Madeline's P. O. V.
Nagising ako nang may marinig akong sigaw, natatandaan ko ang boses nito at ang pagkakakilanlan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko pero hindi ako kumikilos. Nakita ko si Raven na nakatayo habang nakasandal sa bukas na pintuan. Nakatapat ang cellphone niya sa kaniyang tenga.
"That's why I told you to study hard," aniya sabay kamot sa kaniyang batok.
Mukhang galit ito, base sa tono ng boses niya at sa pagkakasalubong ng mga kilay niya. Although halos araw-araw naman magkasalubong ang kilay niya.
"Reasoning won't make you grow. Kung ano-ano pa sinasabi mo when you already knew that you did something wrong, why can't you just accept it?"
Taimtim akong nakinig sa kaniyang sermon, I wonder kung sino ang kausap niya. Parang halos lahat ng nakakausap niya cold siya. Pwera pala kala Mommy at Daddy, palibhasa may kailangan.
<Raven's P. O. V.Habang pinapanood ko ang pagbaba ng araw ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. A sad past suddenly popped up on my mind, reminding me how a great father my Dad was. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong pabayaan si Mommy, dahil kagaya ni Daddy, gusto ko ring maging independent at tumayo para sa pamilya namin."Hoy, Raven! Ayaw mo na bumabad?" sigaw ni Madeline habang naliligo sa dagat.Umiling ako sa kaniya. Pinunasan ko ang buhok ko gamit ang twalya na aking hawak. Nakapagbabad naman ako ng isang oras noong nawawala na ang init ng araw. Habang itong si Madeline ay namumula na ang balat hindi pa rin tumitigil, para siyang bata na ngayon lang nakakita ng dagat.She never stopped playing with the ocean water. She even made me as a photographer, para lang magkaroon siya ng mga pictures na ipo-post sa social media. Naging rason lang kasi kung bakit si
Madeline's P. O. V.Naalimpungatan ako nang tumama ang noo ko sa matigas na bagay. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako nang mapansing nakasubsob ako sa leeg ng lalakeng pinakasalan ko. Napalunok ako ng ilang beses at hindi ko alam kung gagalaw ba ako o ano, hindi ko alam kung gising ba siya o tulog pa.Bigla niyang ginalaw ang kaniyang balikat. Nagkaroon ako ng pagkakataon para dahan-dahang umalis sa pwestong kinahantungan namin. Ngunit nang makahiga ako sa unan ay mas lalo akong nagulat nang makitang dilat ang mga mata ni Raven, tumitig ito sa akin na parang wala lamang ang nangyare."R-Raven..." bulong ko sa kahiyaan.Nagsimulang mag-init ang pisngi ko. Sobrang lapit ng aming mukha kaya agad akong napaupo sa kama."Nakakangawit. How come napunta ka dito sa tabi ko?" aniya at naupo sa kama.Napaiwas ako ng tingin at hinila an
Madeline's P. O. V.Pagbalik sa Maynila ay tila ba naging back to normal ang buhay ko. Kahit alam kong kasal ako, hindi ko na maramdaman. Ito ang gusto ko, tipong malaya pa rin ako kahit kinasal ako ng patago."Na-miss ko ang malambot na kama ko!" sigaw ko.Humiga ako sa kama ko, kasabay noon ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Irita akong tumingin sa taong nagbukas noon."Kamusta ang honey moon ninyo?" tanong ni Mommy."Mom, why do you call it a honeymoon? Hindi naman kami romantic couple, we married each other because of the contract," ani ko at umupo sa dulo ng kama."We know that, sa pagdating ng araw... You will learn how to love your husband, Madeline."Napataas ang kilay ko."Mom, hindi ko siya magugustuhan. Sobrang cold niya, strikto, kaya ang boring niya kasama." Napa-cross arms ako.
Madeline's P. O. V.Pagbaba ko ng kotse ni Raven ay padabog kong sinarado ang pintuan ng passenger seat. Ayoko talagang nakakasama ang impakto na 'yon. Hindi ko pa nga rin nakakalimutan na niyakap ko siya habang tulog ako, punyeta talaga, self."Madeline, tara dito!" narinig ko ang boses ni Roselle.Tumingin ako sa hallway at nakita ko siyang kumakaway sa akin. Habang papalapit ako sa kaniya ay napansin ko ang pagtingin sa akin ng ilang estudyante sabay bulong sa mga katabi nila. Napakunot naman ang noo ko, bakit pakiramdam ko ako ang chismis nila? Baka naman assumera lang ako."Nasaan si Catalina?" tanong ko at umakbay kay Roselle."As usual, medyo late na naman ang babaeng 'yon sa sobrang bagal kumilos. Gagayak 'yon almost 2 hours.""Hygiene is life kasi 'yon, hayaan mo na."Naupo kami sa bench, nag-message kami kay Catalina
Madeline's P. O. V.Pakiramdam ko ang sasabog ang mukha ko sa pamumula. Hindi dahil sa kahihiyan ngunit dahil sa pagkainis kay Raven lalo na sa mga taong nagpakalat ng fake news tungkol sa akin."Hop in," ani Raven at binuksan ang passenger seat.Tinitigan ko siya ng masama habang nabibingi ako sa ingay ng mga tao sa aming paligid, sobra sila kung mambuyo, halos lahat sila ay kinikilig sa kanilang nasasaksihan. Para kaming nasa isang pelikula, ngunit para sa akin, horror ang tema nito."Tsk!" Umirap ako at sumakay sa kotse.Nang isarado ni Raven ang pinto ay tinitignan ko ang mga tao sa labas, maski pala ang mga guro sa aming paaralan ay nakiki-osyoso rin sa mga kaganapan ngayon. Pakiramdam ko tuloy buong mundo ang may alam na kinasal ako kay Raven, kung ganoon... Paano ko mae-enjoy ang pagkadalaga ko? Wala na akong pagkakataon para makipaglandian sa hot guys?
Raven's P. O. V."I want all the negative comments disappear. Kapag may nabasa pa akong negative comment, I will deduct it on your salary," sabi ko sa kausap kong magaling na IT."You will never be disappointed, sir Aguilar."Nilahad niya ang kaniyang kamay. Tinanggap ko naman ito."Thank you, you may now go and do your job."Tumango ito, bahagya siyang nag-bow bago umalis sa harapan ko. Tumayo ako mula sa aking swivel chair at humarap sa glass window kung saan nakikita ko ang reflection ko. Tinanggal ko ang butones ng aking polo sa bandang leeg dahil parang nasasakal na ako.May kumatok sa pinto kaya napatingin ako rito."Come in," ani ko."Sir, good evening po," ani ng aking secretary na si Bianca."Where's the papers I need to sign?" tanong ko."Dala ko na po ng
Madeline's P. O. V.Nakatitig ako sa kisame ng bahay, mabuti na lang at wala nang pasok. Kanina pa ako tinatawag ni Yaya para kumain ng almusal dahil magtatanghalian na. Ayoko pa bumangon, wala akong gana matapos ang lahat ng nangyayare. Ni-hindi ako kumain ng dinner, nakikipagmatigasan talaga ako, inaamin ko. Titiisin ko sila kagaya ng pagtitiis nila sa akin."Ma'am, bumaba na po kayo para magtanghalian. Hindi rin po kayo kumain kagabi kaya sabi sa akin ni Sir pakainin po kita," ani Yaya habang kumakatok sa aking pinto.Hinila ko ang kumot ko saka kinuha ang aking cellphone sa side table."Hindi ako gutom!" sigaw ko.Napatingin ako sa oras mula sa aking cellphone, it's 11:30 am. Nasa dalawang oras na pala akong gising. Wala akong balak bumangon dahil pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Gusto ko lang mahiga buong araw. Saka muling bumalik sa tulog.
Madeline's P. O. V.Tahimik lang ako hanggang sa matapos akong kumain. Sinabayan ako ni Raven sa pagkain, kahit na nauna akong kumain ay nahuli pa rin ako, aminado naman akong mabagal akong kumain. Kailangan kasi nguyain ng mabuti ang pagkain para hindi ako ma-bloated. I'm maintaining my sexy body."Pagkatapos nito, may gagawin ka ba?" tanong ni Raven."Wala, hihiga at matutulog.""Do you want to go out?"Napataas ang kilay ko. Hindi ko akalain na iimbitahin niya ako, anong balak niya? Date ba ang mangyayare sa magiging lakad namin kung papayag ako."Saan pupunta?" tanong ko."Anywhere, para makapag-unwind ka. I know that it's tough dealing this kind of scenario in a young age."Dahan-dahan akong napatango. Bigla akong nawalan ng gana."Makikita lang tayo ng paparazzi and they will cre
Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k
5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n
Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli
Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa
Madeline's P. O. V."Huwag ka na kaya magluto ng lunch mamaya?" suhestyon ko kay Raven habang kumakain kami ng umagahan."It depends, why?" Napairap ako, nagsu-suggest na nga akong huwag na pero parang gusto niya pa ring magluto at kumain na naman dito si Prof."Bakit ba gusto mong magluto? Pwede naman tayong um-order na lang. Masyado kasing epal si Prof. magaling nga siyang guro pero yung ugali, tagilid." Pabagsak kong binitawan ang kutsara ko sabay kuha ng aking hot chocolate drink."Love, it's not like that. Gusto ko lang ring kumain ka ng niluluto ko. Sunday ngayon, tapos the next five days, I'll be busy again." Mahinahon ang pagsasalita niya habang nakatitig sa akin."Kahit na ba! As long as dito kakain yung haliparot na 'yon, huwag ka magluto." Padabog kong ipinatong sa lamesa ang tasa ko. Napapikit naman si Raven sa lakas ng tunog na nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang napapagod na siya sa ugali ko."Love, can you calm down?" aniya sabay bitaw sa kutsara'
Madeline's P. O. V."Grabe, I didn't knew you're best sa kusina, Sir Raven!" Napatigil ako sa pagnguya, pakiramdam ko exaggerated na ang reaksyon ni Prof. Pauline. Ganoon lang ba talaga siyang klaseng tao? Matalino siya at friendly, pero minsan mapapansin talaga na hindi normal yung kilos niya, especially ang tawa niya."Thank you for the compliment, Prof. Pauline." Ngumiti si Raven at kinuha ang basong juice niya na melon dahil pinangakuan niya ako.Biglang kinuha rin ni Prof. Pauline ang kaniyang basong juice sabay taas nito, tumingin siya sa akin."Cheers?" aniya.Naiilang akong kinuha ang baso ng juice ko, go with the flow lamang ako. Nakangiti naman si Raven habang pinagdidikit namin ang mga baso namin. Parang nagugustuhan naman niya ang pakikisama ni Prof. "Bukas, sunday. Are you still available for tutoring?" tanong ni Raven."Of course, pwedeng-pwede. Kung okay lang ding mag-aral ng sunday, Mrs. Madeline?" tanong nito at tumingin sa akin."H-Huh? Okay lang naman... Para din
Madeline's P. O. V.Kinabukasan ay sabay kaming nag-umagahan ni Raven sa hapagkainan, siya na naman ang nagluto. Omelette ang aming almusal, wala ring mintis ang sarap ng kaniyang pagluluto. Kailan ko kaya matututunan ang ginagawa niya."Love, alam mo?" tumigil ako sa pagnguya."Don't speak when your mouth is full," aniya at binaba ang tasa ng kape."Psh, may sasabihin lang e'." Inirapan ko siya.Napansin naman niya ang pag-iba ng mood ko, binitawan niya kaagad ang hawak niyang kutsara saka hinawakan ang kamay ko."I'm sorry... Sige, ano ba 'yong sasabihin mo?" tanong niya."Wala na, ayoko na." Pag-iinarte ko."Love naman..." malambing ang tono ng kaniyang boses."Gusto ko lang sana itanong din," tumingin ako sa kaniya habang nagsasalita. "May balak ka bang turuan akong magluto? I mean, alam ko naman kasing busy person ka, so... Gusto mo itanong kung maisisingit mo ba sa time mo yung pagtuturo sa akin sa kusina?" Napatango siya ng ilang beses at binitawan ang kamay ko. Naghintay ako
Madeline's P. O. V.Parang tumalon ang puso ko sa saya nang marinig ang pagbukas ng automatic gate, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Raven na papasok sa garahe. Bumangon ako mula sa sofa at binuksan ang main door. Nakita kong lumabas ng kotse si Raven dala ang kaniyang laptop bag. "Oh, what are you doing there?" tanong niya."Malamang sinasalubong ka. Ang boring kaya dito mag-isa," sabi ko.Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Napapikit ako at tumugon sa kaniya. Bigla akong napasandal sa bukas na pintuan habang sinisiil ako nito ng halik. Napahawak ako sa kaniyang leeg."I missed you," bulong niya nang humiwalay sa akin.Napalunok ako ng ilang beses, pakiramdam ko ay nabitin ako. Tumalikod siya para ibaba sa sofa ang hawak niyang laptop bag. Napahawak ako sa labi ko, bigla siyang naging aggressive, not bad dahil masarap ang halik niya."Is there a problem?" tanong ni Raven.Nagising ako sa reyalidad. Napataas ang kilay ko at umiling.
Madeline's P. O. V.Nang matapos ang dinner date namin. Inuwi na ako ni Raven sa bahay niya, pinagbuksan niya ako ng pinto at unang hakbang ko sa bahay ay tila napuno ako ng halo-halong emosyon."Is there a problem, Love?" tanong ni Raven at hinawakan ang beywang ko. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Napabuntong hininga ako at tinignan siya."Na-miss ko dito. Punong-puno ng memories ang bahay na 'to, tayong dalawa... Kapag naaalala ko na sana may kasama na tayong batang malikot at makulit. Nakakalungkot, pero siguro hindi pa nga ngayon yung right time natin para maging isang ganap na magulang." Ngumiti ako ng pilit."I really appreciate your positive thoughts, na this isn't the right time. Umaasa naman ako na kung darating ang right time na 'yon, nasa tamang edad ka na. Walang problema sa trabaho ko, tapos hindi ka rin stress sa business niyo. May mas malaki na tayong bahay at---""Teka," pinatigil ko siya sa pagsasalita. "Lilipat pa ba tayo ng bahay? Iyon ba ang plano mo?" tanong ko.