May nagbabasa po ba nito? Sana po mayroon. At kung mayroon man po, sana po i-follow niyo ako. Bago lang po ako sa GN at wala pa halos followers. salamat po.
Jheanne's PovSinundo kami ni Mommy Anne sa condo ko. Siya ang napagbuksan ni Ubi kanina. Ang akala raw nito ay may nangyayaring hindi maganda kaya kaagad siyang nagpahatid dito. Well, may mangyayari talaga sana sa pagitan namin ni Ubi kung hindi dumating si Mom!Mabuti na lang dumating si Mommy kaya hindi natuloy ang paghalik sa akin ni Ubi. My god! Speaking of him, napatingin ako sa kaniya. Nakaupo siya sa tabi ni Dad at tahimik na kumakain. Alam mo iyon, isa siyang pulubi pero kung umasta ay napaka-professional. Hindi ko tuloy maalis ang mga mata ko sa kaniya. Nawiwili akong pagmasdan siya."Hija, hindi mo ba nagustuhan ang mga niluto ko?" nag-awtomatikong lumipat ang titig ko kay Mom."Hindi ka mabubusog sa paninitig mo na iyan, anak." Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi sa makahulugang sinabi ni Dad. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil nasa akin ang mga tingin nila.Tumikhim ako at pinalabas ang napakaganda kong ngiti. Una kong binalingan ay si Momm
Jheanne's Pov Isa sa mga luxurious hotel sa Mactan Cebu kami nag-stay ni Ubi. Ang totoo niyan ay doon dapat kami magho-honeymoon ni Hugo subalit hindi nga natuloy, at sayang naman kung mauuwi lang sa lahat ang ginastos ng mga magulang ko para sa bakasyon na iyon. Sila kasi ang gumastos niyon, at nag-proseso. Regalo nila iyon sa akin dahil matagal ko na talagang gusto pumunta sa lugar na ito, hindi lang nagkaroon ng oras dahil abala ako sa aking trabaho. Kaya naman laking tuwa ko nang i-anunsiyo ni Mommy at Daddy na sagot nila ang honeymoon vacation namin ni Hugo sa Shangri-La Hotel, Mactan Cebu. Iyon nga lang, hindi na si Hugo ang kasama ko ngayon kundi ang peke kong fiancé, si Ubi.Nang dumating kami dito at maipasok ang aming mga bagahe sa hotel room na inuukupa ay inaya ko kaagad si Ubi na kumain sa Cowrie cove. Isa itong seafood restaurant na nasa Shangri-La Hotel lang din.Nakaupo kami ni Ubi sa magarang upuan na pang-dalawahan habang hinihintay ang mga pagkain na in-order namin
Jheanne's Pov Nakahiga ako sa dalampasigan at hinahayaan na pumaroo't pumarito ang tubig sa aking mga binti, habang hinihintay kong dumating si Ubi. Nagpalit pa kasi ito ng damit kanina, ayaw kasi niyang maligo sa dagat at hindi naman ako pumayag na ako nalang mag-isa ang maliligo kaya pinilit ko siya nang pinilit hanggang sa napasunod ko ito.Nakatingala ako sa kalangitan habang naka-unan ang braso ko sa aking uluhan. Hindi pa gaano mataas ang sikat ng araw dahil alas sais pa lamang ng umaga. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw maligo ni Ubi, dahil gusto pa nitong matulog.Napangiti pa ako nang maalala ang nakasimangot niyang mukha kanina. "Ang cute lang!" nakangiti kong sambit habang nakatitig sa langit. Nasa ganoon akong sitwasyon nang bigla ay napalitan ng mukha ni Ubi ang kalangitan. Nagmistulang tumigil ang paligid ko nang mapatuon ang mga mata ko sa kaniyang guwapong mukha. Nakatunghay siya sa akin at pabaliktad ang aming posisyon. Mula sa ilalim ay kitang-kita ko ang hugis
Jheanne's PovNaipikit ko na lamang ang aking mga mata at sabay nanalangin na hindi ituloy ni Hugo ang binabalak nito sa akin. Naubusan na rin ako ng lakas manlaban, walang saysay rin naman ang lakas ko sapagkat malakas siya. Habang pikit ang mga mata, isang tao ang naisipan kong tawagin sa aking isipan.Ubi!And then, someone pulled Hugo away from my body."You idiot!" An enraged voice filled the whole room.Napamulat ako ng mga mata at kaagad na hinanap niyon ang may ari ng boses."Ubi!" I shouted his name.Parang may bagay na binunot sa dibdib ko nang makita ko siya. He's my savior!My Angel!Hawak niya ang leeg ni Hugo. He flamed up! At sa tingin ko ay hindi siya mangingiming pilipitin ang leeg ng lalaki."She's mine!" sigaw ni Hugo.Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Aba ang walang hiya may pa she's mine pang nalalaman matapos akong iwanan at ipagpalit sa bestfriend ko, at muntikan pang pagsamantalahan!"Basagin mo ang mukha niya, Ubi!" Sa galit ko ay nasabi ko iyon.Ngunit nag
Hugo's Pov "Fuck it!" angil ko habang nakakuyom ang kamao. "Gaganti ako! Gaganti—""Shut the fuck up, Hugo!" galit na singhal ni Jana sa mukha ko. Galit na idiniin niya ang cotton balls sa balat ko; sa sugat na tinamo ko mula sa lalaki ni Jheanne! And she was crying while doing it, damn it!Marahas akong napabuntonghininga at iniwas ang tingin sa kaniya. Ibinaling ko ang tingin sa pintoan ng cottage na kinaroroonan namin ngayon."What are you doing there ba kasi, Hugo? Ang sabi mo kukuha ka lang ng vibrator sa Hotel, bakit doon ka napadpad sa cottage ng dalawa? And don't you dare lie to me dahil nakita kitang kumaripas ng takbo palabas doon!" She angrily said to me.Napasinghot-singhot ako, at napapangiwi na rin at the same time dahil dinidiinan niya pa lalo ang cotton balls na may alcohol sa sugat ko.Kung bakit ko pa kasi siya nakasalubong kanina, kailangan ko tuloy mag-isip ng isasagot sa kaniya!This woman was a pain in my ass too! Buntot nang buntot sa akin kairita! "Sinabi ko
Jheanne's Pov Nang dahil sa nangyari nakaraang araw; sa ginawa ni Hugo sa akin ay nagpasya ako na tapusin na ang pagbabakasyon dito sa Cebu. Nakakawalang gana naman kasi lalo na nandito rin ang mga haliparot, nakakasira ng araw! Parang sinasadya pa yata nilang magpakitang gilas sa amin ni Ubi. Ewan ko ba kung saan nakakuha ng kakapalan ng mukha ang ex-boyfriend ko at hindi tinatablan ng hiya matapos akong pagtangkaan na pagsamantalahan! Idagdag pa ang nobya niya na mukhang walang alam sa mga pinanggagawa ng nobyo nito!Napa-ismid ako, as if naman nagseselos ako sa kanila! Pero hindi nga ba?Napailing ako sa aking naisip.Mukhang wala naman akong naramdaman na ganoon, siguro galit, oo.Tinapos ko ang paglalagay ng mga gamit ko sa loob ng lagguage bag, at nahiga ako sa kama. Inabot ko rin ang cellphone ko sa bedside table at pumunta ako sa aking instagram account.Habang nasa ganoon akong sitwasyon ay pumasok si Ubi sa silid.Wala siyang damit pang itaas at mukhang kagagaling lang niy
"You okay, baby?" Napabaling ako kay Ubi, bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito. Panay rin ang tingin niya sa katawan ko kung may galos ba ako o wala."Sigurado ka ba na walang masakit sayo?" dagdag pa niya.Malalim akong napabuga ng hangin sabay sulyap sa aking mga kamay. "Medyo namanhid lang ang mga ito. Akalain ko ba naman na kasing tigas pala ng pagmumukha ni Jana ang buhok niya." wika ko.Nawalan na talaga ako ng control sa sarili ko kaya mukhang napuruhan ko si Jana. Halos gumulong na kasi ito sa lupa, at kung hindi pa kami inawat ng isang pulis marahil naingudngud ko na ang pagmumukha niya sa lupa dahil sa gigil ko sa kaniya.Pero sa bandang huli, nagsisisi rin ako sa aking nagawa, hindi ko kasi dapat sila pinatulan dahil unang-una sa lahat ay wala naman akong mapapala roon. Nanghinayang rin ako at nakaramdam ng guilt dahil nagawa kong saktan ang dati kong kaibigan. Pero masisisi ba nila ako gayong nananahimik na ako at sila itong hindi mapakali sa kinaroroonan nil
Janna's Pov Napangiti ako habang isa-isang binabasa ang iba't ibang komento ng mga tao ukol sa video na pinakalat ko sa internet. For today's video, I feel my victory! "I'm sorry my old friend, but hindi ako magpapatalo sa'yo." nakangisi kong sabi habang pinapanood ang video.Yes, hindi ako magpapatalo sa kaniya, never!Jheanne and I, we've been friends since elementary. Iisang School ang pinapasukan namin at doon na rin kami nagkakilala at naging magkaibigan. Mayaman sila, well, ako rin naman. Ngunit may mga pag-aari siya na hindi ko kayang makuha. Katulad nalang ni Hugo.Noong high school kami ay doon namin nakilala si Hugo. Ang totoo niyan ay ako ang unang nakakilala kay Hugo at pinakilala ko ito kay Jheanne.Nakilala ko si Hugo nang araw na inilipat ito sa aming classroom dahil transferee ito mula sa ibang Paaralan. Unang kita ko palang kay Hugo ay na-inlove na ako sa kaniya, subalit inlove naman siya kay Jheanne bagay na siyang pagkabuhay ng selos sa dibdib ko.Ngunit dahil kaib
Santuario de San Antonio, ChurchForbes Park, Makati City The wedding Carlos' Pov Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako lumingon sa bukana ng Simbahan, hinihintay na pumasok roon ang pinakamamahal kong si Jheanne. Panay rin ang baling ko sa relong pambisig, tinitingnan kung anong oras na. At sa tuwing dumadagdag ang bawat pagpatak ng oras ay lalo akong kinakabahan. Naranasan ko nang ikasal noon; kay Christina, pero masasabi kong kakaiba itong nadarama ko ngayon—sa araw ng kasal namin ni Jheanne.Narito na ang lahat, mga taong mahalaga sa buhay namin. Family, friends, at ilan sa mga kasosyo namin sa trabaho. Nandito rin si Hugo, kasama ang fiancé nitong italyana. Ang anak kong si Hope ay kina Mommy Anne at Mommy Rosita, silang dalawa ang nagsasalitan sa pagbubuhat sa kaniya.Si Jheanne na lang ang hinihintay naming lahat, para masimulan na ang kasal.Ang kasal na matagal ko nang pinaghandaan nang mga panahong nasa Italy pa si Jheanne. Simula kasi ng bumalik ang alaala ko ay
5 months laterJheanne's Pov Mahigit isang oras kong sinayaw-sayaw si Hope para makatulog lang ito. At sa wakas ay nailapag ko rin siya sa loob ng kaniyang crib. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng balikat ko. Initaas ko ang braso at ininat-inat iyon. Habang minamasahe ko ang balikat ko ay napatingin ako kay Hope.Napangiti ako nang mapagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking anak. Akalain mo nga naman na hindi ka marunong sumayaw o kumanta pero kapag nagkaanak ka na lahat ay makakaya mong gawin. Hope is now five months old. At nakabalik na rin kami ng Pilipinas. Unang araw namin ito sa Pilipinas. Kagabi kami dumating at nine pm. Sina mommy at daddy ang sumundo sa'min ni Hope sa Italy. Si Hugo naman ay nagpaiwan na sa Italy dahil buntis si Shania. Gusto nitong sumama pauwi at ihatid kami ni Hope pero ako na mismo ang nagpresinta na huwag na lang at alagaan nalang niya si Shania dahil medyo maselan itong magbuntis. Pero hinatid niya pa rin kami ni Hope sa airport
Milan, Italy Jheanne's Pov Mula sa isang mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako dahil sa tunog na narinig ko mula sa pintoan sa main door.Sa isiping si Hugo iyon ay kaagad nabuhay ang inis sa dibdib ko."Istorbo!" naiinis kong sambit.Mula sa kama ay dahan-dahan akong bumangon at bumaba. Habang palabas ng pinto ng kuwarto ay napapahikab pa ako. Nabitin ang tulog ko at naiinis ako kay Hugo!Ano naman kaya ang kailangan niya? Ang pagkakaalam ko kasi ay lumabas sila ni Shania at namasyal. Iyon kasi ang paalam niya kani-kanina lang. Tapos na ba kaagad ang date nilang dalawa?Tamad akong naglakad patungo sa sala upang buksan ang pintoan roon. Ngunit sa pagbukas ko ay isang bonguet ng bulaklak ang siyang sumalubong sa mukha ko na hawak ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil natatabunan ito ng bulaklak."Fiori per lei signora," (Flowers for you madame)Napamaang ako. Hindi ko inabot ang bulaklak bagkus hinawi ko iyon upang makita ko ang mukha ng lalaki.He's not familiar
Handyman CompanyMakatiCarlos' Pov"Sir, heto na po ang mga papeles na pipirmahan niyo. At remind ko lang po ang meeting mo mamaya kay Mr. Mendez at 1 pm."Tsk!Papeles!Meeting!Wala na bang katapusan 'to?Nakasimangot kong binalingan si Julio. Ang bago kong sekretarya."Baka mayroon pa huwag ka na mahiya, itambak mo na lahat sa lamesa ko." makahulugang turan ko rito habang nakasimangot ang aking mukha.Mahina itong natawa saka napailing. Ipinatong nito ang mga papeles sa lamesa ko at naupo ito sa isang silya kaharap ng lamesa ko."Natural lang iyan, sir, ikaw ang may ari ng kompanyang ito e, kaya nakasalalay sayo ang lahat.""Tsk!" Muli akong napasimangot. In the past 5 months ay wala na akong ibang inatupag kundi trabaho...trabaho...trabaho! "Mabilis kang tatanda niyan, sir." natatawang komento ni Julio."Shut up and leave my office!" Natawa lang ito sa sinabi ko. Ganoon naman siya palagi e, pasalamat siya at pamangkin ko siya dahil kung hindi matagal na siyang tanggal sa trab
Milan, Italy 5 months afterJheanne's Pov "Quanto?" (How much?)Tanong ko sa tindera na nagtitinda sa prutasan dito sa Fruit market sa Milan. Ang tinutukoy ko sa kaniya ay ang ubas na hawak ko ngayon at sinisimulan ko nang kainin kahit hindi ko pa ito nababayaran.Napangiti sa akin ang italyanang tindera. Suki na ako nito sa mga paninda niyang prutas kaya sa tuwing nilalantakan ko ang mga paninda niya kahit hindi ko pa nababayaran ay wala na lang iyon sa kaniya. Alam naman kasi niya na babayaran ko ang mga nakakain ko."C'è un prezzo, tesoro." (There's a price, honey) wika nito sabay turo sa mga preso sa bawat prutas na naka-display.Mahina akong natawa bago ko muli isinubo ang isang grapes. Saka na ako nagsalita nang matapos ko na itong nguyain at lunokin. "Sto scherzando." (I'm kidding) ani ko.Napailing-iling na lang sa akin ang italyanang tindera.Kumuha ako ng mga prutas na gusto ko at inilagay ito sa isang tray. Sa dami ng mga nasa harapan ko ay hindi ko na alam kung ano ang u
Garzon Healthcare Makati Second sessionCarlos' Pov Before leaving her condo last night I told her to wait for me no matter what. Sinabi ko rin sa kaniya na kung puwede ay iwasan niya si Hugo Makatarungan. Tinanong niya ako kung bakit, hindi ko masagot dahil bakit rin ang tanong ko sa aking sarili.Nakakatawa lang isipin pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng inis nang makita kong magkasama sila ni Hugo at nagyakapan pa.Ilang oras ba akong naghintay sa kaniya sa labas ng condo unit niya? Sa tingin ko ay apat na oras. Apat na oras akong naghintay dahil gusto ko sana siyang maka-usap, pero dahil wala pa siya ay doon na muna ako tumambay sa isang bar malapit sa condo building. Nagsimula ako sa isang bote ng beer, hanggang sa ang isa ay dumami na at hindi ko na mabilang kung ilan ang naubos ko. Bumalik ako sa condo unit niya after a few hours, and there, I saw them hugging each other.May kung anong tumulak sa akin na sugurin ang mga ito pero hi
Jheanne's Pov The moment I heard what he said, my heartbeat stop from beating. Pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng paghinga, ayaw mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya at hanggang ngayon ay patuloy ito sa pagtugtog sa pandinig ko."Si Christina lang ang mahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng iba!"Those words still play like music in my head.Nakakabingi.Kahit narito ako ngayon sa isang park at maraming tao ang namamasyal at nag-iingay ay walang sinabi ang ingay nila sa ingay ng mga salitang sinabi ni Carlos na tumatak sa isipan ko.I wiped the tears that keep on streaming down my face. Hindi na yata ito maampat pa. Wala na yatang katapusan ang mga luha ko, hindi nauubos.Napabaling ako sa isang kamay na may hawak na panyo at nakalahad sa akin. Bumuntonghininga ako bago ako nagtaas ng tingin upang salubungin ng tingin ang nagmamay-ari niyon."Take it or else ako ang gagawa." anito.Napangiti ako sa sinabi niya. Kinuha ko rin ang panyo na bigay niya sa akin."Wala ba
Carlos' Pov Napamulat ako ng mga mata at marahas na napabangon."Carlos!" Narinig kong bulalas ni Ninong Esmael. Napabaling ako rito at nabakas ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Humingi ako ng paumanhin sa kaniya. "Pasensya na po, ninong, pero kailangan ko ng umalis ngayon din." wika ko at kaagad na tumalikod."Teka, saan ka naman pupunta? Why are you in a hurry? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. "Okay ka lang ba, Carlos? Sa itsura mong iyan alam kong galit ka, sino ba ang kaaway mo?" Napatiim-bagang ako at nakuyom ko ang aking mga kamao ng mahigpit.Ang babaeng iyon!Ano ang kasalanan ni Christina sa kaniya at nakaya niya itong patayin! She's a murderer!Binalingan ko muli si Ninong. Wala na akong panahon na magpaliwanag pa. Kailangan kong puntahan si Mia ngayon din at magtutuos kaming dalawa!"I'm sorry po ninong pero saka na ako magpapaliwanag sayo.""Carlos—"Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Mabilis na
Garzon Healthcare Makati Carlos' Pov Nasa loob ako ng isang kuwarto at ako lang ang naroon, at si Ninong Esmael. Dilaw ang pintura ng dingding nito na may nakasabit na iba't ibang klase ng frame. Maaliwalas rin ang silid na ito at masasabi ko talaga na komportable ito sa pakiramdam.Si Mommy naman ay naghihintay lang sa labas. Sigurado naman ako na hindi rin siya mabuburyo dahil nakabukas naman ang tv sa labas at may malilibangan naman siya habang narito naman ako sa isang silidna ito.Today is my first day of the session. At naniniwala ako na may maalala ako ngayong araw na ito."Are you ready, hijo?" ani ni Ninong Esmael sa akin. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan ko mismo. Sa isang tabi ay may isa pang pahaba na sofa, at sa tingin ko ay doon ako hihiga mamaya.Kaagad naman akong tumugon sa tanong niya. "I am." Tumango at ngumiti si Ninong Esmael sa akin."Lay on that sofa bed." utos sa akin ni Ninong Esmael habang iminusra ang sofa bed.Wala na akong sinayang pa na panahon,