Share

Ang pulubi kong Fiancé
Ang pulubi kong Fiancé
Author: Pusa

APKF-1

Author: Pusa
last update Huling Na-update: 2022-10-02 21:38:30

Jheanne's Pov

Balisa at hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Iyon ang aking nararamdaman ngayon. Paano naman kasi, ngayon ang araw ng aking kasal. Excited na akong maasal—este makasal sa lalaking mahal na mahal ko.

Si Hugo Makatarungan.

Oh, apelyedo palang makatarungan na no? Si Hugo ay long-time boyfriend ko. Eight years kaming mag-jowa bago niya ako alukin na pakasalan siya. Siya ang kauna-unahang lalaki na sinagot ko at naging nobyo.

Mabait siya, at hindi niya ako pinipilit na makipag-sex sa kaniya. Kahit nga kiss wala e. Gano'n siya ka-ingat sa akin, kaya nga mahal na mahal ko siya. At handa akong pakasalan siya. Gaya ngayon, narito ako sa Simbahan at nakatayo sa harapan ng altar, hawak ang braso ng daddy ko, at hinihintay siya.

Nauna ako no? Oo, kasi nang dumating ako ay wala pa siya, kaya naman tumuloy na lang ako sa altar. Wala namang masama roon, ang importante ay makasal kami. Doon rin naman kasi ang punta niyon. Kaya walang problema kung sino ang nauna sa amin sa altar.

Ngunit lumipas lamang ang trenta'y minutos ay wala pa rin si Hugo. Nagsimula na akong kabahan. Nilapitan ko si Dad para makihiram ng phone niya.

"Here. Ano ba iyang aasawahin mo, anak. Ang tagal naman dumating." reklamo ni Daddy Jennel.

"Baka nagpapaguwapo lang siya, Dad. Maya't maya ay dadating na rin iyon." komento ko kahit na iba na ang nararamdaman ko.

Napailing na lang si Daddy. Ang mga bisita namin sa Simbahan ay nagsimula na rin magbulong-bulongan. Nahihiya na rin ako sa Pari na magkakasal sa amin kasi may isang kasal pa itong i-a-attend.

Dinayal ko ang numero ni Hugo at kaagad iyong tinawagan.

Nag-ring ito ngunit hindi niya sinasagot. Nagpatuloy lang ako sa tawag sa numero niya habang panay ang tingin ko sa aking mga bisita.

"Sandali na lang po talaga. Baka nasa biyahe lang siya kaya hindi niya masagot ang tawag ko." ani ko sa kanila.

Lahat sila ay nagkani-kaniyang bulongan. Medyo lumayo ako sa karamihan, at nagpatuloy sa pag-dial ng numero ni Hugo. Naginhawaan pa ako ng sa wakas ay sagutin na niya ito.

"Babe? Where are you? Malayo ka pa ba? Naghihintay na sila, babe, bilisan mo naman—"

"Walang kasal na magaganap, Jheanne." Putol niya sa sasabihin ko.

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "A-Anong sinasabi mo? Prank ba iyan? Puwes, hindi nakakatuwa, babe." Nagsimula nang uminit ang ulo ko. Kung nagbibiro siya ay hindi magandang biro ito.

"Hindi ito prank, Jheanne. Totoo ang sinasabi ko. Naghintay ka ba ng matagal sa akin? Kawawa ka naman. Walang kasal na magaganap dahil ayokong pakasal sayo." aniya at binuntutan pa iyon ng pagtawa.

Napakurap-kurap ako, at nagsimulang malaglag ang mga luha ko. Ano bang pinagsasabi niya? Nangnginig ang aking buong katawan.

"A-Ano ba, Hugo? T-Tumigil ka na nga." nauutal kong sambit. Naiiyak na ako. Nakita ako nina Daddy at Mommy kaya nangunot ang mga noo nila. Nilapitan nila ako.

"Baby, what's wrong?" tanong ni Dad sa akin ngunit sinenyasan ko silang huwag lumapit sa akin.

Muli kong kinausap si Hugo.

"B-Babe, they're here. Naghihintay na sila lahat sayo. Kaya halika na."

"I said walang kasal!" Napapitlag ako sa lakas ng boses niya. Nailayo ko pa ang cellphone sa tenga ko. "You know, Jheanne, kung sana ay binigyan mo ako ng pagkakataon na maka-sex ka, edi sana hindi na ako humanap pa ng iba. Mabuti na lang at willing ang bestfriend mong si Jana na makipag-sex sa akin, kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko. Masarap na, magaling pang gumiling." wika niya sabay halakhak.

Napatakip ako sa sariling bibig. Sabay-sabay na nahulog ang mga luha ko, at pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit. Para akong kakapusan ng hininga, at hindi napigilang humagulhol. Doon na lumapit sa akin sina Mommy at Daddy.

Natulala ako, at pilit na inuulit ang mga katagang sinabi ni Hugo. At ang bestfriend kong si Jana, trinaydor niya ako.

Bakit niya iyon nagawa sa akin? Simula mga bata palang kami ay magkaibigan na kami.

Mga hayop sila!

"H-Hayop k-kayo!" wika ko. Lalo lamang tumawa sa akin ang kausap ko.

"Hi, bestfriend. It's me, Janna. Sayang at hindi mo na matitikman si Hugo. Akin na kasi siya, kaya bye!"

Namatay ang tawag.

Paulit-ulit akong napakurap. Nabitawan ko rin ang cellphone ni Dad, nahulog ito at nabasag.

Walang tigil sa pag-alpasan ang mga luha ko tanda ng sobrang sakit na aking nadarama.

"Tinatanong ka namin, Jheanne. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Nasaan na si Hugo?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Daddy.

Napatingin ako sa kanila, at panay ang pag-iiyak. Nilapitan nila ako at niyakap ng mahigpit na tila ba alam na nila ang sagot sa tanong kahit hindi ko pa iyon sagutin.

Sinapo ni Daddy ang mukha ko, pati siya ay umiiyak na rin.

"Hindi siya dadating?" tanong niya sa akin. Umiling ako at muling umiyak.

Niyakap ako muli ni Dad, at kahit hindi ko naririnig ang pagmumura niya ay alam kong nagmumura siya sa isipan niya. Pati si Mommy Anne ay umiiyak na lang din at hindi magawang magsalita.

Kumalas ako kay Dad, at mapait na ngumiti.

"W-Wait l-lang po." ani ko. Akmang susundan ako ni Dad ngunit sinenyasan ko ito na huwag.

Lumapit ako sa Pari na nasa altar at humingi ng paumanhin sa kaniya sapagkat naabala lang namin ang Simbahan, at walang kasal na magaganap.

Hiniram ko ang microphone ng Pari at hinarap ko ang mga taong panay ang bulongan.

Habang walang patid sa pagpatak ang aking mga luha ay nilakasan ko ang loob para magbigay ng mensahe sa kanilang lahat.

"P-Pasensya n-na p-po...kayo. P-Pero w-wala pong k-kasal n-na magaganap... P-Pero t-tuloy pa rin po ang kainan–" Binalik ko ang mic sa Pari na bakas ang awa para sa akin.

Samantalang lalo namang lumakas ang bulongan dahil sa sinabi ko. Lumakad ako pababa ng intablado at humarap sa karamihan habang umiiyak. Tiningnan ko ang aking sarili, partikyular sa aking napakagandang kasuotan na kami pa mismo ni Hugo ang pumili. Muli ay mapait akong napangiti.

Hinawakan ko ang belo ko, at tinanggal iyon. Tinapon ko ito. At ang sinunod kong ginawa ay pinunit ang suot na gown. Nagsitalsikan ang mga beads no'n sa paligid. Napasinghap ang lahat sa ginawa ko.

Kaagad tumakbo si Mommy Anne palapit sa akin upang pigilan ako, ngunit iwinaksi ko ang kaniyang kamay at itinuloy ang pagpupunit ng aking damit.

"Walang hiya ka! Manloloko kayong dalawa! Mga hayop kayo!" galit kong sabi habang pinupunit ang laylayan ng aking suot na tila ba silang dalawa iyon.

Sa haba ng gown na suot ko ay hanggang tuhod ko na lang ang natira doon.

"Anak tama na!" awat ni Mommy sa akin. Tiningnan ko siya at kaagad na niyakap.

"P-Patawarin niyo po ako at dinala ko kayo sa kahihiyan." paghingi ko ng paumanhin sa mga nangyayari ngayon.

"No, anak. Wala kang kasalanan. Please tama na...umuwi na tayo." umiiyak na paki-usap ni Mommy sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at akmang hihilahin. Ngunit tinanggal ko ang kaniyang kamay.

"I'm so sorry, Mom." Binalingan ko rin si Daddy. "I'm sorry."

Pagkatapos ay mabilis akong tumakbo palabas ng Simbahan. Ni hindi ko sila binalingan, ni hindi ko inalam kung nakasunod ba sila sa likuran ko o hindi. Basta tumakbo lang ako nang tumakbo. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang Mall.

Bawat tao na madaraanan ko ay napapatingin sa akin. Nagtataka sila sa itsura ko. Malamang iniisip nila kung ano ang nangyari sa akin, at kung bakit ganito ang ayos ko.

Baka nga nagkanda-tanggal na ang make-up ko dahil sa kakaiyak ko.

Naglakad nalang ako na parang wala sa sarili at hindi na pinansin ang mga taong nakakasalubong ko.

Mayroon pa nga na kinukuhanan ako ng litrato gamit ang kanilang cellphone, pero wala akong pakialam.

Gusto kong mapag-isa at bahala silang lahat.

Sa maghapon kong paglilibot at pagtunganga sa Mall ay hindi ako nakakaramdam ng gutom, at kung magugutom man ako ay wala akong pambili ng pagkain dahil wala akong dala kahit na ano. Maliban lang sa suot kong singsing ngayon. Singsing na galing kay Hugo.

Tiningnan ko ang daliri ko na suot ang singsing. Ang ganda niyon at alam kong mahal rin ang pagkakabili niya. Bakit niya pa ako binili ng ganito ka mahal kung sasaktan niya lang din pala ako at lolokohin?

Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na gagawin niya ito sa akin. Walong taon kami naging mag-nobyo, pinagpalit niya lang ako sa kadahilanan na hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makipag-sex sa akin? For god sake, hindi rin naman siya nagtanong! Hindi siya nagsabi!

At ang masaklap pa ay hindi ibang tao ang ipinalit niya sa akin, kundi bestfriend ko pa!

Baka nga matanggap ko pa kung ibang babae ang ipinalit niya sa akin, pero bestfriend ko!

Halos manlumo ako. Hindi matanggap ng isipan ko ang mga nangyayari ngayon. Sa inis ko ay tinanggal ko ang singsing, at pumunta ako sa Pawnshop.

"Magkano sanla neto?" tanong ko sa babaeng staff sabay abot ng singsing. Tumingin pa ito sa akin, at sinuri ang itsura ko.

"Oo na. Hindi na ako sinipot ng long-time boyfriend ko! Oh, ano ngayon? Tingnan mo na iyan kung magkano ng masanla ko na!" inis kong sabi sa babae.

Napangiwi ito sa sinabi ko.

"Mahal po ito, Ma'am. Sure po ba kayo na isasanla niyo?" parang hindi pa ito naniniwala sa akin.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa singsing na iyan matapos akong lokohin ng nobyo ko, huh? Kaysa itapon ko iyan sa ilog gaya ng ginagawa ng mga babae sa pelikula na hindi sinipot sa araw ng kasal nila, ay isasanla ko na lang!" napalakas pa ang pagkasabi ko kaya ang ibang tao ay napapatingin sa akin.

"Sabi ko nga po, Ma'am e. Wait lang po ha." aniya.

"Ibigay mo na lang sa akin ang pera kaagad. Gusto ko ng mag-date mag-isa ngayon." saad ko.

Tumango naman sa akin ang babae. Maya-maya pa ay inabot niya ang papel na pipirmahan ko ngunit hindi na ako nag-abala pa na kunin iyon.

"Bahala na kayo sa singsing, basta akin na ang pera."

Napatanga sa akin ang babae. Tinawag pa nito ang manager niya, at kinausap pa ako ng manager na tila sinisigurado ang nais kong gawin.

"Akin na ang pera at bahala ka na sa lintik na singsing na iyan." bored na sabi ko sa manager.

"S-Sure, Ma'am." anito at siya mismo ang nagbigay ng pera sa akin.

Makapal iyon, at hindi ko na binilang. Para sa ano pa? Marami akong pera, pero ngayon wala akong dala. Kinuha ko ang pera na inabot ng manager ng Pawnshop at kaagad na umalis.

Bitbit ko ang pera at bawat tao na makakasalubong ko ay napapatingin sa perang hawak ko. Sa inis na nararamdaman ko kay Hugo at sa bestfriend ko ay nagpa-ulan ako ng pera sa daan. Halos gumulong ang mga tao sa pag-aagawan niyon. Napailing ako.

Bumalik ako sa Mall, at kumain sa paborito kung fastfood chain. Pumasok rin ako sa isang palaruan sa loob ng Mall, at doon ay nilibang ko ang aking sarili sa iba't ibang klase ng laro na matipuhan ko. Hindi ko pinansin ang mga taong napapatingin sa akin.

Hanggang sa mapagod ako.

Binigay ko ang mahaba-habang sticker na nakuha ko mula sa mga nilaro ko sa isang bata. Masaya nito iyong tinanggap habang ako naman ay walang pakialam.

Bago ako lumabas ng Mall ay kumain ako ulit sa isa pang Fastfood chain, saka na lamang ako lumabas ng wala na akong maisip na gagawin.

Madilim na rin ng makalabas ako. Sa tantiya ko ay alas siyete na ng gabi. Gan'on ako katagal sa loob ng Mall. Habang naglalakad ako sa sidewalk ay iba't ibang tao ang nakakasalubong at nakakasabay ko.

Katulad ng mga nakakita sa akin kanina, ay gano'n rin ang kanilang naging reaksyon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tatawid ako sa kabilang kalsada at doon ako mag-aabang ng taxi na maghahatid sa akin pauwi sa condo ko sa Taguig. Nang mag-stop sign ay kaagad akong sumabay sa mga taong patawid, ngunit may nabangga akong tao dahilan upang pareho kami matumba sa maduming daan.

"Aray!" reklamo. Halos patihaya akong bumagsak sa semento. Dali-dali akong bumangon, at galit na sinigawan ang nakabangga ko.

"Buwesit naman oh! Hindi ka ba tumitingin–" Ngunit napatigil ako sa pagsasalita ng mapasino ang aking nabangga.

Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa pulubing nakalugmok sa kalsada.

"Ikaw naman kasi e. Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daraanan mo?" wika ko sa kaniya. Aaminin kong nakonsensya ako dahil namura ko siya.

Nag-angat siya ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin. Napasinghap ako sapagkat madungis man siyang tingnan at mabaho, ay ang guwapo niya. Guwapo siyang nilalang! At sa tingin ko kapag tumayo siya ay napakatangkad niya dahil na rin sa mahaba niyang biyas.

Iyon nga lang, nakakasuka ang amoy niya.

Napatalon pa ako nang biglang bumusina ang mga sasakyan. Noon ko lang napansin na kanina pa pala naka-go signal, at ang mga motorista ay galit na galit na.

Nataranta ako, at wala sa sariling nilapitan ang pulubi at hinila ito patayo. Hinawakan ko ito sa braso at hinila patawid sa direksyon na tatahakin ko. Halos habulin ko ang aking hininga ng makatawid kami.

Ang pulubi ay nakatingin lang sa akin at tila nalito kung bakit ko siya dinala sa kinatatayuan namin ngayon. At tama nga ang sinabi ko kanina, napakatangkad niya at ang laki pa ng katawan!

Nang dumaan ang isang taxi ay pinara ko ito, at nang bumukas ang pinto ay walang anu-ano kong hinila ang pulubi papasok sa loob ng kotse.

Mula sa rearview mirror ay nakita ko ang pag-ngiwi ng taxi driver dahil sa kasama ko.

"Grabe ka manong ha. Baka nakakalimutan mong tao rin siya?" untag ko sa driver na napapakamot sa kaniyang ulo.

"E, miss nagsakay ka ng taong grasa sa taxi ko. Ako naman itong napipirwesyo. Wala ng sasakay sa akin mamaya dahil mabaho na itong taxi ko!" reklamo ng driver.

Napabuntonghininga ako. Kaagad akong dumukot ng pera na inipit ko pa sa garter ng suot kong stockings, at inabot iyon sa driver.

"Heto pera, pampalinis mo ng taxi mo." ani ko rito.

Walang pag-alinlangan na tinanggap ng driver ang pera na inabot ko sa kaniya. Tuwang-tuwa pa nga ito.

"Kung ganito ba naman e. Kahit ilang taong grasa pa ang isakay mo sa kotse ko ay okay na okay lang miss!" anito.

"Pero nag-iisa lang po siya, kaya huwag ka ng umasa na mayroon pa." mapanuya kong sagot sa driver.

Binalingan ko ang aking katabi, at ilang beses pa akong napapabahing dahil sa amoy niya. Para siyang naligo sa imburnal. Nakakabaliktad sikmura rin ang amoy niya.

Ang guwapo niya sobra.

Pero sobrang baho niya rin at the same time!

Kaugnay na kabanata

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-2

    Jheanne's PovSa labas palang ng Condo Building ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit kasama ko ang isang pulubi. Marahil iniisip nila na nasisiraan na ako ng ulo. Pero subukan nilang ipaparinig iyon sa akin kung ayaw nilang matanggal sa trabaho.Tinaasan ko ng kilay ang isang staff na nasa front desk, nakanganga kasi siya sa akin habang hawak ko ang braso ng pulubi. Nagsitakipan rin sila ng kanilang mga ilong dahil sa amoy ng kasama ko. Samantalang ako, parang namanhind na yata ang ilong ko."My keys. Faster." untag ko sa babaeng staff.Alanganin naman niya itong inabot sa akin."H-Heto po, Ma'am." aniya sabay abot sa akin ng susi. Mabilis ko naman itong kinuha, at hinila ko ang pulubi papasok sa elevator.Sakto at walang tao ang elevator kaya solo naming dalawa. Nang balingan ko ang pulubi ay nakayuko lang ito, at hindi man lang nagtatanong kung bakit ko siya isinama rito. Hindi ko maiwasang mainis dahil hindi yata siya marunong magsa

    Huling Na-update : 2022-10-03
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-3

    Nakaupo ako at katabi ko si Ubi, habang kaharap naman namin ang mga magulang ko. Hindi maalis-alis ang titig nila sa katabi ko, lalo na si Dad. Para niyang tutuklawin si Ubi. Marahil iniisip nila na may nangyari sa amin dahil sa mga damit kong nagkalat sa sahig na hindi ko na nagawa pang pulutin kanina dahil inuna ko nga itong kasama ko na paliguan kasi nakakamatay ang amoy.Napabuntonghininga ako at pinitik ang daliri sa paningin ni Dad dahil pakiramdam ko ay sasakalin na niya ang katabi ko na tila wala naman pakialam sa mundo. "Dad, stop staring at him like you gonna throw him on the window." naiiling kong sita kay Daddy. Aba binalingan niya ako at kung makatingin sa akin ay tila na dismaya pa."Dahil gagawin ko talaga iyon kapag hindi ka niya pinakasalan, Jheanne!"Napangiwi ako sa tinuran ni Dad. Grabe siya. Kasal agad? Eh, kakabitin ko nga lang sa ere dahil sa ginawang pagtataksil ni Hugo tapos ipapakasal na naman ako sa lalaking ito na basta ko na lang kinaladkad at dinala sa c

    Huling Na-update : 2022-10-17
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-4

    Jheanne's PovMatapos kong i-post sa social media account ko si Ubi at ang mga litrato namin ay inulan ako ng mga komento. Aba't may bago kaagad?May reserved ganoon?Ang bilis naman niyang magpalit!Baka matagal na niyang jowa iyan?Hindi kaya iyan ang dahilan kaya hindi siya sinipot ng nobyo niya sa kasal nila?Taksil rin siya!Ilan iyon sa mga komentong nabasa ko. Nasaktan ako, oo. Sino ba naman ang hindi masasaktan kong iyan ang tingin ng mga tao sayo? Na matapos kang lokohin ng nobyo mo at ipagpalit sa bestfriend mo ay pag-iisipan ka pa ng masama. At ang dating ay parang ang landi-landi ko pa.Well, ginusto ko itong palabas na ito kaya dapat lang na harapin ko ito. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin, basta ako at si Hugo, alam namin ang totoo. At speaking of gagong iyon, nakita niya kaya ang post ko? Sa pagkakaalam ko ay friend pa rin kami sa account ko. Pero depende rin, malay ko ba kung block na ako sa kaniya.Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag naki

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-5

    Jheanne's PovNagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa may puson at dibdib ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata upang tingnan ang bagay na nakapatong sa katawan ko. Ngunit ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ko si Ubi. Nakadantay ang mahahaba niyang bias sa puson ko, at nakasiksik naman ang mukha niya sa may kilikili ko habang ang braso niya ay nakayakap sa dibdib ko."Waaaaaah!" malakas kong sigaw sabay sampal sa braso niya, at marahas na bumangon. Nagulantang siya sa ginawa ko at napaupo sa kama na natutulala. Samantalang napalundag naman ako at nag-iinit ang pisngi na napapatayo sa gilid ng kama. "Bakit ka nakayakap sa akin, Ubi, huh? Manyak ka no?" singhal ko sa kaniya. Napayakap ako sa aking sarili.Walang buhay ang mga mata niya na binalingan ako. Umiling siya, hindi sang-ayon sa sinabi ko."Hindi ako manyak...malamig kasi–" aniya sabay yuko.Nakaramdam naman ako ng pagkapahiya sa sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi ko dapat iyon sina

    Huling Na-update : 2022-11-04
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-6

    Jheanne's PovNang balingan ko si Hugo ay nakita kong naningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa amin ni Ubi. Lihim akong nagdiwang sa naging reaksyon niya."Hugo, Jana, meet my fiancé. Ubi!" nakangiting untag ko sa kanila. Lalong naningkit ang mga mata ni Hugo sa sinabi ko.Thankful talaga ako at narito si Ubi. Nakayanan ko silang harapin ngayon. Hinawakan ko sa braso si Ubi at idinikit ang katawan ko sa kaniya, at taas noo silang tiningnan isa-isa. Ang mukha ng dati kong bestfriend ay masama ang tabas sa akin. Ano naman ngayon? Tsk!Binalingan ko rin si Ubi. Tahimik lamang siya at nakatitig sa kawalan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at sinadya kong palambingin ang boses ko."Baby, alis na tayo? Nagugutom na ako e," malambing kong sabi sa kaniya.Tiningnan niya ako at tumango siya. "Okay!" "Goodbye guys!" ani ko sa dalawang natigilan. Magsasalita pa sana si Hugo pero hinila na ako ni Ubi palabas ng building. Maigi na rin iyon dahil hindi ko na kaya ang presensya ng d

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-7

    Hugo's Pov"Shit!" Inis kong ibinalibag ang laptop na hawak ko. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa nangyari kanina. How dare he kissed Jheanne?"Argh!" Naihilamos ko ang palad sa mukha. Ang tagal kong hinintay na mahalikan ang labing iyon, tapos nauwi lang sa iba? Ang lalaking iyon lang makikinabang?I tried to search about the guy on the internet but I found nothing! Sino ba siya? May kakaiba akong nararamdaman sa lalaking iyon. Something strange. Gusto kong malaman ang tungkol sa kan'ya pero kulang ako sa kaalaman. Ni hindi ko alam ang full name niya."Ubi? How fuck that name!" Kinuha ko ang beer ko na inilapag kanina sa lamesa at tinungga. Hindi ko maiwasang mainis. I think hindi naman ako nagseselos, I just can't accept the fact that after I ran away to our wedding day ay kaagad siyang nagka-fiancé? Nang ganoon ka bilis? Kilala ko si Jheanne, hindi siya kaagad nagtitiwala sa isang lalaki lalo na kung kakakilala niya lang dito. At sa loob ng walong taon naming mag-nobyo ay si

    Huling Na-update : 2022-11-17
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-8

    Jheanne's PovHindi ko maintindihan pero ang weird ng paligid ngayon. Ang tahimik. Simula ng dumating kami ni Ubi galing sa pamamasyal at naabutan namin si Hugo sa labas ng unit ko kanina ay heto kami ni Ubi ngayon, hindi nagpapansinan.Nakaupo siya sa sofa at nanonood ng tv at heto ako sa dining nakaupo at nakatulala. Sinubukan ko naman siyang kausapin kanina pero hindi niya ako pinapansin. Naroon na naman siya sa sariling mundo niya. At ayaw ko naman siyang istorbuhin.I heard my phone ringing, at nasa sala iyon. Sa center table na nakaharap kay Ubi. I was about to come there to get my phone pero bigla na lamang sumalubong sa akin si Ubi sa bukana ng dining at hawak nito ang phone ko. Ibinigay niya ito sa akin at nginitian ko siya habang tinatanggap ko iyon. "T-Thanks Ubi..." Hala bakit ba ako nauutal?Walang salita na namutawi sa labi niya, basta na lamang siya tumalikod at bumalik sa kinauupuan niya. I heave a sigh, ano ba ang problema niya?Bakit bigla yata siyang naging suplado

    Huling Na-update : 2022-11-20
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-9

    Jheanne's PovSinundo kami ni Mommy Anne sa condo ko. Siya ang napagbuksan ni Ubi kanina. Ang akala raw nito ay may nangyayaring hindi maganda kaya kaagad siyang nagpahatid dito. Well, may mangyayari talaga sana sa pagitan namin ni Ubi kung hindi dumating si Mom!Mabuti na lang dumating si Mommy kaya hindi natuloy ang paghalik sa akin ni Ubi. My god! Speaking of him, napatingin ako sa kaniya. Nakaupo siya sa tabi ni Dad at tahimik na kumakain. Alam mo iyon, isa siyang pulubi pero kung umasta ay napaka-professional. Hindi ko tuloy maalis ang mga mata ko sa kaniya. Nawiwili akong pagmasdan siya."Hija, hindi mo ba nagustuhan ang mga niluto ko?" nag-awtomatikong lumipat ang titig ko kay Mom."Hindi ka mabubusog sa paninitig mo na iyan, anak." Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi sa makahulugang sinabi ni Dad. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil nasa akin ang mga tingin nila.Tumikhim ako at pinalabas ang napakaganda kong ngiti. Una kong binalingan ay si Momm

    Huling Na-update : 2022-11-23

Pinakabagong kabanata

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-Epilogue

    Santuario de San Antonio, ChurchForbes Park, Makati City The wedding Carlos' Pov Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako lumingon sa bukana ng Simbahan, hinihintay na pumasok roon ang pinakamamahal kong si Jheanne. Panay rin ang baling ko sa relong pambisig, tinitingnan kung anong oras na. At sa tuwing dumadagdag ang bawat pagpatak ng oras ay lalo akong kinakabahan. Naranasan ko nang ikasal noon; kay Christina, pero masasabi kong kakaiba itong nadarama ko ngayon—sa araw ng kasal namin ni Jheanne.Narito na ang lahat, mga taong mahalaga sa buhay namin. Family, friends, at ilan sa mga kasosyo namin sa trabaho. Nandito rin si Hugo, kasama ang fiancé nitong italyana. Ang anak kong si Hope ay kina Mommy Anne at Mommy Rosita, silang dalawa ang nagsasalitan sa pagbubuhat sa kaniya.Si Jheanne na lang ang hinihintay naming lahat, para masimulan na ang kasal.Ang kasal na matagal ko nang pinaghandaan nang mga panahong nasa Italy pa si Jheanne. Simula kasi ng bumalik ang alaala ko ay

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-46 (Ending)

    5 months laterJheanne's Pov Mahigit isang oras kong sinayaw-sayaw si Hope para makatulog lang ito. At sa wakas ay nailapag ko rin siya sa loob ng kaniyang crib. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng balikat ko. Initaas ko ang braso at ininat-inat iyon. Habang minamasahe ko ang balikat ko ay napatingin ako kay Hope.Napangiti ako nang mapagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking anak. Akalain mo nga naman na hindi ka marunong sumayaw o kumanta pero kapag nagkaanak ka na lahat ay makakaya mong gawin. Hope is now five months old. At nakabalik na rin kami ng Pilipinas. Unang araw namin ito sa Pilipinas. Kagabi kami dumating at nine pm. Sina mommy at daddy ang sumundo sa'min ni Hope sa Italy. Si Hugo naman ay nagpaiwan na sa Italy dahil buntis si Shania. Gusto nitong sumama pauwi at ihatid kami ni Hope pero ako na mismo ang nagpresinta na huwag na lang at alagaan nalang niya si Shania dahil medyo maselan itong magbuntis. Pero hinatid niya pa rin kami ni Hope sa airport

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-45

    Milan, Italy Jheanne's Pov Mula sa isang mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako dahil sa tunog na narinig ko mula sa pintoan sa main door.Sa isiping si Hugo iyon ay kaagad nabuhay ang inis sa dibdib ko."Istorbo!" naiinis kong sambit.Mula sa kama ay dahan-dahan akong bumangon at bumaba. Habang palabas ng pinto ng kuwarto ay napapahikab pa ako. Nabitin ang tulog ko at naiinis ako kay Hugo!Ano naman kaya ang kailangan niya? Ang pagkakaalam ko kasi ay lumabas sila ni Shania at namasyal. Iyon kasi ang paalam niya kani-kanina lang. Tapos na ba kaagad ang date nilang dalawa?Tamad akong naglakad patungo sa sala upang buksan ang pintoan roon. Ngunit sa pagbukas ko ay isang bonguet ng bulaklak ang siyang sumalubong sa mukha ko na hawak ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil natatabunan ito ng bulaklak."Fiori per lei signora," (Flowers for you madame)Napamaang ako. Hindi ko inabot ang bulaklak bagkus hinawi ko iyon upang makita ko ang mukha ng lalaki.He's not familiar

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-44

    Handyman CompanyMakatiCarlos' Pov"Sir, heto na po ang mga papeles na pipirmahan niyo. At remind ko lang po ang meeting mo mamaya kay Mr. Mendez at 1 pm."Tsk!Papeles!Meeting!Wala na bang katapusan 'to?Nakasimangot kong binalingan si Julio. Ang bago kong sekretarya."Baka mayroon pa huwag ka na mahiya, itambak mo na lahat sa lamesa ko." makahulugang turan ko rito habang nakasimangot ang aking mukha.Mahina itong natawa saka napailing. Ipinatong nito ang mga papeles sa lamesa ko at naupo ito sa isang silya kaharap ng lamesa ko."Natural lang iyan, sir, ikaw ang may ari ng kompanyang ito e, kaya nakasalalay sayo ang lahat.""Tsk!" Muli akong napasimangot. In the past 5 months ay wala na akong ibang inatupag kundi trabaho...trabaho...trabaho! "Mabilis kang tatanda niyan, sir." natatawang komento ni Julio."Shut up and leave my office!" Natawa lang ito sa sinabi ko. Ganoon naman siya palagi e, pasalamat siya at pamangkin ko siya dahil kung hindi matagal na siyang tanggal sa trab

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-43

    Milan, Italy 5 months afterJheanne's Pov "Quanto?" (How much?)Tanong ko sa tindera na nagtitinda sa prutasan dito sa Fruit market sa Milan. Ang tinutukoy ko sa kaniya ay ang ubas na hawak ko ngayon at sinisimulan ko nang kainin kahit hindi ko pa ito nababayaran.Napangiti sa akin ang italyanang tindera. Suki na ako nito sa mga paninda niyang prutas kaya sa tuwing nilalantakan ko ang mga paninda niya kahit hindi ko pa nababayaran ay wala na lang iyon sa kaniya. Alam naman kasi niya na babayaran ko ang mga nakakain ko."C'è un prezzo, tesoro." (There's a price, honey) wika nito sabay turo sa mga preso sa bawat prutas na naka-display.Mahina akong natawa bago ko muli isinubo ang isang grapes. Saka na ako nagsalita nang matapos ko na itong nguyain at lunokin. "Sto scherzando." (I'm kidding) ani ko.Napailing-iling na lang sa akin ang italyanang tindera.Kumuha ako ng mga prutas na gusto ko at inilagay ito sa isang tray. Sa dami ng mga nasa harapan ko ay hindi ko na alam kung ano ang u

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-42

    Garzon Healthcare Makati Second sessionCarlos' Pov Before leaving her condo last night I told her to wait for me no matter what. Sinabi ko rin sa kaniya na kung puwede ay iwasan niya si Hugo Makatarungan. Tinanong niya ako kung bakit, hindi ko masagot dahil bakit rin ang tanong ko sa aking sarili.Nakakatawa lang isipin pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng inis nang makita kong magkasama sila ni Hugo at nagyakapan pa.Ilang oras ba akong naghintay sa kaniya sa labas ng condo unit niya? Sa tingin ko ay apat na oras. Apat na oras akong naghintay dahil gusto ko sana siyang maka-usap, pero dahil wala pa siya ay doon na muna ako tumambay sa isang bar malapit sa condo building. Nagsimula ako sa isang bote ng beer, hanggang sa ang isa ay dumami na at hindi ko na mabilang kung ilan ang naubos ko. Bumalik ako sa condo unit niya after a few hours, and there, I saw them hugging each other.May kung anong tumulak sa akin na sugurin ang mga ito pero hi

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-41

    Jheanne's Pov The moment I heard what he said, my heartbeat stop from beating. Pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng paghinga, ayaw mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya at hanggang ngayon ay patuloy ito sa pagtugtog sa pandinig ko."Si Christina lang ang mahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng iba!"Those words still play like music in my head.Nakakabingi.Kahit narito ako ngayon sa isang park at maraming tao ang namamasyal at nag-iingay ay walang sinabi ang ingay nila sa ingay ng mga salitang sinabi ni Carlos na tumatak sa isipan ko.I wiped the tears that keep on streaming down my face. Hindi na yata ito maampat pa. Wala na yatang katapusan ang mga luha ko, hindi nauubos.Napabaling ako sa isang kamay na may hawak na panyo at nakalahad sa akin. Bumuntonghininga ako bago ako nagtaas ng tingin upang salubungin ng tingin ang nagmamay-ari niyon."Take it or else ako ang gagawa." anito.Napangiti ako sa sinabi niya. Kinuha ko rin ang panyo na bigay niya sa akin."Wala ba

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-40

    Carlos' Pov Napamulat ako ng mga mata at marahas na napabangon."Carlos!" Narinig kong bulalas ni Ninong Esmael. Napabaling ako rito at nabakas ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Humingi ako ng paumanhin sa kaniya. "Pasensya na po, ninong, pero kailangan ko ng umalis ngayon din." wika ko at kaagad na tumalikod."Teka, saan ka naman pupunta? Why are you in a hurry? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. "Okay ka lang ba, Carlos? Sa itsura mong iyan alam kong galit ka, sino ba ang kaaway mo?" Napatiim-bagang ako at nakuyom ko ang aking mga kamao ng mahigpit.Ang babaeng iyon!Ano ang kasalanan ni Christina sa kaniya at nakaya niya itong patayin! She's a murderer!Binalingan ko muli si Ninong. Wala na akong panahon na magpaliwanag pa. Kailangan kong puntahan si Mia ngayon din at magtutuos kaming dalawa!"I'm sorry po ninong pero saka na ako magpapaliwanag sayo.""Carlos—"Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Mabilis na

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-39

    Garzon Healthcare Makati Carlos' Pov Nasa loob ako ng isang kuwarto at ako lang ang naroon, at si Ninong Esmael. Dilaw ang pintura ng dingding nito na may nakasabit na iba't ibang klase ng frame. Maaliwalas rin ang silid na ito at masasabi ko talaga na komportable ito sa pakiramdam.Si Mommy naman ay naghihintay lang sa labas. Sigurado naman ako na hindi rin siya mabuburyo dahil nakabukas naman ang tv sa labas at may malilibangan naman siya habang narito naman ako sa isang silidna ito.Today is my first day of the session. At naniniwala ako na may maalala ako ngayong araw na ito."Are you ready, hijo?" ani ni Ninong Esmael sa akin. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan ko mismo. Sa isang tabi ay may isa pang pahaba na sofa, at sa tingin ko ay doon ako hihiga mamaya.Kaagad naman akong tumugon sa tanong niya. "I am." Tumango at ngumiti si Ninong Esmael sa akin."Lay on that sofa bed." utos sa akin ni Ninong Esmael habang iminusra ang sofa bed.Wala na akong sinayang pa na panahon,

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status