Share

KABANATA 127   

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:11:38
Kumulo ang dugo ni Mateo, at mas lalong sumeryoso at naging kontrolado ang kanyang kilos.  Mahina siyang natawa, pero halata ang inis sa kanyang boses.  “Isaac, bilisan mo ang pagmamaneho.”

“Opo, Sir.”

Pinadyak ni Isaac ang gas pedal ng sasakyan, mabilis na pinatakbo ang kotse.  Bigla niyang nakita si Natalie na inaakay papasok sa sasakyan ni Mr. Chen.

Anong ginagawa niya?

Wala na ba siyang tirahan? Bakit siya naroon at tila umaasa sa ibang lalaki?  Kailangan ba niya ng pera?  Kung oo, bakit hindi siya lumapit sa kanya?  Iniisip pa kaya niya ang dinadala niyang bata?

Napailing si Mateo.  Kung hindi siya nakialam, matagal na sana niyang pinaalis ito.

Ano kaya ang mangyayari?

Kumawala ang galit sa puso ni Mateo nang maisip ang posibleng gawin ni Mr. Chen  kay Natalie.

Palihim na sinulyapan ni Isaac ang mukha ng kanyang amo at napansin ang madilim nitong ekspresyon.

“Sir, parang may kakaiba po.”

“Oh?” Ngumisi si Mateo. Bakas ang sarkasmo sa kanyang boses. “Ipinagtatang
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Mc-aleah Mc-abrhm
anung purpose po nung gems
goodnovel comment avatar
Arlein Bartolata
maganda Ang story mahaba lang masyado Ang Oras Ng pag hihintay bago mabasa Ang susunod na chapter.
goodnovel comment avatar
DMarz
sana dn habaan m nmn ung kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 128  

    Dahan-dahang inilapit ni Mr. Chen ang mukha niya sa leeg ni Natalie, at naamoy niya ang pabango nito na mas lalong nagpainit sa kanya. “Mmm, ang bango mo. Nakakaakit ka…”  Nagningning ang kanyang mga mata na para bang nakakita ng isang kayamanan. Hinagod niya ng marahan ang pisnge ni Natalie gamit ang kanyang diliri, at nakakapanindig balahibo ang kanyang mga malisyosong ngiti. “Huwag kang mag-alala, magiging mahaba ang gabi natin. Sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka. Pag natikman mo, babalik at babalik ka pa. Hahaha!”  Ang kabastusan ng mga salita niya ay nagdulot ng matinding pandidiri na dumaloy sa katawan ni Natalie.  Wala na bang paraan para makatakas sa bangungot na ito?Habang papalapit ang pangit na mukha ni Mr. Chen sa kanya, napasigaw si Natalie at pilit na nagpupumiglas.  “Tulong! May tao ba diyan? Tulungan niyo ako! Wag kang lumapit! Ahh!”  Ang mga sigaw niya ay umalingawngaw sa silid habang patuloy siyang nagpupumiglas, ngunit agad na tinakpan ni Mr. Chen ang b

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 129  

    Nagpalitan ng tingin sina Isaac at ang iba pang mga kasama, at tahimik nilang napagkasunduan ang isang bagay. Sabay-sabay silang kumilos upang pigilan si Mateo.  “Sir! Mapapatay mo siya kung itutuloy mo ito!”  Ang dating kalmado na pigura ng lalaki ay naglabas ngayon ng isang awra ng karahasan, at ang kanyang imahe ay tila nabalot ng kadiliman. Nakakatakot itong pagmasdan.  “Tama, Sir! Hindi siya karapat-dapat!”  Kahit pa ang kanilang mga pakiusap, nanatiling malamig at hindi gumagalaw ang ekspresyon ni Mateo.  Biglang may naisip si Alex. “Sir, mukhang hindi na mabuti ang lagay ni Miss Natalie—parang may sinasabi siya.”  Ang pagbanggit kay Natalie ay nagpatigil kay Mateo sa kanyang galit. Nag-atubili siya bago ituloy ang isang malupit na huling sipa.  “Ahh!”  Ang sigaw ni Mr. Chen ay umabot sa buong kwarto, at nakahinga ng maluwag ang tatlong lalaki. Mukhang si Natalie lang ang makakapagpatigil sa kanya. ---Bumalik si Mateo at nagmadali patungo sa kama kung saan nak

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 130  

    Umupo si Mateo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang bahagyang panginginig ng mga mahahabang pilikmata ni Natalie, na pilit pinipigilan ang pagngiti.  “Nat, gising na.”  “Mm...”  Nagkunwari si Natalie na nagising, unti-unting binuksan ang mga mata, ngunit hindi ito tumingin sa kanya.  Pinigil niya ang labi ng ilang saglit, ngunit hindi pa rin nagsalita.  “Dahil gising ka na, bumangon ka na at maghanda. Naghihintay na si Grandpa para mag-agahan tayo.”  “Opo.”  Tumango si Natalie, tinitigan siya ng may pag-asa. Nang hindi siya gumalaw, nagmadali siya. “Kailangan ko pang magbihis, baka pwede ka nang umalis.”  Ang dalawang pangungusap na iyon ay sapat na para mag-init ang kanyang mga pisngi.  Natawa si Mateo. Nag-aalala pa rin ba siya na makita siya? Matapos ang lahat ng nangyari kagabi, may natira pa ba sa kanya na hindi niya nakita?  Hindi lang nakita...  Hmm, at nahalikan pa.  At marami pang iba...  Ngunit sumunod siya, tumayo. “Sige, aalis ako.”  Habang isin

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 131  

    Namayani ang katahimikan sa kotse.Walang ekspresyon si Mateo habang pinagmamasdan niya si Natalie,  madilim at matalim ang kan’yang mga tingin sa dalaga na para bang binabasa ng binata ang iniisip nito. Ang babaeng ito, ipinanganak upang pahirapan ang buhay niya!Noong ayaw niyang magpakasal sa dalaga, galit na galit ito. Ngayon namang magkasama na sila, galit pa rin ang babae!Ginawa na niya ang lahat ngunit hindi pa rin maintindihan ni Natalie kung ano ang sinabi nitong mali sa kan’ya.Hindi naman siya galit sa babae kaya bakit hindi pa rin ito masaya?"Nat," tawag niya sa dalaga.Pigil na pigil siya na makaramdam ng galit sa kan’yang dibdib para ba itong sasabog na. Ngunit biglang tumunog ang kan’yang telepono. Ang kan’yang Lolo pala ang tumatawag at pinapamadali sila. "Nasaan kayo? Hindi ba’t napagkasunduan natin na tayo ay maghahapunan?"  "Lolo, malapit na kami."  Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, pumasok ang kotseng sinasakyan nila sa bayan ng Antipolo at bum

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 132  

    Kinagat ni Natalie ang kan’yang labi’t nagsalita ng may pag-aalinlangan. "Alam mo na ang tungkol sa aking nakaraan, ‘di ba?”Ang tinutukoy ng dalaga ay ang pagiging komplikado ng nakaraan niya. Malinaw na malinaw pa sa kanyang alaala kung gaano siya kinamumuhian ni Mateo noon.Dumilim ng bahagya ang mata niya. Kung sasabihin ng lalaki na wala naman itong pakialam sa nakaraan ng dalaga ay tiyak na magsisinungaling lamang siya ngunit ano ang magagawa niya? Mahal niya si Natalie."Lahat naman tayo ay may nakaraan, Mayroon ka at mayroon din ako. Pareho lang tayo."Hindi niya na kailangang alamin pa ang nakaraan ni Natalie at hindi rin niya hahatulan ang nakaraan niya. "Hindi, hindi tayo pareho.” Umiling si Natalie habang ang boses ng dalaga ay nanginginig.Nagsimulang mainis si Mateo, umigting ang panga ng lalaki at nagtanong ng mariin, "Anong naman ang kaibahan ng nakaraan nating dalawa?""Ako... ako..." Dahan-dahang inilapat ni Natalie ang mga kamay sa tiyan. "May anak ako..."

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 133  

    "Ano?" Laking gulat ni Natalie nang marinig ang sinabi nito. Agad na dumilim ang ekspresyon ng binata at kalmadong nagsalita. "Mag-asawa naman na tayo sa mata ng batas, ikakasal din tayo at tanggap iyon ng mga taong nakapaligid sa atin. Kaya, ano naman ang problema kapag matutulog tayo sa iisang kama?""Uh, oo. Wala ngang problema,” sagot ni Natalie ngunit hindi pa rin matanggap ang nangyayari. "Kung ganoon, matutulog tayo ng magkatabi sa iisang kama."Tumaas naman nang bahagya ang mga labi ni Mateo saka ngumiti, "Mauna ka ng matulog. Mayroon pa akong mga kailangang ayusin, nandiyan lang ako naman ako sa study room.""Okay sige." Nahihiyang tumango si Natalie. Nang makaalis ang binata sa silid, ilang minutong nakatingin lamang si Natalie sa malaking kama, nag-aalangang siyang humiga roon. Nakatulog naman na siya sa kama na nasa harapan niya ngunit matulog ng kasama ang binata ay ibang usapan na iyon. Bagamat may nangyayari na sa kanila, ang pagtulog sa kama ay tila masyado

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 134  

    “Alalahanin mo ito, Natalie. Simula ngayon, akin na ang batang ‘yan kaya dapat lagi kang nag-iingat.” Natigilan si Natalie, tsaka yumuko na parang batang nahuli sa nagawang pagkakamali. “Napakaseryoso mo naman,” sabi ni Mateo habang hawak pa rin ang kamay niya. Banayad niya itong minamasahe. “Nasabi ko lang naman iyon dahil nag-aalala ako. Nagagalit ka na kaagad diyan. Sorry na. Hindi ako dapat magsalita ng ganoon. Kailan ka bakante, Nat?” Nagisip pa si Natalie sandali bago ito sagutin. “Medyo maluwag ang schedule ko ngayong araw dahil patapos na ang internship ko…pero kailangan ko pa ring magpunta ng ospital.” “Okay.” Tumango si Mateo. “Mamaya, susunduin kita. Kapag nakarating na ako ng ospital, tatawagan kita ulit.” “Sige, ayos lang.” Pagkatapos nilang mag-agahan, inihatid n ani Mateo si Natalie sa ospital. Bumaba pa ang lalaki ng kotse para samahan siya hanggang sa bungad ng gusali ng surgery department. “Mateo, okay na ako. Pwede ka nang umalis.” Sabi ni Natalie haban

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 135  

    Kumunot ang noo ni Mateo at hindi agad nakasagot.Ang sinabi ng binata ay kalahating totoo at kalahati namang hindi. Gusto niyang makasama si Natalie ngunit ang ugat ng lahat ng ito ay hindi dahil sa dalaga, kundi dahil sa kanya mismo.Napalunok ng mariin si Mateo at nagsalita ng mariin, "Problema ko ito at wala kinalaman dito ang iba."Isa iyong responsableng sagot ngunit para kay Irene, hindi ito nakapagpagaan ng loob.Tinitigan ng dalaga si Mateo. “Sige, sabihin na nating problema mo nga. Pero paano na ang mga pangako mo sa akin? Paano mo basta-basta na lamang i-cancel iyon? Hindi ba’t kailangan ko pa rin ng paliwanag?”Nanatiling tahimik si Mateo, ni hindi alam kung ano ang sasabihin sa babae. "Wala kang makukuhang paliwanag. Pasensya na."Ang pagtataksil ay isang pagtataksil pa rin. Walang paliwanag na makakapagbago roon.Para bang huminto ang mundo ni Irene, hindi siya makahinga’t ang mga mata ng dalaga ay nanunubig habang nakatingin sa binata. “Ibig sabihin, tapos na an

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 224

    Hindi talaga makapaniwala ang tindera ng maliit na tindahan na iyon. Nakaalis na ang lalaki ngunit laglag pa rin ang panga niya sa nangyari. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses na naroon sa tindahan nila si Mateo Garcia. Hindi lang basta kilala ang lalaki—napakayaman at maimpluwensya ito kaya kaya nitong bilhin ang tindahan nila ng walang kahirap-hirap. Hindi na bago ang balitang bumibili ito ng tindahan kapag nagustuhan nito ang binebenta doon.Kaya wala nang nagawa ang tindera kundi tumalima kaagad. Tila nasiyahan naman ito nang sinabi niyang gagawan na niya ng paraan ang order nito.Napakamot na lang ng ulo ang tindera. “Sinong tanga ang bibili ng tindahan para lang may supply siya ng puto-bumbong?”**Pagdating ni Natalie sa kanto, ramdam niya ang pagkaubos ng enerhiya niya mula sa mabilis na paglisan niya sa mall at ang pagkadismaya dahil wala siyang puto-bumbong. Gusto niya pa rin ito at sa tantya niya ay walang ibang meryenda ang makakapantay sa sarap nito.Nakakita si

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 223

    Ang babaeng nasa likod niya ay walang iba kundi si Irene. Kalmado ito ngunit puno naman ng awtoridad ang tono nito. “Magandang araw po, Miss,” bati ng tindera na pilit na pinapanatili ang mahinahong disposisyon sa kabila ng namumuong tensyon. “Ano po ang kailangan nila?”Mula sa kanyang handbag, may kinuhang listahan si Irene at inabot iyon sa tindera ng may matamis na ngiti. “Ayan, lahat ng nasa listahan, kukunin ko.”Binasa ng tindera ang listahan at ngumiti. “Ma’am, ang lahat po ng nasa listahan niyo ay mayroon kami, pero,” napatiingin ito kay Natalie ng may pag-aalinlangan. “Pero ubos na po ang puto-bumbong.”“Ubos na?” Tumaas ang kilay ni Irene sa pagkadismaya. Inikot nito ang mata sa mga nakadisplay sa estante at napako ang tingin sa natitirang limang piraso ng puto-bumbong na nasa gilid na. “Eh, ano ang mga ‘yon?” Tanong niya ng may inis.Muling nag-atubili ang tindera. Kilala nito si Irene dahil napapanood nila ito sa TV. “Pasensya na po, Miss Irene, pero bayad na po ‘yan.”T

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 222

    “Umamin ka nga sa akin, Natalie. Bakit ayaw mong tumira sa binigay kong bahay? Bakit hindi mo pa pinipirmahan ang alimony documents?” Matalim ang tono ni Mateo, tumatagas ito sa tahimik na hangin ng university. Ang mga mata niya ay nakatutok kay Natalie na walang masagot sa kanya, tila hindi ito apektado sa tindi ng emosyon niya. Sa wakas ay tumingala ito, bakas sa mukha ang kalmadong pagsuko. “Mukhang nalaman mo na.”Dahil binitawan na siya ni Mateo, nagkaroon ng bakas sa kanyang pulso dahil sa higpit ng pagkakahawak nito doon. Marahang hinilot ni Natalie iyon.“Hindi mo ba natatandaan? Sa ospital pa lang sinabi ko na sayo, ayaw ko ng lahat ng iyon. Pero hindi mo naman ako pinapakinggan.” Kalmado itong nagpaliwanag. “Kaya wala akong ibang maisip na paraan kundi ipakita ang panindigan ko sa ibang paraan. Wala akong interes doon. Ayaw ko ng alimony, Mateo.” Diretso at matatag ang bawat salitang binitawan ni Natalie. Wala itong halong pag-aalinlangan.“Pero, Nat—”“Makinig ka muna sa a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 221

    “Ano naman ‘to?” Nanliit ang mga mata ni Mateo habang tinitignan ng manipis na card na inabot sa kanya ni Natalie. Naka-emboss doon ang pangalan niya. “Credit card mo,”sagot ni Natalie ng may ngiti. Sinaksak niya ang card na iyon sa kamay ni Mateo. Sandaling nagtama ang mga balat nila. “Matagal ko na dapat naibalik sayo ‘yan, kaso, madalas, cellphone lang ang dala ko kapag lumalabas. Kaya lagi kong nakakalimutan. Kung tutuusin, muntik ko na naman sanang makalimutan kanina—mabuti na lang hindi ka pa nakakaalis.” Paliwanag pa nito.Kaswal ang tono ng pananalita ni Natalie na para bang nagbabalik lang ito ng isang hiniram na ballpen. Biglang tumigas ang pagkakahawak ni Mateo sa card, ang panga niya ay nag-tiim at ang emosyon niya ay parang bagyong nagbabadya ng malakas na daluyong.“Tumakbo ka ng ganito kalayo—para lang isauli ito?” Tanong niya ng hindi makapaniwala.“Oo naman, bakit?” Hindi na naghahabol ng paghinga si Natalie. Namumula pa rin ang pisngi nito na tila nahihiya. Pagkatap

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 220

    Hindi ito itinanggi ni Mateo. Huli na rin kung itatanggi pa niya ito. Mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Lalo lamang nainis at nalito si Natalie dahil sa ginawa ni Mateo. “Bakit mo ginawa ‘yon?”Mula sa lohikal na pananaw, para kay Natalie ay mas makabubuti kapag inamin na niya ang totoo sa lolo niya. Kapag nalaman nilang hindi naman talaga siya ang ama ng dinadala, mas madali sana ang lahat. Maaring magalit ito pero hindi na nila kailangang maghiwalay ng masalimuot. Kung inamin na sana ni Mateo ang totoo, tapos na sana ang lahat. Ngunit hindi iyon ang pinili niyang gawin.“Ano sa tingin mo?”Bumaba ang tingin ni Mateo kay Natalie, ang mga mata ay may halong inis at pagkawala ng tiwala. Nagtataka siya kung bakit tila wala itong ideya sa mga nangyayari.“Hindi na natin dapat pa dagdagan ang sama ng loob ni lolo. Nangyari ang lahat ng ito ng malaman niyang naghiwalay tayo. Sa palagay mo ba, kapag sinabi kong hindi ko anak ang batang nasa sinapupunan mo, hindi siya mulin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 219

    Pinagplanuhang mabuti ni Natalie ang oras ng pagdalaw niya kay Antonio. Sinadya niyang pumunta sa ospital sa oras na alam niyang nasa trabaho si Mateo. Hangga’t maaari, iniiwasan niya ang anumang uri ng alanganing komprontasyon sa pagitan nilang dalawa sa ospital. Kilala niya ang lalaki, magkakasagutan talaga sila kahit sa harapan pa ng matanda at iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng antiseptic sa ospital, nagdulot ito ng parehong ginhawa at kaba sa kanya. Nagtanong na rin siya sa nurse kung nasaan ang kwarto ni Antonio para hindi siya mahirapang hanapin ito. Bago pumasok, pinuno muna niya ng hangin ang baga. Tahimik ang silid nito, banayad na pumapasok ang liwanag ng umaga sa bahagyang nakabukas na kurtina. Pumasok na siya ng dahan-dahan.Nakataas ng bahagya ang kama ni Antonio, may IV drip ito at kasalukuyang tulog. Ayaw sana niyang istorbohin ang pahinga nito kaya dahan-dahan siyang lumapit sa kama para masuri ang mga monitor nito. Maayos nama

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 218

    “Oo, ‘yan din sana ang gusto kong sabihin. Pasensya na kung padalos-dalos ako kanina. Minsan talaga walang preno ang bibig ko.” Paghingi ng paumanhin ni Drake. Malutong ang tawa ni Jean. “Naku, walang problema. Honestly, awkward naman talaga ng set-up na ito kaya kalimutan na lang natin. Total, nandito na rin tayo at sayang ang ibinayad natin, tapusin na natin ang palabas. This time, magkaibigan talaga tayo at hindi napwersang mag-date. Ano sa palagay mo?”Napangiti na din si Drake tsaka tumango. “Sige, gusto ko ‘yan. Tsaka wala namang masama kung tatapusin natin.”Dahil may napagkasunduan na silang dalawa, bumalik sila sa mga upuan nila at naging mas komportable sa isa’t-isa.**Habang ang lahat ito ay nangyayari, walang kaide-ideya si Natalie sa Broadway theater. Ang isip niya ay nakatuon sa nakaschedule na appointment sa korte sa lunes.Pagsapit ng lunes ng umaga, sinadya niyang maagang magising para maghanda. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya. Mabigat ang araw na iyon pe

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 217

    Alam niyang si Mateo ang tumatawag sa kanya at ang biglaang tawag na iyon ay kaagad na nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya, nagkunwari siyang pormal. Ginawa niya ang karaniwan niyang ginagawa kapag may kliyenteng tumatawag sa kanya. Ngunit ang totoo ay bumangon ang kaba ng palabasin siya nito ora mismo.Hindi niya mapigilang kabahan. Nasa tanghalan din si Mateo. Ang lalong ipinagtataka niya ay kung bakit parang galit nag alit ito sa kanya gayong maayos naman ang naging huli nilang pag-uusap. Ibinilin pa nga nito si Natalie sa kanya.Nagpaalam siya kay Jean. “Sandali lang ako. Babalik din ako kaagad.”Tumango lang si Jean pero nanatili ang pagtataka nito hanggang sa makalabas siya sa VIP seat.**Wala ng tao sa lounge dahil naghudyat na ang pagsisimula ng pagtatanghal. Paglabas ni Drake, bago pa man niya magawang hanapin ang lalaki, dumapo na ang kamao ni Mateo sa kanyang mukha. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakai

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 216

    Walang naging agad na sagot si Drake, ang mukha niya ay walang bakas ng anumang emosyon. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang, ramdam nila ang pagdapo ng tensyon sa paligid. Hindi na bago sa kanilang tatlo ang ganitong eksena. Ilang beses na itong nangyari sa kanila at mas maraming beses na hindi pabor sa kanila ang resulta ng ganitong pag-uusap. Binasag na ni Felix ang nakakabinging katahimikan na sumukob sa kanilang tatlo. “Anak, isang beses lang. Wala ng kasunod pa. Alam mo namang matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, kabastusan kung tatanggihan natin sila at mapapahiya ang mommy mo sa bestfriend niya. Hindi naman natin gustong mangyari ang ganoon, hindi ba?” Nanigas ang panga ni Drake, may pangamba siya sa kanyang mukha. Kinonsensya pa siya ng ama. “Isang pagkikita lang?” Inulit niya ang sinabi ni Felix na puno ng pagdududa. “Oo naman,” sagot ni Felix, sabay tawa ng pilit na parang sinusubukan pagaangin an

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status