Share

APKF-15

Author: Pusa
last update Last Updated: 2022-12-09 22:40:54

"You okay, baby?"

Napabaling ako kay Ubi, bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito. Panay rin ang tingin niya sa katawan ko kung may galos ba ako o wala.

"Sigurado ka ba na walang masakit sayo?" dagdag pa niya.

Malalim akong napabuga ng hangin sabay sulyap sa aking mga kamay. "Medyo namanhid lang ang mga ito. Akalain ko ba naman na kasing tigas pala ng pagmumukha ni Jana ang buhok niya." wika ko.

Nawalan na talaga ako ng control sa sarili ko kaya mukhang napuruhan ko si Jana. Halos gumulong na kasi ito sa lupa, at kung hindi pa kami inawat ng isang pulis marahil naingudngud ko na ang pagmumukha niya sa lupa dahil sa gigil ko sa kaniya.

Pero sa bandang huli, nagsisisi rin ako sa aking nagawa, hindi ko kasi dapat sila pinatulan dahil unang-una sa lahat ay wala naman akong mapapala roon. Nanghinayang rin ako at nakaramdam ng guilt dahil nagawa kong saktan ang dati kong kaibigan.

Pero masisisi ba nila ako gayong nananahimik na ako at sila itong hindi mapakali sa kinaroroonan nil
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maeann Maeann Maeann
nice id like it
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-16

    Janna's Pov Napangiti ako habang isa-isang binabasa ang iba't ibang komento ng mga tao ukol sa video na pinakalat ko sa internet. For today's video, I feel my victory! "I'm sorry my old friend, but hindi ako magpapatalo sa'yo." nakangisi kong sabi habang pinapanood ang video.Yes, hindi ako magpapatalo sa kaniya, never!Jheanne and I, we've been friends since elementary. Iisang School ang pinapasukan namin at doon na rin kami nagkakilala at naging magkaibigan. Mayaman sila, well, ako rin naman. Ngunit may mga pag-aari siya na hindi ko kayang makuha. Katulad nalang ni Hugo.Noong high school kami ay doon namin nakilala si Hugo. Ang totoo niyan ay ako ang unang nakakilala kay Hugo at pinakilala ko ito kay Jheanne.Nakilala ko si Hugo nang araw na inilipat ito sa aming classroom dahil transferee ito mula sa ibang Paaralan. Unang kita ko palang kay Hugo ay na-inlove na ako sa kaniya, subalit inlove naman siya kay Jheanne bagay na siyang pagkabuhay ng selos sa dibdib ko.Ngunit dahil kaib

    Last Updated : 2022-12-11
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-17

    Jheanne's Pov Nakabalik kami ni Ubi ng Manila; sa condo suit ko. Pagod kong ibinagsak ang katawan sa sofa at hindi ko napigilan na hilotin ang aking sentido. Sa totoo lang ay nai-stress ako sa mga nangyayari sa Cebu at higit sa lahat sa nangyari sa eroplano.Gusto kong ipahayag sa lahat ang katotohanan, gusto kong linisin ang pangalan ko, pero hindi ko alam kung papano."Overthink again?" anang boses ni Ubi. Noon ko lamang napansin na nasa tabi ko na pala siya. Nakaligo na siya dahil basa pa ang buhok nito at gulong-gulo pa iyon. Imbes na sagutin ko siya ay tumaas ang palad ko upang haplosin ang buhok niyang basa pa. Tila nagulat siya sa ginawa ko pero nginitian ko na lang ito."Pagupitan natin ang buhok mo?" tanong ko sa kaniya. Medyo mahaba kasi ang buhok niya. Honestly, nang una ko siyang dalhin rito ay mahaba na talaga ang buhok niya at maraming dumi na nakakapit, kaya ang ginawa ko ay pinutulan ko ang kalahati niyon. Natatawa pa nga ako dahil hindi pantay ang paggupit ko sa kani

    Last Updated : 2022-12-12
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-18

    Ubi's Pov Hindi ko maiwasang mapatitig sa maganda niyang mukha, sa nangungusap na mga mata na kahit pa namumugto iyon mula sa pag-iyak ay hindi maitatago ang ganda. Ang labi niyang tila nanghahamon nang halikan na kay sarap hagkan. Paano nga ba nagsimula ang lahat? Paano nga ba nabuhay itong kakaiba kong nararamdaman para sa kaniya? Kailan lang kami nagkakilala pero pakiramdam ko ay ang lapit-lapit na namin sa isa't isa.Ni hindi ko nga alam kung sino ako, kung anong klaseng tao ba ako. Ultimo pangalan ko ay hindi ko alam, pero nagpapasalamat ako sa kaniya dahil binigyan niya ako ng pangalan na alam ko naman kung saan niya kinuha. Ubi is short for Pulubi. I like the name she gave me at para sa akin ay mas gusto ko na ito na lang ang magiging pangalan ko kaysa sa pangalan na tinawag sa akin ng dati kong kasamahan sa trabaho.I have so many questions for myself too, kung saan ba ako nanggaling. Kung may pamilya ba ako, o anak at asawa. I didn't know who am I. Wala akong alam tungkol sa

    Last Updated : 2022-12-14
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-19

    Jheanne's Pov Pinagmamasdan ko ang natutulog na si Ubi. Mahigit trenta'y minutos na siyang tulog simula pa kanina nang mahimatay siya. Nangangati na rin ang mga palad ko na tawagan ang family doctor namin nang sa ganoon ay matignan siya at malaman kung ano ang sanhi ng pagkirot ng ulo niya at kung bakit siya hinimatay. Lately kasi ay napapansin kong umiiba nalang bigla ang awra niya. Iyon bang tipo na okay siyang kausap, matino, pero may time na para bang lutang siya at wala sa kaniyang sarili. Gusto ko rin sana siyang tanongin tungkol sa kwento ng buhay niya, pero naiisip ko naman na baka masyado na akong atat para gawin iyon.Napabuntonghininga na lamang ako. Ayoko naman na isipin ni Ubi na pakilamera ako ng buhay na may buhay.Napabaling pa ako sa pinto nang bumukas iyon. Si Mommy Anne ang pumasok at may dala itong tray. Tiningnan ko ang laman ng tray na ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa. Dalawang mangkok na may laman na sopas na umuusok pa ang nakalagay roon. Kaagad akong naglawa

    Last Updated : 2022-12-18
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-20

    Jheanne's Pov Matapos ang isang linggo na bakasyon ay bumalik na ako sa aking trabaho sa Affinity Manpower, habang si Ubi ay iniwan ko lang sa condo. Sinabi ko sa kaniya na kung gusto niyang lumabas at mamasyal ay kumuha lang siya ng pera na iniwan ko para sa kaniya sa drawer o gamitin niya lang ang credit card ko. Tumango lang naman siya kanina. Natatawa pa nga ako dahil siya itong naglalaba ng mga marurumi naming damit na dapat ay si Manang Lita ang gumagawa. Mabuburyo lang naman daw siya dahil maghapon siyang mag-isa sa condo kaya siya na lang daw ang gagawa ng gawaing bahay at huwag na lang daw papuntahin si Manang Lita. Ang cute niya. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang naglalakad ako papasok ng building.Siguro kong si Ubi ang magiging asawa ko ang suwerte ko siguro sa kaniya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at naipilig ang ulo dahil sa naisip kong iyon.Bakit ko ba iyon naiisip?Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at bawat makasalubong ko na mga kasamahan ko sa trabaho ay

    Last Updated : 2022-12-20
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-21

    Jheanne's PovDahil sa dami ng trabaho na tinutukan ko, at idagdag pa ang magkasunod na pagpunta nina Hugo at Janna sa opisina ko ay nawalan na ako ng gana mananghalian. Pati ang project ko sa Iloilo ay kinansela ko na muna. Binigay ko muna iyon sa iba kong kasamahan. Napag-isip-isip ko kasi na walang makakasama si Ubi sa condo kapag umalis ako, kaya kinansel ko muna ang trabahong iyon. Kung hindi pa nga ako pinilit nina Albie at Zsa na kumain muna sa labas ay siguro nasa opisina pa rin ako ngayon at nagtatrabaho pa rin.Sa isang Korean Restaurant kami ngayon at kasalukuyang kumakain. Habang abala ako sa kinakain ko ay abala naman silang dalawa sa pagkukuwentuhan about sa mga nobyo nila. Si Zsa kasi ay may nobyo rin na engineer pero sa kabilang company naman iyon. Ayon kay Zsa ay hindi raw ito gusto ng lola ng kasintahan nito. Pera lang daw ang habol ni Zsa sa kasintahan nito bagay na hindi namin pinaniwalaan ni Albie dahil laking mayaman si Zsa. About naman kay Albie, ang nobyo nama

    Last Updated : 2022-12-22
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-22

    Rosita's Pov Napangiti ako habang tinitingnan ang dalaga mula sa loob ng bintana ng aking kotse. Nang umandar ang kotse ay nawala na rin siya sa aking paningin. I like her, really. Magaan ang loob ko sa kaniya kahit na ngayon lamang kami nagkakilala. Gusto ko iyong pagiging charming niya, para siyang si Sabrina. Si Sabrina ay asawa ng aking panganay na anak na si Carlos. Pero noong mamatay si Sabrina ay para na ring namatay ang anak ko. Ako mismo, nakita ko at na-witness ang pagmamahalan nilang dalawa. Simula pa mga bata sila ay matalik na silang magkaibigan, parang buntot ng bawat isa na kapag nasaan ang isa ay naroon rin dapat ang isa sa kanila. Hindi sila naghihiwalay. I also witnessed on how Carlos fall in love deeply with Sabrina. Halos mabaliw ang anak ko sa pagmamahal nito sa dalaga. At ganoon rin si Sabrina kay Carlos. It looks like they meant to each other talaga, sabay pa nga nila inalok ang isa't isa,na magpakasal. At sobrang masaya ako nang sa wakas ay sumumpa sila sa h

    Last Updated : 2022-12-23
  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-23

    Ubi's Pov Naibaba ko ang cellphone at putol na rin ang linya ngunit ang kaba na nadarama ko kanina nang marinig ko ang boses na iyon mula sa kabilang linya ay naroon pa rin. Malakas ang pagtambol ng aking dibdib at hindi maintindihan ang sarili kung bakit ako nagkaganoon. Lumabas si Jheanne mula sa banyo at naabutan ako sa sala na nakaupo sa sofa habang nakatulala. Nilapitan niya ako at inakbayan."Are you okay, Ubi?" aniya.Tumango ako ngunit nanatiling nakatingin sa kawalan."Sure ka ba? Mukhang hindi ka kasi okay. Teka, nagugutom ka ba? Gusto mo ipagluto kita? Alam mo hindi na ako nakadaan ng pagkain kanina kasi dumiretso na ako pauwi e, pero hayaan mo bukas ibibili kita ng pasalubong—""Nakapagluto na ako. Kare-kare." putol ko mula sa sasabihin niya.Narinig ko ang pagsinghap niya, pagkatapos ay nagulat ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi upang pihitin ang leeg ko paharap sa kaniya. Ngayon ay nakatitig na kami sa isa't isa."Talaga? Nagluto ka?" Hindi makapaniwala na g

    Last Updated : 2022-12-27

Latest chapter

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-Epilogue

    Santuario de San Antonio, ChurchForbes Park, Makati City The wedding Carlos' Pov Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako lumingon sa bukana ng Simbahan, hinihintay na pumasok roon ang pinakamamahal kong si Jheanne. Panay rin ang baling ko sa relong pambisig, tinitingnan kung anong oras na. At sa tuwing dumadagdag ang bawat pagpatak ng oras ay lalo akong kinakabahan. Naranasan ko nang ikasal noon; kay Christina, pero masasabi kong kakaiba itong nadarama ko ngayon—sa araw ng kasal namin ni Jheanne.Narito na ang lahat, mga taong mahalaga sa buhay namin. Family, friends, at ilan sa mga kasosyo namin sa trabaho. Nandito rin si Hugo, kasama ang fiancé nitong italyana. Ang anak kong si Hope ay kina Mommy Anne at Mommy Rosita, silang dalawa ang nagsasalitan sa pagbubuhat sa kaniya.Si Jheanne na lang ang hinihintay naming lahat, para masimulan na ang kasal.Ang kasal na matagal ko nang pinaghandaan nang mga panahong nasa Italy pa si Jheanne. Simula kasi ng bumalik ang alaala ko ay

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-46 (Ending)

    5 months laterJheanne's Pov Mahigit isang oras kong sinayaw-sayaw si Hope para makatulog lang ito. At sa wakas ay nailapag ko rin siya sa loob ng kaniyang crib. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng balikat ko. Initaas ko ang braso at ininat-inat iyon. Habang minamasahe ko ang balikat ko ay napatingin ako kay Hope.Napangiti ako nang mapagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking anak. Akalain mo nga naman na hindi ka marunong sumayaw o kumanta pero kapag nagkaanak ka na lahat ay makakaya mong gawin. Hope is now five months old. At nakabalik na rin kami ng Pilipinas. Unang araw namin ito sa Pilipinas. Kagabi kami dumating at nine pm. Sina mommy at daddy ang sumundo sa'min ni Hope sa Italy. Si Hugo naman ay nagpaiwan na sa Italy dahil buntis si Shania. Gusto nitong sumama pauwi at ihatid kami ni Hope pero ako na mismo ang nagpresinta na huwag na lang at alagaan nalang niya si Shania dahil medyo maselan itong magbuntis. Pero hinatid niya pa rin kami ni Hope sa airport

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-45

    Milan, Italy Jheanne's Pov Mula sa isang mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako dahil sa tunog na narinig ko mula sa pintoan sa main door.Sa isiping si Hugo iyon ay kaagad nabuhay ang inis sa dibdib ko."Istorbo!" naiinis kong sambit.Mula sa kama ay dahan-dahan akong bumangon at bumaba. Habang palabas ng pinto ng kuwarto ay napapahikab pa ako. Nabitin ang tulog ko at naiinis ako kay Hugo!Ano naman kaya ang kailangan niya? Ang pagkakaalam ko kasi ay lumabas sila ni Shania at namasyal. Iyon kasi ang paalam niya kani-kanina lang. Tapos na ba kaagad ang date nilang dalawa?Tamad akong naglakad patungo sa sala upang buksan ang pintoan roon. Ngunit sa pagbukas ko ay isang bonguet ng bulaklak ang siyang sumalubong sa mukha ko na hawak ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil natatabunan ito ng bulaklak."Fiori per lei signora," (Flowers for you madame)Napamaang ako. Hindi ko inabot ang bulaklak bagkus hinawi ko iyon upang makita ko ang mukha ng lalaki.He's not familiar

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-44

    Handyman CompanyMakatiCarlos' Pov"Sir, heto na po ang mga papeles na pipirmahan niyo. At remind ko lang po ang meeting mo mamaya kay Mr. Mendez at 1 pm."Tsk!Papeles!Meeting!Wala na bang katapusan 'to?Nakasimangot kong binalingan si Julio. Ang bago kong sekretarya."Baka mayroon pa huwag ka na mahiya, itambak mo na lahat sa lamesa ko." makahulugang turan ko rito habang nakasimangot ang aking mukha.Mahina itong natawa saka napailing. Ipinatong nito ang mga papeles sa lamesa ko at naupo ito sa isang silya kaharap ng lamesa ko."Natural lang iyan, sir, ikaw ang may ari ng kompanyang ito e, kaya nakasalalay sayo ang lahat.""Tsk!" Muli akong napasimangot. In the past 5 months ay wala na akong ibang inatupag kundi trabaho...trabaho...trabaho! "Mabilis kang tatanda niyan, sir." natatawang komento ni Julio."Shut up and leave my office!" Natawa lang ito sa sinabi ko. Ganoon naman siya palagi e, pasalamat siya at pamangkin ko siya dahil kung hindi matagal na siyang tanggal sa trab

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-43

    Milan, Italy 5 months afterJheanne's Pov "Quanto?" (How much?)Tanong ko sa tindera na nagtitinda sa prutasan dito sa Fruit market sa Milan. Ang tinutukoy ko sa kaniya ay ang ubas na hawak ko ngayon at sinisimulan ko nang kainin kahit hindi ko pa ito nababayaran.Napangiti sa akin ang italyanang tindera. Suki na ako nito sa mga paninda niyang prutas kaya sa tuwing nilalantakan ko ang mga paninda niya kahit hindi ko pa nababayaran ay wala na lang iyon sa kaniya. Alam naman kasi niya na babayaran ko ang mga nakakain ko."C'è un prezzo, tesoro." (There's a price, honey) wika nito sabay turo sa mga preso sa bawat prutas na naka-display.Mahina akong natawa bago ko muli isinubo ang isang grapes. Saka na ako nagsalita nang matapos ko na itong nguyain at lunokin. "Sto scherzando." (I'm kidding) ani ko.Napailing-iling na lang sa akin ang italyanang tindera.Kumuha ako ng mga prutas na gusto ko at inilagay ito sa isang tray. Sa dami ng mga nasa harapan ko ay hindi ko na alam kung ano ang u

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-42

    Garzon Healthcare Makati Second sessionCarlos' Pov Before leaving her condo last night I told her to wait for me no matter what. Sinabi ko rin sa kaniya na kung puwede ay iwasan niya si Hugo Makatarungan. Tinanong niya ako kung bakit, hindi ko masagot dahil bakit rin ang tanong ko sa aking sarili.Nakakatawa lang isipin pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng inis nang makita kong magkasama sila ni Hugo at nagyakapan pa.Ilang oras ba akong naghintay sa kaniya sa labas ng condo unit niya? Sa tingin ko ay apat na oras. Apat na oras akong naghintay dahil gusto ko sana siyang maka-usap, pero dahil wala pa siya ay doon na muna ako tumambay sa isang bar malapit sa condo building. Nagsimula ako sa isang bote ng beer, hanggang sa ang isa ay dumami na at hindi ko na mabilang kung ilan ang naubos ko. Bumalik ako sa condo unit niya after a few hours, and there, I saw them hugging each other.May kung anong tumulak sa akin na sugurin ang mga ito pero hi

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-41

    Jheanne's Pov The moment I heard what he said, my heartbeat stop from beating. Pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng paghinga, ayaw mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya at hanggang ngayon ay patuloy ito sa pagtugtog sa pandinig ko."Si Christina lang ang mahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng iba!"Those words still play like music in my head.Nakakabingi.Kahit narito ako ngayon sa isang park at maraming tao ang namamasyal at nag-iingay ay walang sinabi ang ingay nila sa ingay ng mga salitang sinabi ni Carlos na tumatak sa isipan ko.I wiped the tears that keep on streaming down my face. Hindi na yata ito maampat pa. Wala na yatang katapusan ang mga luha ko, hindi nauubos.Napabaling ako sa isang kamay na may hawak na panyo at nakalahad sa akin. Bumuntonghininga ako bago ako nagtaas ng tingin upang salubungin ng tingin ang nagmamay-ari niyon."Take it or else ako ang gagawa." anito.Napangiti ako sa sinabi niya. Kinuha ko rin ang panyo na bigay niya sa akin."Wala ba

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-40

    Carlos' Pov Napamulat ako ng mga mata at marahas na napabangon."Carlos!" Narinig kong bulalas ni Ninong Esmael. Napabaling ako rito at nabakas ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Humingi ako ng paumanhin sa kaniya. "Pasensya na po, ninong, pero kailangan ko ng umalis ngayon din." wika ko at kaagad na tumalikod."Teka, saan ka naman pupunta? Why are you in a hurry? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. "Okay ka lang ba, Carlos? Sa itsura mong iyan alam kong galit ka, sino ba ang kaaway mo?" Napatiim-bagang ako at nakuyom ko ang aking mga kamao ng mahigpit.Ang babaeng iyon!Ano ang kasalanan ni Christina sa kaniya at nakaya niya itong patayin! She's a murderer!Binalingan ko muli si Ninong. Wala na akong panahon na magpaliwanag pa. Kailangan kong puntahan si Mia ngayon din at magtutuos kaming dalawa!"I'm sorry po ninong pero saka na ako magpapaliwanag sayo.""Carlos—"Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Mabilis na

  • Ang pulubi kong Fiancé   APKF-39

    Garzon Healthcare Makati Carlos' Pov Nasa loob ako ng isang kuwarto at ako lang ang naroon, at si Ninong Esmael. Dilaw ang pintura ng dingding nito na may nakasabit na iba't ibang klase ng frame. Maaliwalas rin ang silid na ito at masasabi ko talaga na komportable ito sa pakiramdam.Si Mommy naman ay naghihintay lang sa labas. Sigurado naman ako na hindi rin siya mabuburyo dahil nakabukas naman ang tv sa labas at may malilibangan naman siya habang narito naman ako sa isang silidna ito.Today is my first day of the session. At naniniwala ako na may maalala ako ngayong araw na ito."Are you ready, hijo?" ani ni Ninong Esmael sa akin. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan ko mismo. Sa isang tabi ay may isa pang pahaba na sofa, at sa tingin ko ay doon ako hihiga mamaya.Kaagad naman akong tumugon sa tanong niya. "I am." Tumango at ngumiti si Ninong Esmael sa akin."Lay on that sofa bed." utos sa akin ni Ninong Esmael habang iminusra ang sofa bed.Wala na akong sinayang pa na panahon,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status