Merry Christmas and Happy New Year po inyong lahat ka-pusa! Mag-iingat po kayo at God bless po sa ating lahat!
Ubi's PovIsang eksena ang nakita ng dalawang mga mata ko. Ang lalaking kamukhang-kamukha ko ay nakatayo sa aking harapan kasama ang isang magandang babae. Pareho silang nakangiti sa isa't isa, parehong masaya."Pakasal na tayo?" tanong ng babae na nakangiti sa kamukha ko.Natawa ang lalaki at namula pa ang buong mukha nito. Kapagkuwan ay may kinuha sa bulsa niya at pinakita ito sa magandang babae."Naunahan mo lang ako e. Ako ang dapat na magtanong sayo, mahal. Will you marry me?" anang lalaki na inulit ang sinabi ng babae.The woman's eyes was filled with happiness. Namula rin ang magkabilang pisngi nito dahil sa kilig. Hindi rin ito nagdalawang isip na um-oo sa lalaki na kamukha ko.Hanggang sa ang eksena na iyon ay nalipat sa ibang direksyon. Ngayon ay nasa isang beach ako. Nakatayo habang nakatitig sa kanilang dalawa na masayang nagtatampisaw sa tubig-dagat.The woman was wearing a white two-piece-swimsuit, while the man who is my look alike are wearing white trunk shorts. Magi
Jheanne's Pov Nagulat ako nang mapagbuksan ko ng pintoan si Ubi. May bitbit itong supot at nakangiti itong nakatingin sa akin dahilan upang rumambol ang aking dibdib."Hi, baby." ani niya sa akin. Hindi ko naitago ang pamumula ng aking pisngi at aminado akong kinilig sa endearment na tinawag niya sa akin, kahit na palagi ko na itong naririnig mula sa kaniya ay para bang bago pa rin ito sa aking pandinig."H-Hello," utal kong sambit, "bakit ka narito?" Hindi dapat iyon ang gusto kong sabihin pero iyon ang lumabas sa aking bibig.He sighed, "Why? Ayaw mo bang nandito ako?" may himig pagtatampo ang boses niya.Kaagad ko naman siyang hinila papasok sa loob ng opisina ko at pinaupo sa isang couch. "Naku, hindi ah. Nagulat lang ako, Ubi." paliwanag ko rito. Sinulyapan ko ang supot na ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa ko. "Teka, ano ba ang nasa supot na iyan?" tanong ko sa kaniya."Our lunch. I cooked for you, and I hope you'll like it." sabi niya at binuksan na ang supot.Hindi kaagad ako
Jheanne's PovMagkahawak-kamay kami ni Ubi habang binabagtas namin ang daan papasok sa loob ng SM Mega Mall. Nakasuot ako ng mini dress na off-shoulder na bumagay sa maputi kong balat at sa mahubog kong katawan, at pinaresan ko ito ng puting sapatos, habang nakasuot naman ng simpleng polo shirt si Ubi at cargo shorts naman ang pang ibaba nito. Katulad ko ay kulay puti rin ang kaniyang sapatos, na ako rin ang bumili para sa kaniyaKung titingnan ay para kaming magnobyo na dalawa dahil sa ka-sweet-an namin. Idagdag pa na minu-minuto yata ay hinahalikan ako ni Ubi. Hindi ko rin magawang tumanggi dahil gusto ko rin ang kaniyang ginagawa. "Baby, punta tayo doon." ani niya sabay turo sa isang Photo Booth.Napangiti ako at kaagad na napantango, "Sige ba! Kuha tayo ng picture!" Ako pa mismo ang humila sa kaniya palapit roon dahil masyado akong na-excite. Natatawa na lamang siya sa akin at sa ginawa kong paghila sa kaniya.Pagkarating namin sa Photo booth ay occupied pa ito kaya naghintay mu
Jheanne's Pov "Hija, bakit ang tagal naman ng fiancé mo?" Napabaling ako kay Ma'am Rosita. She had this look na para bang nanamlay siya dahil wala pa rin si Ubi. Malalim akong napabuga ng hangin sabay tingin sa aking relos. Mag-iisang oras na pala kaming naghihintay kay Ubi hindi ko lang namalayan dahil abala kami kanina sa pagkukuwentuhan ni Ma'am Rosita."Pasensya na po, ma'am, ha. Ang tagal nga niya e. Ano kaya kung puntahan ko siya sa Restroom?" wika ko."Sige—" Nag-ring ang cellphone nito na nakapatong sa ibabaw ng lamesa kaya sabay pa kami napabaling roon, "excuse me, hija." Tinangoan ko naman siya.Binalingan ko ulit ang bukana ng Restaurant habang siya'y may kinakausap sa cellphone nito. Halos humaba na ang leeg ko kakaabang kay Ubi ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Tumae ba siya ng bato kaya ganoon siya katagal sa banyo? Kanina ko pa nga siya gustong puntahan kaso hindi ko naman alam kung saang Restroom siya pumunta. "Ah, hija, I'm
Jheanne's Pov Ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa dahil mahal rin ako ng lalaking mahal ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mahal ako ni Ubi. Baliw na nga yata ako dahil kahit wala namang nakakatawa ay natatawa ako. Katulad nalang ngayon, habang gumagawa ako ng plano ng bahay na gusto kong ipatayo in the near future ay napapangiti ako. Sana ay hindi na matatapos itong sayang nararamdaman ko ngayon.Ilang araw ang lumipas matapos ipagtapat sa akin ni Ubi na mahal niya rin ako ay simula noon ay araw-araw na siyang pumupunta rito sa opisina ko upang dalhan ako ng pagkain at sabay rin kaming kakain. Katulad na lang ngayon, narito siya at may dalang pananghalian."Let's eat, baby." aniya sa akin."Okay!" nakangiti kong tugon. Magana kaming kumain na dalawa, at paminsan-minsa'y sinusubuan niya rin ako."Open your mouth, baby." utos niya sa akin.Binuka ko naman agad ang aking bibig upang tanggapin ang isinusubo niya sa akin. "Ahh,""Subuan mo rin ako,
Hugo's Pov Binalibag ko ang lahat ng gamit na makita at madaanan ko. "Buwesit!" galit kong sigaw sa hangin.Pinagsusuntok ko ang pader dahilan upang tumiklop ang balat ko sa aking kamao at lumabas ang dugo mula roon. Naramdaman ko ang matinding hapdi pero binalewala ko ito. Pumupuyos ang kalooban ko sa lalaking iyon. Gustong-gusto ko siyang sakalin ngayon, pero papano? Binali niya ang isang braso ko!"Fuck!" gigil ko pang sigaw.Pumasok ako sa kusina at kumuha ng maiinom na beer sa refrigerator gamit ang isang braso ko. Nasa bahay ako ngayon at wala sa condo namin ni Janna. Mabuti na rin at wala rito ang babaeng iyon. Dahil kung nagkataon, mapupuno na naman ng talak ang tenga ko ngayon lalo na kapag nalaman niya ang ginawa ko kanina.Alam kong wala na kami ni Jheanne, at ako ang dahilan ng pagkawasak namin, pero napag-isip-isip ko na mas bagay talaga kaming dalawa kaysa sa bestfriend niya, at gusto ko siyang bawiin sa lalaking iyon."Ubi? Hahaha! Bakit naman ganoon ang pangalan niy
Jheanne's Pov Habang nagluluto ako ng almusal ay dalawang braso ang pumulupot sa bewang ko. Napangiti ako at kinilig. "Good morning, baby." bati niya sa akin. Ang pagbuga niya ng hangin ay tumatama sa aking leeg, mainit iyon at dumagdag pa sa kilig na nararamdaman ko.Pinagpatuloy ko ang pagluluto habang sinagot ko naman siya, "Good morning too. Kumusta ang tulog mo? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" Simula nang magsama kami sa iisang bahay ay palagi ko na nakikita na humahawak siya sa ulo niya, lalo sa kalaliman ng gabi. May isang beses pa nga na nagulat ako dahil bigla siyang gumising at sumisigaw mula sa isang bangungot. Kung hindi ko pa siya sasampalin ay hindi pa siya magigising."Hindi na. Ganito lang talaga ako kahit noong hindi pa tayo nagkakilala, baby. Siguro migraine lang ito.""Sigurado ka?" ani ko sabay pumihit ako paharap sa kaniya. Isinampay ko ang dalawang braso sa magkabila niyang balikat at tiningnan siya sa mga mata. "Pa-check up kaya tayo, Ubi? Para masiguro na
Ubi's Pov Habang tinitingnan ko siya na masayang nakikipag-usap sa mga magulang niya ay lalo akong napamahal. Para rin akong isang balon. Katulad ng isang balon na malalim ay ganoon rin kalalim ang pagmamahal ko kay Jheanne.Siguro kung iiwan niya ako ay hindi ako makakaahon dahil hulog na hulog na ako sa kaniya.Napangiti ako habang nakatitig sa maganda niyang mukha.Nasa hardin kami, kasama ang mga magulang niya. Nag-usap tungkol sa nalalapit naming kasal. Hinihingi rin nila ang apelyedo ko, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon naibibigay. Mabuti nalang at nililigaw ni Jheanne ang usapan kaya nawala siguro iyon sa isipan ng mommy niya.Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil wala ako ni pisong duling na ibinigay kay Jheanne para sa aming kasal. Wala naman kasi akong pera dahil isa lamang akong pulubi na binihisan niya at pinakain.Malungkot akong nagbaba ng tingin dahil sa isiping iyon.Pero muli akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang sinabi ng mommy ni Jheanne sa akin."U
Santuario de San Antonio, ChurchForbes Park, Makati City The wedding Carlos' Pov Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako lumingon sa bukana ng Simbahan, hinihintay na pumasok roon ang pinakamamahal kong si Jheanne. Panay rin ang baling ko sa relong pambisig, tinitingnan kung anong oras na. At sa tuwing dumadagdag ang bawat pagpatak ng oras ay lalo akong kinakabahan. Naranasan ko nang ikasal noon; kay Christina, pero masasabi kong kakaiba itong nadarama ko ngayon—sa araw ng kasal namin ni Jheanne.Narito na ang lahat, mga taong mahalaga sa buhay namin. Family, friends, at ilan sa mga kasosyo namin sa trabaho. Nandito rin si Hugo, kasama ang fiancé nitong italyana. Ang anak kong si Hope ay kina Mommy Anne at Mommy Rosita, silang dalawa ang nagsasalitan sa pagbubuhat sa kaniya.Si Jheanne na lang ang hinihintay naming lahat, para masimulan na ang kasal.Ang kasal na matagal ko nang pinaghandaan nang mga panahong nasa Italy pa si Jheanne. Simula kasi ng bumalik ang alaala ko ay
5 months laterJheanne's Pov Mahigit isang oras kong sinayaw-sayaw si Hope para makatulog lang ito. At sa wakas ay nailapag ko rin siya sa loob ng kaniyang crib. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng balikat ko. Initaas ko ang braso at ininat-inat iyon. Habang minamasahe ko ang balikat ko ay napatingin ako kay Hope.Napangiti ako nang mapagmasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking anak. Akalain mo nga naman na hindi ka marunong sumayaw o kumanta pero kapag nagkaanak ka na lahat ay makakaya mong gawin. Hope is now five months old. At nakabalik na rin kami ng Pilipinas. Unang araw namin ito sa Pilipinas. Kagabi kami dumating at nine pm. Sina mommy at daddy ang sumundo sa'min ni Hope sa Italy. Si Hugo naman ay nagpaiwan na sa Italy dahil buntis si Shania. Gusto nitong sumama pauwi at ihatid kami ni Hope pero ako na mismo ang nagpresinta na huwag na lang at alagaan nalang niya si Shania dahil medyo maselan itong magbuntis. Pero hinatid niya pa rin kami ni Hope sa airport
Milan, Italy Jheanne's Pov Mula sa isang mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako dahil sa tunog na narinig ko mula sa pintoan sa main door.Sa isiping si Hugo iyon ay kaagad nabuhay ang inis sa dibdib ko."Istorbo!" naiinis kong sambit.Mula sa kama ay dahan-dahan akong bumangon at bumaba. Habang palabas ng pinto ng kuwarto ay napapahikab pa ako. Nabitin ang tulog ko at naiinis ako kay Hugo!Ano naman kaya ang kailangan niya? Ang pagkakaalam ko kasi ay lumabas sila ni Shania at namasyal. Iyon kasi ang paalam niya kani-kanina lang. Tapos na ba kaagad ang date nilang dalawa?Tamad akong naglakad patungo sa sala upang buksan ang pintoan roon. Ngunit sa pagbukas ko ay isang bonguet ng bulaklak ang siyang sumalubong sa mukha ko na hawak ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil natatabunan ito ng bulaklak."Fiori per lei signora," (Flowers for you madame)Napamaang ako. Hindi ko inabot ang bulaklak bagkus hinawi ko iyon upang makita ko ang mukha ng lalaki.He's not familiar
Handyman CompanyMakatiCarlos' Pov"Sir, heto na po ang mga papeles na pipirmahan niyo. At remind ko lang po ang meeting mo mamaya kay Mr. Mendez at 1 pm."Tsk!Papeles!Meeting!Wala na bang katapusan 'to?Nakasimangot kong binalingan si Julio. Ang bago kong sekretarya."Baka mayroon pa huwag ka na mahiya, itambak mo na lahat sa lamesa ko." makahulugang turan ko rito habang nakasimangot ang aking mukha.Mahina itong natawa saka napailing. Ipinatong nito ang mga papeles sa lamesa ko at naupo ito sa isang silya kaharap ng lamesa ko."Natural lang iyan, sir, ikaw ang may ari ng kompanyang ito e, kaya nakasalalay sayo ang lahat.""Tsk!" Muli akong napasimangot. In the past 5 months ay wala na akong ibang inatupag kundi trabaho...trabaho...trabaho! "Mabilis kang tatanda niyan, sir." natatawang komento ni Julio."Shut up and leave my office!" Natawa lang ito sa sinabi ko. Ganoon naman siya palagi e, pasalamat siya at pamangkin ko siya dahil kung hindi matagal na siyang tanggal sa trab
Milan, Italy 5 months afterJheanne's Pov "Quanto?" (How much?)Tanong ko sa tindera na nagtitinda sa prutasan dito sa Fruit market sa Milan. Ang tinutukoy ko sa kaniya ay ang ubas na hawak ko ngayon at sinisimulan ko nang kainin kahit hindi ko pa ito nababayaran.Napangiti sa akin ang italyanang tindera. Suki na ako nito sa mga paninda niyang prutas kaya sa tuwing nilalantakan ko ang mga paninda niya kahit hindi ko pa nababayaran ay wala na lang iyon sa kaniya. Alam naman kasi niya na babayaran ko ang mga nakakain ko."C'è un prezzo, tesoro." (There's a price, honey) wika nito sabay turo sa mga preso sa bawat prutas na naka-display.Mahina akong natawa bago ko muli isinubo ang isang grapes. Saka na ako nagsalita nang matapos ko na itong nguyain at lunokin. "Sto scherzando." (I'm kidding) ani ko.Napailing-iling na lang sa akin ang italyanang tindera.Kumuha ako ng mga prutas na gusto ko at inilagay ito sa isang tray. Sa dami ng mga nasa harapan ko ay hindi ko na alam kung ano ang u
Garzon Healthcare Makati Second sessionCarlos' Pov Before leaving her condo last night I told her to wait for me no matter what. Sinabi ko rin sa kaniya na kung puwede ay iwasan niya si Hugo Makatarungan. Tinanong niya ako kung bakit, hindi ko masagot dahil bakit rin ang tanong ko sa aking sarili.Nakakatawa lang isipin pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng inis nang makita kong magkasama sila ni Hugo at nagyakapan pa.Ilang oras ba akong naghintay sa kaniya sa labas ng condo unit niya? Sa tingin ko ay apat na oras. Apat na oras akong naghintay dahil gusto ko sana siyang maka-usap, pero dahil wala pa siya ay doon na muna ako tumambay sa isang bar malapit sa condo building. Nagsimula ako sa isang bote ng beer, hanggang sa ang isa ay dumami na at hindi ko na mabilang kung ilan ang naubos ko. Bumalik ako sa condo unit niya after a few hours, and there, I saw them hugging each other.May kung anong tumulak sa akin na sugurin ang mga ito pero hi
Jheanne's Pov The moment I heard what he said, my heartbeat stop from beating. Pakiramdam ko ay kinakapusan ako ng paghinga, ayaw mawala sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya at hanggang ngayon ay patuloy ito sa pagtugtog sa pandinig ko."Si Christina lang ang mahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng iba!"Those words still play like music in my head.Nakakabingi.Kahit narito ako ngayon sa isang park at maraming tao ang namamasyal at nag-iingay ay walang sinabi ang ingay nila sa ingay ng mga salitang sinabi ni Carlos na tumatak sa isipan ko.I wiped the tears that keep on streaming down my face. Hindi na yata ito maampat pa. Wala na yatang katapusan ang mga luha ko, hindi nauubos.Napabaling ako sa isang kamay na may hawak na panyo at nakalahad sa akin. Bumuntonghininga ako bago ako nagtaas ng tingin upang salubungin ng tingin ang nagmamay-ari niyon."Take it or else ako ang gagawa." anito.Napangiti ako sa sinabi niya. Kinuha ko rin ang panyo na bigay niya sa akin."Wala ba
Carlos' Pov Napamulat ako ng mga mata at marahas na napabangon."Carlos!" Narinig kong bulalas ni Ninong Esmael. Napabaling ako rito at nabakas ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.Humingi ako ng paumanhin sa kaniya. "Pasensya na po, ninong, pero kailangan ko ng umalis ngayon din." wika ko at kaagad na tumalikod."Teka, saan ka naman pupunta? Why are you in a hurry? May naalala ka ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin. "Okay ka lang ba, Carlos? Sa itsura mong iyan alam kong galit ka, sino ba ang kaaway mo?" Napatiim-bagang ako at nakuyom ko ang aking mga kamao ng mahigpit.Ang babaeng iyon!Ano ang kasalanan ni Christina sa kaniya at nakaya niya itong patayin! She's a murderer!Binalingan ko muli si Ninong. Wala na akong panahon na magpaliwanag pa. Kailangan kong puntahan si Mia ngayon din at magtutuos kaming dalawa!"I'm sorry po ninong pero saka na ako magpapaliwanag sayo.""Carlos—"Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Mabilis na
Garzon Healthcare Makati Carlos' Pov Nasa loob ako ng isang kuwarto at ako lang ang naroon, at si Ninong Esmael. Dilaw ang pintura ng dingding nito na may nakasabit na iba't ibang klase ng frame. Maaliwalas rin ang silid na ito at masasabi ko talaga na komportable ito sa pakiramdam.Si Mommy naman ay naghihintay lang sa labas. Sigurado naman ako na hindi rin siya mabuburyo dahil nakabukas naman ang tv sa labas at may malilibangan naman siya habang narito naman ako sa isang silidna ito.Today is my first day of the session. At naniniwala ako na may maalala ako ngayong araw na ito."Are you ready, hijo?" ani ni Ninong Esmael sa akin. Nakaupo siya sa couch na nasa harapan ko mismo. Sa isang tabi ay may isa pang pahaba na sofa, at sa tingin ko ay doon ako hihiga mamaya.Kaagad naman akong tumugon sa tanong niya. "I am." Tumango at ngumiti si Ninong Esmael sa akin."Lay on that sofa bed." utos sa akin ni Ninong Esmael habang iminusra ang sofa bed.Wala na akong sinayang pa na panahon,