“Teka, anong ginagawa mo?” Gulat na tanong ni Natalie sa kanya. May icepack pa din ito sa namamagang pisngi. Kahit na lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa silid, kitang-kita ni Natalie ang pagtitiim ng bagang ng lalaki habang nagsasalita ito. “Gusto kong tigilan mo na ang pagtanggap ng pera mula kay Rigor Natividad, Natalie. Hindi ba may ATM ka? Kulang pa ba ang perang naroon?” “Ha?” Hindi maintindihan ni Natalie kung ano ba talaga ang ikinagagalit nito sa kanya. May hangganan ang pasensya ni Natalie. Gamit ang isang kamay niya ay tinulak niya si Matao palayo sa kama. “Lumabas ka! Ayaw kitang makita at kailangan kong matulog!” Pero hindi iyon ginawa ng lalaki. Naroon pa rin ito. Kaya lalong nainis si Natalie. Inagaw ni Mateo ang icepack mula sa kamay niya at tila batang nagbago agad ang pakikitungo nito sa kanya ng makita ang pinsala. “Patingin nga, namamaga nga.”Itinulak ni Natalie palayo sa kanya si Mateo gamit ang dalawa niyang kamay. “Iwan mo ako! Gusto kong magpahin
Kung siya ang masusunod, mas gugustuhin niyang umalis na sa bahay ng lolo niya. Ang manatili sa ilalim ng isang bubong kasama si Natalie kahit isang segundo ay hindi na niya makakaya pa. Ngunit gabi na at palakas ng palakas ang ulan sa labas. Bukod pa roon, nakapangako siya sa lolo niya na sabay silang mag-aalmusal kinabukasan. Wala siyang pagpipilian kundi ang manatali doon. Sa sobrang inis niya, nagsindi siya ng sigarilyo. Hithit, buga hanggang sa makaubos siya ng ilang sticks nito. Pagkatapos ay sa guest room na siya nagtungo. Mabuti na lang at laging nakaayos at nakahanda ang guest room sa bahay ng lolo niya, kundi sa sala talaga siya matutulog. Ibinagsak niya sa malambot na kama ang basang katawan. Hinayaan lang niya iyon. Ang init ng galit galing sa dibdib niya ay dahil kay Natalie ngunit wala itong pakialam kung naapektuhan siya o nasasaktan. --- Napansin ni Mang Ben na sa makaibang kwarto natulog ang mag-asawa. Nang iulat niya ang balitang ito kay Antonio, tumango lang
Pahinga dapat ni Natalie nang araw na iyon, pero imbis na makabawi sa tulog, mas naging abala pa siya kaysa sa nakagawian niya. Tinapos niya ang translation na binigay sa kanya at balak niyang makipagkita sa editor-in-chief para personal na magbitiw sa part-time na trabaho niya. Alam na niyang may nararamdaman pa rin para sa kanya si Drakee at hindi na niya maaring tanggapin ang anumang tulong na manggagaling dito dahil hindi ito tama at hindi rin makatarungan sa paniniwala niya. Idagdag pa ang nalalapit na exam preparations at ang bagong trabaho na binibigay sa kanya ni Doc Norman. Batid ni Natalie na hindi niya kayang pagsabayin ang lahat. Malungkot man, tinanggap ng editor ang kanyang resignation letter at personal na paghingi ng paumanhin. Maging si Nilly ay hindi natuwa sa ginawa niya. “Nat, talaga bang wala na siyang pag-asa?” Tanong ni Nilly sa kanya. Naikwento na pala ni Chandon ang lahat at ngayon ay alam n anito ang hirap na dinanas ni Drake ng mga nakaraang taon. “Ni
Sa pagtingala niya, nakumpirma niyang si Mateo nga ang nasa harapan niya. Nagulat siya dahil wala naman siyang pinagsabihan ng gagawin niya sa araw na iyon. Palaisipan sa kanya kung paano siya natunton ng lalaki sa ospital na iyon. Pinagmasdan ni Mateo ang paligid na para bang may hinahanap. “Nasaan siya?” “Ha?” Lalo lang gumulo ang isip ni Natalie. “Nakikita mo namang wala akong kasama, sinong hinahanap mo?” “Ha. Ganito ang sitwasyon pero wala si Drake sa tabi mo. Anong klaseng lalaki siya?” Napagtanto ni Natalie na ang iniisip siuro ni Mateo ay si Drake ang ama ng bata. “Mateo, pwede bang makinig ka muna sa akin? Magpapaliwanag ako.” “Ano naman ang ipapaliwanag mo?” Putol nito sa sasabihin niya. Galit siya at hindi niya maipaliwanag kung bakit. “Iniwan ka ba niya dahil naduwag siya? Natakot ba siya na baka matulad kay Justin ang batang yan? Kaya pinilit ka niyang magpalaglag at hindi man lang niya inisip ang kalusugan mo?” “Hindi…hindi iyon ganon…” “Ah, hindi pala. At k
Marami siyang bakanteng araw para sa buwan na iyon kaya minabuti na lang ni Natalie na ayusin na ang schedule ng operasyon ni Antonio. Sa tulong ni Doc Norman, pumayag itong ang pasyente mismo ang mamili ng araw ng operasyon. “Thank you talaga, Poc.” Pakiramdam ni Natalie ay natapos na ang isang mahirap na bahagi kaya bumalik na siya ng Antipolo para ibahagi ang magandang balita sa matanda. Naabutan niya si Mateo sa bahay na nakikipaglaro ng chess sa lolo nito. Naroon ito ngayon dahil nakiusap ang matanda na umuwi siya ng mas maaga. Sinabi na ni Natalie ang balitang dala niya at natuwa ang dalawa. Kaya nagsalita na si Mateo. “Lolo, naayos na pal ani Natalie ang lahat, bakit hindi ka pa pumili ng petsa?” “Hmm, huwag kang magmadali, apo.” “Sir,” pumasok si Mang Ben at may mga bitbit na mga malalapad na libro. “Narito na po yung mga pinapakuha niyo. Para sa inyong dalawa ni Miss Natalie ang mga ito, sir.” Nagpalitan ng mga naguguluhang tingin sina Mateo at Natalie. “Para sa am
Maagang pumasok si Mateo. Hindi pa man nagsisimula ang araw niya ay nakatanggap na siya ng tawag mula kay Irene. Matagal bago niya sinagot ito. “Hello?” [Mateo,] malambing ang pagkakasabi ni Irene sa pangalan niya. [May dinner dito mamaya sa bahay. Gusto sana ni mama na imbitahan ka. Makakapunta ka ba? Sige na, birthday ni mama. Kung pupunta ka, magiging espesyal ang gabing ito. Please?] “Sige, pupunta ako.” —Pagsapit ng gabi, nakaramdam na ng kaba si Irene. “Ma, okay na ba ‘to?” “Pwede ba, huwag ka ngang mag-alala dyan. Kung hindi mo kayang kumalma ngayon, paano pa kapag naging Mrs. Garcia ka na?” “Sabagay, kinakabahan lang ako. Sa tingin mo ba gagana ang ginawa natin?” Itinuro nito ang essential oils na nilagay nila sa aromatherapy burner. “Anak, huwag kang mag-alala. Proven and tested yan. Maniwala ka sa akin. Okay? Buksan mo na, para handa na sa pagdating ni Mateo. Pinaalis ko ang lahat ng katulong. Bukas pa sila babalik kaya solo niyo ang bahay. Wala nang kawala si Mat
Gumagana na ang insenso! Nagkunwari si Irene. “Naiinitan ka ba, Mateo?” Tumango si Mateo. “Mm.” “Bakit hindi mo tanggalin ang jacket mo?” Suhestyon ni Irene. Hindi pa nasiyahan, tumayo siya para alalayan ito sa pagtanggal ng jacket. Ngunit bago pa niya tuluyang maalis ang suot nito, nahila ni Mateo ang kamau niya. Galit ito, halos mag-apoy ang mga mata nito. “Anong ginagawa mo?” Imbes na matakot, lalong lumapit si Irene. Ang boses niya ang mas matamis, mas mapang-aakit. “Mateo…tinutulungan lang naman kitang tanggalin ang jacket mo. Naiinitan ka, diba?” Nakahanap ng buwelo si Irene. Nagpatumba siya sa kandungan ni Mateo. Sinamantala na niya ang pagkakataon at pinulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito para tuluyan ng dumampi ang katawan niya dito. Nag-init ang buong katawan ni Mateo. Parang nasusunog ang kanyang lalamunan. Nauuhaw siya. Pero ibang klaseng uhaw iyon. Alam niyang hindi iyon mahuhupa ng pag-inom ng tubig lang. “
Wala nang ibang pagpipilian pa si Mateo kundi ang gumamit ng lakas. Bigla siyang tumayo sa kinuupuan. Si Irene naman ay naupo at humagulgol ng iyakNatulak siya ni Mateo at bumagsak siya sa sahig. Hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ng lalaki. Galit na galit pa rin ito. “Hindi ko gustong saktan ka, Irene pero sa lahat ng ayaw ko ay ang mga taong gustong manipulahin ako!” Mabilis na umalis si Mateo kahit na tinatawag siya ni Irene ng paulit-ulit. “Mateo! Sandali!” Sinubukan pa nyang habulin sana ang lalaki pero natapilok siya at muling natumba sa sahig. Kahit na nasaktan ay patuloy pa rin siya sa pagtawag kay Mateo. Naiinis si Irene dahil konti na lang sana at magtatagumpay na sana siya! Samantala… Nasa labas ng isang sikat na hotel si Natalie. Hawak niya ang cellphone niya ng mahigpit. Masama ang kutob niya. “Bakit dito mo gustong magkita?” Sa kabilang linya ay si Janet. [Ang dami mo namang tanong, Natalie. Ano na? Gusto mo bang makuha ang mga gamit ng nanay mo o hindi?]
Binalot ng matinding kaba si Mateo nang mabuhat na niya sa mga bisig ang halos walang malay na si Natalie. Nanghihina ito, mas magaan pa kaysa huling pagkakatanda niya. Balingkinitan itong babae pero mula ng mabuntis ito, imbis na tumaba ay lalo itong namayat. Ang hindi niya maintindihan ay kung paano ito umabot sa ganoong timbang. “Anong nangyari sayo, Natalie? Bakit ka nagkaganito?” Tanong ni Mateo sa isipan.Hindi ito ang babaeng kilala niya---ang Natalie na bitbit niya ngayon ay mistulang ibang tao na. Ubos ang lakas at halos hindi na kayang dalhin ang sarili. Pero sa mga oras na iyon, wala ng oras pa si Mateo para magdalamhati at magnilay-nilay.“May dala ka bang kendi? O kahit anong matamis sa bag?” Madiin ang tanong niya para marinig siya nito.Nagawa pang tumango ni Natalie at ibuka ang bibig para ipakita ang kendi sa bibig niya. Sa kabila ng pagkain nito, naguguluhan pa rin si Mateo kung bakit ito ganoon kahina. Lalong nadagdagan ang kanyang pag-aalala, kasabay ng pagkadisma
Para kay Drake, wala siyang hindi kayang gawin para makakain lang si Natalie. Balewala sa kanya ang perang magagastos niya, distansya, oras at pagod niya---walang halaga ito basta’t masiguro lang niya na maayos ang kalagayan nito. Naalala niyang nabanggit nito ang tungkol sa hinog at nagkukulay pula na papaya. Naisip ni Drake na baka iyon ang kailangan ni Natalie. Nagmaneho siya ng humigit kumulang dalawang oras papunta sa isang farm ng papaya. Doon, nakapamili siya ng pinakamalaki at pinakasariwang papaya. Maingat din niyang ipinalagay sa kahon iyon para hindi malamog at nagmaneho pabalik.Pagdating niya sa apartment, sinalubong siya ni Nilly. Napanganga din ito sa gulat ng nakita ang dala niya. “Wow! Ibang klase, perfect na perfect ang papayang ito, ah! Ang kinis at mukhang matamis! Parang papaya from heaven ang atake!”Napangiti ng malapad si Drake. “Syempre. Sa farm ko mismo binili ‘yan. Siguro, ito na ang pinakamalapit sa langit na kaya kong gawin.”Hindi nga nagbibiro si Drake.
Biyernes ng gabi. Dumating si Mateo sa bahay nina Irene dahil naimbitahan siyang makisalo sa hapunan. Maayos at malinis ang bahay at napakaayos ng hapag-kainan. Halatang pinaghandaan ni Janet ang gabing iyon. Ang aroma ng bagong lutong pagkain ay pumuno sa buong kabahayan. Maingat na pinili ni Janet ang tradisyunal at modernong mga pagkain.Naupo na si Mateo matapos na magalang na bumati si pamilya ni Irene. Abot-tainga ang ngiti ni Janet, napakagiliw nito at laging nakangiti habang inaalok ang isang pinggan ng naglalakihang sugpo.“Mateo, mabuti naman at pumayag kang saluhan kami,” umpisa nito.Habang tumatagal ang hapunan, ginamit ni Janet ang pagkakataong iyon upang simulan ang isang planadong pag-uusap. “Rigor, naalala ko lang…hindi ba malapit na ang birthday mo?” Kaswal nitong sabi sa asawa. “Anong balak mo? Aba, hindi naman natin pwedeng palampasin na lang ang araw ng kapanganakan mo. Mas gusto mo ba na dito na lang tayo sa bahay o sa ibang lugar?”Sinadya ni Janet iyon. Layuni
“Mmm,” kinilig si Natalie hindi dahil sa kasama niya si Drake kundi dahil sa kinakain niya. “Ang asim.” Kahit na nagrereklamo ito, kumuha pa rin ito ng manggang hilaw at isinawsaw sa sauce na kapares nito. Naglalaway siya. Naaliw naman si Drake sa reaksyon niya. “Gusto mo pa ba?”“Oo,” mabilis na sagot ni Natalie. Nasasabik siya sa malutong na mangga. Pansamantala niyang nakalimutan ang lungkot niya kanina lang.“Sige, susubuan kita,” sabi ni Drake sabay subo ng maliit na hiwa ng hilaw na mangga na may sawsawan.Sunud-sunuran si Natalie, binuka rin niya ang bibig at hinayaang subuan siya ng lalaki ng maasim na prutas. Ang asim ay nagpapikit ng kanyang mga mata ngunit parang bata itong tuwa-tuwa sa natuklasang bagong paboritong pagkain.Tinitigan siya ni Drake ng may pag-aalala. “Kung masyadong maasim, itigil na natin, ha?”“Huwag! Masarap nga!” Umiling si Natalie. Sarap na sarap ito. “Masarap yung sauce. Sino ang gumawa?”“Gawa ko. Yung mangga, binili ko lang. Ang sabi kasi ng tinder
Pinagmasdan na Mateo ang maamong mukha ni Natalie. Halos alam na niya na magiging ganito ang reaksyon nito. Kahit pa nag-aatubili, nagtanong pa rin siya. “Ayaw mo na ba nito? Hindi ba ito ang gusto mo?” Totoo na sandaling panahon lamang sila namuhay bilang mag-asawa. Pero sa kapiranggot na sandaling iyon, masasabi niyang natutunan niya ang mga gusto at hindi gusto nito. Mapagmasid siyang tao. Batid niyang hindi basta-bastang naghahangad si Natalie ng isang bagay ng walang dahilan. Lagi itong meron. Kung nag-abala itong halughugin ang mall para sa puto-bumbong, siguradong gusto niya iyon.Ngunit ngayon ay tahasan nitong tinatanggi ang bigay niya. Hindi dahil sa ayaw nito ng puto-bumbong kundi dahil galing ito sa kanya.Muli, isang punyal ang tumarak sa dibdib ni Mateo. Pilit niyang pinagaan ang tinig kahit na bigat na bigat siya, umaasa pa rin siyang makakapag-usap sila. “Tungkol ba ito sa nangyari kanina? Galit ka ba? Nung sinabi kong…maghati na lang kayo ni Irene? Diba gusto mo ‘yon
Hindi talaga makapaniwala ang tindera ng maliit na tindahan na iyon. Nakaalis na ang lalaki ngunit laglag pa rin ang panga niya sa nangyari. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses na naroon sa tindahan nila si Mateo Garcia. Hindi lang basta kilala ang lalaki—napakayaman at maimpluwensya ito kaya kaya nitong bilhin ang tindahan nila ng walang kahirap-hirap. Hindi na bago ang balitang bumibili ito ng tindahan kapag nagustuhan nito ang binebenta doon.Kaya wala nang nagawa ang tindera kundi tumalima kaagad. Tila nasiyahan naman ito nang sinabi niyang gagawan na niya ng paraan ang order nito.Napakamot na lang ng ulo ang tindera. “Sinong tanga ang bibili ng tindahan para lang may supply siya ng puto-bumbong?”**Pagdating ni Natalie sa kanto, ramdam niya ang pagkaubos ng enerhiya niya mula sa mabilis na paglisan niya sa mall at ang pagkadismaya dahil wala siyang puto-bumbong. Gusto niya pa rin ito at sa tantya niya ay walang ibang meryenda ang makakapantay sa sarap nito.Nakakita si
Ang babaeng nasa likod niya ay walang iba kundi si Irene. Kalmado ito ngunit puno naman ng awtoridad ang tono nito. “Magandang araw po, Miss,” bati ng tindera na pilit na pinapanatili ang mahinahong disposisyon sa kabila ng namumuong tensyon. “Ano po ang kailangan nila?”Mula sa kanyang handbag, may kinuhang listahan si Irene at inabot iyon sa tindera ng may matamis na ngiti. “Ayan, lahat ng nasa listahan, kukunin ko.”Binasa ng tindera ang listahan at ngumiti. “Ma’am, ang lahat po ng nasa listahan niyo ay mayroon kami, pero,” napatiingin ito kay Natalie ng may pag-aalinlangan. “Pero ubos na po ang puto-bumbong.”“Ubos na?” Tumaas ang kilay ni Irene sa pagkadismaya. Inikot nito ang mata sa mga nakadisplay sa estante at napako ang tingin sa natitirang limang piraso ng puto-bumbong na nasa gilid na. “Eh, ano ang mga ‘yon?” Tanong niya ng may inis.Muling nag-atubili ang tindera. Kilala nito si Irene dahil napapanood nila ito sa TV. “Pasensya na po, Miss Irene, pero bayad na po ‘yan.”T
“Umamin ka nga sa akin, Natalie. Bakit ayaw mong tumira sa binigay kong bahay? Bakit hindi mo pa pinipirmahan ang alimony documents?” Matalim ang tono ni Mateo, tumatagas ito sa tahimik na hangin ng university. Ang mga mata niya ay nakatutok kay Natalie na walang masagot sa kanya, tila hindi ito apektado sa tindi ng emosyon niya. Sa wakas ay tumingala ito, bakas sa mukha ang kalmadong pagsuko. “Mukhang nalaman mo na.”Dahil binitawan na siya ni Mateo, nagkaroon ng bakas sa kanyang pulso dahil sa higpit ng pagkakahawak nito doon. Marahang hinilot ni Natalie iyon.“Hindi mo ba natatandaan? Sa ospital pa lang sinabi ko na sayo, ayaw ko ng lahat ng iyon. Pero hindi mo naman ako pinapakinggan.” Kalmado itong nagpaliwanag. “Kaya wala akong ibang maisip na paraan kundi ipakita ang panindigan ko sa ibang paraan. Wala akong interes doon. Ayaw ko ng alimony, Mateo.” Diretso at matatag ang bawat salitang binitawan ni Natalie. Wala itong halong pag-aalinlangan.“Pero, Nat—”“Makinig ka muna sa a
“Ano naman ‘to?” Nanliit ang mga mata ni Mateo habang tinitignan ng manipis na card na inabot sa kanya ni Natalie. Naka-emboss doon ang pangalan niya. “Credit card mo,”sagot ni Natalie ng may ngiti. Sinaksak niya ang card na iyon sa kamay ni Mateo. Sandaling nagtama ang mga balat nila. “Matagal ko na dapat naibalik sayo ‘yan, kaso, madalas, cellphone lang ang dala ko kapag lumalabas. Kaya lagi kong nakakalimutan. Kung tutuusin, muntik ko na naman sanang makalimutan kanina—mabuti na lang hindi ka pa nakakaalis.” Paliwanag pa nito.Kaswal ang tono ng pananalita ni Natalie na para bang nagbabalik lang ito ng isang hiniram na ballpen. Biglang tumigas ang pagkakahawak ni Mateo sa card, ang panga niya ay nag-tiim at ang emosyon niya ay parang bagyong nagbabadya ng malakas na daluyong.“Tumakbo ka ng ganito kalayo—para lang isauli ito?” Tanong niya ng hindi makapaniwala.“Oo naman, bakit?” Hindi na naghahabol ng paghinga si Natalie. Namumula pa rin ang pisngi nito na tila nahihiya. Pagkatap