Share

Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)
Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)
Author: AteJAC09

Chapter 1

Author: AteJAC09
last update Huling Na-update: 2022-02-12 10:02:31

Madeline's P. O. V.

Nakatayo ako sa harapan ng building ng company ng aking magulang. Kakatapos lamang ng klase ko at pinapapunta nila ako para raw makilala ko ang lalakeng ipapakasal nila sa akin. Ilang beses akong tumanggi pero ayaw talaga magpapigil nila Mama, para bang hawak nila ang buhay ko.

Napatingin ako sa aking bagong shoes, nagkaroon ito ng talsik ng putik dahil kakaulan lang. Raining season ngayon kaya madalas ang pag-ulan. Akmang pupunasan ko ang sapatos ko nang bigla kong maramdaman ang pagtalsik ng tubig sa aking blouse at palda.

"Sino 'yon!?" sigaw ko.

Agad na nag-init ang dugo ko nang makita ang isang kotse na huminto sa parking lot ng aming building. Napatingin ako sa suot ko na puno ng itim na marka ng putik. Mabilis akong lumapit sa kotse at hinampas nang ilang beses ang bintana nito.

Pumamewang ako at tumayo sa tapat ng drivers seat, bumukas ang pinto nito. Isang matangkad at gwapong lalake ang lumabas ng kotse.

"What's wrong with you?" tanong niya habang magkasalubong ang kaniyang kilay.

"Ang kapal ng mukha mo, hindi mo ba nakikita 'tong ginawa mo sa akin!?" sigaw ko at tinuro ang blouse kong may putik.

Tinitigan niya ito na parang wala lang. Tila ba wala siyang pakialam. Sa sobrang inis ko ay hinampas ko ang dibdib niya.

"Apologize!" sigaw ko.

Hindi siya kumibo at napa-cross arms pa ito na akala mo kung sinong matapang. Napataas ang kilay ko sa kaniya, sinusubukan ng lalakeng 'to ang pasensya ko.

"Don't you know who I am?" tanong niya.

Inirapan ko siya.

"Wala akong pakialam kung sino ka pa, mag-sorry ka ngayon din at palitan mo ang damit ko!" sigaw ko.

Pansin ko ang pagtitinginan ng mga taong dumaraan sa amin. Inirapan ko silang lahat at binalik ang pansin sa lalakeng may kasalanan sa akin.

"Here, for your uniform, student."

Naglabas siya ng kaniyang pitaka mula sa bulsa. Napaawang ang labi ko habang pinapanood siyang kumuha ng ilang libong pera at i-abot sa akin ito.

"Apologize first," ani ko.

Hindi siya nagsalita at kinuha ang kamay ko. Nilagay niya ang perang hawak niya sa aking palad sabay lakad papalayo. Niyukom ko ang kamao ko dahilan para malukot ang pera na binigay niya.

Hinanap ko siyang muli, nakita kong pumasok ito sa loob ng building nila Daddy. Mukhang empleyado siya ni Mommy at Daddy tapos hindi niya ako kilala na anak ako ng may-ari ng building na kinatatayuan niya ngayon.

"Patay ka sa akin, matatanggalan ka ng trabaho ngayon dahil sa ginawa mo sa akin!"

Mabilis akong tumakbo papasok ng building. Agad akong nakilala ng guard at ilang employee. They bowed at me and someone held my arms. I was shocked to saw my uncle.

"Tito Bryan," ani ko.

"Bakit puno ng putik ang uniform mo?" tanong niya.

"Someone did it, and now he's gonna pay for it!" inis kong sambit.

"Maddy, wala ka na namang pasensya, nag-sorry ba sa 'yo?"

"Yun nga, Tito. Hindi siya nag-sorry and offered me this!" ani ko at tinaas ang kamay kong puno ng ilang libong cash.

Napailing si Tito. Sanay na siya sa akin since bata ako, palagi akong nagagalit sa maliliit ba bagay at wala silang magawa kundi pakalmahin ako.

"Come on, Maddy. Palagpasin mo na siya kung sino man siya dahil hinahanap ka na ng Mommy at Daddy mo sa office nila."

Napatango ako kay Tito.

"Sige po. Kayo po ba, saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Kakatapos ko lang makipag-usap sa supervisor, aalis ako ngayon para pumunta sa manufacturer. Sige na, kanina ka pa hinihintay sa office."

"Sige po, Tito. Ingat po kayo," ngumiti ako sa kaniya.

Naglakad na siya palayo, nawala ang ngiti sa aking labi nang maalala ang kasalanan sa akin ng masungit na lalake. Akala ba niya masasampal niya ako ng pera? Hindi ako papayag na hindi matatanggal ang trabaho niya!

Tumakbo ako patungo sa elevator, nagulat ako nang makita ko ang lalaking nakita ko kanina na pumasok sa loob. Dahil malayo pa ako sa elevator ay bigla itong nagsara. Hindi ko na naabutan. Napapadyak ako at tumingin sa itaas ng elevator para malaman kung anong floor siya pupunta.

"Tenth floor!" sigaw ko nang huminto ito ng 10th floor.

Agad kong pinindot ang kabilang elevator para sumakay doon. Patuloy ako sa pagpadyak ng paa ko habang hinihintay na makarating ako sa 10th floor. Tumunog ang elevator hudyat para makarating ako sa palapag na pupuntahan ko.

Napatigil ako nang makita ang pamilyar na lalake. Nakatayo ito sa glass window ng building habang nakatapat ang kaniyang cellphone sa tenga nito. Napabuntong hininga ako at dahan-dahang lumapit sa kaniya.

"I know, but it will cause a damage. You care only about yourself, huh? Igalang mo naman ako, I'm your older brother."

Umiral naman ang pagiging chismosa ko. Dahan-dahan kong inilapit ang aking tenga sa kanya habang nakatalikod ito sa akin.

"Then study hard, ang hirap kasi sa 'yo umaasa ka pati kay Mom. You know she's having a hard time already. She's a single mother, and I respect her decisions for me."

Napakunot ang noo ko.

Ibig niya bang sabihin, wala na ang kaniyang ama? Dahil single Mom na lang ang Mommy niya? Or hiwalay sila? Broken family?

"Oo, kahit ayoko. Gagawin ko 'to for our family. I hope you can somehow appreciate that."

Napatingin ako sa kaniya. Bakit dama ko rin yung pressure dahil sa sinabi niya, parang may gagawin siyang ayaw niyang gawin at napipilitan lang siya. Napailing ako sa awa sa kaniya, naibsan naman iyon nang maalala ang hindi niya pagso-sorry.

Tama, pangit ang ugali niya kaya dapat lang sa kanya 'yon, magdusa siya!

Nataranta ako nang bigla niyang ibulsa ang kaniyang cellphone. Napalingon siya sa akin at napaatras sa gulat. Dahil mayroong malaking paso sa likod niya ay doon siya umatras, nagulat ako nang mapaupo siya sa malaking halaman na naroon.

"Sh*t!" sigaw niya.

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko. Bakas sa mukha nito ang inis, tumayo siyang muli at nang tumalikod ito ay nakita ko ang putik sa kaniyang pwit-an. Basa pa pala ang lupa at mukhang bagong dilig, dumikit iyon lahat sa kaniyang pwit.

"Buti nga sa 'yo, palibhasa pagso-sorry lang hindi mo pa magawa," tumatawa kong sambit.

"Hindi ko kasalanan na nakatayo ka sa gilid ng kalsada. What do you want me to do? Paliparin ko yung kotse para hindi ko magulungan yung tubig!?" sigaw niya.

Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi nito. I inhaled and closed my eyes.

"Eh, tarantado ka pala! Namimilosopo ka pa kaysa aminin mong mali ka. Anong gusto mong gawin ko? Lumutang sa kalsada para hindi matalsikan ng putik, samantalang ikaw 'tong pwede namang magdahan-dahan sa pagmamaneho!" sigaw ko.

"I don't have time to argue with you, I have an important meeting to attend, woman."

Napairap ako nang talikuran niya ako. Hinabol ko siya at nagulat ako nang hawakan niya ang doorknob ng office ni Daddy.

"Hoy! Anong gagawin mo diyan? Bakit papasok ka diyan?" tanong ko.

"I have a meeting," walang gana niyang sagot.

"Ako ang mauuna!" hinawakan ko ang doorknob at nakipag-agawan sa kaniya.

"Crazy woman!" sigaw niya at sinagi ako.

Napaatras ako sa ginawa niya. Gustong-gusto kong suntukin siya sa mukha ngayon din pero tatanggalan ko na lang siya ng trabaho. Muli kong hinawakan ang doorknob habang pilit niya akong tinutulak.

"Ako na!"

"You're just a student!"

"Hindi mo kilala ang binabangga mo ngayon, kung sino ka man!"

"I am not playing with you, this is a serious matter!"

"Tatanggalin ko ang trabaho mo, kahit ano pa ang posisyon mo sa building na 'to!"

"I don't care about your nonsense, I have to enter this room, now!"

"Hindi! Mauuna ako!"

Sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin ay napaupo ako sa sahig. Nauna ang pwit-an ko kaya napabukaka ako sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatitig siya sa loob ng palda ko. Noon ko napagtanto na kita na niya ang panloob kong shorts.

"Bastos! Isusumbong kita kay Daddy!" sigaw ko.

"What? Ako pa talaga, ikaw 'tong bumukaka nang kusa!" sigaw niya.

Sa inis ko ay hinawakan ko ang pants niya at hinila ito. Pilit naman niyang hinahawakan ang belt niya at itinataas.

"Baliw ka ba talaga? Stop it!" sigaw niya.

"You owe me an apology! Now, apologize to me!"

"Never, it's not my fault, it's yours!"

Napaupo siya sa sahig dahil sa paghila ko ng pants niya. Hinawakan ko ang kaniyang polo at hinila ito, natanggal ang butones niya at tumilapon sa kung saan.

Bigla niyang hinawakan ang leeg ko kaya agad ko ring hinawakan ang leeg niya. Idiniin ko ang kuko ko sa kaniyang leeg dahilan para mapasigaw siya sa sakit. Napangiti ako nang mabitawan niya ang leeg ko at agad na hinawakan ang kamay ko.

"F*ck!" sigaw niya sa sakit.

"Who's shouting here---Mr. Aguilar, Maddy!"

Napabitaw ako sa lalake nang marinig ang boses ni Mommy. Nakatayo ito sa pinto habang nasa likod niya si Daddy. Nang makita ni Daddy ang lalakeng nasa harapan ko ay agad niya itong nilapitan.

"Maddy, bakit mo naman sinaktan ang lalakeng ipapakasal namin sa 'yo?" nag-aalalang sambit ni Daddy.

Tila ba gumuho ang mundo ko sa sinabi ni Daddy. Nagkatitigan kami ng lalake.

"Ikaw!?"

***************

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 2

    Raven's P. O. V.Kumikirot ang leeg ko, ramdam ko pa rin ang pagbaon ng kuko niya sa akin. Ayoko lang ipakita na mukha akong mahina at iiyak na dahil lang sa kuko ng babaeng nasa harapan ko ngayon. I act normal, although hindi ako makaupo dahil ramdam ko ang dumi sa aking pants."Mr. Aguilar, I am very sorry. Bata pa ang anak ko at nakakagawa ng mali, sana bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon," ani Mrs. Rosario, ang ina ni Madeline.Hindi ko akalain na ang babaeng ito ang papakasalan ko, ang hirap isipin na araw-araw kong makikita at makakasama ang kagaya niya, paano na lang ako? Hanggang kailan ako magtitiis sa ugali ng babaeng 'to."Mom, I told you, siya po ang nauna. Wala nga akong ginagawa, kung hindi niya ako tinalsikan ng putik, eh 'di sana okay na okay kami ngayon," reklamo ni Madeline.Napabuntong hininga ako. Mukhang wala siyang balak magpatalo."Mr. and Mrs. Rosario, I want to forget this incident. Iyon ay kun

    Huling Na-update : 2022-02-12
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 3

    Madeline's P. O. V.Pinasakay niya ako sa kaniyang kotse. Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kaniya, kahit napapansin ko ang feeling close niya na sa akin. Kung hilahin niya ako akala mo wala siyang ginawang kasalanan sa akin."Bakit ba hindi mo na lang ako minessage?" irita kong tanong at sinuot ang seatbelt.Pinaandar nito ang sasakyan. Wala akong kamalay-malay kung saan niya ako dadalhin ngayon."Hindi ko alam ang number mo.""Pero alam mo kung saan ako nag-aaral?" tanong ko.Binigyan niya ako ng sulyap, hindi pa matagal ang pagsasama namin pero bumubuo agad kami ng pagtatalunan. Wala akong magagawa, kung ganito ba naman kasi ang ugali niya."Your father told me to fetch you. I was looking for you, wala ka sa company at sabi ng Dad mo na uwian mo na at sunduin kita, okay?" iritable ang tono ng kaniyang boses."So, bakit mo naman ako hinahanap, anong meron sa kasal natin?" tanong ko ulit."My mother

    Huling Na-update : 2022-02-12
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 4

    Madeline's P. O. V."Oh! Bakit mo binabaan yung future husband mo?" tumatawang sabi ni Roselle."Kilabutan ka nga," irita kong sabi at uminom muli ng alak.Tumabi sa akin si Roselle saka dinikit ang kaniyang mukha sa akin."Kapag ganyang chupapi, hindi na dapat pinapalampas. Kagaya nung lalake na 'yon." Tumuro siya sa mga lalakeng nakatayo sa harapan ng stage. "Tignan mo yung lalakeng nakakulay light blue na polo, mukhang mayaman na Tito na single.""Huy! Grabe ka na Roselle, narinig ko 'yon kahit malayo." Umirap si Catalina sabay inom ng alak."Chismosa ka. Tara na, lapitan natin. Malayo

    Huling Na-update : 2022-04-01
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 5

    Madeline's P. O. V.Hinila ni Raven ang dalawang balikat ko patayo. Napatitig ako sa mga mata niya. Bakit pakiramdam ko ay nag-aalala siya?"Huwag ka na makisali sa away ng pamilya ko," malungkot kong sambit."They will be my family too, you will become my wife soon."Napaiwas ako ng tingin, parang ang awkward naman nito. Talagang kine-claim niya na magiging asawa niya ako, wala ba siyang ibang babaeng gusto at okay lang na ikasal siya sa kagaya ko?"B-Bitawan mo na 'ko," nauutal kong sambit at tinanggal ang kaniyang kamay na nakahawak sa balikat ko."Maddy, ayokong magkaroon ng gulo. I wa

    Huling Na-update : 2022-04-03
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 6

    Madeline's P. O. V.Pagsapit ng dapit-hapon, habang abala ang lahat sa pag-aayos dahil uuwi na sila at tapos na ang kasalan namin. Ako ay mag-isang naglakad patungo sa dalampasigan para panoorin ang paglubog ng araw."Napakabilis ng araw..." bulong ko.Napahalukipkip ako nang madama ang malamig na hangin. Pinapanood ko ang mga bata na naglalaro ng buhangin sa tabi ko. Bahagya akong napangiti nang makagawa ito ng castle na gawa lamang sa sand. Pumalakpak ang batang babae sa tuwa, tila ba achievement ang kaniyang nagawa."Kuya, tignan mo gawa 'ko!" sigaw ng bata sa lalakeng nasa tabi ng tubig at kumukuha ng tubig alat sa kaniyang cup."Bakit naka

    Huling Na-update : 2022-04-04
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 7

    Madeline's P. O. V.Nagising ako nang may marinig akong sigaw, natatandaan ko ang boses nito at ang pagkakakilanlan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko pero hindi ako kumikilos. Nakita ko si Raven na nakatayo habang nakasandal sa bukas na pintuan. Nakatapat ang cellphone niya sa kaniyang tenga."That's why I told you to study hard," aniya sabay kamot sa kaniyang batok.Mukhang galit ito, base sa tono ng boses niya at sa pagkakasalubong ng mga kilay niya. Although halos araw-araw naman magkasalubong ang kilay niya."Reasoning won't make you grow. Kung ano-ano pa sinasabi mo when you already knew that you did something wrong, why can't you just accept it?"Taimtim akong nakinig sa kaniyang sermon, I wonder kung sino ang kausap niya. Parang halos lahat ng nakakausap niya cold siya. Pwera pala kala Mommy at Daddy, palibhasa may kailangan.

    Huling Na-update : 2022-04-05
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 8

    Raven's P. O. V.Habang pinapanood ko ang pagbaba ng araw ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. A sad past suddenly popped up on my mind, reminding me how a great father my Dad was. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong pabayaan si Mommy, dahil kagaya ni Daddy, gusto ko ring maging independent at tumayo para sa pamilya namin."Hoy, Raven! Ayaw mo na bumabad?" sigaw ni Madeline habang naliligo sa dagat.Umiling ako sa kaniya. Pinunasan ko ang buhok ko gamit ang twalya na aking hawak. Nakapagbabad naman ako ng isang oras noong nawawala na ang init ng araw. Habang itong si Madeline ay namumula na ang balat hindi pa rin tumitigil, para siyang bata na ngayon lang nakakita ng dagat.She never stopped playing with the ocean water. She even made me as a photographer, para lang magkaroon siya ng mga pictures na ipo-post sa social media. Naging rason lang kasi kung bakit si

    Huling Na-update : 2022-04-06
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 9

    Madeline's P. O. V.Naalimpungatan ako nang tumama ang noo ko sa matigas na bagay. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang mapansing nakasubsob ako sa leeg ng lalakeng pinakasalan ko. Napalunok ako ng ilang beses at hindi ko alam kung gagalaw ba ako o ano, hindi ko alam kung gising ba siya o tulog pa.Bigla niyang ginalaw ang kaniyang balikat. Nagkaroon ako ng pagkakataon para dahan-dahang umalis sa pwestong kinahantungan namin. Ngunit nang makahiga ako sa unan ay mas lalo akong nagulat nang makitang dilat ang mga mata ni Raven, tumitig ito sa akin na parang wala lamang ang nangyare."R-Raven..." bulong ko sa kahiyaan.Nagsimulang mag-init ang pisngi ko. Sobrang lapit ng aming mukha kaya agad akong napaupo sa kama."Nakakangawit. How come napunta ka dito sa tabi ko?" aniya at naupo sa kama.Napaiwas ako ng tingin at hinila an

    Huling Na-update : 2022-04-07

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Epilogue

    Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 78

    5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 77

    Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 76

    Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 75

    Madeline's P. O. V."Huwag ka na kaya magluto ng lunch mamaya?" suhestyon ko kay Raven habang kumakain kami ng umagahan."It depends, why?" Napairap ako, nagsu-suggest na nga akong huwag na pero parang gusto niya pa ring magluto at kumain na naman dito si Prof."Bakit ba gusto mong magluto? Pwede naman tayong um-order na lang. Masyado kasing epal si Prof. magaling nga siyang guro pero yung ugali, tagilid." Pabagsak kong binitawan ang kutsara ko sabay kuha ng aking hot chocolate drink."Love, it's not like that. Gusto ko lang ring kumain ka ng niluluto ko. Sunday ngayon, tapos the next five days, I'll be busy again." Mahinahon ang pagsasalita niya habang nakatitig sa akin."Kahit na ba! As long as dito kakain yung haliparot na 'yon, huwag ka magluto." Padabog kong ipinatong sa lamesa ang tasa ko. Napapikit naman si Raven sa lakas ng tunog na nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang napapagod na siya sa ugali ko."Love, can you calm down?" aniya sabay bitaw sa kutsara'

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 74

    Madeline's P. O. V."Grabe, I didn't knew you're best sa kusina, Sir Raven!" Napatigil ako sa pagnguya, pakiramdam ko exaggerated na ang reaksyon ni Prof. Pauline. Ganoon lang ba talaga siyang klaseng tao? Matalino siya at friendly, pero minsan mapapansin talaga na hindi normal yung kilos niya, especially ang tawa niya."Thank you for the compliment, Prof. Pauline." Ngumiti si Raven at kinuha ang basong juice niya na melon dahil pinangakuan niya ako.Biglang kinuha rin ni Prof. Pauline ang kaniyang basong juice sabay taas nito, tumingin siya sa akin."Cheers?" aniya.Naiilang akong kinuha ang baso ng juice ko, go with the flow lamang ako. Nakangiti naman si Raven habang pinagdidikit namin ang mga baso namin. Parang nagugustuhan naman niya ang pakikisama ni Prof. "Bukas, sunday. Are you still available for tutoring?" tanong ni Raven."Of course, pwedeng-pwede. Kung okay lang ding mag-aral ng sunday, Mrs. Madeline?" tanong nito at tumingin sa akin."H-Huh? Okay lang naman... Para din

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 73

    Madeline's P. O. V.Kinabukasan ay sabay kaming nag-umagahan ni Raven sa hapagkainan, siya na naman ang nagluto. Omelette ang aming almusal, wala ring mintis ang sarap ng kaniyang pagluluto. Kailan ko kaya matututunan ang ginagawa niya."Love, alam mo?" tumigil ako sa pagnguya."Don't speak when your mouth is full," aniya at binaba ang tasa ng kape."Psh, may sasabihin lang e'." Inirapan ko siya.Napansin naman niya ang pag-iba ng mood ko, binitawan niya kaagad ang hawak niyang kutsara saka hinawakan ang kamay ko."I'm sorry... Sige, ano ba 'yong sasabihin mo?" tanong niya."Wala na, ayoko na." Pag-iinarte ko."Love naman..." malambing ang tono ng kaniyang boses."Gusto ko lang sana itanong din," tumingin ako sa kaniya habang nagsasalita. "May balak ka bang turuan akong magluto? I mean, alam ko naman kasing busy person ka, so... Gusto mo itanong kung maisisingit mo ba sa time mo yung pagtuturo sa akin sa kusina?" Napatango siya ng ilang beses at binitawan ang kamay ko. Naghintay ako

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 72

    Madeline's P. O. V.Parang tumalon ang puso ko sa saya nang marinig ang pagbukas ng automatic gate, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Raven na papasok sa garahe. Bumangon ako mula sa sofa at binuksan ang main door. Nakita kong lumabas ng kotse si Raven dala ang kaniyang laptop bag. "Oh, what are you doing there?" tanong niya."Malamang sinasalubong ka. Ang boring kaya dito mag-isa," sabi ko.Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Napapikit ako at tumugon sa kaniya. Bigla akong napasandal sa bukas na pintuan habang sinisiil ako nito ng halik. Napahawak ako sa kaniyang leeg."I missed you," bulong niya nang humiwalay sa akin.Napalunok ako ng ilang beses, pakiramdam ko ay nabitin ako. Tumalikod siya para ibaba sa sofa ang hawak niyang laptop bag. Napahawak ako sa labi ko, bigla siyang naging aggressive, not bad dahil masarap ang halik niya."Is there a problem?" tanong ni Raven.Nagising ako sa reyalidad. Napataas ang kilay ko at umiling.

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 71

    Madeline's P. O. V.Nang matapos ang dinner date namin. Inuwi na ako ni Raven sa bahay niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at unang hakbang ko sa bahay ay tila napuno ako ng halo-halong emosyon."Is there a problem, Love?" tanong ni Raven at hinawakan ang beywang ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga ako at tinignan siya."Na-miss ko dito. Punong-puno ng memories ang bahay na 'to, tayong dalawa... Kapag naaalala ko na sana may kasama na tayong batang malikot at makulit. Nakakalungkot, pero siguro hindi pa nga ngayon yung right time natin para maging isang ganap na magulang." Ngumiti ako ng pilit."I really appreciate your positive thoughts, na this isn't the right time. Umaasa naman ako na kung darating ang right time na 'yon, nasa tamang edad ka na. Walang problema sa trabaho ko, tapos hindi ka rin stress sa business niyo. May mas malaki na tayong bahay at---""Teka," pinatigil ko siya sa pagsasalita. "Lilipat pa ba tayo ng bahay? Iyon ba ang plano mo?" tanong ko.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status