Share

Chapter 4

Author: AteJAC09
last update Huling Na-update: 2022-04-01 17:37:29

Madeline's P. O. V.

"Oh! Bakit mo binabaan yung future husband mo?" tumatawang sabi ni Roselle.

"Kilabutan ka nga," irita kong sabi at uminom muli ng alak.

Tumabi sa akin si Roselle saka dinikit ang kaniyang mukha sa akin.

"Kapag ganyang chupapi, hindi na dapat pinapalampas. Kagaya nung lalake na 'yon." Tumuro siya sa mga lalakeng nakatayo sa harapan ng stage. "Tignan mo yung lalakeng nakakulay light blue na polo, mukhang mayaman na Tito na single."

"Huy! Grabe ka na Roselle, narinig ko 'yon kahit malayo." Umirap si Catalina sabay inom ng alak.

"Chismosa ka. Tara na, lapitan natin. Malayo pa lang mukha nang mababango," ani Roselle sabay hawak sa aking kamay.

Tinignan ko si Catalina para sumama rin sa amin pero pinangunahan niya ako ng pag-iling saka tinaas ang baso ng alak niya.

"Saglit lang, maglalandi muna kami," ani ko.

"Enjoy, girls!" tumatangong sabi ni Catalina.

Bakas naman sa mukha ni Roselle ang kilig habang papalapit kami sa mga lalakeng naroon. Napatingin sa akin ang lalakeng naka-white na polo. Mukhang magbabarkada ang mga ito, ngumiti siya nang magtama ang mata namin.

"Hi, are you the girl from the dating app?" aniya sa akin.

"W-What?" naguguluhan kong sambit.

"Mukhang single, dating app daw," bulong ni Roselle sa tenga ko.

Napangiti naman ako, tila ba may kung anong kumiliti sa akin at nakaisip ako ng kahuratan. Nilapitan ko ang lalakeng naka-white na polo saka humawak sa braso niya.

"I'm sorry, nakalimutan ko kasi yung itsura mo. So, you're the guy that I've been talking to--for how long na nga ba?" tanong ko.

Bigla niya akong inakbayan. Napansin ko ang kamay niyang mahigpit na humawak sa balikat ko.

"For a week, sa wakas nag-face reveal ka rin." Tinitigan niya ako sa mukha ko.

Halata namang gandang-ganda siya sa akin. Bahala na kung sino man yung babaeng dapat ka-meet up niya.

"Chikababes pala talaga yung kausap mo sa dating sites, pare. I will try that too, wish me luck!" ani ng lalakeng naka light blue na polo.

"Bakit ka pa pupunta sa dating site, kung nandito na ang kaibigan ko. Meet my best friend, she's..." tinignan ko si Roselle.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Catalina!"

Napakunot ang noo ko sa pangalan na binanggit niya. Nakipagkamay pa siya sa lalake, nakakapagtaka naman na pangalan pa ni Catalina ang ginamit niya? Mukhang wala siyang balak seryosohin ang gabing ito, flirting stage pa rin pala si Roselle, samantalang ako ay tatalon na agad sa wedding stage.

Nakakainis, tuwing naiisip ko na ang bilis ng mga nangyayare. Hindi man lang kami dumaan ni Raven sa flirting stage, getting to know each other stage at committing stage.

"I've been waiting for you. Gusto mo ba magpahinga sa loob ng VIP room?" tanong niya.

Napairap ako, hindi pala landi lang ang habol nito. Mukhang kapag sumama ako ay ikakama ako agad. Over my dead body, no way.

"Uhhmmm... About that..." Unti-unti kong tinanggal ang pagkaka-akbay ko sa kaniya.

"What?"

Nasagap ng aking mata ang upuan namin, kung saan naiwan si Catalina. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may katabi na siyang lalake roon na may kulay ang buhok at nakangiti sa kaniya. Agad akong kinutuban ng masama dahil hindi naman gusto ni Catalina ang makipaglandian.

"Bes!" tawag ko kay Roselle.

Napatigil siya sa pakikipaglandian sa lalakeng naka-light blue na polo dahil napatingin siya sa akin. Muli akong lumingon sa upuan ni Catalina at nakita kong umusog ito palayo sa lalake pero dumikit sa kaniya ang lalake. Nang makita kong umangat ang kamay ng lalake sa balikat ni Catalina ay hindi ako nagdalawang isip na tumakbo.

"HOY! BITAWAN MO ANG KAIBIGAN KO!" sigaw ko.

Hindi ako narinig ng lalake, maski si Catalina. Sobrang lakas kasi ng tugtog kaya halos hindi na magkarinigan. Naramdaman ko naman ang presensya ni Roselle sa likod ko na sumunod sa akin.

"ROSELLE! MADDY!" sigaw ni Catalina nang makita kami. Tumayo siya at lumapit sa amin.

Nagulat naman ang lalakeng katabi niya, hindi ako nagdalawang isip na kuhanin ang isang baso na may lamang alak at binuhos sa lalake.

"Napakabastos mo! Ilang beses niya ako sinubukang hawakan, inaaya niya ako sa kwarto! Hindi ako pick me girl!" sigaw ni Catalina.

Kumulo ang dugo ko sa mga narinig ko. Napagkiskis ko ang mga ngipin ko sa sobrang gigil.

"Sino ba kayo, ha? Bakit ba kayo nangengealam dito!?" sigaw ng lalake.

"Tarantado ka pala! Kaibigan niya kami, gunggong!" sigaw ko at agad na sinapak ito sa pisngi.

Halos masubsob siya sa lamesa dahil sa lakas ng suntok ko.

"Bastos ka!" sigaw ni Roselle.

"Lintek na mga bata kayo!" sigaw ng lalake.

Hindi ako natigil. Kinuha ko ang bote ng alak at marahas na binuhos sa kaniya. Sa sobrang galit nito ay tumayo siya at umakma sa akin.

"Ano! Sige! P*tangina mong bastos ka!" sigaw ko.

"P*****a kang--"

Handa nang tumama sa akin ang kamao ng lalake pero bigla na lang may sumalo sa kamay nito. Nagulat ang lalake nang may tumabig sa akin, naamoy ko ang pamilyar na pabango nito.

Kusang nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Raven. Tila ba bumagal ang ikot ng mundo ko sa ginawa niyang pag-ikot sa kamay ng lalake at hinawakan nito ang balikat saka pinatalikod. Bumagsak ang lalakeng manyak sa lamesa.

"Don't you dare touch that woman."

Hindi malakas ang kaniyang pagkakasalita ngunit sapat na para marinig ko. Napakurap ako ng ilang beses dahil hindi ko akalain na ipagtatanggol niya akong muli. Hindi ako sanay na mayroong lumalaban bukod sa akin, na handang sumalo ng suntok para sa akin.

"Bes, yung future mo!" sigaw ni Roselle sabay tulak sa akin.

Bigla akong nagising sa reyalidad. Dumating na pala ang mga bouncers at hinila ang lalakeng bastos palabas. Humarap naman sa amin si Raven, magkasalubong ang kilay niya at bakas ang galit nito sa kaniyang mukha.

"Paano nalaman ng soon to be husband mo na nandito tayo?" tanong ni Catalina.

"I tracked her location." Napalingon kami kay Raven nang siya ang sumagot.

Inayos niya ang kaniyang suot na polo habang papalapit sa amin.

"Bantay sarado na agad, hindi pa kasal," bulong ni Roselle.

"I heard that. Kaya nga pinoprotektahan ko si Madeline dahil inutos ng magulang niya, hindi rin ako iresponsableng tao. I know my duty as her fiance." Hinawakan ni Raven ang braso ko.

Nagpumiglas ako pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin.

"Ano ba? Sabihin mo sa parents ko, malaki na ako at kaya ko na tumayo sa sarili kong paa. Hindi niyo 'ko kailangan i-baby!" sigaw ko.

"I can't believe may gana ka pang gumanyan. Stop being a stubborn and go home! Hinahanap ka sa akin ng magulang mo, they are assuming that you're with me. Meaning, hindi nila alam kung nasaan ka!"

Napataas ang kilay ko. Mukhang akala nila Mommy nagkasundo na kami ng lalakeng 'to para isipin niyang kasama ko ang siraulong 'to.

"Ano bang pakialam mo!?" sigaw ko at bahagya siyang tinulak sa kaniyang dibdib.

Hindi man lang siya nagalaw sa kaniyang kinatatayuan mula sa pagkakatulak ko. Napakalakas naman niyang lalake?

"Tama na, Maddy. Hindi dapat kayo mag-away, ikakasal kayo tapos hindi kayo magkasundo ng chupapi mo," bulong ni Roselle sa tenga ko sabay hawak sa aking braso.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Catalina na humahagod sa likod ko.

"See? Kaya ayoko magpakasal sa lalakeng 'yan. Pakiramdam ko, masasakal lang ako lalo. I want freedom, ngayon ko pa nga lang na-eenjoy yung pagkadalaga ko. Kaka-eighteen ko pa lang, and I want to feel what teenage girls usually do!" sigaw ko at pumadyak pa.

"Shut up, you'll come with me, whether you like it or not." Hindi ako nakatanggi nang hilahin bigla ni Raven ang kamay ko.

Sa sobrang lakas niya ay wala akong nagawa. Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na naiwan ko, malungkot ang mga mukha nila at bakas ang pag-aalala. Hindi ko man lang na-enjoy ang gabing ito, na akala ko magiging masaya dahil kaunti na lang ang natitirang oras ng pagkadalaga ko.

"BITAWAN MO NA AKO!" sigaw ko dahil pakiramdam ko sumasakit na ang kamay ko sa pagkakahawak niya ng mahigpit.

Tuluyan kaming nakalabas ng bar, binitawan niya ako nang nasa parking lot na kami.

"Ihahatid muna kita, sumakay ka na sa kotse ko," utos niya.

"Ayoko---"

"Hindi mo ba naisip na mas napapahamak ka lang sa mga ginagawa mo!? Paano kapag napagalitan ka pa?" aniya gamit ang iritableng tono.

Pumamewang ako, pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa sobrang galit sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sasabog na ako. Gusto ko lang mag-enjoy, maging masaya. Kasama ang mga kaibigan ko.

"Ikaw na ang nagsabi, ikakasal lang tayo pero sa papel lang."

Tumitig siya sa mga mata ko.

"Yes, it's true. Kaso hindi mo maintindihan na kailangan ko ang kasal na 'to para sa pamilya ko, para sa future ko. I am doing this to gain a trust from your parents, para makita nila na okay lang kung ipagkakatiwala ka nila sa akin. I am doing this not because I want to, but because I need to."

Natahimik ako sa sinabi niya. Masama pa rin ang timpla ng kaniyang mukha at bakas ang galit nito. Napairap ako sa kaniya, hindi ko na alam ang isasagot ko.

"Sumakay ka na."

Narinig ko ang pagtunog ng katabing kotse kung saan dumiretso si Raven. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Tinuro niya iyon sabay tingin sa akin ng masama.

Wala akong nagawa kundi ang sumakay doon. Una kong napansin ang amoy ng kaniyang pabango sa loob ng kotse, hindi amoy ng air refresher.

"What's the problem?" tanong niya nang makaupo ito sa aking tabi.

Mukhang napansin niya ang pagsinghot ko sa paligid.

"Wala, mabango lang, yung pabango mo," ani ko sabay hila sa seatbelt.

"Huwag mo na uulitin 'to, aalis ka sa inyo nang walang paalam."

Tinignan ko siya ng masama. Para ko siyang kuya na nagpapangaral sa akin ah?

**************

Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ng kasambahay.

"Ma'am at Sir, nandito po pala kayo. Kakaakyat lang nila Madam sa kwarto nila. Tatawagin ko ho ba?" tanong ni Manang.

"Hindi na, hinatid lang naman ako ni Raven---"

"Sige po, Manang. Pakitawag na sila."

Nanlaki ang mga mata ko kay Raven. Mukha namang naguluhan si Manang, pero mas ikinagulat ko nang umakyat ito sa hagdanan at sinunod ang utos ni Raven.

"P*****a, ako ang nakatira dito, bakit kasi umepal ka pa? Ikaw pa ang sinunod!?" inis kong sabi sa kaniya.

Pinamulsa niya ang kaniyang dalawang kamay saka tumayo ng tuwid sa harapan ko.

"I am your fiance."

"Kapal, porket fiance. Hindi naman totoo, acting lang naman!" reklamo ko.

Nakarinig kami ng footsteps kaya natahimik kami ni Raven. Napatingin kami sa hagdanan. Nang makita ko ang kilay ni Mommy na magkasalubong ay agad na akong kinabahan. Mukhang may alam si Mommy, baka pagalitan nga ako.

"Madeline!"

Napapikit ako ng mariin, pagtawag pa lang sa pangalan ko... Mukhang sasamain ako.

"Who told you that you're already allowed to party in a club!?"

Nanlaki ang mga mata ko, napatingin ako kay Raven. Paanong nalaman ni Mommy 'yon?

"Sinumbong mo ba ako!?" hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang kwelyo ng polo ni Raven kahit na mas matangkad siya ay inabot ko ito.

Napaawang ang labi ko nang magawa pa nitong mag-smirk. Ang yabang ng dating niya!

"He's just concerned and told me where you are. Hindi ko akalain na ang kagaya mo magagawang mag-party sa mga ganoong lugar? Hindi kita pinag-aral para maging party girl!" sigaw ni Mommy.

"Hon, calm down. Baka tumaas ang presyon mo niyan," sumulpot si Daddy dala ang kaniyang cellphone.

Sa sobrang inis ko sa mga sinabi ni Mommy ay hindi ko napigilan ang sarili kong tabigin ang halaman na nakapatong sa side table. Napaatras si Mommy, napasigaw naman si Yaya sa gulat. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Daddy.

"Hindi mo kailangan magdabog, manira ng gamit dahil lang galit ka at pinagsasabihan ka. If you didn't disobey us, we will not nagged about your wrong doings, Maddy." Akmang hahawakan ako ni Daddy pero umatras ako.

"Ganyan naman kayo palagi, kinokontrol niyo yung buhay ko. Since elementary, kayo nagdedesisyon kahit kung sino yung dapat kong kaibiganin. When you heard my friend cursed, sabi niyo agad lumayo ako sa taong ganoon. Now pati ang pag-aasawa ko kayo ang pipili? I just can't accept my life right now!" sigaw ko at pumadyak.

"Maddy, enough---" Napalingon ako kay Raven nang magsalita ito.

"No, Raven! Hindi ko matatanggap na hindi ko mararamdaman yung dream kong teenage life!" sigaw ko at tumalikod.

Dali-dali akong naglakad palabas, naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Mommy, Daddy at Yaya. Hindi ko sila pinakinggan. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang galit, sa inis at pagkalungkot.

"Taxi!" sigaw ko nang may makita akong taxi na dumaan.

Hindi niya ako hinintuan dahil may sakay pala siya sa loob. Naglakad pa ako sa kalsada mag-isa. Pinipigilan kong maiyak sa sobrang inis.

"Maddy!"

Nakarinig ako ng malakas na busina ng motorsiklo. Isang lalake ang humila sa akin papunta sa gilid ng kalsada, hindi ko na namamalayan kung saan ako papunta. Nanghihina akong napaupo sa kinatatayuan ko.

"Maddy---"

Napakunot ang noo ko nang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Bakit ba nakiki-Maddy ka!?" sigaw ko.

***********************

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 5

    Madeline's P. O. V.Hinila ni Raven ang dalawang balikat ko patayo. Napatitig ako sa mga mata niya. Bakit pakiramdam ko ay nag-aalala siya?"Huwag ka na makisali sa away ng pamilya ko," malungkot kong sambit."They will be my family too, you will become my wife soon."Napaiwas ako ng tingin, parang ang awkward naman nito. Talagang kine-claim niya na magiging asawa niya ako, wala ba siyang ibang babaeng gusto at okay lang na ikasal siya sa kagaya ko?"B-Bitawan mo na 'ko," nauutal kong sambit at tinanggal ang kaniyang kamay na nakahawak sa balikat ko."Maddy, ayokong magkaroon ng gulo. I wa

    Huling Na-update : 2022-04-03
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 6

    Madeline's P. O. V.Pagsapit ng dapit-hapon, habang abala ang lahat sa pag-aayos dahil uuwi na sila at tapos na ang kasalan namin. Ako ay mag-isang naglakad patungo sa dalampasigan para panoorin ang paglubog ng araw."Napakabilis ng araw..." bulong ko.Napahalukipkip ako nang madama ang malamig na hangin. Pinapanood ko ang mga bata na naglalaro ng buhangin sa tabi ko. Bahagya akong napangiti nang makagawa ito ng castle na gawa lamang sa sand. Pumalakpak ang batang babae sa tuwa, tila ba achievement ang kaniyang nagawa."Kuya, tignan mo gawa 'ko!" sigaw ng bata sa lalakeng nasa tabi ng tubig at kumukuha ng tubig alat sa kaniyang cup."Bakit naka

    Huling Na-update : 2022-04-04
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 7

    Madeline's P. O. V.Nagising ako nang may marinig akong sigaw, natatandaan ko ang boses nito at ang pagkakakilanlan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko pero hindi ako kumikilos. Nakita ko si Raven na nakatayo habang nakasandal sa bukas na pintuan. Nakatapat ang cellphone niya sa kaniyang tenga."That's why I told you to study hard," aniya sabay kamot sa kaniyang batok.Mukhang galit ito, base sa tono ng boses niya at sa pagkakasalubong ng mga kilay niya. Although halos araw-araw naman magkasalubong ang kilay niya."Reasoning won't make you grow. Kung ano-ano pa sinasabi mo when you already knew that you did something wrong, why can't you just accept it?"Taimtim akong nakinig sa kaniyang sermon, I wonder kung sino ang kausap niya. Parang halos lahat ng nakakausap niya cold siya. Pwera pala kala Mommy at Daddy, palibhasa may kailangan.

    Huling Na-update : 2022-04-05
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 8

    Raven's P. O. V.Habang pinapanood ko ang pagbaba ng araw ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. A sad past suddenly popped up on my mind, reminding me how a great father my Dad was. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong pabayaan si Mommy, dahil kagaya ni Daddy, gusto ko ring maging independent at tumayo para sa pamilya namin."Hoy, Raven! Ayaw mo na bumabad?" sigaw ni Madeline habang naliligo sa dagat.Umiling ako sa kaniya. Pinunasan ko ang buhok ko gamit ang twalya na aking hawak. Nakapagbabad naman ako ng isang oras noong nawawala na ang init ng araw. Habang itong si Madeline ay namumula na ang balat hindi pa rin tumitigil, para siyang bata na ngayon lang nakakita ng dagat.She never stopped playing with the ocean water. She even made me as a photographer, para lang magkaroon siya ng mga pictures na ipo-post sa social media. Naging rason lang kasi kung bakit si

    Huling Na-update : 2022-04-06
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 9

    Madeline's P. O. V.Naalimpungatan ako nang tumama ang noo ko sa matigas na bagay. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang mapansing nakasubsob ako sa leeg ng lalakeng pinakasalan ko. Napalunok ako ng ilang beses at hindi ko alam kung gagalaw ba ako o ano, hindi ko alam kung gising ba siya o tulog pa.Bigla niyang ginalaw ang kaniyang balikat. Nagkaroon ako ng pagkakataon para dahan-dahang umalis sa pwestong kinahantungan namin. Ngunit nang makahiga ako sa unan ay mas lalo akong nagulat nang makitang dilat ang mga mata ni Raven, tumitig ito sa akin na parang wala lamang ang nangyare."R-Raven..." bulong ko sa kahiyaan.Nagsimulang mag-init ang pisngi ko. Sobrang lapit ng aming mukha kaya agad akong napaupo sa kama."Nakakangawit. How come napunta ka dito sa tabi ko?" aniya at naupo sa kama.Napaiwas ako ng tingin at hinila an

    Huling Na-update : 2022-04-07
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 10

    Madeline's P. O. V.Pagbalik sa Maynila ay tila ba naging back to normal ang buhay ko. Kahit alam kong kasal ako, hindi ko na maramdaman. Ito ang gusto ko, tipong malaya pa rin ako kahit kinasal ako ng patago."Na-miss ko ang malambot na kama ko!" sigaw ko.Humiga ako sa kama ko, kasabay noon ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Irita akong tumingin sa taong nagbukas noon."Kamusta ang honey moon ninyo?" tanong ni Mommy."Mom, why do you call it a honeymoon? Hindi naman kami romantic couple, we married each other because of the contract," ani ko at umupo sa dulo ng kama."We know that, sa pagdating ng araw... You will learn how to love your husband, Madeline."Napataas ang kilay ko."Mom, hindi ko siya magugustuhan. Sobrang cold niya, strikto, kaya ang boring niya kasama." Napa-cross arms ako.

    Huling Na-update : 2022-04-08
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 11

    Madeline's P. O. V.Pagbaba ko ng kotse ni Raven ay padabog kong sinarado ang pintuan ng passenger seat. Ayoko talagang nakakasama ang impakto na 'yon. Hindi ko pa nga rin nakakalimutan na niyakap ko siya habang tulog ako, punyeta talaga, self."Madeline, tara dito!" narinig ko ang boses ni Roselle.Tumingin ako sa hallway at nakita ko siyang kumakaway sa akin. Habang papalapit ako sa kaniya ay napansin ko ang pagtingin sa akin ng ilang estudyante sabay bulong sa mga katabi nila. Napakunot naman ang noo ko, bakit pakiramdam ko ako ang chismis nila? Baka naman assumera lang ako."Nasaan si Catalina?" tanong ko at umakbay kay Roselle."As usual, medyo late na naman ang babaeng 'yon sa sobrang bagal kumilos. Gagayak 'yon almost 2 hours.""Hygiene is life kasi 'yon, hayaan mo na."Naupo kami sa bench, nag-message kami kay Catalina

    Huling Na-update : 2022-04-09
  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 12

    Madeline's P. O. V.Pakiramdam ko ang sasabog ang mukha ko sa pamumula. Hindi dahil sa kahihiyan ngunit dahil sa pagkainis kay Raven lalo na sa mga taong nagpakalat ng fake news tungkol sa akin."Hop in," ani Raven at binuksan ang passenger seat.Tinitigan ko siya ng masama habang nabibingi ako sa ingay ng mga tao sa aming paligid, sobra sila kung mambuyo, halos lahat sila ay kinikilig sa kanilang nasasaksihan. Para kaming nasa isang pelikula, ngunit para sa akin, horror ang tema nito."Tsk!" Umirap ako at sumakay sa kotse.Nang isarado ni Raven ang pinto ay tinitignan ko ang mga tao sa labas, maski pala ang mga guro sa aming paaralan ay nakiki-osyoso rin sa mga kaganapan ngayon. Pakiramdam ko tuloy buong mundo ang may alam na kinasal ako kay Raven, kung ganoon... Paano ko mae-enjoy ang pagkadalaga ko? Wala na akong pagkakataon para makipaglandian sa hot guys?

    Huling Na-update : 2022-04-11

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Epilogue

    Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 78

    5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 77

    Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 76

    Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 75

    Madeline's P. O. V."Huwag ka na kaya magluto ng lunch mamaya?" suhestyon ko kay Raven habang kumakain kami ng umagahan."It depends, why?" Napairap ako, nagsu-suggest na nga akong huwag na pero parang gusto niya pa ring magluto at kumain na naman dito si Prof."Bakit ba gusto mong magluto? Pwede naman tayong um-order na lang. Masyado kasing epal si Prof. magaling nga siyang guro pero yung ugali, tagilid." Pabagsak kong binitawan ang kutsara ko sabay kuha ng aking hot chocolate drink."Love, it's not like that. Gusto ko lang ring kumain ka ng niluluto ko. Sunday ngayon, tapos the next five days, I'll be busy again." Mahinahon ang pagsasalita niya habang nakatitig sa akin."Kahit na ba! As long as dito kakain yung haliparot na 'yon, huwag ka magluto." Padabog kong ipinatong sa lamesa ang tasa ko. Napapikit naman si Raven sa lakas ng tunog na nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang napapagod na siya sa ugali ko."Love, can you calm down?" aniya sabay bitaw sa kutsara'

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 74

    Madeline's P. O. V."Grabe, I didn't knew you're best sa kusina, Sir Raven!" Napatigil ako sa pagnguya, pakiramdam ko exaggerated na ang reaksyon ni Prof. Pauline. Ganoon lang ba talaga siyang klaseng tao? Matalino siya at friendly, pero minsan mapapansin talaga na hindi normal yung kilos niya, especially ang tawa niya."Thank you for the compliment, Prof. Pauline." Ngumiti si Raven at kinuha ang basong juice niya na melon dahil pinangakuan niya ako.Biglang kinuha rin ni Prof. Pauline ang kaniyang basong juice sabay taas nito, tumingin siya sa akin."Cheers?" aniya.Naiilang akong kinuha ang baso ng juice ko, go with the flow lamang ako. Nakangiti naman si Raven habang pinagdidikit namin ang mga baso namin. Parang nagugustuhan naman niya ang pakikisama ni Prof. "Bukas, sunday. Are you still available for tutoring?" tanong ni Raven."Of course, pwedeng-pwede. Kung okay lang ding mag-aral ng sunday, Mrs. Madeline?" tanong nito at tumingin sa akin."H-Huh? Okay lang naman... Para din

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 73

    Madeline's P. O. V.Kinabukasan ay sabay kaming nag-umagahan ni Raven sa hapagkainan, siya na naman ang nagluto. Omelette ang aming almusal, wala ring mintis ang sarap ng kaniyang pagluluto. Kailan ko kaya matututunan ang ginagawa niya."Love, alam mo?" tumigil ako sa pagnguya."Don't speak when your mouth is full," aniya at binaba ang tasa ng kape."Psh, may sasabihin lang e'." Inirapan ko siya.Napansin naman niya ang pag-iba ng mood ko, binitawan niya kaagad ang hawak niyang kutsara saka hinawakan ang kamay ko."I'm sorry... Sige, ano ba 'yong sasabihin mo?" tanong niya."Wala na, ayoko na." Pag-iinarte ko."Love naman..." malambing ang tono ng kaniyang boses."Gusto ko lang sana itanong din," tumingin ako sa kaniya habang nagsasalita. "May balak ka bang turuan akong magluto? I mean, alam ko naman kasing busy person ka, so... Gusto mo itanong kung maisisingit mo ba sa time mo yung pagtuturo sa akin sa kusina?" Napatango siya ng ilang beses at binitawan ang kamay ko. Naghintay ako

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 72

    Madeline's P. O. V.Parang tumalon ang puso ko sa saya nang marinig ang pagbukas ng automatic gate, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Raven na papasok sa garahe. Bumangon ako mula sa sofa at binuksan ang main door. Nakita kong lumabas ng kotse si Raven dala ang kaniyang laptop bag. "Oh, what are you doing there?" tanong niya."Malamang sinasalubong ka. Ang boring kaya dito mag-isa," sabi ko.Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Napapikit ako at tumugon sa kaniya. Bigla akong napasandal sa bukas na pintuan habang sinisiil ako nito ng halik. Napahawak ako sa kaniyang leeg."I missed you," bulong niya nang humiwalay sa akin.Napalunok ako ng ilang beses, pakiramdam ko ay nabitin ako. Tumalikod siya para ibaba sa sofa ang hawak niyang laptop bag. Napahawak ako sa labi ko, bigla siyang naging aggressive, not bad dahil masarap ang halik niya."Is there a problem?" tanong ni Raven.Nagising ako sa reyalidad. Napataas ang kilay ko at umiling.

  • Arranged Marriage To A Trouble Maker (Tagalog)   Chapter 71

    Madeline's P. O. V.Nang matapos ang dinner date namin. Inuwi na ako ni Raven sa bahay niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at unang hakbang ko sa bahay ay tila napuno ako ng halo-halong emosyon."Is there a problem, Love?" tanong ni Raven at hinawakan ang beywang ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga ako at tinignan siya."Na-miss ko dito. Punong-puno ng memories ang bahay na 'to, tayong dalawa... Kapag naaalala ko na sana may kasama na tayong batang malikot at makulit. Nakakalungkot, pero siguro hindi pa nga ngayon yung right time natin para maging isang ganap na magulang." Ngumiti ako ng pilit."I really appreciate your positive thoughts, na this isn't the right time. Umaasa naman ako na kung darating ang right time na 'yon, nasa tamang edad ka na. Walang problema sa trabaho ko, tapos hindi ka rin stress sa business niyo. May mas malaki na tayong bahay at---""Teka," pinatigil ko siya sa pagsasalita. "Lilipat pa ba tayo ng bahay? Iyon ba ang plano mo?" tanong ko.

DMCA.com Protection Status