehiya. Kung may pinaplano man ang ama, dapat ay handa siya. Kailangan niyang sumugal.“Ang ganda ng apartment na ito,” sinadya niyang maging magiliw. “Gustong-gusto ko ito.”Lumitaw ang malaking
Iba ang kasiyahan na bumalot kay Mateo. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti ngunit pinanatili niyang kalmado ang ekspresyon. Paalis na sana siya ng bumukas muli ang pinto at lumabas muli si Nilly.“Oh, nandito ka pa?” Bumaba ang tingin nito sa dala niyang kahon ng cake. “Para kay Natalie ba ‘yan?”“Oo, sana.”“Akin na, nagugutom ako, eh.” Nakangising sabi nito. “Sakto, lalabas pa sana ako para bumili ng meryenda, sayang naman kung itatapon mo lang.”Napangiti si Mateo. Umaayon talaga sa kanya ang panahon dahil may naisip pa siyang itanong dito. “Sige ba. Pero may itatanong ako ulit.”“Ito naman, pahihirapan pa ako.” Nagkamot ng ulo si Nilly. “Ano ‘yon?”“Sigurado ka bang sinabi ni Natalie na hindi na niya mahal si Drake?”Nag-atubili si Nilly at hatalang hindi komportable na ikwento ang personal na isyu ng kaibigan kay Mateo. “Um, ang eksaktong sinabi niya sa akin ay ‘hindi ko na siya mahal’.”“Perfect.”Ang mga salitang iyon ay karagdagang gamot sa sugatang pride ni Mateo. Unt
Ang mapanuyang mga salitang binitawan ni Natalie ay umalingawngaw sa loob ng tahimik na silid. Ang madilim at tahimik na pasilyo ay sumasalamin sa bagyong namumuo sa mga mata ni Mateo. Siya na rin ang unang bumitaw sa titigan nila, gayunpaman, sinubukan pa rin niyang maghanap ng kahit na anong palatandaan na maaaring magpalambot ng pagkakait ni Natalie ng emosyon.“Nat,” bungad niya ng puno ng depresyon. “Kailangan ba talaga na sa isang lalaking may asawa ka makipagrelasyon?”Bumigat lalo ang tensyon sa pagitan nila. Isang malamlam at mapanuyang ngiti ang gumuhit sa labi ni Natalie, inasahan niyang may isasagot sa kanya ang babae pero nanatili itong tahimik at lalo lang itong nagpaliyab sa apoy ng galit ni Mateo.“Hindi mo ba ako narinig?” Sumabog na ng tuluyan ang inip at galit nito, sabay hakbang palapit. Ramdam ni Natalie ang init ng hininga nito sa sobrang lapit. “Ano na ba ang naibigay niya sayo? Sagutin mo ako! Ano man ‘yon, kaya kong ibigay ng doble o kahit isang daang beses pa
Ang larawang natagpuan niya sa pitaka ng ama ay parang kidlat na tumama kay Natalie. Ang babaeng nasa larawan ay puno ng sigla at saya at ang kanyang maliwanag na ngiti ay pamilyar ngunit bahagi na lang ng isang magandang alaala nila pareho.Si Emma Natividad, ang kanyang pinakamamahal na ina ang babaeng nasa larawan. Minsan na niyang nakita ang larawan na hawak niya ngayon sa pitaka ng ama pero matagal na iyon. Maraming taon na ang nakalipas. Ngunit bagong kopya ito ngayon. Parehong larawan, pero ang nakita niya noon ay luma na. Ang larawang nasa kamay niya gayon ay isang replica. Sa teknolohiya ngayon, madali na lang ang restoration process ng isang lumang larawan. Ang hindi lang malinaw sa kanya ay kung bakit naroon pa iyon at bakit pinabayaan ni Janet na maiwan ang larawan ni Emma sa pitaka ng asawa gayong para itong sinisilaban sa tuwing nababanggit ang pangalan ng yumaong ina.Ang una rin nitong ginawa noong unang dating ito sa bahay nila ay tanggalin ang lahat ng bagay na may k
Habang hawak ni Justin ang remote control ng laruan, tinapunan niya ng mabilis na tingin si Rigor na may halong pag-aalinlangan. May bahagyang panginginig ang kanyang maliliit na daliri. Halatang kinakabahan ang bata at panay ang tingin sa ate at sa lalaking nagbigay sa kanya ng eroplano.“Ate?”“Ano ‘yon?”“Pwede ba natin siyang yayain na maglaro kasama natin?” Mahinang bulong ng bata sa kapatid.Lumuhod si Natalie sa tabi ni Justin at inayos ang medyo magulo nitong buhok. Ang banayad na ngiti ay nagbigay kaagad ng lakas ng loob sa kapatid. “Justin, lumalaki ka na. Pwede ka ng magdesisyon para sa sarili mo.”“Oh,” dahan-dahang tumango ang bata, pagkatapos ay tumingin kay Rigor ng seryoso. “Uncle, laro tayo!”Natigilan si Rigor, nanlaki ang mga mata na sinundan ng panginginig ng labi. May gusto siyang sabihin pero nagpipigil. Pagkatapos ng mahabang sandali, nakapagsalita na siya ulit, sa pagkakataong ito, puno na ng emosyon ang tinig. “S-sige…pero, Justin…hindi uncle ang dapat na itaw